You are on page 1of 1

ANG BAKA AT ANG KALABAW

Noon pa man ay matalik ng magkaibigan si baka at kalabaw. Parehas silang katuwang ng mga magsasaka sa gawaing
bukid. Masipag sila at masunurin sa kanilang mga amo maski anong hirap ng trabaho sa bukid. Ngunit mayroong isang
kuwento tungkol sa dalawa nang isang araw sila ay tinamad na magtrabaho.
Noong unang panahon ang pinakaunang baka at kalabaw ay itinalaga ni Bathala na tumulong sa magsasaka sa gawaing
bukid. Tulad ng kanilang amo, masipag si baka at kalabaw. Hindi nila inaanlintala ang bigat ng araro at init ng araw sa
trabaho sa bukid. Araw-araw na ganito ang ginagawa ng magkaibigang hayop. Sa gabi lamang sila nakakapagpahinga.
Isang gabi pagkatapos ng trabaho sa bukid ay nagsama-sama ang mga alagang hayop ng magsasaka. Nagkuwentuhan sila
sa kanilang ginawa sa buong maghapon.
Napansin ng dalawa mula na rin sa kuwento ng mga ibang hayop na sila lamang ang pagod na pagod na buong
maghapong nagtratrabaho sa bukid. Samantala ang mga ibang hayop ay walang ginawa kundi maglaro o di kaya’y
kumain lamang. Tulad na lamang ni manok na buong maghapon daw na palakad-lakad lamang na naghahanap ng uod na
makakain, o di kaya’y si pato na palangoy-langoy lang daw sa ilog at si kambing na walang ring ginawa kundi kumain ng
kumain ng damo.
Kinabukasan, dahil sa mga narinig mula sa ibang hayop ay napagkasunduan ng dalawa na magpahinga sa araw na iyon.
Sa halip na magtrabaho ay magpupunta sila sa katabing ilog upang maligo. Inantay nilang makatulog ang magsasaka at
saka tahimik na inalis ang mga suot na araro at nagtungo sa may ilog.
Tinanggal ng dalawa ang kanilang mga balat at sinampay ito sa may puno saka tumalon sa ilog. Ngunit biglang nagising
ang magsasaka at nakita na nawawala ang dalawa. Hinanap niya ang mga ito at natanaw niya sila sa may ilog na
masayang naliligo.
Kinuha ng magsasaka ang kanyang pamalo at lumapit sa dalawang magkaibigan. Nagulat si baka at kalabaw ng makitang
papalapit sa kanila ang magsasaka. Dali-daling tumayo ang dalawa at isinuot ang kanilang balat na nakasampay sa puno.
Ngunit dahil sa pagmamadali at sa takot, nagkapalit ng nakuhang balat ang dalawa. Dahil mas mataba si kalabaw masikip
sa kanya ang balat ni baka. Samantalang maluwag naman kay baka ang balat ni kalabaw kaya’t nakalawit sa may leeg
ang balat.
Nagmamakaawang humingi ng tawad ang dalawa sa magsasaka. Pinatawad niya ang mga ito ngunit bilang parusa sa
ginawa ng dalawa ay hindi na pinagpalit ng magsasaka ang mga balat nila. Ito na rin ang magpapaalala sa dalawa na
huwag maging tamad at gawin ang iniatas na trabaho.

You might also like