You are on page 1of 4

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5 (Entrep/ICT)

Unang Markahan
Modyul 1
Q1, Week 1 Naipaliliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto at serbisyo

HALINA’T M AG-ARAL

Balikan Natin:

Ano-ano ang mabuting katangian upang maging mahusay at matagumpay

sa pagnenegosyo?

Paunang pagtataya:

Hanapin sa Hanay B ang pinagmulan ng mga produkto na nakasulat sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. ginto A. Negros Occidental

2. tubo B. Davao

3. pinya C.Bikol

4. tabako D.Ilocos

5. abaka E.Bukidnon

F. Bulacan

PAG-ARALAN NATIN

1. Masdan ang mga larawan sa ibaba , ano ang inyong nakikita? Sino-sino kaya ang
gumawa nito ? Sa anong materyales o produkto nagmula ang mga ito ?

A. B. C.

D. E. F.

( Google- Picture )
2. AKTIBITI

Tingnan ang mga larawan sa ibaba .Ilagay sa loob ng bilog ang mga larawan ayon sa
hinihingi sa unahan ng bawat graphic organizer.

produkto

serbisyo
3. Analisis

Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat. Magkakaroon ng debate ang
mga mag-aaral tungkol sa produkto at serbisyo. Sa gagawing debate bawat pangkat ay bibigyan
ng limang minuto sa paghahanda, tatlong minuto sa paglalahad, at isang minuto naman sa
pagbibigay ng konklusyon. Pipili ng representante ang bawat pangkat.

• Pangkat 1 – Produkto

• Pangkat 2 – Serbisyo

Krayterya sa Debate:
 Nilalaman – 30 puntos
 Organisasyon ng mga ideya – 20 puntos
 Kabuuang Puntos: 50 puntos

E. Abtraksyon
Ilalahad ng guro ang iba’t-ibang sektor ng serbisyo at mga klase ng produkto.
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga katanungan na inihanda ng guro.
Patnubay na Katanungan:
• Ano nga ba ang ibig sabihin ng produkto ?
• Ano nga ba ang ibig sabihin ng serbisyo ?
• Ano-ano ang mga produktong likha ng kamay? Makina? Isipan?
 Ano-ano ang mga serbisyong propesyonal? Teknikal ? may kasanayan?
 Alin ang mahalaga produkto o serbisyo? Bakit?
 Paano mo masasabi na ang isang produkto at serbisyo ay mahusay?

F. Aplikasyon
Hatiin ang mga bata sa anim na pangkat. Iugnay ang mga salitang nasa oblong sa mga pamagat na
salita na nakasulat sa parihaba.

PRODUKTO SERBISYO

Kamay Makina Isipan Propesyonal Teknikal Mga kasanayan

guro kotse basahan sastre doktor tubero

nars computer bag bolpen tula aklat

elektrisyan pintor pagtatanim krayola technician

basket mananahi programmer paghahabi


TANDAAN NATIN

Ang produkto ay karaniwang gawa o likha ng mga kamay o makina. Ang produkto ay
mga bagay na inani o ginawa ng tao o grupo ng mga tao na maaaring ibenta o ipalit sa
ibang produkto. Mayroon din namang likha ng isipan.

Ang serbisyo naman ay ang paglilingkod,pagtatrabaho o pag-aalay ng mga gawain


na libre o may kabayaran ayon sa ibat-ibang kasanayan at pangangailangan ng
pamayanan.Ang serbisyo ay nahahati sa ibat-ibang sektor ito ay ang propesyonal,teknikal
at may kasanayan(skilled) .

EPP5-Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran p.6

IV. Pagtataya

Sa isang kapat na papel sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang ibig sabihin ng produkto ?


2. Saan maaaring likha ang isang produkto?
3. Ano naman ang ibig sabihin ng serbisyo ?
4. Ano-ano ang uri ng serbisyo ?
5. Ano-ano ang sector ng serbisyo ?

V. Takdang-Aralin

Gumuhit ng mga larawan na nag papakita ng produkto at serbisyo.

Inihanda ni :

MA.VICTORIA M.BARREDO
Guro III

References:

 Google ( Pictures )
 EPP5-Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran
 Power point Presentation ( M.V.B)

You might also like