You are on page 1of 1

MODYUL 5: Akdang Pampanitikan Hinggil sa Karapatang Pantao

(Tata Selo ni Rogelio Sicat)

REPLEKSYON

Ang kwento ni Rogelio "Roger" R. Sicat ay tungkol sa isyu ng


lipunan ukol sa mga karimlan ng pamahalaan at ang mga opisyal nito.
Nalaman ko dito na kung sino pa ang may hawak ng lakas o kontrol sa
komunidad, sila pa ang nagiging rason kung bakit naghihirap ang mga tao.
Ibig nito ipakita at ipamulat ang mga masasaklap na katotohanan tungkol
sa lipunan. Naipapakita rin nito ang mga kasawian sa buhay na hindi
dapat takasan. Nalaman ko din na may mga nasaktang mga tao na nais
maghiganti at ang mga pagtatakip ng mga tao sa ganitong gawain. Paulit-
ulit na mangyayari ito kung patuloy ang paghihiganti at galit ang
papairalin natin. Sumasalamin ito sa mga desisyon na nagagawa natin
kung puno ng galit ang ating mga puso. Karaniwan nakakagawa tayo ng
maling desisyon na magpapalala pa sa sitwasyon.

You might also like