You are on page 1of 7

Length: 25 minutes

Scriptwriter/Broadcaster: HAZEL LEIN I. GRANIL


MELC: *Nasusuri ang mga dahilan at pangyayaring naganap sa Panahon ng Himagsikang Biak-na-Bato
Pilipino
Topic: Pangunahing kaalaman sa Katutubong Sayaw na Itik-Itik
Objectives: COGNITIVE: Natatalakay ang mga ambag ni Andres Bonifacio, ang Katipunan at
Himagsikan 1896 sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa.
AFFECTIVE: Napapahalagahan ang mga ambag ni Andres Bonifacio sa Himagsikan para sa
kasarinlan ng Pilipinas.
PSYCHOMOTOR: Nakakasulat tungkol sa mga ambag ni Andres Bonifacio, ang Katipunan at
Himahgsikan 1896

Schedule:

Time SPIEL
5 BIZ: MIC UP AND OUT
secs
Magandang araw! Sumasainyo ang Aral TarlakHenyo mula sa RTV Tarlac
Channel 26 at sabayang naririnig sa DZTC Otso Dos Otso (828) Radyo
Pilipino Tarlac.

Kumusta Pilipinas at Kumusta Tarlac Province! magandang umaga sa


On Camera ating lahat!

Inset Power Point Slide #1 Sumasahimpapawid mula sa bayan ng Santa Ignacia, ako ang inyong guro
sa Araling Panlipunan 6 Ginang Hazel Lein I. Granil ang inyong teacher
broadcaster para sa ika-anim na baitang na makakasama niyo sa loob ng
dalawampu’t limang minuto ng katuwaan at karunungan.

5 BIZ: MIC UP AND OUT


secs
Bago tayo magsimula sa ating aralin para sa araw na ito, mangyari lang na
ihanda ang inyong mga Learner’s module at Learne’s Activity Sheet, at ang
On Camera inyong papel at pansulat.

Inset Power Point Slide #2 Handa na ba ang mga ito? Mahusay!.

Siguraduhing kayo ay nasa komportableng lugar at maayos at malinaw na


naririnig ang ating broadcast. Kumusta na kayo mga bata? Nagmeryenda
na ba kayo? (PAUSE). Mabuti kung ganoon nang maging alerto at
makabahagi sa ating aralin. Alam kong handa na ang inyong mga isip at
katawan upang mas lalong maunawaan ang ating aralin ngayong araw.

Ang ating aralin ngayong araw ay tungkol sa paksang Mga Ambag ni


Andres Bonifacio sa Pagbuo ng Pilipinas Biang Isang Bansa.
5secs
Inset Power Point Slide #3 Bago tayo magsimula sa ating aralin, Magbalik-aral muna tayo!

Naaalala pa ba ninyo ang nakaraang aralin sa AP 6?

Kung maaalala niyo, noong nakaraaang Martes ang ating aralin ay tungkol
sa Biak na Bato.

Ano na nga ba ang Biak na Bato?

Ang Biak na Bato sa San Miguel de mayumo sa Bulacan ang nagsilbing


kuta nila Aguinaldo sa panahon ng pakikipagdigma nila sa mga Kastila.
Dito na rin bumalangkas sina Isabelo Artacho at Felix Ferrer ng isang
Saligang Batas sa naging daan upang maitatag ang Republika ng Biak-na-
Bato.
    Tignan nga natin kung naaalala niyo pa ang ating aralin noong
nakaraang lingo?

1.Kailan nilagdaan nina Aguinaldo ang Konstitusyon ng Biak na Bato?

Maaari kayong magpadala ng inyong mga kasagutan sa pamamagitan ng


pagkomento sa comment section sa ating Facebook Live.

Inuulit ko, Maaari kayong magpadala ng inyong mga kasagutan sa


pamamagitan ng pagkomento sa comment section sa ating Facebook Live

Hawakan ang Cellphone) Ayan! May nabasa na akong comment galing kay

John Lloyd. Ang sagot niya ay ‘Disyembre 14, 1897

Tama kaya si John Lloyd? (PAUSE)


Ang tamang sagot ay “Disyembre 14, 1897”. Magaling Aileen dahil tama
ang iyong sagot

2. Sino ang dalawang sumulat ng Konstitusyon ng Biak na Bato?

Hawakan ang Cellphone) Ayan! May nabasa na akong comment galing kay

Mark Louie. Ang sagot niya ay ‘Isabelo Artacho at Felix Ferrer”

Tama kaya si Mark Louie? (PAUSE)


Ang tamang sagot ay “Isabelo Artacho at Felix Ferrer”. Magaling Mark
Louie dahil tama ang iyong sagot

