You are on page 1of 31

7

AralingPanlipunan
Unang Markahan – Modyul 1
Heograpiya ng Asya
Aralin 1: Ang Katangiang Pisikal ng Asya

AralingPanlipunan - Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Heograpiya ng Asya
Unang Edisyon, 2020
IsinasaadsaBatas Republika 8293, Seksiyon 176na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-isip sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mgaakda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mgaiyon. Pinag-sumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aringiyon. Ang ano mang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mgaito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano mang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Division of Misamis Occidental


Schools Division Superintendent: Edwin R. Maribojoc

Development Team of the Module


Author/s: Lakambini N. Sisi Precymar M. Manliguez
Reviewers: Donna P. Olarte Ramon Villa Elter Hazel B. Miraflor
Lilia E. Balicog Edwin V. Beloy Vilma H. Hisola
Illustrator and Layout Artist: Precymar M. Manliguez

Management Team
Chairperson: Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Myra P. Mebato, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief

Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD


Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Eleazer L. Tamparong, EPS - AralingPanlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Misamis Occidental
Office Address: (Ad. Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: 0977 806 2187
E-mail Address: deped_misocc@deped.gov.ph

7
AralingPanlipunan
Unang Markahan – Modyul 1
Heograpiya ng Asya

Talaan ng Nilalaman
Paunang Salita --------------- i
Icons ng Modyul --------------- ii
Pangkalahatang Panuto --------------- iii
Alamin --------------- 1
Subukin --------------- 2
Aralin: Katangiang Pisikal ng Asya --------------- 5
Balikan --------------- 5
Gawain 1: Pagsusuri sa Mapa --------------- 5
Tuklasin --------------- 6
Gawain 2: Konseptong Nais Ko, Hulaan Mo! --------------- 6
Gawain 3: Pagbuo ng Isang Konsepto Gamit ang Oval Callout - - - - 7
Gawain 4: Picture Parade --------------- 7
Suriin --------------- 8
Gawain 5: Magbasa Para Matuto --------------- 9
Gawain 6: Pagtapat-tapat --------------- 12
Gawain 7: Pagpapalalim ng Kaalaman --------------- 12
Pagyamanin --------------- 13
Gawain 8: Mapa-Suri --------------- 13
Gawain 9: Saan Ako Nabibilang? --------------- 15
Gawain 10: Mapa Hanapin Mo Ako, Kaya Mo! - - - - - - - - - - - - - - - 15
Isa-isip ---------------- 16
Gawain 11: Suriin Mo Ako! ---------------- 16
Isagawa ---------------- 17
Gawain 12: Kaya Ko to’! ---------------- 17
Tayahin ---------------- 18
Karagdagang Gawain ---------------- 21
Gawain 13: Asya Kay Ganda! ---------------- 21
Susi sa Pagwawasto ---------------- 22
Sanggunian ---------------- 24
PaunangSalita
Para sa mag-aaral:
MalugodnapagtanggapsaAralingPanlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyu 1 Heograpiya ng Asya ukol sa Aralin1 Katangiang Pisikal ng
Asya.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka saloob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Icons ng Modyul
Ang modyul na ito ay may mgabahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahagingito, malalamanmo ang
mgadapatmongmatutuhansamodyul.
Alamin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuhamo ang lahat ng
Subukin
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Balikan
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
Tuklasin
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
Suriin
bagong konsepto at mgakasanayan.
Binubuoito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mgakasanayan
Pagyamanin
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi

i
sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
Pagyamanin
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
Isaisip
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
Isagawa
na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain nanaglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Tayahin
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Karagdagang Gawain
natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain samodyul.

