You are on page 1of 14

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Liongo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Estelita R. Portillano
Tagasuri: Concepcion A. Argame
Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña, EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 10
Ikatlong Markahan
Modyul 1 para sa Sariling Pagkatuto
Liongo
Manunulat: Estelita R. Portillano
Tagasuri: Concepcion A. Argame / Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 10 ng Modyul 1 para sa
Aralin 3.1 Liongo!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO 10 Modyul 1, ukol sa Aralin 3.1 Liongo!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng
Africa at Persia.
2. Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa:
 suliranin ng akda
 kilos at gawi ng tauhan
 desisyon ng tauhan

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:

A. Nakapaglalahad ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng


Africa at Persia.
B. Nakapagsusuri ng mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa
suliranin, pagdedesisyon, kilos at gawi ng tauhan.
C. Nakapagbibigay ng aral sa buhay na natutuhan batay sa mitolohiyang
nabasa.

PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Piliin at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

_____1. Ang mitolohiya ng mga taga-Africa ay may makabuluhang parte sa


araw-araw na pamumuhay ng mga _______________.
A. Amerikano B. Aprikano C. Persiano D. Pilipino
_____2. Ang mitolohiya ng Persia ay mga tradisyunal na kuwento na
tumutukoy sa mga kakaibang _______________.
A. bulaklak B. halaman C. hayop D. nilalang
_____3. Si Liongo ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay
na _________________ sa kanilang lugar.
A. mang-aawit B. makata C. mananalumpati D. mananayaw
_____4. Ang tanging nakababatid ng lihim ni Liongo noong una ay siya at
ang kanyang ________________.
A. ama B. anak C. asawa D. ina
_____5. Ang Patrilinear ay pinamamahalaan ng mga ______________.
A. kababaihan B. kabataan C. kalalakihan D. matatanda

6
Panuto: Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang sumusunod na pahayag.

1. Ang dula ay isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na


maraming tagpo.
2. Magkasundo ang mga magulang nina Romeo at Juliet.
3. Pag-inom ng lason ang naging sanhi ng kamatayan ni Romeo.
4. Sinaksak ng balaraw ni Juliet ang sarili nang malamang patay na
si Romeo.
5. Trahedya ang naging wakas ng pagmamahalan ng magkasintahang
Romeo at Juliet.

ARALIN
Basahin at unawain ang nilalaman ng mitolohiya mula sa
Kenya.

Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng
Kenya. Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na
makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang
higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya’y
tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si
Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito.Hari siya ng
Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate.

Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta


sa kanyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna-
unahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa
Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan tungo sa Patrilinear na
pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad
na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si
Lionggo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng
mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na
hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-
awit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong
naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog
at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala’y

7
pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas.
Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni
Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang
kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa
kaniyang pamilya. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na
nagtraydor at pumatay sa kaniya.

- Mula sa http://www.a-gallery.de/docs/mythology.html

Upang makasagot sa unang pagsasanay, alamin muna natin


ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia.

Alam mo ba na…

Ang mitolohiya ay koleksyon ng mga mito. Ang mga mito ay


tradisyonal na istorya na karaniwang tumutukoy sa sinaunang tao o
pangyayari. Ito ay karaniwang may bahid ng mga kakaibang kapangyarihan
ng mga tao at pangyayari. Ang Aprika at Persia ay may mga mitolohiya rin.
Narito ang pagkakaiba ng mitolohiya ng Aprika at Persia:

I. Mitolohiya ng Aprika
Ang mitolohiya ng Aprika ay may makabuluhang parte sa araw-araw
na pamumuhay ng mga Aprikano. Kadalasan, ang mga mito nila ay
tumutukoy sa mga unibersal na mga tema, kagaya na lamang ng
pinagmulan ng mundo at kapalaran ng sangkatauhan pagkatapos ng
kamatayan.

Ginagamit ng maraming mga mito ng Aprika ang mga lugar,


kundisyon at kasaysayan ng kontinenteng Aprika.

II. Mitolohiya ng Persia


Sa kabilang banda, ang mitolohiya naman ng Persia ay mga
tradisyonal na kuwento na tumutukoy sa mga kakaibang mga nilalang.