At an panghuling katanungan natin ay,

3. Sino ang nahalal na pangulo ng Republika ng Biak na Bato?

Hawakan ang Cellphone) Ayan! May nabasa na akong comment galing kay
Jellsie. Ang sagot niya ay ‘Emelio Aguinaldo”

Tama kaya si Jellsie? (PAUSE)


Ang tamang sagot ay “Emelio Aguinaldo”. Magaling Jellsie dahil tama ang
iyong sagot
5secs
Inset Power Point Slide #4 Bago tayo dumako sa ating aralin, alam ko ang iba sa inyo ay maaaring
inaantok pa o kaya ay tinatamad… Kaya naman pasisiglahin natin ang
inyong umaga…… Tayo ulit ay maglalaro.

Nais niyo bang maglaro mga bata? (PAUSE) Magaling!

Ang larong ito ay tinatawag na “ PUZZLE PICTURE?”

On Camera Ako ay magpapakita ng mga Puzzle Picture at ito ay inyong


huhulaan.Handa na ba kayo?
Inset Power Point Slide #5
Maaari kayong magpadala ng inyong mga kasagutan sa pamamagitan ng
pagkomento sa comment section sa ating Facebook Live.

Inuulit ko, Maaari kayong magpadala ng inyong mga kasagutan sa


pamamagitan ng pagkomento sa comment section sa ating Facebook Live.

( Ipakita ang unang Puzzle Picture)

Kilala natin siya bilang Ama ng Himagsikan at Rebolusyong Pilipino. Kilala


rin natin siya sa kanyang mga alyas na May Pagasa, Agapito,
On Camera Bagumbayan, Sinukauan at Supremo.
Sino ito?
Inset Power Point Slide #6 .
(Hawakan ang Cellphone) Ayan! May nabasa na akong comment galing
kay
Aileen. Ang sagot niya ay ‘Andres Bonifacio’

Tama kaya si Aileen? (PAUSE)


Ang tamang sagot ay “Andres bonifacio”. Magaling Aileen dahil tama ang
iyong sagot.

On Camera Pangalawa

Inset Power Point Slide #7 (Ipakita ang pangalawang Puzzle Picture)

 Ito ay tumutukoy sa pag-aalsa o pagrerebelde ng taumbayan laban sa


pamahalaan dahil sa pagtutol o pagtanggi sa pamamalakad ng mga
awtoridad o mga may katungkulanAno ang sayaw na ito? (PAUSE)
(Hawakan ang Cellphone) Ayan! May sagot sa comment section galing kay
Xyrone : Ang sagot niya ay ‘ himagsikan’
Tama kaya si Princess? (PAUSE)
Mahusay Xyrone, dahil tama ang iyong sagot.

Sa mga sumubok, nawa’y tama ang inyong mga isinagot.


Sa mga hindi naka perfect, ayos lang yan. Ang importante, sinubukan mo
ang iyong makakaya.
Sa mga hindi naman nabasa ang sagot, Okay lang yan. Marami pa tayong
Gawain maya-maya lamang. Kaya tumutok lang sa ating talakayan.

Sa ating laro kanina mga bata, Ano ang koneksyon kaya ni Andres
Bonifacio at sa Himagsikan?

Halika na at tuklasin natin!

On Camera Si Andres Bonifacio ang "Supremo" ng Katipunan. Si Bonifacio at iba pang


makabayang Pilipino ang nagtatag ng  ng samahang tinawag na
Inset Power Point Slide #9 "Kataastaasang Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan" o
Katipunan. Layunin ng Katipunan na maghimagsik laban sa Espanya at
palayain ang bansang Pilipinas.
Mahalagang Papel ni Andres Bonifacio sa Pagbuo ng Bansa
• Itinatag niya ang Katipunan at kinilalang supremo nito
• Pinamunuan niya ang Katipunan hanggang sa huli
• Isinulat niya ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, Sampung Utos,
Dekalogo ng Katipunan, at iba pang akdang nakaimpluwemsiya
sa maraming Pilipino
• Nagpatunay siya na hindi hadlang ang kahirapan upang
pamunuan ang bansa
• Nagbigay-halimbawa sa iba ang kanyang buhay at
pagpapahalaga sa mga Pilipino
• Kinilala siya bilang tunay na bayani o bayaning Pilipino sa
konsepto ng kanyang mga kapwa mga Pilipino

Upang mas higit na maunawaan at matutunan ang mga hakbang galaw sa


sayaw na itik-itik, isa isahin nating ang mga hakbang galaw sa
sayaw na itik-itik.
Handa na ba kayo mga bata? Narito na at panoorin nating lahat!