Susi sa Pagwawasto
Sa katapusan ng modyulnaito, makikita morin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan
sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Pangkalahatang Panuto
Ang sumusunod ay mahahalaang paalala sa paggamit ng modyulnaito:

ii
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sapag-
wawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o taga-pagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakalingikaw ay mahirap ang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapag daloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatandasaiyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin

Isinasagawa ang modyul na ito upang makatutulong sa iyo bilang isang mag-
aaral na handang maipagmamalaki at maitataguyod ang pagiging Asyano. Sa pag-aaral
ng Araling Asyano, mahalagang maunawaan ang kaugnayan ng heograpiya sa
kasaysayan at kultura ng mga tao sa mga bansang Asyano (Asya noon, ngayon at sa
hinaharap).

Ang heograpiya ay nagmula sa dalawang salitang Griyego na geo daigdig at


graphein magsulat. Ito ay nangangahulugan ng paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa
at ang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran. (Project EASE)

Sa Asyanong pananaw, tatalakayin natin ang lokasyon, hangganan at pagkahati-


hati ng mga rehiyon sa Asya.

Ito ang araling inihanda para sa inyo.

Aralin 1 – Ang Katangiang Pisikal ng Asya

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ay inaasahang malilinang mo ang mga
sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko:
Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Timog- Kanlurang Asya at
Hilagang Asya;
2. Natutukoy sa mapa ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano;
3. Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano;
4. Nakakagawa ng isang tula na magpapahayag ng kagandahan ng katangiang
pisikal ng Asya.

Handa ka na ba? Ngayon ay subukan mong sagutin ang mga sumusunod na


tanong. Huwag kang mangamba sa pagsagot. Kaya mo iyan, may mga tulong sa
pag-aaral na inihanda para sa iyo.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.


1. Ano ang tawag sa mga taong naninirahan sa Kontinente ng Asya?
a. Amerikano c. Europeo
b. Asyano d. Australiano
2. Paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa.
a. Heograpiya c. Matematika
b. Kasaysayan d. Lokasyon
3. Ilan lahat ang mga Kontinente sa mundo?
a. 5 c. 7
b. 6 d. 8
4. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya, Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan at
Silangang Asya. Tinatawag na heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito
dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspektong pisikal, historical, at kultural.
Kumpara sa ibang mga rehiyon, bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang
tinitingnan bilang magkaugnay?
a. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasang
historikal, kultural, agrikultural at sa klima.
b. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng
kapaligirang pisikal.
c. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho.
d. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito.
5. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo?
a. Asya c. Amerika
b. Europe d. Timog Amerika

6. Ang Asya ay nahahati sa ______________ rehiyon.


a. 3 c. 5
b. 4 d. 6

7. Ang mga sumusunod ay mga bansang kabilang sa rehiyon ng Timog Silangang Asya
maliban sa isa;

2
a. Pilipinas c. Indonesia
b. Saudi Arabia d. Malaysia
8. Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig?
a. Kapuluan c. Kalupaan
b. Kabundukan d. Kontinente
Tunghayan ang mapa sa ibaba upang masagot ang susunod na mga tanong.

https://www.pinterest.ph/pin/1618549841337384/

9. Sa iyong pagtingin sa mapa, alin sa sumusunod ang angkop na paglalarawan at


interpretasyon tungkol sa kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
a. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-
pareho.
b. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
c. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig.
d. Insular ang malaking bahagi ng Kontinente ng Asya.

10. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang na rito
ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang

3
ulan at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init. Ano
naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?
a. Ang mga rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tag-ulan.
b. May maiinit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na
nababalutan ng yelo.
c. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyo’t ang nararanasan sa rehiyong ito
sa iba’t ibang buwan sa loob ng isang taon.
d. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
11. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng
kontinente ng Asya?
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong
lupa o anyong tubig.
b. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng mga anyong lupa, tangway,
kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga
tumutubong halaman.
d. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nag tataglay ng iisang uri ng klima na may
malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano.
12. Sa hilaga, nasasakop ng Asya ang teritoryo mula sa paraan ng Bulubunduking Ural
hanggang sa baybayin ng karagatang ___________.
a. Arctic c. Indian
b. Atlantic d. Pasipiko
13. Ang mga sumusunod ay mga anyong lupa maliban sa isa ____________.
a. Kabundukan c. Peninsula
b. Lambak d. Talampas
14. Ang mga sumusunod ay mga anyong tubig maliban sa isa____________.
a. Bundok c. Ilog
b. Dagat d. Talon
15. Tumutukoy sa mga katangiang pisikal na nasa ibabaw ng daigdig na gaya ng anyong
lupa at anyong tubig.
a. Demograpiya c. Pilosopiya
b. Heograpiya d. Topograpiya

