You are on page 1of 7

Kabanata IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI, INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Inilalahad ng kabanatang ito ang mga kinalabasan ng pag-aaral na isinagawa. Matapat at

matiyagang sinuri ang kasagutan ng mga napiling mag-aaral ng BPED 2 – A ng Polangui Community

College. Masusing inalam ang mga epekto ng paggamit ng facebook sa paraan ng pagbabaybay ng mga

nabanggit na respondente.

Ang mga nasuri, napatunayan at mga naisagawa ayon sa itiakdang layunin ng pag-aaral na ito ay

matapat at masusing nakalahad sa bahaging ito sa pagkakasunod-sunod ng mga tanong na nakalahad sa

unang kabanata.
Dahilan ng Paggamit ng Facebook

Column1
100

90

80

70

60

50

40

30

20

10

0
Paglalaro Pananaliksik Pampalipas-oras Pakikipag-komunikasyon

Makikita sa unang talahanayan na ang pinakamalaking bahagdan ng dahilan ng mga mag-aaral

sa pagkakaroon ng facebook ay upang gamitin sa pakikipag-komunikasyon; pumapangalawa ang

pagpapalipas lamang ng oras, pangatlo naman ang pananaliksik samantalang wala namang nagsabi na

ginagamit nila sa paglalaro ang Facebook.


10 oras o higit
11%

1-3 oras
34%

7-9 oras
29%

4-5 oras
26%

Bilang ng Oras ng Paggamit ng Facebook ng mga Mag-aaral


Malinaw na nakasaad sa graf na karamihan ng mga repondente o 34% nito ang 1-3 oras kung

gumamit ng facebook sa loob lamang ng isang araw; 7 hanggang 9 na oras naman kung gumamit ang

29% ng mga ito; samantalang 26% naman ang gumagamit nito sa loob ng apat hanggang limang oras at

11% naman ang gumagamit ng facebook ng 10 oras o higit pa.

Wikang Ginagamit sa Facebook

Ingles
47%
Filipino at Ingles
53%
Ipinapakita sa itaas na Filipino at Ingles ang wikang ginagamit ng karamihan sa mga respondente

o 53% nito samantalang ang nalalabing 47% naman ay wikang Ingles lamang ang ginagamit.

Bilang ng Mag-aaral na Sinasadyang Nagbabago o Nagpapalit ng Baybay sa Paggamit ng Facebook

Iniiba ng baybay
24%

Hindi nag-iiba ng baybay


76%

Ang graf ay nagpapakita na karamihan sakanila o 76% nito ay hindi nag-iiba ng baybay at ang

natitira namang 24% ay iniiba ang kanilang pagbaybay ng salitang ginagamit nila sa Facebook.
Pagsulat ng Tamang Baybay ng mga Salita

Maling pagbaybay
16%

Tamang pagbaybay
84%

Nagpapakita ang graf sa itaas na hindi man sinasadya, ay 16% pa rin ang bilang ng mga

respondente ang nakakapagpost o nagpapadala ng mensahe sa facebook na mali ang baybay

samantalang 86% o higit na mas mataas ang bilang ng gumagamit ng mga salita na wasto ang baybay sa

nabanggit na social networking site.

You might also like