You are on page 1of 4

kung kayo ang itinadhana, kayo na talaga.

Ngunit kapag ang tadhana na mismo ang pilit na hindi


kayo tagpuin, anong gagawin mo?

Si Leruian ay anak ng isang diyosa ng kagubatan na si Guriane. Ilag siya sa kapwa niya anak ng
diyos or dyosa. Hindi maiitangging maraming babaeng anak ng mga diyos o diyosa ang
nagkakagusto sa kanya ngunit hindi niya iyon binibigyan ng pansin. Dahil nakatuon lamang ang
paningin nito sa isang babae na hindi pwedeng maging sa kanya. Ito'y isang mortal. Isang mortal na
babaeng nakita niya noong minsang nagmumuni-muni siya sa kagubatan ng mga mortal. Unang
pagtapat palamang ng mga mata nito sa babae noon ay agad siyang nabighani sa angking
kagandahan ng babae.

"Ano ba itong nararamdaman ko?" Tanong nito sa kanyang sarili noong oras na iyon. Napailing na
lamang ito at napahawak sa dibdib nito kung saan nararamdaman niya ang malakas na tibok ng
kanyang puso.

"Anak?" Isang malamyos na tinig ang kanyang narinig dahilan para mabalik siya sa realidad. Agad
siyang tumayo mula sa pagkakaupo at hinarap ang kanyang mahal na ina na nakahimlay sa higaan
nito. "Mahal na ina, may kailangan po ba kayo?" Nag-aalalang tanong nito. Nagkaroon ng
malubhang sakit ang kanyang ina at hindi niya alam kung bakit nagkaroon ito ng ganoong klase ng
sakit. Nag-aalala na ito dahil araw araw ay mas nagiging malubha ang kalagayan ng ina. Maski ang
magaling na mangkukulam ng kaharian ay hindi malaman ang sakit ng diyosa. Nakakapagtaka nga
dahil nagkaroon ng ganitong sakit ang kanyang mahal na ina. Isa siyang diyosa ngunit dinapuan ito
ng hindi maipaliwanag na sakit? Maliban na lamang kung ang kapwa diyosa/diyos ang gumawa
nito sa kanya. Napayukom na lamang ito ng kamao.

"M-mamatay na ata ako, anak." Garalgal na boses na sambit ng kanyang ina. "Hindi ka mamatay
Ina. Isa kang diyosa diba? Hindi ka mamatay dahil immortal tayo." Matiim na sambit ni Leruian.
"Walang imposible sa mahika anak. Kahit ang immortal ay pwedeng mamamatay." Anas ng
kanyang ina. Magsasalita pa sana si Leruian nang narinig nila ang pagbukas ng pintuan ng
kwartong kinaroroonan nila. Lumingon sila sa bagong dating.

Ito ang Diyos ng Paggaling.

"Anong maipaglilingkod ko, Diyosa Guriane?" Brusko ang boses nito. Agad na hinarap ni Leruian
ang diyos ng paggaling at agad na yumuko para magbigay ng galang. "Maraming salamat at
nakarating ka rito sa aming kaharian, mahal na diyos ng paggaling." Bati niya. Tumango lamang
ang diyos at lumapit sa nakahimlay na diyosa. Hinawakan niya ang kamay ng diyosa at pumikit.
Ilang segundo ang lumipas ay minulat niya ang mata nito at matiim na tinignan ang diyosa. "May
nasangkutan ka bang away sa ibang diyos o diyosa?" Biglang tanong ng diyos na siyang
nagpapalakas ng kutob ni Leruian na may isang diyos/diyosa ang may kakagawan nito sa kanyang
ina. Napaisip ang diyosa sa sinabi ng diyos na nasa harapan nito. Agad niyang naalala ang alitan
niya sa diyos ng pagkawasak. Nagkaalitan sila noong nakaraang linggo dahil sa ginagawa ng diyos
ng pagkasira sa kanyang mga puno.

"Ang diyos ng pagkawasak. Siya ang huling nakaalitan ko. Huwag mong sabihing..." Hindi
maituloy ng diyosa ang pagsasalita nito dahil sag alit. "Mukhang siya nga Diyosa Guriane." Sambit
ng diyos. Napatingin ang diyos kay Leruian na kanina pa nakikinig sa usapan ng dalawa. "Mas
mabuting puntahan mo ang diyos ng pagkawasak ngayon din, Leruian. Kausapin mo ito kung
paano mawalang bisa ang ginamit nitong mahika sa mahal na diyosa." Sabi ng diyos sa kanya.
Agad naming tumango si Leruian.

"Saan ko po siya makikita, mahal na diyos ng paggaling?" Tanong ni Leruian.

"Sa mundo ng mga mortal."