Arali Katangiang Pisikal ng Asya


n

4
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Tinatawag na
kontinente ang pinakamalaking dibisyon ng lupain sa mundo. Iba’t ibang kaanyuang
pisikal ang matatagpuan sa Asya kagaya ng kinaroroonan, sukat at hugis, mga
anyong lupa at anyong tubig.

Balikan

GAWAIN 1: PAGSUSURI SA MAPA

Panuto: Pag-aralang mabuti ang mapa ng daigdig at sagutan ang mga katanungan
sa ibaba.

https://www.mapsofworld.com

1. Ano ang Kontinente?


2. Anu-ano ang mga kontinente sa mundo?
3. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo?
4. Saang kontinente nabibilang ang mga Asyano?

5
Tuklasin

GAWAIN 2: KONSEPTONG NAIS KO, HULAAN MO, GAME KA NA BA?

Panuto: Tukuyin ang konspetong inilalarawan sa pamamagitan ng pagpupuno ng


wastong letra sa loob ng kahon.

Dito Magsimula:

KONSEPTO

DISKRIPSYON
1. Bigkis o pagtutulungan para sa
kapwa kapakinabangan
2. Ang pangunahing tagalinang ng
1. U _ N _ y _ N kapaligiran para sa kanyang
kabuhayan at pagtugon sa
2. _ A _ pangangailangan.
3._ A P _ L _ G _ _ A 3. Kalikasan, ang ekolohikal na
komposisyon ng daigdig.
N 4. Maunlad na yugto ng kulturang
panlipunan,moral at kultural
4. K _ B _ H A _ N _ _ 5. Pag-aaral sa katangiang pisikal ng
5. _ E O G _ A _ I Y _ mundo.
6. Katutubo o tagapagsimula.
6. S_ N _U _ A 7. Pag-unawa at paghanga sa
7. K _ L T _ R _ L sining,kaugalian,paniniwala,
gawaingpanlipunan,edukasyon,
8. _O N _ I N _N T_ relihiyon at siyentipiko.
9. A- _ Y _ 8. Ang malaking masa ng lupain sa
mundo.
10. P _ S _ K _ L 9. Ang pinakamalaking kontinente sa
sukat at sa populasyon.
10. Katangiang nakikita at
nahahawakan.

6
GAWAIN 3: PAGBUO NG ISANG KONSEPTO GAMIT ANG OVAL CALLOUT

Panuto: Bumuo ng isang konspeto tungkol sa kahalagahan ng kapaligiran sa tao sa


pamamagitan ng pagsama-sama ng lima (5) o higit pang salita at isulat sa loob ng
oval-call out. Gawin ito sa kuwarderno.

______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________

Halimbawa: Ang KABIHASNAN ng KONTINENTE ng ASYA ay bunsod ng UGNAYAN ng


PISIKAL na KAPALIGIRAN nito at ng TAO.

GAWAIN 4 : PICTURE PARADE


Panuto: Mula sa mga larawan, tukuyin kung alin ang anyong lupa at anyong tubig.
Isulat sa talahanayan sa ibaba. Gawin ito sa kuwaderno.

