You are on page 1of 3

HANDOUTS SA FILIPINO 7

ALAMAT (LEGEND)
• nagmula sa salitang Latin na “legendus” na nangangahulugng “upang bumasa”
• isang uri ng akdang tuluyan na nagsasalaysay sa mga pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan o katawagan
• ang mga pangyayari ay likhang isip lamang, hindi totoo at hindi kapani-paniwala
• ang layunin nito ay manlibang
BAGO DUMATING ANG MGA DAYUHAN
• May sarili ng panitikan ang ating mga ninuno
• Nakuha at nalikha ng ating mga ninuno ang panitikan dahil sa kanilang pandarayuhan
• Ang mga alamat na ito ay nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga tao
PAGDATING NG MGA INDONES
• May dalang sariling Sistema ng pamahalaan, panitikan at pananampalatayang pagano
• ang ating mga alamat ay nabahiran ng kanilang mga katutubong alamat na ang nilalaman ay tungkol sa mga anito, bathala
at pananampalataya sa dakilang lumikha
PAGDATING NG MGA MALAY
• May sariling pananampalataya
• may dala rin silang sariling alamat, kwentong-bayan at karunungang bayan
• sila ang nagdala ng sinaunang alpabeto na tinatawag na baybayin
• naisatitik ng ating mga ninuno sa mga kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng punongkahoy at sa mga bato sa
pamamagitan ng matutulis na kahoy, bato o bakal
• sa panahong ito, higit na lumaganap ang mga alamat patungkol sa pananampalatayang pagano
PAGDATING NG MGA TSINO, INDIAN, ARABE at PERSIAN
• may dala ring kaniya-kaniyang kultura na nakaambag sa patuloy na pag-unlad ng mga alamat sa ating kapuluan
• higit na umunlad ang wika at panulat ng ating mga ninuno kaya’t marami sa mga alamat ang naisulat at naipalaganap
PAGDATING NG MGA ESPANYOL
• may layuning maparami ang kanilang kolonya at maipalaganap ang pananampalatayang Kristiyanismo
• ipinasunog ng mga prayle ang mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno
• ang iba ay pinaanod sa ilog sapagkat ayon sa kanila amg mga iyon raw ay gawa ng demonyo
• ngunit ang mga alamat na nagpasalin-salin sa bibig ng taumbayan ay hindi nila nasira
• nanatili ang mga alamat hanggang sa kasalukuyang panahon.
PALENDAG
• isang instrumentong pangmusika ng mga taga-Maguindanao
• ito ay nagmula sa salitang Maguindanaoan na “lendag” na nangangahulugang “paghikbi o pag-iyak”
• gawa sa isang uri ng kawayan na tinatawag na bakayawan
• may haba na 2 hanggang 3 talampakan, may tigdalawang butas sa magkabilang gilid na isang pulgada ang pagitan
• tinutugtog na gaya ng plauta
• karaniwang itinutugtog ito ng isang nabigong mangingibig upang aliwin ang sarili

ANG ALAMAT NG PALENDAG


(Alamat mula sa Mindanao)
isinalin ni: Elvira B. Estravo

Ayon sa alamat, may isang binatang umibig sa pinakamagandang dalaga sa kanilang pook, ngunit dahil bawal sa tradisyon ng
Maguindanao ang panliligaw, ang kanilang pagmamahalan ay nanatiling isang lihim. Lihim man ang kanilang pag-iibigan, pag-iibigan
naman ito ng walang hanggan.
Isang araw, tinawag ng Datu ang binata at bilang isang kawal ng Sultan, binigyan siya ng misyon sa isang malayong lugar.
Nalungkot ang dalaga sa nalamang misyon ng binata. Sa pamamagitan ng isang kaibigan, nagkita ang dalawa bago umalis ang binata.
Sinabihan ng binata ang kanyang kasintahan na babalik agad ito pagkatapos ng kanilang misyon. Ipinangako rin ng lalaki na siya ay
susulat nang madalas. Sa unang isang linggo, panay ang dating ng mga sulat na punong-puno ng pagmamahal at pag-aalala ngunit
pagkatapos ng ilang buwan, dumalang ang dating ng sulat hanggang sa ito ay tuluyang nawala.
Isang araw nabalitaan niya sa isang pinsan ang nakakalungkot na balitang ang binata ay ikinasal sa isang babae sa lugar ng
misyon. Lubhang nasaktan ang dalaga sa nalamang balita. Kaya naman upang maitago sa mga magulang ang kalungkutan,maraming
oras ang ginugugol niya sa kanyang habihan (lugar kung saan gumagawa ng tela).
Parati siyang umiiyak nang tahimik. Ang kanyang luha ay laging pumapatak sa kapirasong kawayan na ginagamit niya sa
paghahabi. Nagkabutas ang kawayan dahil sa laging pagpatak dito ng luha ng dalaga.
Isang araw sa ‘di sinasadyang pagkakataon, nahipan (blow) ng dalaga ang palendag at lumabas ang isang matamis subalit
malungkot na tunog. Mula noon, inaliw na niya ang sarili sa pagtugtog ng palendag.

BASAHIN SA PAHINA 111-112 NG INYONG AKLAT ANG ISA PANG HALIMBAWA NG ALAMAT NA
PINAMAGATANG “ANG BUNDOK PINTO”

KONOTATIBO AT DENOTATIBO
DENOTATIBO
- LITERAL na kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo
KONOTATIBO
- tumutukoy sa intensyon ng nagsasalita o sumusulat
- HINDI LITERAL ANG KAHULUGAN

HALIMBAWA NG DENOTATIBO
1. “bagyo”- ito ay dulot ng kalikasan.
halimbawa: Malubha ang sinapit ng siyudad ng Tacloban dahil sa bagyong Yolanda.
2. ahas- isang uri ng hayop
Halimbawa: May nakita akong ahas kanina sa damuhan.
3. krus- isang uri ng bagay na pinapahalagahan ng mga Kristiyano,
Halimbawa: Si Hesu Kristo ay ipinako sa krus.
4. tinik- manipis na buto ng isang isda o kaya naman ng isang halaman (thorns)
Halimbawa: Sumakit ang aking lalamunan dahil sa bumarang tinik mula sa aking inulam na pritong isda.