Insert Video
On Camera Inyo nang napanood ang Mga Ambag ni Andres Bonifacio Sa Pagbuo ng
Bansang Pilipinas,May natutunan ba kauo mga bata mula sa inyong
Inset Power Point Slide napanood?
#10
Mahusay mga bata!

Naintindihan ninyo na ngayon at nalaman ang kahalagahan ni Andres


Bonifacio saq pagbuo ng ating bansang Pilipinas
On Camera Sa puntong ito, ating sagutin ang mga katanungan mula sa aring aralin,
nais kong hawakan ang inyong learning activity sheets sa AP6 at ito ay
Inset Power Point Slide sabay-sabay nating sasagutin
#12
Ating sagutin amg mga tanong sa Gawain 1 at Gawain 2.

1. Sino si Andres Bonifacio?


2. Ano-ano ang kaniyang nagawa para sa bansa?
3. Ano ang papel na ginampanan ni Andres Bonifacio sa Himagsikan?
4. Ano ang nagyari noong Himagsikan 1896?
5. Paano naging isang bayani si Andres Bonifacio?

Mga sagot:
1. Si Andres Bonifacio ang "Supremo" ng Katipunan. Si
Bonifacio at iba pang makabayang Pilipino ang nagtatag ng
On Camera ng samahang tinawag na "Kataastaasang Kagalanggalang
na Katipunan ng mga Anak ng Bayan" o Katipunan
Inset Power Point Slide 2. Itinatag niya ang Katipunan at kinilalang supremo nito
#13 -Pinamunuan niya ang Katipunan hanggang sa huli
-Isinulat niya ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, Sampung Utos,
Dekalogo ng Katipunan, at iba pang akdang nakaimpluwemsiya
sa maraming Pilipino
-Nagpatunay siya na hindi hadlang ang kahirapan upang
pamunuan ang bansa
-Nagbigay-halimbawa sa iba ang kanyang buhay at
pagpapahalaga sa mga Pilipino
-Kinilala siya bilang tunay na bayani o bayaning Pilipino sa
On Camera konsepto ng kanyang mga kapwa mga Pilipino
3. Itinatag niya ang Katipunan at kinilalang supremo nito
Inset Power Point Slide 4. Naghimagsik laban sa Espanya at palayain ang bansang Pilipinas.
#14 5. Nagbigay-halimbawa sa iba ang kanyang buhay at pagpapahalaga
sa mga Pilipino

Gawain 2
Isaayos ang mga larawan sa pagkasunod sunod na pangyayari

Sagot
6,8 2,1,5 4,10,7,3
Tandaan natin!
Bilang mag-aaral ang mga mahahalagang bagay na nagawa ni Andres
Bonifacio sa ating Bayan..

Insert Power Point Slide Karagdagang Gawain:


#15
Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang. Piliin sa loob ng
kahon.

Hari ng Katagalugan Supremo Ama

Sedula Pugad Lawin Kasaysayan

Si Andres ay dalubhasa sa _____________


Siya ay nanguna sa pagpunit ng ___________ sa maliit na baryon ng
______________
Tinaguriang ____________________ ng Katipunan
Itinatag ni Andres Bonifacio ang KKK at siya ng kinilalang
______________
Sa itinatag niyang Pamahalaang Mapaghimagsik tinawag din siyang
Pangulo ng _________________
Sagot:

Kasaysayan
Sedula
Pugad Lawin
ama
Supremo

Mahusay grade 6 learners! Sa susunod nating aralin mga bata ay ating


matututunan ang Unang Republika ng Pilipinas. Kung kayo ay may internet
connection maaari kayong manood ng mga videos sa youtube tungkol sa
susunod nating paksa upang mas madaling makasunod sa ating aralin

Mabilis na lumipas ang dalawamput-limang minuto ng ating makabuluhang


talakayan sa AP grade 6. Abangan pa ninyo ang mga susunod na
episodes ng ating mga aralin sa Araling Panlipunan.

Kung kayo pa ay may karagdagang katanungan tungkol sa ating aralin,


maaari kayong magpadala ng mensahe sa ating FB Page o kaya ay mag
comment sa ating FB Live broadcast. Ang inyong mga tanong ay aming
sasagutin sa abot ng aming makakaya.
iLike at ishare ninyo and ating FB Page na RTV Tarlac Channel 26.

That’s all for today. I am your teacher broadcaster of Sta. Ines East
Elementary School, from Santa Ignacia South District, Ma’am HazelLein I.
Granil Mag-aral ng Mabuti upang kinabukas ay mapabuti!”

see you next time!

- END OF SCRIPT -

You might also like