Mga Anyong Lupa Mga Anyong Tubig


Caspian Sea Fertile Crescent

1. 1.
Lake Baikal Ilog Huang Ho 2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Banawe Rice Terraces Mt. Everest

Suriin
Khyber Pass Borneo Rainforest

7
GAWAIN 5: MAGBASA PARA MATUTO

Panuto: Tunghayan ang isang teksto tungkol sa kinaroroonan, sukat at hugis, mga
anyong lupa at anyong tubig ng Asya.

Kinaroroonan
Sa hilaga, nasasakop ng Asya ang teritoryo mula sa paraan ng Kabundukang
Ural hanggang sa baybayin ng Karagatang Arctic at tuloy-tuloy sa kipot Bering. Sa
Silingan, ang hangganan ay mula Kipot Bering patungong karagatang Pasipiko,
kasama ang Hapon at Taiwan. Sa Timog, nakapaligid ang Dagat Timor hanggang
karagatang Indian at Dagat Arabia. Sa kanluran naman ang mga hangganan ay ang
Dagat Arabia papuntang Dagat Mediterranean, tuloy-tuloy sa Dagat Aegean, Kipot
Dardanelles at Bosporus, Black Sea at Bundok Caucasus hanggang Kabundukang
Ural.

https://www.mapsofworld.com

Mapapansin dingnapalilibutan ng mga anyong-tubig ang kontinente ng Asya.


Sa Hiliga matatagpuan ang karagatang Arktiko, sa Silangan ay ang karagatang
Pasipiko, sa Timog ay ang karagatang Indian at sa kanluran ay ang Red Sea,
Mediterranean Sea, Black Sea, Caspian Sea at Kabundukan ng Ural. (Project Ease)

8
Sukat at Hugis
Ang sukat ng Asya ay umaabot sa 44,339, 000 kilometrong kwadrado,
kasama ang mga pulo nito. Sumasakop ito ng ikatlong bahagi ng kapuluan ng
daigdig. Kung ihahambing ang laki nito sa ibang kontinente, katumbas ng Asya ang
pinagsamang sukat ng hilaga at timog Amerika, kasama ang Australia, at mahigit pa
sa apat na beses na laki ng Europa. (Project EASE)

Mga Anyong Lupa


Mga anyong lupa sa kontinente ng Asya tulad ng mga bundok, bulkan,
talampas, kapatagan, lambak, disyerto, kapuluan at tangway.
Ang Bundok Everest ang pinakamataas na bundok sa mundo na nasa hanay
ng kabundukan ng Himalaya. Ang Mount Fuji ang pinakatanyag na bundok sa
Japan. Sa Pilipinas naman, ipinagmamalaki ang Mayon at ang Taal ang pinakamaliit
na bulkan sa daigdig. Sa Indonesia naman ay ang bulkang Krakatoa.
Ang Tibet ang pinakamalaking talampas sa daigdig. Dito nagmumula ang
malalaking ilog sa Silangang Asya. Nasa India naman ang malaking talampas
Deccan.
Matatagpuan ang malaking kapatagan ng Indus Ganges sa hilaga ng India.
Ang lambak ng mga Ilog Huang Ho, Yangtze at Amur sa Tsina ay may haba na
2,880 kilometro. Malawak din ang mga lambak ng mga Ilog Mekong sa Indotsina,
Ilog Chao Phraya sa Thailand, Ilog Irrawoaddy at Salween sa Myanmar. Sa
Pilipinas naman, pinaka malawak ang kapatagan ng Gitnang Luzon at Koronadal
sa Mindanao.

Isa ring pisikal na kaanyuan sa Asya ang mga disyerto. Nasa Tsina ang 1,440
kilometrong Takla Makam at ang disyerto ng Gobi. May disyerto rin sa Arabia, Iran,
Iraq at India. Ang Indonesia ang pinakamalaking kapuluan sa daigdig na binubuo ng
13,000 mga pulo. Ang hapon ay isa ring kapuluan.
Ang tangway ay bahagi ng kapuluang nakausli sa karagatan. Halimbawa nito ang
mga tangway ng India, Indonesia, Saudi Arabia at Malaysia. Dahil sa laki itinuturing

9
ng ibang mamumulat na isang sub-kontinente ang India.

