You are on page 1of 9

1

Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap sa Pagsasalaysay


Aralin Pagsulat ng Balangkas
Ang Paksa ng Napakinggan/Nabasang Teksto
2

Mga Inaasahan

Magandang araw sa iyo!

Sa modyul na ito ay malilinang ang iyong kakayahan na maibahagi ang


sarili mong karanasan sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang uri ng
pangungusap, pagsulat ng isang balangkas mula sa mga nakalap na
impormasyon, at pagbibigay ng paksa sa napakinggan/ nabasang teksto.
Inaasahan na sa pagkatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang
sumusunod na kasanayan:

1. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng sariling


karanasan (F4W6-4a-13.1)
2. Nakasusulat ng isang balangkas mula sa mga nakalap na impormasyon mula
sa binasa. (F4PU-IVab-2.1)
3. Naibibigay ang paksa ng napakinggan/nabasang teksto (F4PN-IVb-7)

Sasagutan mo ang mga gawain at pagsasanay sa nakalaang sagutang papel.

Paunang Pagsubok
Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang kung anong uri ito ng
pangungusap (pasalaysay, patanong, pautos, pakiusap o padamdam)

__________ 1. Nanalo ng unang gantimpala ang isinulat niyang kuwento.

__________ 2. Aalis ba kayo sa susunod na linggo?

__________ 3. Pakiabot po ang tubig sa mesa.

__________ 4. Kumilos ka na at nang hindi ka mahuli sa inyong klase.

__________ 5. Yehey! Nanalo siya ng unang gantimpala.

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-


tanaw sa nakaraang aralin.

Modyul sa Filipino 4
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo
2

Balik-tanaw

Sanggunian: NESCAFE Original “Farmer” TVC 2019

Mula sa patalastas na nasa itaas, bumuo ng iba’t ibang pangungusap.

1. _________________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________________

Pagpapakilala ng Aralin
Basahin at unawain ang maikling kwento.
Ang Mangingisda
ni Rosita P. Tonido

Minsan may isang mangingisda na pumalaot upang manghuli ng isdang


maibebenta at kanilang maiuulam na rin. Siya si Mang Ben. Subalit madalas siya ay
bigo. “Sana naman ay suwertihin ako ngayon. Bakit kaya mailap ang mga isda
ngayon? Magpahuli na kayo, mga isda. Pakiusap, magpahuli na kayo para may
maiulam kami.” ang usal ni Mang Ben habang matiyaga siyang nagsasagwan. Minsan,
sumagi na rin sa isipan niya ang gumamit ng dinamita upang dumami ang huli nang
sa gayon ay maiahon ang pamilya sa hirap ng buhay lalo na sa panahon ng
pandemya. Subalit sa kabilang banda ay naiisip niya rin na maaaring masira ang
karagatan kung gagawin niya ito. Umuwi siyang walang nahuling isda.
Muli siyang pumalaot upang manghuli ng isda. Habang siya ay nasa laot,
tumingala siya sa langit at umusal ng isang dasal. “Panginoon, loobin niyo po na may
huli ako ngayon, ilang araw na pong walang makain ang pamilya ko.” Kasabay nito ay
inihulog niya ang kaniyang lambat. Matiyaga siyang naghintay at nang maramdaman
niyang bumibigat ang kaniyang lambat, “Ha-ha-ha! Isda! Maraming isda! Nakahuli na
ako ng mga isda! Salamat po Panginoon!” Tuwang-tuwa si Mang Ben na umuwi sa
kaniyang pamilya na halos hindi niya mabitbit ang dala-dala dahil sa dami ng huli.

Modyul sa Filipino 4
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo
3

Ang bawat pagtitiyaga ay may kahihinatnan. Ayon nga sa kasabihan, “Kung


may tiyaga, may nilaga.” Samahan lamang ito ng matinding pananampalataya sa
Panginoong Diyos at tiyak na tayo’y pakikinggan Niya.

Muli nating balikan ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit.


1. Pasalaysay - Ito ay pangungusap na nagsasalaysay o nagkukuwento. Nagtatapos
ito sa bantas na tuldok (.)
Halimbawa: Walang gaanong nahuli ang mangingisda ng araw na iyon.
Iisang isda lamang ang kaniyang nahuli.
2. Patanong - Ito ay pangungusap na nagtatanong. Nagtatapos ito sa tandang
pananong (?)
Halimbawa: Bakit kaya wala siyang gaanong nahuli?
Uuwi na kaya siya?
3. Pautos - Ito ay pangungusap na nag-uutos. Karaniwang nagtatapos ito sa tuldok.
Halimbawa: Pumunta ka sa laot.
Ihulog mo ang iyong lambat.
4. Pakiusap - Ito ay pag-uutos na may lambing. Ginagamit ang mga salitang maaari,
makisuyo o ang mga panlaping maki-, paki- sa pagpapahayag ng mga pangungusap
na pakiusap. May ilang mga pagkakatataon na ginagamit ang mga bantas na tuldok o
tandang pananong sa pakikiusap.
Halimbawa: Pakiusap magpahuli na kayo nang may maiulam kami.
Panginoon, pakiusap loobin niyo po na makahuli ako ngayon.
5. Padamdam - Nagpapahayag ito ng damdamin gaya ng pagdadalamhati, pagkagulat
pagkatuwa o pananabik. Gumagamit ito ng tandang padamdam (!)
Halimbawa: Ha-ha-ha! Isda, maraming isda!
Nakahuli ako! Salamat po Panginoon!

