You are on page 1of 1

ESP 2

Summative Test No. 3


(Modules 5-6)
4th Quarter

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: _______


I. Isulat ang tsek (/) kung naipamamalas ang talino at kakayahang bigay ng Panginoon at ekis (X) kung hindi.
____1. Isa si Carlo sa matatalinong bata sa klase ni Gng. Bigcas. Tinutulungan niya ang kanyang ibang mga kaklase
na nahihirapan sa ibang aralin.

____2. Si Rina ay mahusay magsulat ng kanta. Tuwing Sabado, tinuturuan niya ang kanyang nakababatang kapatid na
gusto ring matutong magsulat ng kanta.

____3. Mahusay sumayaw si Francis, pero ayaw niyang sumayaw sa harap ng maraming tao dahil nahihiya siya.

____4. Magaling sa pagguhit si Kris ngunit hindi siya sumasali sa mga paligsahan dahil natatakot siya na baka siya ay
matalo.

____5. Masarap magluto ng iba’t ibang pagkain si Ren. Kaya naman gustong gusto niyang tinutulungan ang kanyang
ina sa pagluluto ng pagkain sa kanilang bahay.

____6. Nahihiya si Michelle kaya hindi niya pinapakita sa iba na magaling siyang tumula.

____7. Sinasayawan ni Diane ang kanyang mga kaibigan sa tuwing sila ay nalulungkot.

____8. Sumasama ang loob ni Janine kapag nagpapatulong sakanya ang bunsong kapatid niya sa English.

____9. Naniniwala si Analaine na mayroon pa siyang ihuhusay sa pagkanta kaya patuloy siyang nagsasanay.

____10. Tinatamad turuan ni Jessica ang kanyang nakababatang kapatid sa kanyang mga takdang aralin.

II. Iguhit sa patlang ang bituin ( ). Kulayan ng dilaw kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagpapahusay
ng talino at kakayan. Itim naman kung hindi.
__________11. Pauunlarin ko ang aking talino at kakayahan sa pamamagitan ng pagsasanay.
__________12. Hindi na ako magsasanay dahil alam ko na magaling na ako.
__________13. Nahihiya akong ipakita ang aking talento sa maraming tao kaya naman ayokong sumali sa mga
patimpalak.
__________14. Lagi akong nageensayo sa pagkanta para lalo pa akong gumaling.
__________15. Natutuwa at nagpapasalamat ako kapag nakikita kong masaya ang mga tao sa tuwing ako ay
nagtatanghal sa palatuntunan.
__________16. Ibinabahagi ko sa iba ang mga natutunan ko.
__________17. Tinutulungan kong paunlarin ang mga kakayahan ng aking mga kapatid.
__________18. Sinasabi ko sa mga kaibigan ko na hindi nila kayang gawin ang talentong mayroon ako.
__________19. Hindi ko pinapakita sa mga magulang ko na magaling akong gumuhit.
__________20. Pinaghuhusayan kong mabuti kapag ako ang napiling kumanta sa anumang patimpalak.

You might also like