Mga Anyong Tubig


May mga anyong tubig din sa kontinente ng Asya tulad ng mga karagatan at
dagat, ilog, lawa, golpo at look.
Maliban sa karagatang Atlantiko ang tatlong karagatan sa daigdig ay
nakapalibot sa Asya. Ang mga ito ay ang mga karagatang Pasipiko sa Silangang
Asya, Karagatang Indian sa Timog, at ang Arktiko sa Hilaga.
Ilang dagat naman ang matatagpuan sa rehiyon. Ang Timog Dagat Tsina,
ang pinakamalaking dagat sa Asya ay napapaligiran ng Vietnam, Malaysia,
Indonesia at Pilipinas. Ang Dagat Meditrranean, pangalawa sa pinakamalaking
dagat sa Asya, Aprika at Europa.
Ang Dagat Bering ay nasa pagitan ng Asya at Hilagang Amerika. Ang Dagat
Okhotsk ay nasa hilaga ng Hapon at silangan ng Rusya. Ang Silangang dagat Tsina
ay nasa silangan ng Tsina. Nasa pagitan ng Turkey at Rusya ang Black Sea at nasa
pagitan ng Saudi Arabia at baybayin ng Aprika ang Red Sea. Nasa dulo ng Red Sea
ang Isthmus ng Suez na nagdurugtong sa Asya at mahabang ruta sa Asya sa halip
na umikot pa sa katimugang dulo ng Aprika.
Maraming ilog sa Asya. Ang mga Ilog Lema at Ob at nagsisimula sa
kabundukan, umaayos sa Rusya Dumadaloy sa India, Pakistan at Bangladesh ang
mga Ilog Indus, Ganges at Brahmaputra. Ang Huang Ho o Yellow River, Ilog
Yantze at Ilog Amur ang malaking Ilog sa Tsina. Ang Ilog Yangtze ang
pinakamahaba sa Asya at umaabot ito sa 5,590 kilometro.

Mula sa talampas Tibet, may ilang ilog sa Timog-Silangang Asya. Ang Ilog
Mekong na may habang 4,166 kilometro ay dumadaloy sa tangway ng Indonesia
hanggang Timog Tsina, ang ilog Chao Phraya sa Thailand, ang mga ilog Irrawaddy
at Salween sa Myanmar ang tumutuloy sa Dagat Andaman. Sa Pilipinas, ang Ilog
Cagayan sa Luzon ang pinakamalaki sa Korea, pianamalaki naman ang Ilog Yalu.
Ang mga ilog naman sa Kanlurang Asya ay ang Tigris-Euphrates at Jordan.

10
Sa lawa, pinakamalaki ang lawang Ural sa Hilagang Asya at Rusya na may
sukat na 64,740 kilometro kwadrado. Ang mga lawa sa Gitnang Asya ay ay ang
Balkash at Baikal. tinaguriang Lawang Asin dahil sa tindi ng alat ng tubig. Ang
pampang ng lawa ay pinagkukunan ng asin sa Timog-Silangang Asya, ang lawa ng
Laguna de Bay sa Pilipinas ay malaking anyo ng tubig-tabang.
Isa sa mga mahalagang golpo sa Asya ay ang Golpo ng Persia na
dinaraanan ng mga tanker ng langis. Malaki rin ang Golpo ng Siam at Golpo ng
Tankin, Golpo ngLingayen at Golpong Davao ang pinakamalaking golpo.
Sa mga look naman, ang Look ng Bengal ang pinakamalaki sa rehiyon. Ang
look ng Maynila sa Pilipinas ay isang likas na daugan sa daig-dig ang North at South
Harbor. (Project EASE)

