You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
District of Balagtas
BALAGTAS HEIGHTS ELEMENTARY SCHOOL

Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan 5


(Agriculture)
I. Layunin:
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natatalakay ang kahalagahan at pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko


(EPP5AG-Ob-4).
b. Malalaman at mauunawaan ang dalawang uri ng abono / pataba.
c. Makagawa ng sariling organikong abono / pataba.

II. Paksang Aralin:

a. Paksa: Kahalagahan ng paggawa ng abonong organiko.


b. Sanggunian:
Peralta, Gloria A., et al. Kaalaman at Kasanayan tungo sa Kaunlaran 5
Samadan, Eden F., et al, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
Ong, Liberty A., et al. Masayang Paggawa, Maunlad na Pamumuhay 5
Teacher’s Guide in Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5 (Agrikultura) p. 3
Curriculum Guide in Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5,
EPP5AG-0b-4 pahina 19.
c. Mga Kagamitan: power point presentation, video presentation

Tandaan: Ang abonong organiko ay mahalaga sa pangngalaga ng mga


pananim. Malaki ang matitipid kung ikaw o tayo ay may kaalaman sa paggawa
nito. Ang abonong organiko ay nakapagpapaganda ng kalidad ng lupa. Malaki
ang pakinabang nito sa pagpaparami ng ani.

III. Pamamaraan:

Balagtas Heights, Santol, Balagtas, Bul.


balagtasheightses@gmail.com
Contact No.: 0922-634-3947
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
District of Balagtas
BALAGTAS HEIGHTS ELEMENTARY SCHOOL

Gawain ng Guro Gawain ng Mag- aaral


a. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Attendance
4. Balik-aral
Sa nakaraang modyul ay napag-
aralan ang tungkol sa pamamaraan ng
pagtatanim ng gulay. Pero bago tayo
magpatuloy, maaaring sagutin muna ang
sumusunod na gawain para malaman mo kung
gaano ka kagaling sa nakaraang
aralin.
Maalaala mo kaya?
Panuto: Isulat ang titik T kung ang
pangungusap ay naglalahad ng tamang
pamamaraan ng pagpili ng itatanim na
gulay, M naman kung hindi. Gawin ito sa
inyong kuwaderno.
1. Ang luwad ang pinakaangkop na uri ng lupa
na maaaring pagtaniman T
ng mga halamang gulay.
2. Sumangguni sa kalendaryo ng pagtatanim T
upang ang mga halamang
itatanim ay maiaangkop sa tamang panahon at
klima.
3. Diligan ang mga pananim isang beses sa M
isang linggo.
4. Mahalagang maihanda ang tamang uri ng T
lupa bago magtanim ng

Balagtas Heights, Santol, Balagtas, Bul.


balagtasheightses@gmail.com
Contact No.: 0922-634-3947
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
District of Balagtas
BALAGTAS HEIGHTS ELEMENTARY SCHOOL

halamang gulay.
5. Mayroong mga buto na maaaring itanim na T
makikita sa tindahan ng
mga halaman na nakabalot at may
sertipikasyon ng ahensiya ng
pamahalaan.

b. Pagganyak
a. Magpapakita ng maikling video
presentation tungkol sa paggawa ng abonong
organiko at magkakaroon ng unang pagsubok.

Panuto:Basahin at unawain ang mga


pangungusap. Piliin at isulat sa patlang ang
tamang sagot.

____ 1. Ito ang mga pangunahing sustansiya na A. Nitrogen, Phosphorous at Potassium


kailangan ng lupa upang ang pananim ay
magkakaroon ng malusog na dahon, bulaklak,
tangkay at ugat.

a. Nitrogen, Phosphorous at Potassium


b. Nitrogen, Oxygen, at Potassium
c. Phosphorous, Oxygen at Potassium
d. Potassium, Nitrate at Oxygen

____2. Isang uri ng pataba ng lupa na nagmula


C. Compost
sa mga nabubulok na halaman, dumi ng hayop
at anumang uri ng organikong material.
a. Ammonium Nitrate
b. Ammonium Sulphate
c. Compost
d. Urea

