You are on page 1of 6

Pangalan: Galang, Steve Brian S.

______________________ Marka: ____________


Kurso/Seksyon: BSIT-1L _ Petsa: Hunyo 26, 2021

A. Panuto: Subukin mong punan ng iyong ideya na sa palagay mo ay mga pangyayaring naganap
noong panahon ng Bagong Republika sa pamamagitan ng pagbuo ng akrostik na Bagong
Republika. (10 puntos).

B- Bell Trade Act na layuning maibangon ang bagsak na ekonomiya ng bansa


A- Ang pagtatatag ng Puppet Republic ng Japan sa Pilipinas na pinamunuan ni Jose P.
___Laurel
G- Golden Years of the Philippines (Panunungkulan ng dating pangulo na si Ramon
___Magsaysay)
O- Ordinansang Pilipino Muna (Filipino First Policy) sa pamumuno ni Carlos P. Garcia
N- Naging parte ng United Nations ang Pilipinas noong 1945
G- Gurong Pangulo na si Elpidio Quirino ay naihalalal noong Abril 17, 1948

R- Rebelyon ng Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP)


E- East Asian Tiger Economy ang Pilipinas noong 1960’s
P- Pagpapawalang-bisa sa Batas Militar sa bisa ng Proklamasyon 2045.
U- UP Diliman ay ipinatatag noong Pebrero 12, 1949
B- Bataan Death March na ginawa bilang Araw ng Kagitingan noong Abril 9, 1942
L- Lumaban at unang nanalo para sa Pilpinas si Gloria Diaz sa Miss Universe 1969
I- Itinadhana ang pagtatayo ng isang Konseho ng Estado na magsisilbing tagapayo ng
__pangulo
K- Kalayaan mula sa mga Amerikano noong Hulyo 4, 1946
A- Ang halaga ng dalawang Philippine Peso ay katumbas ng isang USD noong 1950’s
B.
1. Sa iyong palagay ang kwentong Suyuan sa Tubigan ay nangyayari pa rin sa kasalukuyan?

Sa aking palagay, ang mga pangyayari sa kwentong Suyuan sa Tubigan ay


nangyayari pa rin sa kasalukuyan dahil ang kwento ay tungkol sa pag-ibig ng dalawang
lalaki sa isang babae na kung saan ay nagpagalingan sila upang makuha ang loob ng
babae. Nagpapakita ito ng katangiang pagiging pursigido ng mga binatang Pilipino dahil
nagpamalas sila ng kanilang kakayahan at katangian upang makuha ang loob ni Pilang.
Kakikitaan din ang kwento ng kaisipang Feminismo na hanggang sa kasalukuyan ay
tamalak pa rin sa hindi makatarungang paniniwala ng mga kalalakihan sa
representasyong ibinibigay sa mga kababaihan, kung kaya’t mayroong iba’t ibang paraan
ang kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanilang kinakaharap kagaya ng mga batas at
plataporma na sa kanila’y magpapagaan ng loob.

Habang binabasa ko ang kwento na ito, napagtanto ko na ang tao o sumasagisag sa


tao ay may sariling kakayahan na umangat, buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Sa sitwasyon natin
ngayon na may pandemya, pilit na bumabangon sa pagkakalugmok at kahirapan ang mga
Pilipino para na rin maitaguyod ang kanilang pamilya at katulad sa kwento na
nagpapakita ng pagsusumikap upang hindi mahirapan ang kanilang magiging kalaguyo sa
hinaharap.

2. Maiuugnay mo ba ang kwentong Hippie sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas? Paano?


Patunayan.