Nag-anyong tao si Leruian noong nakatapak siya sa mundo ng mga mortal. Pero hindi niya
inaasahan ang kanyang makikita. Ang babaeng mortal na nagugustuhan nito ay matiim na
nakatingin sa kanya! Hindi niya alam kung ano ang gagawin. "Ngayon lamang kita nakita rito,
bago ka lang ba rito? O naliligaw na turista?" Gustong pumikit ni Leruian dahil sa ganda at
mahinhin na boses nito. Nakakahalele.
"Paumanhin. Kailangan ko nang umalis." Agad na umalis si Leruian. Kailangan niyang hanapin
ang diyos ng pagkawasak sa lalong madaling panahon dahil malubha na talaga ang kalagayan ng
kanyang mahal na ina.

Tatlong araw ang ginugol ni Leruian para mahanap ang diyos na pagkawasak na si Guram. Nakita
niya itong nakaupo sa ilalim ng puno sa isang gubat. Agad siyang lumapit rito at nagpipigil ng
galit. "Kamusta, diyos na pagkawasak?" Magalang na sambit nito kahit gusto niyang pag-uuyam
ang kinalabasan ng pagsasalita niya. Irita siyang tinignan ng diyos. "Anong kailangan mo?" inis na
sambit ng diyos. "Ipawalang bias mo ang mahikang nilagay mo sa aking mahal na ina.
Nagmamakaawa ako sa'yo. Gagawin ko ang lahat. Lahat." Nakita ni Leruian ang pag-angat ng gilid
ng labi ng diyos na nasa harapan niya.

"Lahat ba kamo?" tila may pagbibiro na sinambit nito. "Oo." Anas ni Leruian. "Pakasalan mo ang
anak ko." Mabilis na sabi ni Guram na siyang nagpasindak kay Leruian. Agad niya naisip ang
mukha ng babaeng gusto niya. Hindi niya na alam kung anong gagawin. Alam niya ang ugali ng
anak ng diyos ng pagkawasak dahil isa rin ito sa mga anak ng diyos at diyosa na nagkakagusto sa
kanila. "Nagdadalawang isip ka ata, anak ng diyosa?" mapaglarong sambit ni Guram.

"Sige papakasalan ko siya pero bago yun. Pagalingin mo muna ang aking mahal na ina." Mahinang
sabi nito sa diyos. "Tuso ka, anak ng diyosa." Nakangiting masama na sambit ng diyos. Inangat ng
diyos ang kamay nito at may kinumpas sa kamay. Ilang Segundo ang lumipas ay tumayo ang diyos.
"Magaling na nag iyong ina. Ngunit ipaalala ko sayo na tuparin moa ng sinabi mo. May tatlong
araw bago ang kasal ninyo ng anak ko. Pumunta ka lamang sa aking palasyo sa araw na iyon.
Paalam anak ng diyosa ng kagubatan." Pagkatpos bitawan ang mga salitang iyon nawala na parang
abo ang katawan nd diyos. Naiwan namang nanggagalait si Leruian.
Hindi agad bumalik sa kaharian si Leruian dahil tinungo niya ang babaeng mortal na gusto nito.
"Nais ko sang malaman ang iyong pangalan binibini." Sambit ni Leruian pagkakita ng mortal. "Ah,
ako nga pala si Aloria, bakit? Ah teka- naalala kita. Ikaw yung.." Hindi natapos ang pagsasalita ng
babaeng mortal nang biglang niyang dinampi ang bibig nito sa bibig ng babae. Nagpupumiglas ang
babae pero hindi niya nakaya si Leruian. Nang bumitaw si Leruian ay tinignan niya ang babae na
umiiyak na. "Paumanhin sa ginawa ko, Aloria. Paalam." Nabigla ang babaeng mortal nang biglang
naging abo ang lalaking nasa harapan niya.

Hindi agad pumasok sa loob ng kwarto ng kanyang mahal na ina si Leruian. Nanatili itong
nakatingin sa maliit na siwang ng pinto habang tinitignan ang ina nitong kausap ang diyos ng
paggaling. Bakas sa mukha ng dalawa ang ksiyahan lalong lalo na ang mahal nitong ina. Napangiti
na lamang ito habang tinitignan ang ina. "Maraming salamat sa kabutihang binigay mo sa'kin mahal
na ina ngunit kailangan ko nang magpaalam." Mahina nitong sambit at tinalikuran niya ang pinto at
pumunta sa kanyang kwarto. Nilandas niya ang daan papunta sa kanyang higaan. May kinuha
siyang gamit sa ilalim ng unan. Inangat niya ito at itinapat ang matalim na dulo ng gamit na iyon sa
kanyang puso.

"Patawarin mo ako mahal na ina sa aking ginawa." naghihinang sambit nito at tuluyan nang
nawalan ng buhay.

BEHIND--

Ngunit, lingid sa kaalaman ni Leruian na ang mortal na kanyang nagugustuhan ay isa palang anak
ng diyos. Sa katunayan ay, si Aloria ang anak ng pagkawasak na siyang dahilan kung bakit nasa
mundo ng mga mortal ang diyos ng pagkawasak. Binabantayan niya ang kanyang anak na si Aloria
na naglayas sa kanilang kaharian. Hindi nila nakilala ang isa't isa bilang anak ng diyos at diyosa
dahil ito ang kapagyarihan ni Aloria, kaya niyang ikubli ang presensya niya bilang anak ng diyos.

You might also like