1. Ang pinakatanyag na bundok sa


Japan.
2. Ang6:pinakamalaking
GAWAIN PAGTAPAT-TAPATkapuluan sa
daigdig na binubuo ng 13,000 mga
pulo.
A. Deccan
Panuto: Itapat ang Hanay A sa Hanay
3. Ang pinakamataas ng bundok sa B. Titik
B.lamang ang isulat sa sagutang papel.
Mt. Everest
mundo. C. Indonesia
HANAY A
4. Bahagi ng kapuluang nakausli sa
HANAY B
karagatan. D. Krakatoa
5. Ang pinakamaliit na talampas sa E. Mt. Fuji
daigdig.
6. Ang pinakamaliit na bulkan sa F. Pilipinas
daigdig. G.Tangway
7. Bulkang matatagpuan sa
Indonesia. H. Taal
8. Malaking Talampas sa India. I. Tibet
9. Bansang matatagpuan ang
disyertong Takla Makan at Gabi. 11 J. Tsina
10. Bansang matatagpuan ang
pinakamalawak na kapatagan ng
Gitnang Luzon.
GAWAIN 7: PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Panuto: Mula sa binasang teksto, punan ang talahangyan ng mga halimbawa ng
mga sumusunod na anyong tubig.

Anyong Tubig Mga Halimbawa

1. Karagatan 1. ____________, ___________,


__________
2. Dagat 2. ____________, ___________,
__________
3. Ilog 3. ____________, ___________,
__________
4. Lawa 4. ____________, ___________,
__________
5. Golpo 5. ____________, ___________,
__________

Pagyamanin

GAWAIN 8: MAPA-SURI
Panuto: Pag-aralan ang mapa ng Asya at alamin ang mga bansang kinabibilangan
ng bawat rehiyon: Silangang
Asya
Tsina
Mga Rehiyon sa Asya Japan
Hilagang/ Mongolia
Gitnang Asya North Korea
South Korea
Kazakstan Taiwan
Kyrgyztan (Republic of
12 China)
Tajikistan
Uzbekistan
Turkmenistan
Timog
Kanlurang
Asya
Afghanistan
Armenia Timog
Azerbaijan Silangang
Bahrain Asya
Brunei
Cyprus Darussalam
Georgia https://conceptdraw.com/a1247c3/preview--Political%20map Cambodia
Iran %20of%20Asia Indonesia
Iraq Laos
Israel Timog Asya Malaysia
Jordan India Myanmar
Kuwait Pakistan Pilipinas
Lebanon Bangladesh Singapore
Oman Bhutan Thailand
Saudi Arabia Nepal Timor-Leste
Syria Maldives Vietnam
Turkey Sri Lanka
UAE
Yemen

Hilagang Kanlurang Timog Asya Silangang Timog


Asya/Gitnang Asya Asya Silangang
Asya Asya
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________
GAWAIN 9:_____________
SAAN AKO NABIBILANG? _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
Panuto: Itala sa kahon ang mga _____________
bansa batay sa kanilang rehiyong kinabibilangan.
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________
________ ________ 13 _______ ________
________
Gawain 10 : MAPA Hanapin Mo Ako! Kaya Mo!

Panuto: Gamit ang blankong mapa ng Asya, pangalanan ang mga bansa nito na
nasa bawat numero. Nasa loob ng kahon ang pagpipilian.

14

6
15
5

8 10
1
7

9
2

12 4
3

14
11
13

Russsia China Philippines Maldives Indonesia

Oman Mongolia Iran India Japan

South Korea Taiwan Pakistan Oman Sri Lanka

Isa-isip

Ang heograpiya ay may malaking papel na ginampanan sa pamumuhay ng


mga tao saang dako ng mundo.

Nagkaroon ng mga pagkakaiba sa pamumuhay ng mga tao sa Asya dahil sa


katangiang pisikal ng bawat rehiyon nito. Ang klima ay isang mahalagang salik na

15
makakaapekto sa bahay at pamumuhay ng mga Asyano dulot ng mga pagbabago
nito.