Sa aking perspektibo, sa dahilang ang fashion at mga halaga ni Hippie ay may


malaking epekto sa kultura ng mga Pilipino sa kasalukuyan, nakakaimpluwensya sa
popular na musika, telebisyon, pelikula, panitikan, at sining. Ang pagkakaiba-iba ng
relihiyon at kultura ng mga hippies ay nakakuha ng malawakang pagtanggap, at ang
pilosopiya sa Silangan at espirituwal na mga konsepto ay umabot sa mas malaking madla,
na ngayon ay niyayakap ng ibang mga Pilipino. Makikita rin sa kasalukuyang kalagayan
ng Pilipinas na ang mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan, dahil popular at hilig ngayon
ng mga kabataang Pilipino ang droga, musika na may kaugnay sa bato, oriental
meditation, at pagrerebelde laban sa mga itinatag na institusyon. Gayunpaman, ang mga
hippies ay iniiwasang isali sa mga usaping pampulitika, na kagaya rin sa mga kabataang
Pilipino ngayon na sabi ng matatanda ay huwag silang makielam sa gobyerno, dahil
masyado pa raw mura ang kanilang edad at wala pa silang alam sa tunay na buhay at dahil
na sa kanilang pagtanggi sa mga kombensyon na naroroon sa kasalukuyang panahon.

Higit sa lahat, ang karamihan sa mga hippies na maihahantulad sa kalagayan ng


Pilipinas ay gumagamit ng cannabis (marijuana) ang karamihan ng mga tao. Isinasaalang-
alang nila na ang pagkonsumo ng gamot na ito ay kapaki-pakinabang para sa
pagpapaunlad ng espiritu ng tao. Gayundin, naisip nila na ang mga sangkap na cannabis
ay bumubuo ng isang terapewtika na pinapayagan silang tuklasin at palawakin ang
kanilang kamalayan.

3. Kung ikaw ay mahaharap sa mga tukso tulad ng sugal/bisyo paano mo maiiwasan ang
pagkahumaling dito?

Kung ako man ay mahaharap sa mga tukso tulad ng sugal o bisyo, pilit ko itong
lalayuan sa paraan ng pagbaling ng aking pansin sa ibang mga nakakahumaling na bagay
kagaya ng mga aktibidad katulad ng paggawa ng mga gawaing bahay at paggawa ng mga
proyekto para sa pag-aaral na makakatulong para sa aking sarili at sa aking kinabukasan.
Kung ako man ay mahuhumaling sa isang bagay, gagawin ko ito nang naaayon sa aking
oras at hindi ko pababayaan na makonsumo ang aking oras sa mga gawaing walang
kahalagahan at kabuluhan sa aking buhay.
4. Kung ikaw si Lope K. Santos paano mo hihikayatin ang ibang tao na talikdan ang nakagawian
nilang bisyo tulad na lamang ng pagkaadik sa sugal at pagkalulong sa droga?

Para sa mga naaadik sa sugal, ang pag-angat sa buhay ay kailangan ng


pagpupursigi at paniniwala na kaya natin itong labanan at lagpasan. Maaari nating matigil
ang lubusang pagkahumaling sa pagsusugal sa paraang pagtuon ng pansin sa marami pang
ibang libangan at maaari natin itong magawa tuwing tayo ay may libreng oras. Ito ay
maaring mga bagay na kinagigiliwan natin tulad ng isports, pagbabasa o pagsasayaw. Para
naman maiwasan ang pagkalulong ng mga tao sa droga, maaaring pagkaraang
maresetahan ang pasyente, maaaring itabi ng parmasyotiko ang reseta upang hindi na
muling makakuha ng gamot ang pasyente ng higit pa sa sinasaad ng manggagamot na
nagreseta. Sa gayon, kinakailangan makipagkitang muli ang pasyente sa doktor upang
kumonsulta. Irerekomenda ko rin sa mga lulong sa droga na humingi sila ng tulong sa mga
doktor o espesyalista sa pag-iisip na kung ano ang mga paraan upang unti-unting mawala
ang pagkahilig nila sa droga.

5. Ano ang mensaheng nais iparating ng tulang Isang Dipang Langit sa mga mambabasa?

Ipinapakita ng tulang ito ang kalungkutan na nadarama ng nagsasalita dahil sa


kanyang pagkabilanggo. Ipinaramdam ng tula ang hirap na dinaranas ng isang bilanggo at
ang kanyang hangaring makalaya. Dahil sa pagpapakita nito sa kahirapan ng pagiging
isang bilanggo, nagbigay ito ng mensahe na ayusin ang ating mga ugali o kilos dahil hindi
makabubuti sa atin ang kasamaan. Ipinapahiwatig ng tula na dapat tayong gumawa ng
mabubuting asal para sa kapakanan ng ating pamilya lalo na sa atin at sa ating mga gusto
pang gawin sa buhay.