B. Pagbabalangkas mula sa nakalap na impormasyon sa kuwento


Ang balangkas ay tamang pagkakahanay-hanay ng mga salita at
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pamamagitan ng pagsulat ng mahalagang
punto hinggil sa paksa.
Ang paggamit ng balangkas ay tumutulong upang mas maalala ng mga mag-
aaral ang mga impormasyon at maunawaan nang mabuti ang kuwentong binasa.

Pamagat:
Ang Mangingisda

Simula:
Gitna: Wakas:
Ang mangingisda ay
Matiyaga siyang Nakahuli siya ng
laging bigo dahil walang
nagbantay at nagdasal maraming isda.
huling isda.

C. Pagbibigay ng Paksa sa Napakinggang/Nabasang Kuwento


Ang paksa ay ang pangunahing pinag-uusapan sa loob ng teksto. Ito ang
pinakatuon o sentro ng teksto. Tinatawag din itong tema ng teksto o ng akda. Ang
kadalasang tema ng mga akda ay tungkol sa pag-ibig, pananampalataya, at
pakikibaka.
Halimbawa:
1. Florante at Laura – pag-ibig at pakikibaka

Modyul sa Filipino 4
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo
4

2. Sa Ugoy ng Duyan – pag-ibig ng ina

Mga Gawain

Gawain 1.1 Wastong Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap


Gumawa ng pangungusap ayon sa hinihingi. Gumamit din ng malaking titik at
angkop na bantas.

1. Pasalaysay: Magaganda ang mga bulaklak sa hardin.

Padamdam: _____________________________________________________________________

2. Patanong: Nakahuli ka ba ng malaking isda?

Pasalaysay: _____________________________________________________________________

3. Padamdam: Hala! Nasusunog ang palengke!

Patanong: _______________________________________________________________________

4. Pautos: Iabot mo sa akin ang basahan sa mesa.

Pakiusap: _______________________________________________________________________
5. Pakiusap: Maari bang kunin mo ang aking gamit sa kuwarto?

Pautos: _________________________________________________________________________
Gawain 1.2 Pagbuo ng Balangkas
Punan ang balangkas ng mga impormasyon mula sa kuwentong nasa ibaba.

Sa Kabundukan
ni Rosita P. Tonido

Isang araw, nagkayayaan ang magkakaibigan na mamasyal sa kabundukan.


Biruan, tawanan at kuwentuhan, habang masaya nilang binabagtas ang malawak na
kabundukan. Hindi nila namalayan na agaw-dilim na pala. Sinubukan nilang bumaba
subalit mapanganib kaya nagpasya nalang silang magpalipas ng gabi sa kabundukan.
Paggising nila sa umaga, namangha sila sa kagandahan ng kapaligiran. “Tunay na

PAMAGAT

DETALYE DETALYE DETALYE

kakaibang karanasan ito” wika nila.

Gawain 1.3
Mula sa kuwentong “Ang Kabundukan”, sagutan ang sumusunod na mga tanong.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa maikling kuwento? _____________________________


2. Ano ang ginawa nila sa kabundukan? ________________________________________

Modyul sa Filipino 4
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo
5

3. Bakit hindi nila namalayan na maggagabi na? ________________________________


4. Ano ang natuklasan nila paggising nila sa umaga? ____________________________
5. Ano ang paksa ng kuwento? __________________________________________________

Mahusay! Matagumpay mong natapos ang mga gawain sa modyul na ito.


Narito ang ilang mga mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan.

Tandaan

May iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit:


1. Pasalaysay - Ito ay pangungusap na nagsasalaysay o nagkukuwento.
Nagtatapos ito sa tuldok (.)
2. Patanong - Ito ay pangungusap na nagtatanong. Nagtatapos ito sa tandang
pananong (?)
3. Pautos - Ito ay pangungusap na nag-uutos. Karaniwang nagtatapos ito sa
tuldok.
4. Pakiusap - Ito ay pag-uutos na may lambing. Ginagamit ang mga salitang
maaari, makisuyo o ang mga panlaping maki-, paki- sa pagpapahayag ng mga
pangungusap na pakiusap. May ilang mga pagkakatataon na ginagamit ang mga
bantas na tuldok o tandang pananong sa pakikiusap.
5. Padamdam - Nagpapahayag ito ng damdamin gaya ng pagdadalamhati,
pagkagulat pagkatuwa o pananabik. Gumagamit ito ng tandang padamdam (!)

