You are on page 1of 11

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

KABANATA 1:
BATAYANG KAALAMAN SA WIKA AT KOMUNIKASYON

Layunin:

a.) Nakapagpapakita ng higit sa lahat ng antas ng kakayahang


komunikatibo sa akademikong Filipino
b.) Nasusuri ang katangiang panlipunan ng wika
c.) Matutunan ng mga mag-aaral ang pagkakaiba ng akademiko
at di-akademikong wika.

KOMUNIKASYON

- Mahalagang salik sa kontemporaryong sibilisasyon ang komunikasyon.


- Ang salitang komunikasyon ay hango sa ingles na “COMMUNICATION” na may
etimolohiyang “Communis” mula sa Latin na ang kahulugan ay karaniwan.
- Sa Filipino, tinatawag itong PAKIKIPAGTALASTASAN, kung saan ang salitang-
ugat na TALASTAS ay nilapian ng panlaping nagsasaad ng kilos na paki (ki) pag
at -an.
- Kung gayon, ang komunikasyon, communication o pakikipagtalastasan ay isang
proseso ng pagbabatid at paghahatid ng mensahe.

1. Itinuturing na sining at paraan ng paghahatid o paglilipat ng


impormasyon, ideya at kaalaman ng isang tao sa kapwa.

2. Paghahatid o paglilipat ng impormasyon, ideya, karanasan


at mga saloobin.

3. Ito’y prosesong daynamiko, tuloy-tuloy at nagbabago;

4. Ito’y mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan/


pakikipagunawaan.

PAHINA 3
MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

5. Ito’y pasalita o pasulat na nagpapahayag o pagkabatid ng


iniisip o dinarama sa isang paraang mabisa at kalugod-lugod.

Katangian Ng Komunikasyon

1. Isang patuloy at pagbabagong proseso.


2. May mahigpit na ugnayan ang mga elemento.
3. Ang mga pagbabago ng mga elemento ay instrumental sa
pagbabago ng kabuuang proseso.
4. Bawat kasapi ay nag-iisip at kumikilos ayon sa isang tiyak na
layon.

Mga Layunin Ng Komunikasyon

1. Magsilbing daan sa pagkakaunawaan.


2. Maipahayag ang tamang impormasyon.
3. Malinang ang pakikipag-ugnayan sa tulong ng pakikipagpalitan ng isipan.
4. Makatugon sa tungkuling panlipunan at mapahalagahan ang mga usaping
kaugnay nito.
5. Mapanatili ang mataas na pagkilala sa sarili upang matunugan ang pang araw-
araw na pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa kapwa-tao.
6. Makaimpluwensya ng mga kaisipan (concept) at
paniniwala.

Mag Uri Ng Komunikasyon

1. Komunikasyong Berbal – komunikasyong


ginagamitan ng wika, maaring pasulat o pasalita.

2. Komunikasyong Di-berbal – ginagamit ang mga kilos ng katawan o bahagi nito,


pinapahalagahan din ang kalidad ng tinig kung saan ang mga interpretasyon ay
tiyak at napagkasunduan.

PAHINA 4
MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

Komunikasyong Pantao

1. Interpersonal – proseso kung saan ang isang


indibidwal ay nakikipagpalitan ng kuro-kuro sa iba. Ang
mga kalahok ay mula sa 2 hanggang 8.

2. Pangmadla – ang pagpapahatid ng mensahe ng


isang indibidwal o pangkat ng mga tao sa mga taong
hindi nakakahalubilo at nakikita (radio, telebisyon atbp.)

3. Intrapersonal – ito ang pakikipag-usap sa sarili.


Kabilang dito ang pakikipag-usap sa sarili, pagdinig sa
sarili habang nag-iisip at ang pagdama ng mga kilos ng katawan.

Komponent Ng Komunikasyon

1. Konteksto – ang kalagayan kung saan magaganap ang komunikasyon.

Limang dimensyon:

a. Kontekstong Pisikal - kasama ang sa kontekstong pisikal ng


komunikasyon ang lugar, ang kondisyong pangkaligiran.

Halimbawa:
Pakikipag-usap ng Prinsipal sa mga guro sa loob ng opisina kumpara sa
pakikipag-usap sa restawrant.

b. Kontekstong Sosyal - ang uri ng relasyon ng dalawa o higit pang


kalahok sa isang usapan ay may kinalaman sa kontekstong sosyal.

Halimbawa:
Pakikipag-usap sa kaklasw kumpara sa guro.

c. Kontekstong Historikal - kasama ang sa kontekstong historikal ang


kaligirang maibibigay ng mga naunang episodo ng komunikasyon sa
pagitan ng mga kalahok sa usapan.