6. Lahat ba ng nabibilanggo ay may sala? Palalimin ang iyong sagot.


Hindi lahat ng nasa bilangguan ay may kasalanan, karamihan sa kanila ay na-
frame up lamang o biktima ng pagkakataon dahil sa ibang sitwasyon, ang iba na walang
alam sa batas ay lumalagda sa mga form na hindi nila nauunawaan at hindi nila nais
lagdaan. Ang iba naman ay ginagamit sa kanila ang kanilang mga aksyon laban sa kanila,
dahil ang karamihan sa mga tao ay hindi alam na may karapatan silang hindi magsalita at
akala ng karamihan na hindi puwedeng gumamit ng telepono para kuhanan ng litrato o
itala ang mga nangyayari tungkol sa kanilang nasabing kasalanan. Sa ibang pagkakataon
naman ay may sitwasyong tinatakot ang mga taong walang kasalanan upang akuin ang
kasalanan ng mga taong may tunay na kasalanan, ito ay kadalasang nangyayari sa pagitan
ng mga mayayaman at mahihirap sa ating bansa, dahil lubos na makapangyarihan, lalo na
sa batas ang mga mayayaman sa mata ng ibang tao.

7. Sa kasalukuyang panahon, gaano kasahol o kalala ang ginagawang pagyurak sa karapatang


pantao sa Pilipinas?

Ang mariing pokus na hadlangan ang mga banta sa pambansang seguridad at iligal
na droga ay siyang nagbunsod ng mga malubhang paglabag sa karapatang pantao sa
Pilipinas, kabilang na ang pagpatay at di-makatwirang pagkukulong, pati na rin ang
paninira sa di-pagsangayon sa nasabing plataporma ng administrasyong Duterte. Mula ng
ilunsad ng Pamahalaan ang kampanya nito laban sa iligal na droga noong 2016, opisyal na
naitala na hindi bababa sa 8,663 katao na ang napatay; may ilan ding mga pagtatantya na
higit triple nito ang totoong bilang. Ang UN Human Rights Office ay nakapagtala, sa
pagitan ng 2015 at 2019, na hindi bababa sa 248 na mga tagapagtanggol ng karapatang
pantao, abogado, mamamahayag at unyonista ang napatay kaugnay sa kanilang mga
gawain.

Mayroon din ngayong nangyayaring “red-tagging”; ang pagbansag sa isang


indibidwal o grupo bilang mga komunista o terorista na ay nagdulot ng isang malubhang
banta sa lipunang sibil at kalayaang magpahayag, ang iba ay nakatanggap ng mga banta
na papatayin o mga komentong may bahid ng kahalayan sa kani-kanilang pribadong
mensahe o social media.

8. Pumili ng isang akdang pampanitikan mula sa mga akdang nabasa. Ang iyong napiling akda
ay gagawan mo ng bago nitong pamagat. Ipaliwanag kung bakit ganoon ang napiling maging
pamagat.

Ang napiling kong akdang pampanitikan na nais kong palitan ang pamagat ay ang
“Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda. Ang nais kong ipalit na pamagat ay “Hidwaan sa
Relasyon”, dahil ang tunggalian sa kwento ay tao laban sa tao dahil magkaribal sina Pastor
at Ore sa puso ni Pilan at ito tungkol sa pag-ibig ng dalawang lalaki sa isang babae na
kung saan ay nagpagalingan sila upang makuha ang loob ng babae. Nagpapakita ito ng
katangiang pagiging pursigido dahil nagpamalas sila ng kanilang kakayahan at katangian
upang makuha ang loob ni Pilang. Maaari ko rin ipalit na pamagat ay “Kasarinlan”, dahil
nagsimula ang kwento na may isang batang mahirap.at nag-aaral siya. Sa paaralan ay
kapansin-pansin ang kanyang pagiging walang-imik, malimit siyang nag-iisa at palagi
siyang nasa isang sulok. Mensahe din ng akda na ito ang sariling kakayahan na umangat
buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika. Ipinakita rin sa akda na sa karanasan ni Pilang sa kanyang masalimuot na
nakaraan ay bahagi ng kanyang pagkahubog sa kasalukuyan at hinaharap na maaari
nating sabihin na siya ay isang matapang at independienteng babae.

You might also like