You are on page 1of 2

AUKASA, SITTI NAUHAR P.

BEED-I/KOMFIL-A
June 20, 2020
“Sa Bawat Kilos Ko, anong Uri ng Pagkatao ang Binubuo Ko sa Aking Sarili?”

Noong isinilang ako sa mundo na ito ay wala pa akong malinaw na pag-iisip,


tanging ang alam ko ay ang pumalahaw ng iyak kapag may nararamdamang gutom at
sakit. Hindi pa namumulat ang aking mga mata sa isang makamundong pamumuhay.
Ang aking utak ay hindi pa gumagana upang mag-isip at magpahayag ng pananaw at
saloobin, mayroon man ito ay gamit lamang ang pag-iyak. At sa paglaki ko, rito ay
nagsisimula ko ng maintindihan ang mga pangyayari sa mundo, Kung bakit may ulan,
may araw, may buwan, bituin, liwanag, at kadiliman sa kalangitan, nagkakaroon na ako
ng sariling pag-iisip, dahil mas lumalawak na ang pagkaka-kilanlan ko sa lupang
tinatapakan.

Ang aking mga nakikita sa pang-araw-aarw ay ang isang bagay na pumukaw sa


aking isipan, isang pangyayaring sumisiwalat sa kung ano ang mayroon sa buhay ko at
ng iba. Sa kaganapang ito, dito ko natatanto na ang nasisilayan ko ay ang siyang
mismong nagbigay daan upang ako ay magkaroon ng kilos at aksyon na bumubuo sa
kung ano ang pagkatao ko sa sarili ko, isa na rito ang ngiti sa mga labi ng aking mga
minamahal ay nagbibigay ligaya sa akin upang ipagpatuloy ang agos ng buhay ko, ang
ambisyon at pangarap ko sa buhay ang mga bagay nagbibigay inspirasyon sa akin
upang makamit ito, ang mga magulang kong nagpapa-aral sa akin ay ang nagbibigay
ng lakas sa akin upang mas pag-igihin ang pag-aaral, ang mga musika na lagi kong
pinapatugtog ang bumubuhay sa akin, ang mga kaibigan kong nakakasama ko sa
eskwela at kasama sa mga tawanan at kwentuhan, ang diyos na siyang aking
ipinagdadasal, ang aking bawat umaga at gabi, ito ang mga bagay na nakikita ko, ito
ang mga bagay na bumubuo sa kung ano ako at ng aking personalidad sa sarili ko. Ito
ang nagdudulot ng pag-iisip sa aking sarili na siyang tinutugunan ng aking katawan
upang gawin bilang isang kilos.

Maaring iba-iba ang pananaw ng isang indibidwal kaya iba-iba rin ang ating
nakakamit sa buhay, minsan ay tagumpay pa minsan ay talo. Subalit habang may
nararamdaman at nakikita tayo, maari tayong magpatuloy, kahit ang pagbukas ng
talukap ng mga mata ay isang bagay na nagsasabing buhay ako at ito ang pinili kong
kilos sa sarili ko at dahil ito ang pinipili kong bubuo sa kung ano ako ngayon at sa bukas
at magpakailanman.

You might also like