Balagtas Heights, Santol, Balagtas, Bul.


balagtasheightses@gmail.com
Contact No.: 0922-634-3947
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
District of Balagtas
BALAGTAS HEIGHTS ELEMENTARY SCHOOL

____3. Ang mga sumusunod ay kahalagahan B. Mas magastos kumpara sa kemikal na


ng paggamit ng abonong organiko maliban sa: abono
a. Hindi mabilis matuyo ang lupa
b. Mas magastos kumpara sa kemikal na abono
c. Napapalambot at pinapaganda ang
komposisyon ng lupa.
d. Pinatataba ang lupa dahil sa sustansiya.

4. Ang paggamit ng abonong organiko ay


nakakabuti sa daloy ng hangin at may B. Paghinga
kapasidad na humawak ng tubig sapagkat
pinaluluwag ang _________ ng lupa.
a. pagdaloy b. paghinga
c. paglambot d. pagtaba

5. Isa sa mga kahalagahan ng paggamit ng


abonong organiko ay ang pagpapataba ng lupa B. Maganda at napaparami ang ani.
kaya ang mga pananim na halamang gulay ay
magiging:
a. kakaunti ang magiging ani.
b. Maganda at napaparami ang ani.
c. Maliliit ang magiging bunga.
d. Malusog ang pananim ngunit walang
masyadong magiging bunga.

C. Paglalahad
Ang ating aralin ay tungkol sa
Kahalagahan ng Paggawa ng Abonong
Organiko.
Ang lupang pagtataniman ng mga
halamang – gulay ay nangngailangan ng mga
pangunahing sustansiya tulad ng Nitrogen,
Phosphorous at Potassium o NPK.
Nitrogen – ay kailangan para sa malusog
na paglaki ng mga dahon at bulaklak.

Balagtas Heights, Santol, Balagtas, Bul.


balagtasheightses@gmail.com
Contact No.: 0922-634-3947
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
District of Balagtas
BALAGTAS HEIGHTS ELEMENTARY SCHOOL

Phosphorous – ay para sa malusog na


paglaki ng mga ugat at tangkay.

Potassium – ay para sa mahusay na


pagsibol ng mga dahon, tangkay at bulaklak.

2 uri ng abono
1. Organiko – ito ay mula sa pinaghalong mga
balat ng prutas, gulay, tuyong dahon, damo,
dayami at dumi ng hayop na maaaring maging
compost.

2. Di – organiko – ay komersyal na pataba.


Ginagawa ito na may halong kemikal at
kalimitang ipinagbibili sa merkado.

2 uri ng pamamaraan ng paggawa ng


compost.

1. Compost pit – ay para sa mga may


malalawak na lugar na maaaring gawn ng
hukay at doon itatapon o ibabaon ang mga
nabubulok na maagsisilbing pataba.

2. Basket Composting – ay ginagawa kung


walang sapat na lugar na paghuhukayan at
pagbabaunan.

Kahalagahan ng Paggawa ng Abonong


Organiko
1. Pinatataba at nabibigyan ng sapat na
sustansiya ang lupa.
2. Pinabubuti ang lupa.
3. Hindi mabilis natutuyo ang lupa.
4. Umaayos ang daloy ng hangin at ang
kapasidad na humawak ng tubig dahil

Balagtas Heights, Santol, Balagtas, Bul.


balagtasheightses@gmail.com
Contact No.: 0922-634-3947
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
District of Balagtas
BALAGTAS HEIGHTS ELEMENTARY SCHOOL

pinaluluwag ang paghinga nito.


5. Matagal ang epekto. Walang oberdose.
6. Mas matipid na gamitin kumpara sa paggamit
ng kemikal na abono.
7. Walang kemikal na maaaring magdulot ng
kontaminasyon.
8. Maaaring gumawa ng sariling organikong
pataba.