Ang mitolohiya ng Persia ay sumasalamin sa mga kaugalian ng


lipunan kung saan nabibilang ang mga taga-Persia. Kabilang dito ay ang
kaugalian sa pagharap sa mga mabubuti at masasama, mga aksyon ng mga
diyos at mga karanasan ng mga bayani at kakaibang nilalang.

Pagkakatulad ng mitolohiya Africa at Persia

Tulad ng iba pang uri ng ng mitolohiya, ang mito ng mga taga-Africa


at taga-Persia ay binubuo ng iba’t ibang karakter na mala-diyos at
sumasailalim sa iba’t ibang kultura at paniniwala na nabuo sa mga bayang
ito

8
MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY BLG. 1
PANUTO: Lagyan ng tsek kung aling mitolohiya ang makikitaan o
masasalaminan ng mga sumusunod na katangian.

Katangian Mitolohiya ng Mitolohiya ng


Africa Persia
1. Tradisyonal na mga kuwento na
tumutukoy sa mga kakaibang
nilalang.
2. May makabuluhang parte sa araw-
araw na pamumuhay ng mga
Aprikano.
3. Tumutukoy sa mga universal na
mga tema, tulad ng pinagmulan ng
mundo at kapalaran ng
sangkatauhan pagkatapos ng
kamatayan.
4. Binubuo ng iba’t ibang karakter na
mala-diyos at sumasailalim sa iba’t
ibang kultura at paniniwala.
5. Sumasailalim sa mga kaugalian ng
lipunan katulad ng pagharap sa
mga mabubuti at masasama.

PAGSASANAY BLG. 2
PANUTO: Piliin at isulat sa patlang ang letra ng pinakatamang sagot
hinggil sa sumusunod na pahayag.

1. Malakas at hindi nasusugatan ng ano mang armas si Liongo,


ang tanging kahinaan at magiging dahilan ng kanyang
kamatayan ay ang ______________.
A. matapakan ang kanyang mga paa
B. matusok ng karayom ang kanyang pusod
C. masinagan ng araw ang kanyang mga mata
D. masugatan ang likod ng kanyang mga tainga

9
2. Marami ang madadamay sa labanan, kaya pinili na lang ni Liongo
na lumayo at tumira sa gubat sa halip na gantihan ang kanyang
walang pusong pinsan na si Haring Ahmad. Nangangahulugan
ito ng ______________.
A. pagmamalasakit sa kapwa
B. pagpapakita ng katapangan
C. pagpapakita ng karuwagan
D. pagsasawalang bahala sa kapakanan ng iba
3. Nakagawa ng paraan si Liongo para makatakas nang mabihag
siya ni Haring Ahmad. Nangangahulugang siya ay _____________.
A. mahusay B. malakas C. maparaan D. matatag
4. Nagpakita siya ng pagmamahal sa pamilya, gayunpaman sa
bandang huli, napatay siya ng sariling niyang anak.
Nangangahulugan ito na _______________.
A. mababait na tao lamang ang dapat pagkatiwalaan
B. kung minsan kahit pamilya mo, maaari kang traydorin
C. dapat kilalanin muna ang isang tao bago pagkatiwalaan
D. matalik na kaibigan mo lamang ang dapat pagkatiwalaan
5. Panatilihin ang pagmamahal sa pamilya. Iwasan ang pagkainggit
dahil magdudulot ito ng ______________.
A. away at kaguluhan C. pagkakawatak-watak
B. hindi pagkakasundo D. lahat nang nabanggit

PAGSASANAY BLG. 3
PANUTO: Piliin sa Hanay B ang katapat na pahayag sa Hanay A tungo sa
pagbuo ng mahalagang aral sa buhay.

