You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Musika II

I. Layunin
 Nakikilala ang iba’t ibang uri ng tunog
 Naihahambing ang tunog at walang tunog
 Naipakikita ang iba’t- ibang tunog.

II. PaksangAralin
A. Paksa: Tunog at Katahimikan
B. Materyales: Larawan, Visual aids
C. Pagpapahalaga: Respeto sa kapwa
III. Pamamaraan
Panimulang Gawain
Panalangin
Pagbati
1. Pagganyak

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


-Mga bata bago tayo magsimula may -Opo Ma’am
ipapakita ako sa inyong mga larawan,
ngayon ang gusto kong gawin ninyo at
pumalakpak ng dalawa kung ang larawan
na ipinakita ko ay nagpapakita ng tunog
at huwag naman pumalakpak kung ito ay
nagpapakita ng katahimikan. Naintindihan
ba?

-Magaling, ngayon ito ang unang larawan. -(dalawang palakpak)

-Ito ngayon ang pangalawang larawan. -(Walang palakpak)

-Ito naman ang pangatlong larawan. -(dalawang palakpak)


-Ang pang apat na larawan. -(Walang palakpak)

-Ang panghuli at panglimang larawan.


-(dalawang palakpak)

2. Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


-Atin ngayong alamin kung bakit ko nais
nyong kilalanin ang nagpapakita ng tunog
at katahimikan, at ano nga ba ang
koneksyon nito sa ating araling ngayong
araw.

-Ngayon mga bata alam nyo ba ang -Opo/Hindi po


pagkakaiba ng Tunog sa Katahimikan?

-Ano sa tingin nyo ang pagkakaiba ng -Ang tunog po may ingay samantalang ang
dalawa? katahimikan naman po ay walang ingay o
tunog.

-Magaling na kasagutan, sinasabi na ang


Tunog ay anumang naririnig na ingay o
musika. Samantalang ang Katahimikan
ay kawalan ng tunog.

-Mayroon akong mga salitang babanggitin -Opo Ma’am


alamin kung ito ay Tunog o
Katahimikan.Naiintindihan ba mga bata?

Pagsulat Katahimikan
Paggitara Tunog
Tahol ng aso Tunog
Pagsigaw Tunog
Pagkindat Katahimikan

-Ngayon magbigay ng mga halimbawa na -(Ang mga bata ay magbibigay ng mga


nagpapakita ng Tunog. halimbawa)

-Mahusay mga bata, magbigay naman ng -(Ang mga bata ay magbibigay ng mga
mga halimbawa na nagpapakita ng halimbawa)
Katahimikan.

-Magaling na kasagutan mga bata.


3. Paglalahat

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

-Kung tunay nga ninyong naintindihan ang -Patungkol po sa Tunog at Katahimikan.


ating aralin ngayong araw, ano ang ating
naging paksa mga bata?

-Mahusay, ano ang Katahimikan mga - Ang Katahimikan po Ma’am ay kawalan


bata? ng tunog.

-Magaling, kapag sinabi namang Tunog -Ito po ay ay anumang naririnig na ingay o


ano ito? musika.

-Tama mga bata, ang radyong tumutugtog -Tunog po Ma’am


ba ay katahimikan o tunog?

-Magaling mga bata tunay ngang


naintindihan ninyong lahat ang ating aralin
ngayong araw.

4. Paglalapat

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

-Hahatiin ko kayo ngayon sa dalawang - Opo Ma’am


pangkat at sagutan ninyo ang hinihinging
katanungan sa mga ibibigay kong gawain
sa bawat pangkat. Naintindihan ba mga
bata?

Gawain ng bawat Pangkat


Panuto: Piliin sa loob kahon ang mga
salita kung ito ay Katahimikan o Tunog.

Pagpadyak Pagtaas ng kamay

Pagtugtog ng flute Pagkumpas

Tawa ng bata Pagkaway

Katahimikan Tunog

-Ang unang grupong makakatapos sa


pagsagot ay siyang panalo.
IV.Pagtataya
Panuto: Isulat sa patlang ang T kung ito ay Tunog at K naman kung ito ay
Katahimikan.

_____1. Pag-upo _____6.Pagtayo

_____2.Pagbabasa _____7. Iyak ng bata

_____3.Pagtugtog ng piyano _____8. Pagtula

_____4. Pagmamano _____9.Pagbahing

_____5.Huni ng ibon _____10.Pagsipol

V. TakdangAralin
Panuto: Maglista ng iba’t-ibang tunog na karaniwang naririnig ninyo sa inyong tahanan.

Inihanda ni:
Irish R. Loresto
Mag-aaral

Mrs. Lilian Portales


Guro

You might also like