You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Matematika

Ika-apat na Markahan
Ikatlong Linggo
(Unang Araw)
I. Mga layunin:
1.Nakakakalap at nakapag-aayos ng datos gamit ang talaan at table.
2.Pagkilala ng datos gamit ang pictograph.

II. Paksa
A. Aralin 11: Representing Data Using Pictograph
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah., Curriculum Guide pah. 12, Gabay ng Guro pah. 84-
86, Pupils’ Activity Sheet pp.____
C. Kagamitan: crayons, picture cards with cut-out of insects
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan:
Pangangalap at Pag-aayos ng Datos Gamit ang Tally at Table

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Laro: basic addition facts sa flashcards
Unahan sa pagbibigay ng sagot.
2. Pagganyak:
Awit: Paru-parong Bukid
Itanong: Anong hayop ang nabanggit sa awit?
Anong uri ng hayop ang paru-paro?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad ng Suliranin:
Gumamit ng larawan para sa kwento.
Ipabasa sa isang mag-aaral ang kwento sa pisara.

Hilig ni Marie ang mag-alaga ng mga tanim sa halamanan ng paaralan. Tuwing hapon,
nagpupunta siya roon para magdilig at linisin ang paligid ng mga halaman. Binubunutan
rin niya ang mga halaman ng damo sa paligid.
Maraming kulisap ang lilipad-lipad sa halaman tulad ng paru-paro, bubuyog, tipaklong,
tutubi at maging gagamba.
Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na bilangin ang mga kulisap ayon sa uri.
Ilan lahat ang mga kulisap sa hardin?

C. Pagsagot sa Suliranin:
Mahahanap natin ang sagot sa suliranin sa dalawang pamamaraan:
Una; Sa pamamagitan ng pagbilang sa mga kulisap nang isa-isa.
Pangalawa: Sa pamamagitan ng pagbilang sa mga kulisap ayon sa kanilang uri.
Hal. Paru-paro – 10
Bubuyog - 2
Tipaklong - 6
Tutubi - 4
gagamba - 5

D. Pagpoproseso ng Gawain:
Pag-aralan natin ang iba pang paraan nang pag-aayos ng mga kulisap para mas madaling
bilangin.
Una: Gagamit tayo ng table o hanay tulad ng nasa ibaba: Ang table ay binubuo ng rows at
column.
Mga Insekto Larawan o Cut-outs
Paru-paro

Tipaklong
Gagamba

Tutubi
Bubuyog

Ilan ang bawat uri ng insekto?


Ilan lahat ang mga kulisap?
Alin kulisap ang pinakamarami ang bilang? pinakakaunti?
Ilan ang higit na dami ng paru-paro sa tipaklong? Paano mo nalaman?
Pangalawang Paraan:
Gagamit tayo ng tally mark sa katumbas ng bawat bilang ng kulisap.
Hal.
Insekto Tally Marks Kabuuang
Bilang ng
Tally Marks
Paru-paro IIII IIII 10
Tipaklong IIII – I 6
Gagamba IIII 5
Tutubi IIII 4
Bubuyog II 2

D. Paglalahat:

Paano mabibilang ang mga bagay nang mabilis at maayos?


Tandaan:
Ang bilang ng mga bagay ay maaring ipakita sa maayos na paraan sa pamamagitan ng
pagsasama ng mga bagay ayon sa kanilang uri sa isang hanay (table). Sa ganitong
paraan, mas madaling bilangin ang mga bagay ayon sa uri.
Maari ring gumamit ng tally mark para maging maayos at mabilis ang pagbilang.

E. Paglalapat:

Pangkatang Gawain: Bigyan ang mga bata ng gawain na magpapakita ng kanilang pang-
unawa sa natutunang aralin.
Pangkatin ang klase sa dalawa(2).
PANGKAT 1
Igawa ng table ang mga prutas sa tindahan ni Aling Bella.
mangga – 5
pakwan – 4
melon - 6
atis – 7
chico – 3
Mga Prutas Larawan o cut-outs
Mangga
Pakwan
Melon
Atis
Chico
PANGKAT 2
Gumamit ng Tally mark para sa mga prutas ni Aling Bella

Mga Prutas Tally Marks Kabuuang Bilang ng


Tally Marks
Mangga
Pakwan
Melon
Atis
Chico

Rubrics
Disiplina 3
Wastong Pag-uulat 5
Kooperasyon 2
Kabuuan 10

Pag-uulat ng Mag- aaral

IV. Pagtataya:
Kalapin ang datos at igawa ng table. Gumamit din ng tally.
Namasyal sa Ocean Park si Mark. Narito ang mga nakita niyang sari-saring isda.

Pating – 8
Sea horse – 1
Star Fish – 5
Dolphin – 4

V. Kasunduan
Itala ang mga gamit mo sa paaralan at igawa ito ng table.

You might also like