Professional Documents
Culture Documents
Filipino Las Week 1
Filipino Las Week 1
MELC:
Naisusulat ang isang bukas na liham na nagpapahiwatig ng mga hinaing
Natitiyak ang mga bahagi ng pagiging makatotohanan ng akdang napakinggan sa pamamagitan ng
pag uugnay sa ilang pangyayari sa kasalukuyan
Objectives/Subtasks:
Nasusuri ang isang kabanata bilang akdang pampanitikan sa pananaw na Realismo
Reference/Source: Sibs Publishing House, Inc., My Distance Learning Buddy: A Modular Textbook for the
21st Century Learner, Filipino 9 Q4
Key Concepts:
Marami ang natuwa sa pagdating ni Maria Clara kasama si Tiya Isabel. Nagkita ang magkasintahan at
masaya silang nag usap.
Naging masaya ang salusalo sa gubat. Nahaluan lamang ito ng takot nang may sumulpot na buwaya.
Iniligtas ni Ibarra si Elias sa tiyak na kamatayan . Napayapa ang kalooban ng lahat nang makitang
parehong ligtas ang dalawang binata.
Humingi ng payo si Ibarra kay Pilosopo Tasyo tungkol sa pagpapatayo ng bahay-paaralan. Tumugon
ang matanda at nagsabing sa mga maykapangyarihan dapat humingi ng payo ang binata at yumuko na
lamang ito sa lahat ng kanilang sasabihin.
Habang abalang-abala ang lahat sa nalalapit na kapistahan ay abala rin ang mga manggagawa sa
pagtatayo ng bahay-paaralan.
Nagkayayaan sina Maria Clara at mga kaibigan sa plasa. May nakitang ketonging pulubi si Maria
Clara. Inilimos ng dalaga ang relikaryo na kabibigay pa lamang ni Kapitan Tiago. Nakita nila si Sisa na
hinuli ng guwardiya sibil. Marangya ang nagging handaan sa bahay ni Kapitan Tiago. Hindi nakarating si
Ibarra dahil may karamdaman ito. Kaya pinadalhan na lamang siya ng sulat ng kasintahan.
MGA GAWAIN
1
GAWAIN: 1
PANUTO:
Masasalamin sa akdang binasa na si Sisa ay larawan ng isang tipikal na inang Pilipina na
tutok sa kapakanan ng kanyang mga supling. Di maitatatwang sa kasalukuyan, ang tipikal na imahe
ng isang ina bilang tagapangalaga ng tahanan ay unti unti nang nabago bunga na rin ng
impluwensiya ng mga pagpapahalagang kanluranin at sanhi na rin ng mga pagbabago sa buhay ng
pamilyang Pilipino.
Bilang pag-uugnay ay bumuo ka ng masusing paghahambing ng mga katangian ng ina noon na
masasalamin sa katauhan ni Sisa at ng katangian ng ina sa kasalukuyan. Gawin ito sa isang Venn
diagram at pagkatapos ay ipaliwanag ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nasa
ibaba.
1. Bakit kaya nagkaroon ng mga pagbabago sa katangian ng mga ina noon at ng mga ina sa
kasalukuyan?
2. Sa iyong plagay , ano- anong katangian dapat taglayin ng isang ina upang siya ay masabing isang
mabuti at ulirang ina?
GAWAIN: 2
PANUTO:
2
Sa panahon ngayon ay laganap na ang mga karamuldumal na pangyayari, isa na dito ang
pagkadamay ng mga ordinaryong tao na namatay na hindi manlang nakamit ang hustisya.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon magbigay ng isang liham para sa pangulo ano ang iyong
Interpretasyon:
16-20 Napakahusay 6-10 Katamtaman
11-15 Mahusay 1-5 Kailangan pa ng pagsasanay
3
4