Hanay A Hanay B
1. Manatiling matatag sa mga A. at huwag ang pansariling
problemang dumarating sa kagustuhan lamang.
buhay ________
2. Dapat kilalanin muna ang B. upang sa bandang huli ay
taong nakakasalamuha bago hindi pagsisihan iyon.
ibigay ang buong tiwala _______
3.Pagmamahalan at hindi C. para maiwasan ang
kapalaluan ang dapat maghari pagtatraydor at kaguluhan.
sa isang pamilya __________
4. Iwasan natin ang padalos-dalos D. upang sa huli’y hindi tayo
na pagdedesisyon ___________ malugmok at maging kawawa.
5. Lagi sana nating isipin ang E. dahil malalampasan mo rin
kapakanan ng nakakarami basta’t manalig sa Diyos at
_______ magtiwala sa sarili.

10
PAGLALAHAT
PANUTO: Mula sa paksang tinalakay dugtungan ang mga sumusunod
upang makabuo ng isang pahayag o kaisipan.

Nalaman ko na… ______________________________________________________


________________________________________________________________________

Naramdaman ko na…
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Natutuhan ko na… ____________________________________________________


________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Isulat sa patlang ang S kung sang-ayon at DS kung di-sang-


ayon sa sumusunod na pahayag.

1. Binubuo ng iba’t ibang karakter na mala-diyos ang mitolohiya


ng Africa at Persia.
2. Dapat panatilihin ang pagmamahalan at iwasan ang pag-iinggitan
dahil maaari itong magdulot ng away at kaguluhan sa pamilya.
3. Kailangang kilalaning mabuti ang taong pagtitiwalaan, upang sa
bandang huli hindi mapahamak at maging kawawa.
4. Sa ating araw-araw na pamumuhay, marami tayong na
natututuhan, may mga bagay na pinagsisisihan at mayroon din
namang ipinagmamalaki.
5. Ang pagtitiyaga at pagsusumikap ang tanging susi upang ang
hangarin ay mapagtagumpayan.

11
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Isulat sa patlang ang letrang T kung ang isinasaad na pahayag


ay tama at letra M kung mali.

1. Mayroong pagkakatulad at pagkakaiba ang mitolohiya ng Africa


at Persia.
________2. Maraming napagtagumpayang labanan at bayang pinamunuan
si Liongo.
________3. Ang tanging nakababatid ng lihim ni Liongo noong una ay siya at
ang kanyang asawa.
________4. Ang Matrilinear ay pinamamahalaan ng mga kababaihan
samantalang ang Patrilinear ay pinamamahalaan naman ng mga
kalalakihan.
________5. Maging matatag sa pagharap sa mga pagsubok na dumarating sa
buhay, dahil malalampasan din naman ang lahat ng ito, manalig
lang sa Diyos at magtiwala sa sarili.

12
MODYUL 1
13
ARALIN 3.1 MITOLOHIYA (Liongo)
Paunang Pagsubok Pagsasanay Blg 2 Panapos na Pagsusulit
1. B 1. B 1. T
2. D 2. A 2. T
3. B
3. C 3. M
4. D
5. C 4. B 4. T
5. D 5. T
Balik-aral
1. Tama Pagsasanay Blg 3
2. Mali 1. E
3. Tama 2. D
4. Tama
3. C
5. Tama
4. B
5. A
Katangian Mitolohiya ng Aprika Mitolohiya ng
Persia
1. Tradisyonal na mga kuwento na
tumutukoy sa /
mga kakaibang nilalang.
2. May makabuluhang parte sa araw-araw
na /
pamumuhay ng mga Aprikano.
3. Tumutukoy sa mga universal na mga
tema, /
tulad ng pinagmulan ng mundo at
kapalaran
ng sangkatauhan pagkatapos ng
kamatayan.
4. Binubuo ng iba’t ibang karakter na mala-
diyos
/ /
at sumasailalim sa iba’t ibang kultura at
paniniwala
5. Sumasailalim sa mga kaugalian ng
lipunan
/
katulad ng pagharap sa mga mabubuti at
masasama
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Unknown “Aralin 3.1 / Liongo” in Filipino 10: PANITIKANG PANDAIGDIG,
translated by Urgelles, Roderic P. Manila: Vibal Group Inc. 2015

http://www.a-gallery.de/docs/mythology.html
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/liongo.html
https://brainly.ph/question/1944700
https://brainly.ph/question/465991

14

You might also like