Professional Documents
Culture Documents
Filipino 9 3rd Quarter Week 56
Filipino 9 3rd Quarter Week 56
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Lingayen
ENRICO T. PRADO NATIONAL HIGH SCHOOL
Aguilar
Pangalan: Petsa:
Bilang at Pangkat: Iskor:
Basahin mo sa iyong aklat na “Panitikang Asyano 9” sa p.203-204 ang elehiyang pinamagatang “Elehiya sa
Kamatayan ni Kuya” Pagkatapos ay gawin ang mga sumusunod na gawain:
Gawain 1
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin at isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ito ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguni na nagpapakita ng
masidhing damdamin patungkol sa ala-ala ng isang mahal sa buhay.
a. Soneto b. Awit c. Elehiya d. Oda
2. Kung ang tula ay binubuo ng mga saknong, ano naman ang bumubuo sa saknong?
a. Tugma b. Taludtod c. Yugto d. Kabanata
3. Sa mga katangiang taglay ng tulang Elehiya, alin sa sumusunod ang di nabibilang?
a. Makulay b. Pananangis c. Pag-alala d. Pagpaparangal
4. Anong uri ng tula ang Elehiya?
a. Tulang Patnigan b. Tulang Dula c. Tulang Pasalaysay d.Tulang Liriko
5. Kadalasan ang tulang Elehiya ay pumapaksa sa _____?
a. kabayanihan b. pagpapakasakit c. alaala ng mahal sa buhay d. pag-ibig
6. Alin sa mga sumusunod na tulang Elehiya ang nagmula sa bansang Bhutan?
a. Kung Tuyo na ang Luha mo Aking Bayan
b. Elehiya sa Kamatayan ni Kuya d. Ang Pamana
c. Ang mga Dalit Kay Maria
7. Alin sa mga sumusunod na pang-uri ang di naglalarawan sa tulang Elehiya?
a.Matagumpay b. Malungkot c. madamdamin d.mapagpuri
8. Paano inilarawan ng may-akda ang kanyang kuya sa tulang Elehiya sa Kamatayan ni Kuya
a. mapagmahal b. may mataas na pangarap c. masipag d. Lahat ng nabanggit
10. Bakit sa palagay mo lubhang dinamdam ang pagpanaw ng kaniyang kuya? Piliin ang
pinakamabigat niyang dahilan.
a. Wala na siyang magiging karamay c. Di natupad ang pangarap
b. di pa napapanahon d. Wala sa nabanggit
IKATLONG MARKAHAN -MODYUL 5 & 6 1
Gawain 2
Panuto: Pag-aralan at unawain mo ang mga linya ng tula at isulat sa katapat na kahon ang kahulugan.
Sikapin mong magamit sa sarili mong pangungusap ang mga binigyang-kahulugan na pahayag. Isulat
sa sagutang papel.
Gawain 3
. Basahin mo sa iyong aklat na “Panitikang Asyano 9” sa p.209 ang “pagpapasidhi ng damdamin. Pagkatapos
ay gawin ang Pagsasanay 1 sa pg.210 sa iyong sagutang papel
Iniwasto ni:
GNG. MARIETTA V. ARGAO
Ulong-Guro III