PAHINA 5
MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

Halimbawa:
Mel : Nakuha mo ba ?
Joe: Nasa ibabaw ng mesa
ko.

d. Kontekstong Sikolohikal - kasama ang sa


kontekstong sikolohikal ang kalagayang
emosyonal at damdaming dala ng taong
kasangkot sa komunikasyon.

Halimbawa:
Kung kakausapin natin yung may
dinaramdam.

e. Kontekstong Kultural - kasama ang sa kontekstong kultural ang


paniniwala, pagpapahalaga at huwarang pinanaligan ng isang pangkat ng
tao.

Halimbawa:
Paguusap ng dalawang tao na may magkaibang kultura/relihiyon.
2. Tagapagsalita – ang pinagmulan ng mensahe

3. Mensahe – nagaganap ang komunikasyon sa pamamagitan ng paghahatid at


pangtanggap ng mensahe.

4. Tagatanggap – ang kalahok na nasa kabilang dulo ng balangkas sa proseso ng


komunikasyon

5. Tsanel – ito ang ruta o daluyan dinaraanan ng mensahe.

6. Ingay – ito ang nakakasagabal sa pagbabahagi ng pakahulugan.

7. Pidbak – ang tugon o resulta ng mga kalahok ukol sa mensahe.

Narito ang tulong upang mas maunawaan ang talakayan sa Kabanata 1, buksan
ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=pBejjdvcpPY

PAHINA 6
MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

Paralanguage

- Ang Paralanguage ay kinasasangkutan ng mga kinikilalang di-berbal na tunog.


Kabilang dito ang mga sumusunod:

a. Pitch – ang taas ng tinig o baba ng tono ng tinig.


b. Volyum – ang lakas o hina ng bugso ng pagbigkas.
c. Bilis – ang katulinan o kabagalan ng pagpapahayag.
d. Kalidad ng Tinig – ang taginting ng tinig ng tagapagsalita.

WIKA

- Paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar para sa


isang particular na layunin para makapagpaliwanag.
- Maituturing na na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin ng tao, isang
instrument sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan. (Constantino 2007)

- Isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang


arbitraryo upang maging daan sa pagpapabatid (Henry Gleason)

Mga Katotohanan Ukol Sa Wika

1. Ang wika ay intermediary – daan o tagapamagitan sa unawaang pangtao.

2. Gamit ang wika sa pagtatal at paglalarawan – nababatid ang kaanyuan at mga


pangyayari sa isang tiyak na panahon sa kasaysayan.

3. Kaugnay ng lipunan at kultura – ang uri ng wika at ang gamit nito sa isang bansa
ay nagbibigay indentidad sa mga taong naniniwala dito.

4. Gabay sa Realidad – panukat sa mga katotohanang nagaganap sa kasalukuyang


panahon.

5. Mula sa kamalayan at damdamin – ang mga kaisipan at paniniwalang inilalahad


gamit ang wika ay sumasalamin sa kamalayan (consciousness) at saloobin
(feelings) na gumagamit nito.

6. Kasangkapan sa pagkatuto – ang mga realidad ng kasalukuyan, nakaraan at


ang mga pagtataya sa hinaharap ay madali at epektibong maipapabatid gamit ang
wika.

PAHINA 7
MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

Kahalagahan Ng Wika

1. Behikulo ng impormasyon at kaisipan.

2. Instrumento sa pagkamit ng kasanayang pangkomunikatibo.

3. Kasangkapan ng panitikan sa kagamitang makasining.

4. Tagapagbuklod sa mga lahi at lipunan.

5. Daan sa pagkakakilanlan ng kultura ng bansa.

6. Gamit sa pagbibigay kautusan.

7. Kakambal sa pagkatuto.

Katangian Ng Wika

1. Masistemang balangkas - may


kaayusan o order ang bawat
wika.

2. Sinasalitang tunog - mga tunog


sa paligid na makahulugan
ngunit hindi lahat ay maituturing
na wika .

3. Isinaayos sa paraang
arbitraryo - isinaayos sa sa
paraang napagkasunduan.

4. Ginagamit sa komunikasyon - mula sa salitang latin na communis na ibig


sabihin ay “to work publicly with”

5. Pantao lamang - ang wika ng tao ay ginagamit kaugnay sa pagsasalin at pag-


uugnay sa kultura.

6. Nakaugnay sa kultura -nalalaman ang pamumuhay, mithiin, saloobin, tradisyon


at paniniwala ng tao.

7. Natatangi -may sariling set ng mga tunog yunit pagmamarka.

8. Nagbabago -dinamiko ang wika. Hindi ito maaring tumangging magbago.

PAHINA 8
MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

9. Malikhain -may kakayahang makabuo ng bagong salita, parirala,sugnay at


pangungusap.