GAWAIN 11: SURIIN MO AKO!Panuto: Suriin ang ugnayan ng heograpiya sa pang-


araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa bawat rehiyon sa Asya gamit ang Cause-
Effect-Evidence o CEE Chart.

Halimbawa:
E
D Bansa o rehiyon na E Pangingisda ang isa sa B Ang mga bansang tulad
A P I
H napapaligiran ng E mga ikinabubuhay ng D
E
ng Pilipinas, Indonesia,
I katubigan K mga tao. N
S
Japan, Malaysia.
L T I
Y
A O A
N

E
D Bansa o rehiyon na may E
A P
B
I
.
H malawak na kapatagan E D
E
I K N
S
L T I
Y
A O A
N

E
D
Bansa o rehiyon E
na may malawak na kagubatan. B
A P I
D
H E E
I K N
S
L T I
Y
A O A
N

E
D rehiyon na may malawak naEdisyerto
Bansa o B
A P I
D
H E E
I K N
S
L T I
Y
A O A
N

Isagawa

GAWAIN 12: KAYA KO TO!

Kung ikaw ay isang turista na nais maglakbay at manirahan sa isang lugar/bansa sa


Asya, ano ang iyong sariling pananaw sa mga katanungan sa ibaba.

1. Anong lugar sa Asya ang pipiliin mo? Bakit?

______________________________________________________________
___________________________________________________________________

16
___________________________________________________________________
_______________________________________

2. Anu-anong magagandang katangiang pisikal ng Asya ang sa palagay mo ay tanging


sa ating bansa lamang matatagpuan na maipagmamalaki mo sa buong mundo?

______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________

3. Masasabi mo bang mayaman ang Asya dahil sa taglay nitong katangiang pisikal?
Bakit?

______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________

Tayahin

1. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya, Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan at
Silangang Asya. Tinatawag na heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito
dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspektong pisikal, historical, at kultural.
Kumpara sa ibang mga rehiyon, bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang
tinitingnan bilang magkaugnay?
a. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasang
historikal, kultural, agricultural at sa klima.

17
b. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng
kapaligirang pisikal.
c. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho.
d. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito.
2. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo?
a. Asya c. Amerika
b. Europe d. Timog Amerika
3. Ano ang tawag sa mga taong naninirahan sa Kontinente ng Asya?
a. Amerikano c. Europeo
b. Asyano d. Australiano
4. Paglalarawan ng ibabaw o balat ng lupa.
a. Heograpiya c. Matematika
b. Kasaysayan d. Lokasyon
5. Ilan lahat ang mga Kontinente sa mundo?
a. 5 c. 7
b. 6 d. 8
6. Sa hilaga, nasasakop ng Asya ang teritoryo mula sa paraan ng Bulubunduking Ural
hanggang sa baybayin ng karagatang ___________.
a. Arctic c. Indian
b. Atlantic d. Pasipiko

7. Ang mga sumusunod ay mga anyong lupa maliban sa isa ____________.


a. Kabundukan c. Peninsula
b. Lambak d. Talampas

8. Ang mga sumusunod ay mga anyong tubig maliban sa isa ____________.


a. Bundok c. Ilog
b. Dagat d. Talon
9. Tumutukoy sa mga katangiang pisikal na nasa ibabaw ng daigdig na gaya ng anyong
lupa at anyong tubig/
a. Demograpiya c. Pilosopiya
b. Heograpiya d. Topograpiya
10. Ang Asya ay nahahati sa ______________ rehiyon.
a. 3 c. 5
b. 4 d. 6
11. Ang mga sumusunod ay mga bansang kabilang sa rehiyon ng Timog Silangang Asya
maliban sa isa

18
a. Pilipinas c. Indonesi
b. Saudi Arabia d. Malaysia
12. Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig?
a. Kapuluan c. Kalupaan
b. Karagatan d. Kontinente
Tunghayan ang mapa sa ibaba upang masagot ang susunod na mga tanong.

