You are on page 1of 2

ESP 6

SUMMATIVE TEST NO. 1


Modules 1-2
RD
3 QUARTER

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: __________

I. Isulat mo ang P kung ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga Pilipinong matagumpay at H naman
kung hindi.

_____1. Ibinabahagi ni Wilson ang mga posts sa Facebook tungkol sa mga Pilipinong atletiko na nag-uwi ng medalya
para sa bansa.
_____2. Nagbabasa si Joven ng mga magasin tungkol sa kaniyang iniidolong negosyanteng Pilipino.
_____3. Masikap na nag-eensayo ng taekwondo si Isabel upang matupad ang pangarap na mairepresenta ang bansa sa
South East Asian (SEA) Games.
_____4. Hindi tumutulong si Marcus sa proyekto ng kanilang grupo tungkol sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para
sa kalayaan.
_____5. Kinaiinggitan ni Emma ang kababata niyang nanalo sa isang sikat na paligsahan sa telebisyon.
_____6. Inspirasyon ni Norman si Manny Pacquiao dahil sa sakripisyo at pagtitiyaga nito upang maiahon ang pamilya
sa hirap.
_____7. Mahilig magbasa si Ray ng mga talambuhay ng mga bayaning Pilipino.
_____8. Mas kinagigiliwan ni Lorien ang mga Koreana at Amerikana kaysa sa kababayang Pilipino.
_____9. Pinamamarisan ni Nami ang kasipagan at pagkamadasalin ng kaniyang Pilipinong idolo.
_____10. Ipinagawa si Sanji sa kaniyang kapatid ang takdang-aralin na tungkol sa mga matatagumpay na Pilipino
dahil wala siyang alam tungkol dito.

II. Gumuhit ng masayang mukha (😊) kung ito ay nagpapakita ng mabuting katangian at malungkot na
mukha (☹) naman kung hindi.

_____1. Hindi iniinda ni Rossette ang kaniyang kapansanan sa paglakad upang matupad ang pangarap na
makapagtapos ng pag-aaral.
_____2. Bagama’t ilang beses na nalugi ang negosyo ng mag-asawang Dela Cruz, hindi pa rin sila pinanghinaan ng
loob at patuloy pa ring nagpupursigi.
_____3. Madalas bumili ng mga mamahaling gamit at pagkain si Joed dahil katwiran niya ay mayaman naman ang
kaniyang mga magulang.
_____4. Araw-araw nag-eensayo si Kaloy ng basketball nang sa gayo’y makakuha siya ng scholarship at
maipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.
_____5. Masikap na hinahasa ni Joaquin ang kaniyang kakayahan sa paglangoy upang makapag-uwi ng karangalan sa
bansa.
_____6. Ayaw matuto ni Colin ng mga gawaing bahay dahil may katulong naman ang pamilya niya.
_____7. Hindi dumadalo sa pag-eensayo ng sayaw si Olivia dahil naniniwala siyang sapat na ang kaniyang
kakayahan.
_____8. Simula nang bumagsak si Gabriel sa kaniyang pagte-training ay tuluyan na siyang sumuko sa pangarap na
maging bumbero.
_____9. Pangarap ni Althea na maging isang tanyag na manunulat kaya maluwag niyang tinatanggap at pinakikinggan
ang mga puna at komento tungkol sa kaniyang gawa upang mapaunlad ang kaniyang kakayahan.
_____10. Matiyagang pinagsasabay ni Basilio ang pag-aaral at pagtatrabaho upang maiahon niya sa kahirapan ang
kaniyang pamilya.

File created by DepEd Click.


KEY:

1. P
2. P
3. P
4. H
5. H
6. P
7. P
8. H
9. P
10.H
11. 😊
12. 😊
13. ☹
14. 😊
15. 😊
16. ☹
17. ☹
18. ☹
19. 😊
20. 😊

File created by DepEd Click.

You might also like