Gamit Ng Wika

1. Maglebel at magtakda – ang pagtatalaga ng katawagan sa anumang bagay na


Makita
Halimbawa: Tao, Hayop, Muebles, Mayaman, Mahirap atbp.

2. Nagpapahalaga – ang pag-uuri sa mga lebel na itinalaga sa isang bagay.


Halimbawa:
Tao - maganda, pangit, mahirap
Hayop – mabangis, mailap, mabait

3. Pagtalakay sa mga karanasang hindi pa napagdadaanan – ang mga


pagtataya o panghihinuha o kaya’y mga pagkukwento ng ngayon at kahapon.

4. Nagtatakda ng mga sinasaklaw na kahulugan – naglalagay ng hangganan sa


mga katawagan.
Halimbawa: Mansyon – malaking bahay, magara, hindi marumi

5. Nagsasaad ng pag-uutos – ito ang nagtatakda sa kapangyarihang taglay ng


tagahatid ng wika.

6. Nagbibigay impormasyon – ang mga payak at mahahalagang katotohanan ay


nababatid.

Kalikasan Ng Wika

1. May mga Elementong Operasyunal – ang


mga salitang pangnilalaman at salitang
pangkayarian (fonoloji)

2. May Ispeling – ang bawat salita ay may


natatanging baybay kung saan ang bawat tunog ay may katumbas na titik.

3. Pinagsama-samang Tunog – kaugnay ang ponolohiya at morpolohiya ng salita.

4. May Etimolohiya – ang paniwalang bawat angkan ng wika ay magkakaugnay at


may pagkakatulad ay nabibigyang patunay sa mga pinaghanguang wika ng isang
salita.

PAHINA 9
MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

5. May istrukturang Pambalarila – ito ang tumatayong batas na gabay sa pagbuo


at paggamit ng mga wika.

Mga Teorya Hinggil Sa Pinagmulan Ng Wika

1. Tore Ng Babel - Teoryang nahalaw mula sa bibliya.

Nagkaroon ng panahon na kung saan ang wika ay iisa lamang. Napag-isipang


magtayo ng isang tore upang hindi na magwatak-watak at nang mahigitan ang
Panginoon.

Nang malaman ng Panginoon, bumaba siya at sinira ang tore.

Nang mawasak ang tore, nagkawatak-watak na ang mga tao dahil iba-iba na ang
wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.

2. Teoryang Bow-Wow - Sinasabi sa teoryang ito na ang


unang wikang natutuhan ng mga tao ay nagmula sa
panggagaya ng mga tunog na nalilikha ng mga hayop.

Halimbawa:

tahol ng aso, huni ng ibon, tilaok ng manok at iba pa.

3. Teoryang Dingdong - Maliban sa mga tunog ng


hayop, ang mga tunog ng mga bagay-bagay sa ating
kapaligiran na pinaniniwalaang may sariling tunog.

Halimbawa:

pagtunog ng kampana, tsug-tsug ng tren at tik-tak ng


orasan atbp.

4. Teoryang Pooh-Pooh - Batay sa teoryang ito, nakalilikha ng tunog batay sa


bugso ng damdamin gaya ng pagkatakot, sakit, labis na katuwaan o kalungkutan,
at pagkabigla. Hindi sinasadyang nakabibigkas ng salita o kataga ang tao kapag
sila’y nagugulat, nabibigla o natatakot.

Halimbawa:

Aray ! sa Filipino at Ouch ! sa mga Amerikano

5. Teoryang Yo-He-Ho - Nalikha dahil sa pwersang gamit. Nakakalikha ang tao ng


tunog kapag may ginagawang kahit na anong bagay.

PAHINA 10
MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

Halimbawa:

Kapag nagbubuhat ng mabibigat.

6. Teoryang Yum-Yum - Sinasabi sa teoryang ito na ang iniluwal ng pagkalam ng


sikmura ng tao dala ng labis ng pagkagutom. Sinasabi ng teoryang ito na naunang
sumenyas ang tao kaysa magsalita. Ngunit sa pagdating ng tamang panahon,
kailangan niyang palitan ng mga salita ang kanyang nais sabihin. Lagi nating
naipagsasabay ang pagtango sa pagsasabi ng afirmativ na salitang tulad ng oo,
opo o kaya sige.

7. Teoryang Ta-Ta - Natutuhan ang wika sa kumpas ng maestro sa musika. Ang ta-
ta (wikang Pranses), ibig sabihin ay paalam.

8. Teoryang La-La - Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na


nagtutulak sa tao upang magsalita.

Halimbawa:

mga salita galing sa isang tula o awitin ng pag-ibig.

9. Teoryang Tarara-Boom-De-Ay - Ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita


mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang ginagawa. Ang mga ritwal na ito
kalimitan ay may mga sayaw, sigaw, at iba pang gawain, nagkakaroon ng mga
salitang kanilang pinananatili upang maging bahagi na ng kanilang kultura.

