You are on page 1of 7

ISHRM SCHOOL SYSTEM

HABAY, BACOOR CAVITE

English o Filipino? Epektibong Komunikasyon sa Online Class sa


Mag-aaral ng ISHRM

Bilang tugon sa pangangailangan


para sa asignaturang
Filipino 2

Ipinasa nina

Eustaquio, Sonny Matthew R.

Tolentino, Jeanna Marie B.

Avenir, Francis Aaron R.

Escala, Hazel Joyce S.

Joya, Ken Kyron P.

Casili, April-Lyn L.

Perez, Limuel U.

BSHM2E

Marso 2021

English o Filipino? Epektibong Komunikasyon sa Online Class sa Mag-aaral ng ISHRM


ISHRM SCHOOL SYSTEM
HABAY, BACOOR CAVITE

METODOLOHIYA

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalayon na maipakita at maipaliwanag


ang pamamaraan na ginamit ng mga mananaliksik upang mabigyang katuparan na
masagot ang layunin ng pag-aaral na “English o Tagalog? Epektibong Komunikasyon
sa Online Class sa Mag-aaral ng ISHRM”.

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng mixed method combination na kung saan


pinag halo ang kwantitatibo at kwalitatibo. Limitado lamang ang bilang ng mga
tagasagot sa aming talatanungan, ngunit hindi lamang nakadepende sa dami ng
sumagot sa aming talatanungan.

Ayon kina Cresswell at Clark (2007), ang mixed methods research ay disenyo ng
pananaliksik na gumagamit ng metodolohiya at pilosopikal na pagpapalagay na
nakapatnubay sa paraan ng pagkuha at pag-aanalisa ng mga datos at pagsasanib ng
kwalitatibo at kwantitatibong pagdulog sa iba’t ibang bahagi ng pananaliksik.

Ayon naman kina Peltomakl at Nummeia (2006), ang mixed methods research
ay nagbibigay ng mga impormasyon sa iba’t ibang antas. Ang kwalitatibong metodo ay
mas makakapagbigay ng malalim na pag-unawa sa mga baryabol na magsusulong sa
kwantitatibong numerikal na resulta.

Pagpili ng Respondente

Upang makakuha ng mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang


“English o Filipino? Epektibong Komunikasyon sa Mag-aaral ng ISHRM” gumamit ang
mga mananaliksik ng convenience sampling kung saan ang pagpili ng respondente ay
malaya mula sa kinabibilangan nitong grupo.

Ayon kay Albert Dirain (2014), ang convenience sampling ay ang pagkuha ng
mga respondente base sa pagkalapit nila sa mga mananaliksik at ito ay ginagamit ng
mga mananaliksik upang hindi na sila mahihirapan pang maghanap ng mga
respondente.
English o Filipino? Epektibong Komunikasyon sa Online Class sa Mag-aaral ng ISHRM
ISHRM SCHOOL SYSTEM
HABAY, BACOOR CAVITE

Ang mga napiling respondente ay mga piling mag-aaral ng ISHRM. Ang mga
respondente ay magiging daan upang makakalap at makalikom ng datos na
kakailanganin sa aming pananaliksik. Ang aming respondente ay may bilang na
limampung (50) mag-aaral ng ISHRM na nahahati sa dalawang grupo ito ay hanay ng
babae at lalaki upang sagutan ang mga talatanungan na may kaugnayan sa paggamit
ng wika sa online class.

Ang kalakasan ng convenience sampling ay nakakatipid sa oras, pera at


mapapabilis ang gawain ng mga mananaliksik at hindi mahirap maghanap ng mga
respondente.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng kakailanganing datos sa


pananaliksik na ito ay ang talatanungan at internet. Ang internet ay magsisilbing
pangunahing instrumento na maaaring magamit sa pagpapasa ng talatanungan sa mga
respondente. Ang talatanungan na inihanda ng mananaliksik ay mayroong kwalitatibo at
kwantitatibo na katanungan na sasagutin ng mga respondente ito ay may pagpipilian at
mayroong hinihingi na sariling opinyon.

Isa pang pamamaraan sa pangangalap ng datos at impormasyon ang malinaw


na tinalakay nina Nuncio et al., (2015) ang talakayang ito ay kadalasang binubuo ng 6
hanggang 15 kalahok upang makuha ang opinyon, karanasan at ideya ng mga kalahok,
ito ay ginagamit. Sa pagpili ng mga kalahok, maaaring gumawa ng pamantayan na may
kaalaman sa paksang tatalakayin at mga tanong. Ang paksa ng talakayan ay nakatutok
sa mga tanong na sasagutin ng mananaliksik sa pag-aaral. Sa pagsasagawa nito, ang
mga tanong na dapat sagutin sa pag-aaral ay kailangang balikan. Upang maging
maayos ang daloy, ang mga pangunahing tanong ay isinusulat subalit hindi dapat na
sinasagot lamang ng simpleng oo o hindi. Samakatuwid, kailangang may pare-
parehong background at interes ang mga kalahok tungkol sa paksa.

