You are on page 1of 3

Wikang Filipino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Jump to navigationJump to search
Ang artikulo na ito ay tungkol sa tungkol sa pambansa wika ng Pilipinas. Para sa
kabuuan ng lahat ng mga wika na sinasalita sa Pilipinas, tingnan ang Mga wika sa
Pilipinas.
Para sa mamamayan sa Pilipinas, tingnan ang Mga Pilipino.

Filipino

Wikang Filipino

Pagbigkas [wɪˈkɐŋ ˌfiːliˈpiːno]

Sinasalitang katutubo sa Pilipinas

Mga katutubong 45 milyong tagapasalitang L2 (Tagalog)

tagapagsalita (2013)[1]

Pamilyang wika Austronesyo

 Malayo-Polinesyo
o Pilipinas
 Gitnang
Pilipino
 T
agalog

Sistema ng pagsulat Latin (alpabetong Filipino)

Filipinong Braille

Baybayin

Opisyal na katayuan

Opisyal na wika sa  Pilipinas

 ASEAN

Kinokontrol ng Komisyon sa Wikang Filipino

Mga kodigong pangwika


ISO 639-2 fil

ISO 639-3 fil

Linggwaspera 31-CKA-aa

  Mga bansa na may higit sa 500,000 tagapagsalita

  Mga bansa na may 100,000–500,000 tagapasalita

  Mga bansa kung saan sinasalita ito ng mga minoryang pamayanan

PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong


pamponetikong IPA sa Unicode.

Ang Filipino (Ingles na pagbigkas: /ˌfɪlɪˈpiːnoʊ/;[2] Wikang Filipino, [wɪˈkɐŋ ˌfiːliˈpiːno]), ay


ang pambansang wika ng Pilipinas. Itinalaga ang Filipino kasama ang Ingles, bilang
isang opisyal na wika ng bansa.[3] Isa itong pamantayang uri ng wikang Tagalog,[4] isang
pang-rehiyong wikang Austronesyo na malawak na sinasalita sa Pilipinas. Nasa 24
milyon katao o mga nasa sangkapat ng populasyon ng Pilipinas noong 2018 ang
nagsasalita ng Tagalog bilang unang wika, [5] habang nasa 45 milyong katao naman ang
nagsasalita ng Tagalog bilang ikalawang wika sang-ayon noong 2013. [1] Isa ang Tagalog
sa185 mga wika sa Pilipinas na tinukoy sa Ethnologue.[6] Sa pagka-opisyal, binibigyan
kahulugan ang Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang "ang katutubong
diyalektong sinasalita at sinusulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Rehiyong
Kapital, at sa mga ibang sentrong urbano ng kapuluan."[7] Noong 2000, higit sa 90%
ng populasyon ang nakakapagsasalita ng Tagalog, tinatayang nasa 80% ang
nakakapagsalita ng Filipino at 60% ang nakakapagsalita ng Ingles. [8]
Ang Filipino, tulad ng ibang wikang Austronesyon, ay karaniwang ginagamit ang
pagkakaayos na verb-subject-object o pandiwa-paksa-bagay subalit maari din gamitin
ang pagkakaayos na paksa-pandiwa-bagay. Ang direksyon nito ay puno-muna (head-
initial directionality). Isang aglutinatibong wika ito nguint maaring taglayin nito ang
impleksyon. Hindi ito wikang tonal at maaring ituring ito bilang isang wikang tonong-
punto (pitch-accent).
Opisyal na hinango ang Filipino upang maging isang wikang plurisentriko, habang
pinagyayaman at pinapabuti pa nito ang iba pang mga wika sa Pilipinas sang-ayon sa
mandato ng Konstitusyon ng 1987.[9] Naobserbahan sa Kalakhang Cebu[10] at Kalakhang
Davao[11] ang paglitaw ng mga uri (varieties) ng Filipino na may
katangiang pambalarila na iba sa Tagalog. Kabilang ang mga lugar na ito at ang
Kalakhang Maynila sa tatlong pinakamalaking kalakhang lugar sa Pilipinas

You might also like