You are on page 1of 2

 Agapay - "anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng

tao sa mga sumusunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at
gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kaniyang buhay.
 Act of Man (kilos ng tao) - mga kilos na nagaganap s tao. Likas sa tao o ayon sa kaniyang
kalikasan bilang tao. Wala itog aspekto ng pagigi mabuti o masama kaya walang pananagutan
ang tao kung naisasagawa ito.
 Human Act (makataong kilos) - kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa.
Ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya't may kapanagutan ang tao sa
pagsasagawa nito.
 Kusang-loob - ang kilos na may kaalaman t pagsang-ayon.
 Di kusang-loob - may paggamit ng kaalaman ngunit kulang sa pagsang-ayon.
 Walang kusang-loob - ang tao ay walang kaalaman kaya't walang pagsang-ayon sa kilos.
 Aristoteles - "ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung mabuti o masama".
 Kamangmangan - kawalan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.
 Kamangmangan na nadaraig (vincible) - kawalan ng kaalaman sa isang gawain na may
pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman .
 Kamangmangan na hindi nadaraig (invincible) - kamangmangan dahil sa kawalan ng kaalaman na
mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman.
 Masidhing damdamin (passion) - dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos
(tendency) o damdamin.
 Antecedent (nauuna) - damdamin na nadarama o napupukaw kahit hindi niloob o sinadya.
 Consequent (nahuhuli) - damdaming sinadyang mapukaw o inalagaan kaya ang kilos ay niloob,
sinadya, at may pagkukusa.
 Takot - pagkabagabag ng isip ng tao sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay.
 Karahasan - pagkakaroon ng panlabas na pwersa upang pilitin ng isang tao na gawin ang isang
bagay.
 Gawi (habits) - ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at nagiing bahagi ng pangaraw-
araw na buhay.
 Layunin - batayan ng pagkilos ng tao, panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob ng
isang tao upang maging batayan ng kaniyang pagkilos.
 Paraan - panlabas na kilos na kasangkapan upang makamit ng layunin.
 Sirkumstansya - tumuukoy sa kondisyon o kalagayan ng kilos, ang nakapagpapalala o
nakapagpapabawas ngkabutihan o kasamaan ng isang kilos.
 Kahihinatnan - ang bunga o resulta ng pagkilos.
 Immanuel Kant - nagpaliwanag ng kautusang walang pasubali.
 Kautsang walang pasubali (Categorical Imperative) - isang kautusan na walang kondisyon, ang
pagkilos sa ngalan ng tungkulin.
 Universability - pangkalahatang paninindigan.
 Reversability - ang paninindigan na maaaring gawinsa iyo at kaya maaring gawin mo din sa iba.
 Panininigan - ang dahilan ng pagkilos ng isang tao sa sitwasyon.
 Confucius - "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo"
 Hesukristo - kinikilala ng mga kristiyano na nagturo ng Gintong aral sa mga tao sa kaniyang
kapanahunan.
 Lukas 6:31 - bible verse na naglalaman ng ginton aral ni Hesukristo.
 Hadith - dito makikita ang katuruan ng gintong aral ng mga muslim.
 Max Scheler - siya ang nagbigay ng kahulugan sa pagpapahalaga.
 Pagpapahalaga (values) - nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao.
 Fr. Neil Sevilla - "simula nang magkaroon ng isip ang tao hanggang sa kaniyang kamatayan,
nagsasagawa siya araw-araw ng pagpapasiya.

You might also like