English o Filipino? Epektibong Komunikasyon sa Online Class sa Mag-aaral ng ISHRM


ISHRM SCHOOL SYSTEM
HABAY, BACOOR CAVITE

Pagkatapos makalikom ng mga datos mula sa mga respondente. Ang mga


mananaliksik ay dapat panatilihing kumpidensyal ang mga impormasyon ng mga
respondante para rin sa kaligtasan ng mga ito.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng google forms para ibigay sa mga napiling
respondente. Iisa-isahin namin ang mga respondente upang masagutan ang aming
talatanungan. Ang mga mananaliksik lamang ang nakakaalam ng sagot ng mga
respondente at pananatalihin itong pribado. Sinisigurado ng mga mananaliksik na
walang matatamaan na importanteng oras sa mga respondente sa kanilang
pagsasagot.

Tritment ng Datos

Ang napili ng mga mananaliksik upang mas madaling maintindihan ang mga
datos nakabuod ang mga datos gamit ang iba’t ibang uri ng talaan gaya ng
talahanayan, tsarts at convenience sampling gayon din ay may pagtatalakay sa mga
resulta ng datos bilang metodo sa pagbibigay konklusyon sa naging resulta.

Ang mga datos na nakalap mula sa mga mag-aaral ng ISHRM na tumugon sa


talatanungan ay pinagsama-sama upang makuha ang tama at eksaktong bilang. Ang
mga datos na ito ay mag sisilbing kasagutan sa mga katanungan ng mga mag-aaral ng
ISHRM. Ang mga datos na nakalap sa sarbey ay isasalarawan gamit ang pie graph
upang mas madaling maintindihan ng mambabasa ang nakuhang resulta ng sarbey.

Ayon kay Melvin (2009), ang pie graph, ay ganap na popular, tulad ng bilog ay
nagbibigay ng visual na konsepto ng buo (100%). Pie chart din ay isa sa mga pinaka-
karaniwang ginagamit na tsart sapagkat ang mga ito ay simpleng gamitin. Sa kabila ng
kanyang katanyagan, pie chart ay ginagamit para sa dalawang dahilan. Una, ito ay
pinakamahusay na ginagamit para sa pagpapakita ng statistikal na impormasyon kapag
may mga hindi hihigit sa anim na bahagi lamang-sa kabilang banda, ang mga resulta na
larawan ay masyadong kumplikado upang maunawaan. Pangalawa, ang pie chart ay
hindi kapaki-pakinabang kapag ang halaga ng bawat bahagi ay magkakakatulad dahil
English o Filipino? Epektibong Komunikasyon sa Online Class sa Mag-aaral ng ISHRM
ISHRM SCHOOL SYSTEM
HABAY, BACOOR CAVITE

ito ay mahirap na makita ang mga pagkakaiba sa pagitan ng sukat nga mga hiwa. Ang
isang pie chart ay gumagamit ng percentages upang ikumpara ang mga impormasyon.
Porsyento ang ginagamit sapagkat ang mga ito ay ang pinakamadaling paraan upang
kumatawan sa isang buo. Ang buong ay katumbas ng 100%.

English o Filipino? Epektibong Komunikasyon sa Online Class sa Mag-aaral ng ISHRM


ISHRM SCHOOL SYSTEM
HABAY, BACOOR CAVITE

Sarbey-Kwestuneyr

“English o Filipino? Epektibong Komunikasyon sa Online Class sa Mag-aaral ng


ISHRM”

Pangalan:

Seksyon:

1. Palagi ka bang pumapasok sa online class?

Oo Hindi

2. Pabor ka ba sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagtuturo?

Oo Hindi

3. Mas mapapabilis ba ang pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang makabagong


teknolohiya?

Oo Hindi

4. Sapat ba ang iyong natututunan sa online class?

Oo Hindi

5. Nakatutulong ba ang wikang Ingles sa online class?

Oo Hindi

6. Ano ang mas gusto mong gamitin na wika sa pagtuturo sa online class?

Filipino Ingles Taglish

7. Ano ang mas epektibo?

Face to face Online Class

English o Filipino? Epektibong Komunikasyon sa Online Class sa Mag-aaral ng ISHRM


ISHRM SCHOOL SYSTEM
HABAY, BACOOR CAVITE

8. Ano ang mga problema ang nararanasan mo sa online class?

Mahinang Internet Walang sapat na kagamitan Working Student

9. Ano ang benepisyo ng online class kumpara sa face to face? Sariling sagot.

10. Ano ang iyong opinyon sa online class mode? Sariling sagot.

English o Filipino? Epektibong Komunikasyon sa Online Class sa Mag-aaral ng ISHRM

You might also like