https://www.pinterest.ph/pin/1618549841337384/

13. Sa iyong pagtingin sa mapa, alin sa sumusunod ang angkop na paglalarawan at


interpresyon tungkol sa kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
a. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-
pareho.
b. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
c. Ang malaking bahagi ng hangganran ng Asya ay mga anyong tubig.
d. Insular ang malaking bahagi ng Kontinente ng Asya.
14. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang na rito
ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang
ulan at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init , ano
naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?
a. Ang mga rehiyonay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tagulan.
b. May maiinit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na
nababalutan ng yelo.
c. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyo’t ang nararanasan sa rehiyong ito
sa iba’t ibang buwan sa loob ng isang taon.
d. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.

19
15. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng
Kontinente ng Asya?
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong
lupa o anyong tubig.
b. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng mga anyong lupa, tangway,
kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga
tumutubong halaman.
d. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nag tataglay ng iisang uri ng klima na may
malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano,

Karagdagang Gawain

GAWAIN 13: “ASYA KAY GANDA”

Panuto: Gumawa ng isang tula na may pamagat na “ASYA KAY GANDA”. Isulat sa
buong papel.
KRITERYA SA PAGMAMARKA NG
ISANG TULA
DESKRIPSYON ISKOR

Pagkabuo (Angkop at 5
wasto ang mga salitang
ginamit sa pagbuo.)

Nilalaman (Mabisang 5
naipahayag ang mensahe
ng tula.)

Pagkamalikhain 5
(Napakaganda at
napakalinaw ang
pagkasulat.)

Kaangkupan (May 5
malaking kaugnayan sa
paksa ang ginawang
tula.)
20
TOTAL 20
Malaysia Jordan
Myanmar Tsina India Kuwait
Pilipinas Japan Pakistan Lebanon
Singapore Mongolia Bangladesh Oman
Thailand North Korea 21 Bhutan Saudi Arabia
Timor-Leste South Korea Nepal Syria
Vietnam Taiwan (Republic of China) Maldives Turkey
Sri Lanka
15. D D 15.
14. A 14. A
13. C 13. C
12. A 12. D
11. D 11. B
10. A 10. C
9. C 9. D
8. D 8. A
7. B 7. C
6. C 6. A
5. A 5. C
4. A 4. A
3. C 3. D
2. A 2. A
1. B 1. A
Subukin Tayahin
Susi saPagwawasto
22
15. Kazakhstan 14. Sri Lanka 11. Maldives 12. Oman 13. Indonesia
10. Japan 9. Pakistan 6. Russia 7. Iran 8. S. Korea
5. Mongolia 4. India 1. China 2. Taiwan 3. Philippines
Gawain 10: Mapa Hanapin Mo Ako! Kaya Mo!
Pagyamanin: Gawain 9
Saan Ako Nabibilang?
Kanlurang Asya
Afghanistan
Armenia
Azerbaijan
Timog Silangang Asya Bahrain Hilagang Asya/Gitnan
Cyprus
Brunei Darussalam Georgia Kazahstan
Cambodia Iran Kyrgyztan
Indonesia Iraq
Sanggunian

Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba


Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

Project (EASE) Effective Alternative Secondary Education


Araling Panlipunan II , Modyul 1 Heograpiya ng Asya

Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan II


Karapatang-ari copyright 2011
United Eferza Academic Publications, Co.

https://www.pinterest.ph/pin/1618549841337384/https://conceptd
raw.com/a1247c3/preview--Political%20map%20of%20Asia
https://www.conceptdraw.com/examples/southeast-asia-map
https://www.mapsofworld.com/world-map.pdf
https://www.atozmapsdata2.com/downloads/Lesson_Plans/R-ASIA-
geog2-LP.pdf

23
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Misamis Occidental
Office Address: (Ad. Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis
Occidental
Contact Number: 0977 806 2187
E-mail Address: deped_misocc@deped.gov.ph

24

You might also like