You are on page 1of 3

Edukayon sa Pagpapakatao Baitang 10

UNANG ARALIN

ANG MGA MANUNULAT NG MADIDILIM NA PADER

Maghanda Tayo!

Ang mga sumusunod na kuwento ay nangyari saan man sa kalagitnaan ng isang labanan sa
pagitan ng kambal na sina Ryan at Ken, upang makuha ang mga nakahihigit na pagmamay-ari sa
kanilang mahiwagang laruang kahon sa tahanan. Tungkol ito sa kung paano sinikap ng mga
mapag-usisang isip ng dalawang batang iyon na maintindihan ang “malaking” sansinukob sa
kanilang paligid.

Magpatuloy Tayo!

Ang kambal na Santos, sina Ryan at Ken, ay nagsunggaban at nagtatalunan sa paligid ng

lumang bahay tulad ng dalawang batang leon na sinasanay sa kanilang mga taktika sa paninila ng
biktima. Pagkatapos, natuklasan nila ang isang kakatwang bagay: ang mahiwagang kahong
kartong naiwan ng kanilang Tatay. Tama ang laki nito para sa kanilang dalawa, subalit maaari
lamang magkaroon ng isang kapitan sa barko, hindi dalawa. Nagsimula ang labanan.
“Akin ang kahong ito!” sabi ni Ryan na mas matanda ng dalawang minuto. “Pero nauna
kong nakita ito!”. Sabi ni Ken. Sinunggaban ni Ryan ng isang nakalapag na unan at hinampas si
Ken sa ulo. Gumanti si Ken sa parehong paraan.
Sa gitna ng matinding labanan sa pagitan ng mga panginoon ng “malaking” sansinukob,
isang nakasisilaw na ningning ng liwanag ang tumama sa pagitan ng mga naglalabanang pwersa,
na nakapagbabalik sa kanila sa taglay nilang kamusmusan. Mabilis silang tumakbo upang
magtago. Saka nagsimula ang hiwaga.
Tingnan nang Mas Malapit!

MARAMING PATPAT NA PIGURA

-Ni Ronaldo Milagrosa

Ang kakatwang maningning na liwanag ay tumama sa dalawang magkalabang nakasiksik

sa likuran ng antigong silya. “Lumabas kayong dalawa!”. Sabi ng liwanag. “Magkakaroon ng
panulat ang bawat isa at ipapadala sa isang lugar kung saan walang pangalan ang kalye. Isang
lugar kung saan madidilim ang mga nakapalibot na pader at gumagalaw nang tuloy- tuloy. Kung
ano ang naroon ay narito, at kung ano ang narito ay naroon. Sa lugar na ito, ang huli ay mauuna
at ang una ay mahuhuli. Ang lahat ay isa at ang isa ay lahat. Ang wala ay lahat at ang lahat ay
wala,” idinagdag ng tinig ng liwanag. Pagkatapos, sinabi ng tinig, “Pulutin ninyo ang mga yeso
sa sahig at sundin ang aking tinig.” Pagkatapos, nagdilim ang lahat. Dinala sina Ryan at Ken sa
isang lugar na hindi pa nila nakikita. Isang nakapangingilabot na lugar upang makita ng isang
batang musmos, na may masalimuot na mga daang walang patutunguhan. “Dapat unang
makalabas ang isa sa inyo sa Madilim na Kutang Siyudad, o manatili kayong dalawa sa
kawalang-hanggan,” sabi ng tinig. Habang naglalakad ang dalawang musmos sa kawalang- pag-
asa at paghihirap, napansin nila ang isang bahagyang naiilawang bahagi ng siyudad sa dakong
Hilaga.
“Ngunit saan ang daan? Kapwa nila tinanong ang kanilang mga sarili. “Para saan ang
yeso?” bulalas ni Ken. “Hoy, hindi ba nadaanan na natin ito?” biro ni Ryan. “Oo nga!” sigaw ni
Ken. “Alam ko na!” sabi ni Ryan. “Magsulat tayo sa pader, at kapag nakita natin ito ulit,
malalaman natin kung nakadaan na tayo rito, saan dapat lumiko, at ano ang nakita natin sa dulo
ng daan.” “Lubhang tama ka`tol! Isa kang henyo!” sagot ni Ken.
Kaya nagsulat ang dalawa at gumuhit- guhit sa pader kung ano ang nakita nila at kung
saan pupunta, at gumuguhit ng maraming patpat na pigura. Kapag napakadilim ng kalye,
nagsusulat at gumuguhit sila ng isang mukhang bombilyang pigura.
Kapag nakakita sila ng isang hayop na nakabitin nang patiwarik, iginuguhit nila ito. Sa
dulo ng huling kalye, nakita nila ang bahagyang naiilawang bahagi ng Madilim na Kutang
Siyudad. Gumapang sila nang isa- isa at nakita ang isang maningning na liwanag. Nakatayo ang
dalawang malaking-binti sa harapan nila. Sa “Tatay” nila ang mga iyon, na masayang niyapos at
binuhat ang dalawa na nakalabas sila mula sa Madilim na Kutang Siyudad.
Sa huli, kailangang burahin ng Tatay ang lahat at iginuhit sa yeso sa bahay. At sa
pinakasulok na dulo ng kuwarto ay nakalapag ang “kahon.”
Tumigil at Mag-isip Tayo!

Ang tinig ng liwanag ay nagsalita sa mga talinhaga. Ang mga talinhagang ito ay
nakakiling sa ganap na pag-iisa ng katawan at kaluluwa at ng isip at sa puso. Ang lahat ay isa.
Ang isa ay lahat.
Mahuhulaan mo ba kung kaninong tinig iyon? Bakit mo nasabi iyan?
______________________________________________________________________________

Karagdagang Hamon!

Sikapin mong unawain ang kahulugan ng isang gumagalaw sa pader at ng “malaking”

sansinukob. Ilista ang lahat ng metapora sa kuwentong nabasa. Sino ba talaga si “Tatay?”
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

You might also like