You are on page 1of 1

CASA DEL NIÑO MONTESSORI & SCIENCE HIGH SCHOOL

F. Mendalla Ave., Barangay Pacita II, City of San Pedro

FILIPINO 10
Ikalawang Markahan

GAWAIN BILANG 2

PANGALAN:
BAITANG AT PANGKAT:
PETSA:
GURO: G. Isaiah John P. Gumata

PANUTO: Manood ng iba pang halimbawa ng kuwentong-bayan mula sa mga bansa sa


Kanluran. Maaaring panoorin o tignan ang mga halimbawa sa ibaba at gumawa ng sanaysay
batay sa napanood na Kuwentong-bayan. Sundan ang pormat ng sanaysay na makikita sa
ibaba.

1. “Ang Mangingisda at ang Kaniyang Asawa”


2. “Ang Tamad na Anak”
3. “Si Jack at ang Mahiwagang Beanstalk”
4. “Si Molly at ang Higante”
5. “Ang Pulang Sapatos”

Pormat ng Sanaysay:

(Pamagat ng Sanaysay. Sariling gawa na may kinalaman sa napanood na kuwentong-bayan.)

Unang Talata: Ipakilala at ipaliwanag ang katangian ng mga tauhan sa bansang pinagmulan ng
kuwentong-bayan batay sa napanood sa pamamagitan ng 5-8 pangungusap.

Ikalawang Talata: Tukuyin ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sarili nating kultura
habang inihahambing sa kultura ng bansang pinagmulan ng napanood na kuwentong-bayan sa
pamamagitan ng 5-10 pangungusap.

Ikatlong Talata: Ilahad at ipaliwanag ang mensahe ng kuwentong-bayan na napanood at iugnay


ito sa sariling karanasan o sa karanasan ng iba sa pamamagitan ng 5-8 pangungusap.

PAALALA:
 Gumamit ng pormal na salita.
 Ayusin ang pagkakabaybay o ispeling sa mga salita.
 Gumamit ng tamang bantas.
 Ayusin ang pagkakabuo ng mga pangungusap.
 Iwasan ang pangongopya sa internet. Sarili ninyong saloobin ang tinataya rito.

You might also like