Ang balangkas ay tamang pagkakahanay-hanay ng mga salita at pagkakasunod-


sunod ng mga pangyayari sa pamamagitan ng pagsulat ng mahalagang punto
hinggil sa paksa.

Ang paksa o tema ay maaaring bahagi ng akda o pangungusap na binibigyan ng


pokus o tuon sa akda o pangungusap. Ito ang nagmumulat sa mga mambabasa
kung ano ang nagiging epekto ng kilos ng isang karakter sa kuwento.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Basahin ang sitwasyon at sumulat ng sariling ideya gamit ang mga uri ng
pangungusap.

1. Dumating ang kapatid mo buhat sa paaralan na maruming-marumi ang uniporme


at may galos pa sa mukha, ano ang sasabihin mo?
_____________________________________________________________________________________
2. Kumakain kayo ng hapunan ng inyong pamilya, malayo sa iyo ang pinaglalagyan ng
inumin, nais mong ipaabot ito sa nanay mo, ano ang sasabihin mo?
_____________________________________________________________________________________
3. Naglalaro ang iyong kapatid sa bakuran ninyo nang bigla itong madapa at
nagkagalos, nais mong ipaalam ito sa nanay mo.
_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 4
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo
6

4. May proyekto kayo sa Filipino subalit hindi mo gaanong naintindihan ang


paliwanag ng guro, ano ang itatanong mo?
_____________________________________________________________________________________
5. Nakalimutan mong dalhin ang proyekto na ipapasa mo sa iyong guro, tinawagan
mo ang iyong kapatid upang dalhin ito.

Pangwakas na Pagsusulit
Piliin ang letra ng tamang sagot

1. “Maganda ang aking boses.” Ito ay pangungusap na:


A. pasalaysay C. padamdam
B. pautos D. pakiusap
2. Anong bantas ang ginagamit sa pangungusap na pakiusap?
A. tuldok (.) C. tandang padamdam (!)
B. tandang pananong (?) D. kuwit (,)
3. “Huwag kang magmataas.” Gawin itong pangungusap na pakiusap.
____________________________________________________________________
4. Ano ang paksa ng maikling talata na “Ang Mangingisda”?
A. Pagtitiyaga at Pag-asa
B. Pag-ibig at Kasawian
C. Pakikipagbaka at Tagumpay
D. Wala sa nabanggit
5. Tingnan ang balangkas sa ibaba, anong impormasyon ang kulang?

Pamagat:

Simula:
Gitna: Wakas:
Ang mangingisda ay
Matiyaga siyang Nakahuli siya ng
laging bigo dahil walang
nagbantay at nagdasal maraming isda.
huling isda.

Pagninilay
Bumuo ng maikling talata mula sa larawan gamit ang iba’t ibang uri ng
pangungusap. Ibigay ang paksa ng iyong talata.

Modyul sa Filipino 4
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo
7

________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
Sanggunian: The dancing fountains at Rizal Park ________________________________________
https://www.pinterest.ca/pin/254312710194740541/

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


Mga katangian ng sagot: puntos:

 Nakabuo ng isang talata tungkol sa larawang 5 – taglay ang tatlong pamantayan


ibinigay gamit ang iba’t ibang uri ng
pangungusap 3 – dalawang pamantayan lamang
 Malinaw ang mensaheng nais iparating ng talata.
 Nakagamit ng higit sa tatlong uri ng 1 – isang pamantayan lamang
pangungusap na may wastong bantas.

Binabati kita sa iyong kahusayan! Nararapat kang purihin sapagkat


natapos mo ang lahat ng mga pagsubok na ibinigay. Kung mayroon pang
bahagi na hindi mo naunawaan ay huwag kang mag-atubili na sumangguni sa
iyong guro.

Modyul sa Filipino 4
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo
8

FILIPINO 4
SAGUTANG PAPEL
Ikaapat na Markahan- Ikalawang Linggo

Pangalan: _____________________________________ Guro: ___________________


Baitang at Pangkat: ___________________________ Iskor: ___________________

Paunang Pagsubok Balik-Tanaw

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

Gawain 1.1

1. Padamdam:

2. Pasalaysay:

3. Patanong:

4. Pakiusap:

5. Pautos:
Gawain 1.2

Gawain 1.3

1.
2.

3.

4.
5.

Modyul sa Filipino 4
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo
9

Pag-alam sa Natutuhan

1.

2.

3.
4.

5.

Pangwakas na Pagsusulit

1.

2.

3.

4.
5.

Pagninilay

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 4
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo

You might also like