You are on page 1of 2

GEED 10133 – PANITIKANG FILIPINO maikling kuwento, pabula, at parabola.

Hand-out #1 Maaari rin naming hindi piksyon ang


isang anyo ng tuluyan na batay sa
Ang Panitikan katotohan katulad ng talambuhay,
Ang panitikan ay sumasalamin sa malaking biograpiya, kasaysayan, sanaysay,
bahagi ng kultura at pagkakakilanlan ng isang liham, artikulo sa pahayagan at
bansa. Nakapaloob dito ang damdamin at kaisipan pananaliksik, at iba pa.
ng mga tao, ang kanilang magkakaugnay na 2. Patula – Sa anyong ito, ang mga salita
karanasan, pamumuhay, at iba’t ibang aspeto ng ay ginagamit upang makabuo ng mga
lipunan. Bilang isang uri ng sining, ang panitikan ay saknong, taludtod na may sukat at
produkto ng kagalingan ng tao na pagsama- bilang ng pantig, at pagtutugma. Ang
samahin ang kanyang imahinasyon, panlasa, at mga pangunahing uri nito ay ang tulang
kakayahan. Ang kagandahang nalilikha ng isinaayos liriko, tulang pasalaysay, at tulang
na mga titik at salita ay patunay ng pagiging pantanghalan.
kulturado ng isang tao na may pagpapahalaga sa
kanyang karangalan at ng iba. Mga Akdang May Malaking Impluwensiya sa
Binigyan ng etimolohiyang pagsusuri ni Jose Daigdig
Villa Panganiban, isang kilalang manunulat, ang Ayon kina Panganiban, Panganiban, Matute,
salitang “panitikan”. Ayon sa kanya, ito ay nagmula Kabigting (1998), may mga akdang naging malaki
sa unlaping “pang-”; sa salitang ugat na “titik”; at ang impluwensiya sa daigdig sa paraang
sa hulaping “-an”. Ayon naman kay Sauco, Papa, at naipapaliwanag nito ang kabihasanan ng lahing
Sta. Ana (1997), ang panitikan ay naglalahad ng pinanggalingan ng akda; at napag-uugnay nito ang
buhay, pamumuhay, ispirituwalidad, pamamahala, damdamin at kaisipan ng mga tao sa mundo. Ilan
at iba pang aspeto ng lipunan na iniuugnay sa iba’t sa mga akdang nakapag-ambag sa daigidig ay ang
ibang uri ng damdamin. mga sumusunod:
1. Banal na Kasulatan o Bibliya (ng mga
Ang panitikan ay nahahati sa Kristiyano)
dalawang anyo (Panganiban, Panganiban, 2. Koran (ng mga Muslim)
Matute, Kabigting, 1998): 3. Iliad at Odyssey (Gresia)
1. Tuluyan/Prosa – Ito ay nililikha sa 4. Mahabharata (India)
pamamagitan ng malayang pagsasama- 5. Divina Commedia (Italya)
sama ng mga salita at mga 6. El Cid Campeador ( (Espanya)
pangungusap upang makabuo ng isang 7. Awit ni Rolando (Pransya)
ideya. Ito ay maaaring batay sa 8. Aklat ng mga Araw (Tsina)
imahinasyon o kathang-isip lamang 9. Aklat ng mga Patay (Ehipto)
katulad ng alamat, mito, nobela, 10. Sanlibo’t Isang Gabi (Arabya)
11. Canterbury Tales (Inglatera) dulot ng pabago-bagong mukha ng lipunan dahil sa
12. Uncle Tom’s Cabin (Amerika) pagpasok ng mga bagong impluwensiya mula sa
mga dayuhan. Gayunpaman, ang Panitikang
Mga Proseso ng Pagbabasa/Pag-aaral ng Filipino ay patuloy na kinapapalooban ng
Panitikan (Cooper at Purves, 1973) damdamin at pagpapahalagang Pilipino tungkol sa
1. Paglalarawan – pagpapahayag sa sariling kultura, pag-uugaling panlipunan, pampulitikang
pangungusap ng tungkol sa binasa pananaw, at pananampalataya (Panganiban,
2. Pagtatangi – pag-uuri ng mga bahaging Panganiban,Matute, Kabigting, 1998).
binasa (pagkilala sa genre, pagkilala sa
may-akda, pagtukoy ng tema, at iba pa)
3. Pag-uugnay – pag-uugnay ng mga sangkap
o elemento na ginamit sa akda
4. Pagsusuri – pagpapaliwanag at
pangangatwiran tungkol sa temang nais
ibahagi ng may akda (paggamit ng teorya)
5. Paglalahat – paglalapat ng natutunan mula
sa isang akda sa iba pang akda
6. Pagpapahalaga – pagtanggap at pagrespeto
sa pagkaunawa ng mambabasa
7. Pagtataya – paggamit ng iba’t ibang
pamamaraan upang masubok ang
natutunan sa akda
8. Paglikha – pagbuo ng sariling akda

Ang Panitikang Filipino


Kakambal ng panitikan ang kasaysayan.
Maaaring ang dalawa ay sabay na isinilang sa
lupain ng Pilipinas o di kaya ay nauna ang isa. Ang
pag-unlad ng panitikang Filipino ay kasabay ng
pagbabago ng panahon ng kasaysayan. Bago pa
man mapasakamay ng mga dayuhang mananakop
ang bansa ay may kakayahan na ang mga Pilipino
na kumatha ng mga pasalita at pasulat na anyo ng
panitikan gamit ang sinaunang alpabeto. Ang
pagbabago ng tema ng nililika, anyo ng panitikan,
istilo ng manunulat, at motibo ng pagkatha ay

You might also like