HALIMBAWA NG KONOTATIBO

1. “bagyo”- nangangahulugang problema o pagsubok.


halimbawa: Sunod-sunod ang dumating na bagyo sa kanyang buhay ngunit nanatili siyang matatag.
2. inahas- nangangahulugang trinaydor.
Halimbawa: Inahas ni Juan ang nobya ni Daniel na matalik niyang kaibigan.
3. krus- mabigat na pagsubok
Halimbawa: Pasan niya ang krus sapagkat siya lamang ang mag-isang bumubuhay sa kanyang pamilya.
4. tinik- nagdadala ng problema o sakit sa ulo
Halimbawa: Siya ay tinik sa lalamunan ng kanyang pamilya dahil sa sobrang pasaway at basagulero.

BULONG AT AWITING-BAYAN NG KABISAYAAN


BULONG
• Isang matandang uri ng panitikan na nasa anyong patula na naglalaman ng dasal
• tinatawag din itong orasyon
• Ito ay isang panalangin na kadalasang ginagamit sa pag-aalis ng kulam o ng mga sakit sanhi ng mga engkanto
• Hanggang ngayon ang mga tagalalawiganin ay gumagamit pa rin ng bulong lalong lalo na kapag sila ay dumadaan sa
masukal o mapunong lugar at sa punso (umbok ng lupa)
• Ginagawa ito upang hindi magambala ang mga lamang-lupa o mga engkantong naninirahan sa lugar na iyon
• ginagamit din ang bulong panggamot sa mga nauusog (siniraan ng mga hindi nakikitang nilalang, ang kadalasang sintomas
ay pagsusuka at pagkahilo sa hindi malamang dahilan)
• Sa bisa ng bulong ay gumagaling ang may sakit

MGA HALIMBAWA NG BULONG


1. “TABI, TABI PO”
- bulong na sinasabi kapag ikaw ay nasa gubat habang naglalakad
2. “AMING PUPUTULIN LAMANG, ANG SA AMING NAPAG-UTUSAN”
- bulong na sinasabi kung ikaw ay nangangahoy sa gubat bilang paghingi ng paumanhin

3. “DAGANG MALAKI, DAGANG MALIIT, HETO NA ANG NGIPIN KONG SIRA AT PANGIT. BIGYAN MO NG
BAGONG KAPALIT”
- bulong na sinasabi kapag nabubungian ng ngipin at humihingi ng panibagong ngipin at ito ay ihahagis sa bubong
ng bahay

AWITING-BAYAN

• Isang uri ng katutubong panitikan na nasa anyong patula ngunit may tugtugin at indayog na naaayon sa damdamin, kaugalian
at himig ng pag-awit noong unang panahon
• Marami sa mga awiting-bayan ay naririnig pa natin hanggang sa kasalukuyang panahon
• nagsasalaysay ng damdamin, karanasan, kaugalian at pananampalataya

IBA’T IBANG URI NG AWITING-BAYAN

1. OYAYI o AWITING PANGHELE SA BATA


2. DIONA o AWITIN TUNGKOL SA KASAL
3. KUNDIMAN o AWIT NG PAG-IBIG
4. KUMINTANG o AWIT-PANDIGMA
5. SOLIRANIN o AWIT SA PAGGAGAOD O PAGTATRABAHO
6. TIKAM o AWIT SA BAYANING NAGTAGUMPAY
7. TALINDAW o AWIT SA PAMAMANGKA

8. KUTANG-KUTA o AWITING PANLANSANGAN

9. MALUWAY o AWIT NG MGA TAONG SAMA-SAMA SA PAGGAWA

10. DUNGAW o AWIT SA PATAY

11. SAMBOTANI o AWIT NG PAGTATAGUMPAY

12. PANANAPATAN o PANGHAHARANA


13. BALITAW o HARANA SA VISAYAS

14. PANGANGALULUWA o AWIT SA ARAW NG MGA PATAY

MGA HALIMBAWA NG AWITING-BAYAN NG KABISAYAAN

HILIGAYNON

• DANDANSOY- awit ng pamamaalam sa isang batang lalaki na nagngangalang Dandansoy

• FILEMON- patungkol sa pangingisda ni Filemon na napupunta lamang sa pagbili niya ng tuba

WARAY

• LUBI-LUBI - “LUBI” na nangangahulugang “niyog”

- ito ay madalas ituro sa mga bata upang matutunan nila ang pagkakasuond-sunod ng mga buwan sa isang taon

• TIKBULAN- awit tungkol sa isang maliit na ibon

• AN IROY NGA TUNA- ito ay nangangahulugang “lupang sinilangan”

- sinasabing ikalawang pambansang awit ng mga Waray

CEBUANO

• POBRENG ALINDAHAW- awiting-bayan patungkol sa tutubi na naghahanap ng madadapuang bulaklak

• PAKITONG-KITONG- awiting-bayan patungkol sa isang alimango na masarap ngunit mahirap hulihin sapagkat ito ay
naninipit

• AKO KINI SI ANGI- sinasabi sa awiting ito na hindi madali ang trabaho ni Angi na pananahi sapagkat maliit lamang
ang kanyang kinikita kahit na araw at gabi pa siyang manahi

You might also like