D. Paglalapat:
Panuto: Basahin nang Mabuti ang mga
sumusunod na tanong. Isulat ang salitang
tinutukoy.

1. Anong A _ _ _ _ ang kailangan ng lupa


upang ito ay lumusog? Abono

2. Saang L _ _ _ ibinabaon ang mga nabubulok


nab asura? Lupa

3. Ang B _ _ _ _ _ composting ay tumatagal ng


mahigit dalawang buwan. Basket

4. Anong K _ _ _ _ _ _ ang maaaring


matagpuan sa di – organikong pataba. Kemikal

5. Anong C _ _ _ _ _ _ ang tawag sa


pagsasama sama ng mga organikong material Compost
upang maging pataba sa lupa.

E. Paglalahat
1. Tungkol saan ang ating aralin?
Sir, tungkol po sa kahalagahan ng paggawa
ng organikong abono o pataba.
2. Anu – ano ang dalawang uri ng pataba o
abono? Sir, ang dalawang uri ng abono o pataba ay

Balagtas Heights, Santol, Balagtas, Bul.


balagtasheightses@gmail.com
Contact No.: 0922-634-3947
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
District of Balagtas
BALAGTAS HEIGHTS ELEMENTARY SCHOOL

ang abonong organiko at di organiko.


3. Anu – ano naman ang 2 uri ng pamamaraan
ng paggawa ng compost? Sir, ang dalawang uri ng pamamaraan ng
paggawa ng compost ay ang compost pit at
basket composting.
4. Ano ang kahulugan ng NPK?
Sir, ang ibig sabihin ng NPK ay Nitrogen,
Phosphorous at Potassium

IV. Pagtataya
Panuto: Punan ang patlang upang makumpleto ang pangungusap. Piliin ang tamang sagot
sa mga salitang nasa itaas ng pangungusap.

Nitrogen, Phosphorous, Potassium , Organiko, di – organiko urea

1. Ang ________ ay komersyal na pataba.


2. Ang ________ ay mula sa pinaghalong balat ng prutas, gulay, damo at iba pa na maaaring
compost.
3. Ang ________ ay kailangan para sa malusog na paglaki ng mga dahon at bulaklak.
4. Ang ________ ay pinagaganda ang komposisyon ng lupa.
5. Ang ________ ay umaayos ang daloy ng hangin at ang kapasidad na humahawak ng tubig
dahil pinaluluwag ang paghinga ng lupa.

V. Takdang – Aralin:
Panuto: Isulat ang tsek (✓) kung totoo ang kaisipan, at ekis (X) kung hindi. Gawin
ito sa iyong kuwaderno.

______1. Nagagawang pataba ang mga pinagbalatan ng prutas.


______2. Ang halamang gulay na hindi sapat ang pag-aalaga ay malago, mataba, at buhay na
buhay.
______3. Kapag masustansiya ang lupa, maaasahang mabilis na mamamatay ang halamang
bagong lipat.

Balagtas Heights, Santol, Balagtas, Bul.


balagtasheightses@gmail.com
Contact No.: 0922-634-3947
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
District of Balagtas
BALAGTAS HEIGHTS ELEMENTARY SCHOOL

______4. Kung patuloy na lumalaking malusog at nagbibigay ng magandang ani ang mga
pananim, ito ay makakatutulong sa pag-unlad ng pamumuhay.
______5. Madaling matuyo ang lupa kung taglay nito ang abonong organiko.
______6. Pinabubuti ng abonong organiko ang daloy ng hangin at kapasidad ng lupa
na humawak ng tubig.
______7. Pinatataba ang lupa o nagiging maganda ang ani kapag may abonong
organiko.
______8. Ang pagdidilig sa kompost ay ginagawa bawat oras.
______9. Ang compost ay tinatakpan ng yero lamang.
______10.Ang binunot na mga damong ligaw ay maaaring gawing kompost.

Inihanda ni:
Febert D. Dumaum
Teacher I Binigyang pansin ni:
Jocylyn DC. Manzano
Principal I

Balagtas Heights, Santol, Balagtas, Bul.


balagtasheightses@gmail.com
Contact No.: 0922-634-3947

You might also like