Narito ang tulong upang mas maunawaan ang talakayan sa Kabanata 1, buksan
ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=ySBLWhnMUCg

LINGWISTIKA

- Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na LINGGWISTIKA.

- Malawak ang sinasakop ng pag-aaral na ito, tulad na rin ng lawak na taglay ng


paksang pinag-aaralan.

Ilan sa mga paksang pahahalagahan natin ay ang nauukol sa morpolohiya,


ponolohiya, sintaksis at semantika.

1. Ponolohiya – ang pag-aaral ng makabuluhang tunog (Ponema) ng salita.


Nagiging makatwiran at makabuluhan ang pag-aaral na ito dahil ditto matutukoy

PAHINA 11
MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

ang magkakaibang pakahulugan sa isang balita batay sa pagpapalit ng isang


ponema nito.

Halimbawa:
PATAKA – TATAK SAMPA – SUMPA
LAKSA – LUKSA ALAM – ULAM

2. Morpolohiya – itinuturing itong palabuuan.


Sapagkat nakasentro ito sa pag-aaral ng pagbubuo
ng mga Morpema ng wika. Morpema ang tinatawag
sa unit na pinakamaliit sa isang salita na nagtataglay
ng kahulugan.

Halimbawa:

PAGLALAPI
IBIG UM + IBIG = UMIBIG
SULAT SULAT + AN = SULATAN

PAG-UULIT
BATO = BATU-BATO
ULIT = ULIT-ULIT

PAGTATAMBAL
AGAW + BUHAY = AGAWBUHAY
ANAK + PAWIS = ANAKPAWIS

3. Sintaksis - Ito ay may kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at mga kategorya


na siyang batayan ng pagbubuo ng mga pangungusap. Nagpapahalaga ito sa
wastong posisyon ng mga salitang pangnilalaman (pangalan, pandiwa, pang-uri,
pang-abay) at salitang pangkayarian (pangatnig, pananda, pang-ukol, pang-
angkop) sa loob ng pangungusap.

Halimbawa: Kinain ng bata ang malaking manok.

1. Kinain ng malaking bata ang manok.


2. Kinain ang malaking manok ng bata.
3. Ang bata, kinain ng malaking manok.
4. Ang malaking manok, kinain ng bata.

4. Semantika – ang pag-aaral ng nais o ipinakahulugan ng mga salita sa loob ng


pangungusap.

Halimbawa: Hawakan

PAHINA 12
MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

1. Hawakan mo nang Mabuti ang bata.


2. Ang hawakan sa pasilyo ay umuuga.

Mga Pilosopiyang Panglingwistika

1. Ronald Wardhaugh – tinukoy niya na ang wika ay nakasalalay sa kasarian ng


gumagamit nito. (sexism)

2. Bejamin Lee Whorf – ang wika ay nakasalalay sa mga ibinigay na


pagpapakahulugan ng mga tao sa kanyang kapaligiran.

3. Hudson – ang mga karaniwang karanasan ang siyang maging madalas na


batayan ng wika.

4. Giambattista Vico – nagkaroon ng mga payak na salita dahil ang mga ito ang
siyang nagsisilbing tugon ng mga tao sa mga pangyayari sakanyang kapaligiran.

5. Noam Chomsky – ang husay at kakayahan ng tao sa proseso ng pakikinig ang


siyang batayan ng wika ng tao.

6. Basil Bernstein – ang uri ng lipunan ang siyang sangkalang pinagmumulan ng


wika ng isang bayan. (codes)

Mga Teoryang Panglingwistika sa Pagkatuto

1. Teoryang Behaviorist ni Skinner – ang paggamit ng mga pagganyak at


pamukaw-siglang ehersisyo ang naging daan upang mapangalagaan ang
kaunlarang pangkaisipan.

2. Teoryang Kognitibo – ang pag-iisip at pagpapahalaga sa mga nakalap na


impormasyon ay mahalagang aspeto upang makabuo ng mga panibagong
pahayag ukol dito. Itinuturing na mahalagang salik sa pagkatuto ang paggawa o
mga pagkakataong gumagawa ng mali.

3. Teoryang Innate – ayon kay Noam Chomsky, ang bata ay nagtataglay ng likas
na kakayahang matutunan ang wika.

Narito ang tulong upang mas maunawaan ang talakayan sa Kabanata 1, buksan
ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=ySBLWhnMUCg

Eriberto Astorga Jr.et.al,Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik, Mindshaper Co. Inc; 2013


Cynthia B. Cruz et. al, Pagbasa at Pagsulat sa Masining na Pananaliksik, Mindshaper Co. Inc;2013
Magdalena O. Jocson et. al., Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik, Lorimar Publishing Inc. 2005

PAHINA 13

You might also like