You are on page 1of 32

5

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Pag-uugnay ng Sariling
Karanasan sa
Napakinggan Teksto
Filipino 5 – Grade Level
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 1: Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa
Napakinggang Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development Team of the Module


Writers: Jurlyn Q. Jumantoc/Lucel S. Compendio
Editors: Mercedita G. Antenor/Juberto E. Jumantoc/Teresa P. Dagnaos
Reviewer: Lorelie C. Salinas, Jay Sheen A. Molina
Illustrator: Merbin M. Sulit
Layout Artist: Ysmael Yusoph E. Alamada
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director Ruth
L. Estacio, CESO VI – Schools Division Superintendent Carlos
G. Susarno – Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD Arturo D. Tingson Jr. –
REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, SLM
Leonardo B. Mission - REPS – Filipino
Lalaine SJ. Manuntag - CID Chief
Nelida A Castillo –Division EPS In Charge of LRMS
Marichu R. Dela Cruz - Division SLM Coordinator
Hermie M. Jarra -EPS – Filipino

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of


Telefax: Koronadal (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
5

Filipino 5
Unang Markahan – Modyul 1:
Pag-uugnay ng Sariling
Karanasan sa Napakinggan
Teksto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 5 Self-Learning Module (SLM)


para sa araling Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Napakinggang Teksto.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 5 Self-Learning Module (SLM)


para sa araling Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Napakinggang Teksto.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito

iv
Alamin

Magandang araw sa inyo aming mag-aaral!

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin sa unang linggo ng


pagkatuto. Matutuhan mo ang mga kasanayang makatutulong sa mas epektibong
pakikinig, pagsasalita at pag-unawa ng aralin. Ang mga aralin ay nakatuon sa pag-
uugnay ng sariling karanasan sa napakinggang teksto. Maaari mong maiuugnay
ang iyong karanasan sa pangunahing ideya, sa mga pangyayari at sa iba’t ibang
bahagi ng tekstong iyong napakinggan. Sa kabilang daku makatutulong sa pag-
unawa ng pinakinggan ang pag-uugnay ng narinig o nabasa sa sariling karanasan.

Mahalagang Pamantayang Pangnilalaman


Naiiuugnay ang Sariling Karanasang sa Napakinggang Teksto.

Ang modyul na ito ay nahahati sa apat na aralin. Ito ay ang mga sumusunod:

Aralin 1 – Ligtas Ang May Alam


Aralin 2 – Bayanihan
Aralin 3 – Si Laling Handa
Aralin 4 - Dock, Cover at Hold
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naiuugnay ang sariling karanasan sa tekstong napakinggan
tungkol sa Ligtas Ang May Alam, Bayanihan, Si Laling Handa at Dock,
Cover at Hold;
2. Nasasagot ang mga tanong sa tekstong napakinggan; at
3. Napahahalagahan ang mga tekstong napakinggan.

Subukin

Sa bahaging ito aalamin natin ang kakayahan at kasanayan mo sa


bawat aralin. Huwag kang mag-aatubili sa pagsasagot nito dahil hindi ito
makaaapekto sa iyong grado. Subukan mong sagutan ang mga sumusunod na
gawain upang malaman natin ang dati mong kaalaman na may kaugnayan sa
araling pag-aaralan.

A. Panuto: Ayusin ang mga titik sa loob ng ulap upang mabuo ang kahulugan
ng salita sa loob ng kahon. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

YAANDPEM BAAYNI SKIAT

malawakang nakagawa ng karamdaman


pagkalat ng sakit kabayanihan

1.______________ 2.______________ 3.____________

1
INLODL ASUKAN

natural na phenomena; Isang malaking


ang lupa ay yamayanig kapinsalaan o kalamidad
4.___________________ 5._____________________

B. Basahin ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

6. Ano ang gagawin kung may nararamdamang pagyayanig ng lupa?

A. magtakbo C. manatili sa kinatatayuan


B. manatiling kalmado D. magsigaw

7. Ano ang dapat ihanda bago ang lindol?

A. survival kit C. mga gamit sa paghahalaman


B. refrigerator na puno ng pagkain D. mga magandang muwebles

8. Ano ang dapat mong gawin kapag lumilindol?


A. tatakbo nang mabilis palabas C. dock, cover at hold
B. sisigaw nang malakas D. mananatili sa kinauupuan

9. Ano ang dapat gawin kung may bagong sakit na natuklasan?

A. magpanic C. huwag pansinin


B. manatiling kalmado D. magsaya

10. Sa pagiging matulungin natin, anong kultura ang ating ipinagmamalaki na


hindi natin malilimutan mula noon hanggang ngayon?
A. Pagiging masipag C. Ang pagkamasinop
B. Bayanihan D. Ang pagiging mapagmahal

Magaling! Nasagot mo nang maayos ang paunang pagsusulit, ngayon


handa ka na sa unang aralin sa linggong ito.

2
Aralin

1 Ligtas Ang May Alam

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Naiuugnay ang sariling karanasan sa tekstong napakinggan tungkol sa
Ligtas Ang May Alam;
2. Nasasagot ang mga tanong sa tekstong napakinggan; at
3. Napahahalagahan ang mga tekstong napakinggan.

Balikan

Alam ko na may marami kang karanasan. Mayroong


masaya, malungkot, nakatatakot at marami pang iba.
Ngayon, gusto kong balikan mo ang ilan lamang sa iyong
karanasan. May ipagagawa ako sa iyo. Handa ka na ba?

Gawain 1.1
Panuto: Sa isang pangungusap isulat ang iyong pinakamasayang karanasan sa
nakalaang espasyo sa loob ng puso. Gawin ito sa loob ng isang (1)minuto.

Ang Pinakamasaya

Kong Karanasan
____________________________

3
Tuklasin

Halos lahat na laman ng balita at isyu ngayon ay nakatuon sa pandemic na


sakit, ang COVID 19. Basahin ang pahayag sa ibaba. Ito ay isang Health Advisory
mula sa Department of Health (video clips). Sa mga may internet connection
maaari mong i-click ang link na ito:

LIGTAS ANG MAY ALAM

Alam ba ninyong sa panahong mayroong mga bagong sakit na natutuklasan


mas nakasasama kung tayo’y magpapanic. Katulad na lang ng bagong sakit na
tinatawag na NOVEL – CORONA VIRUS O NCOV. Ayon sa Health Advisory ng DOH
dapat manatiling kalmado at maniwala lamang sa abiso na nanggaling sa kanilang
ahensiya. Pinapayuhan ang lahat na siguraduhin ang madalas at tamang
paghugas ng kamay. Ang pagtakip sa ilong at bibig tuwing umuubo at iwasan ang
malapitang kontak sa mga taong may sintomas ng trangkaso. Magsuot ng wastong
proteksiyon sa katawan kung lalapit sa mga hayop mula sa farm o sa mga wild
animals. Dapat lutuin nang mabuti ang ating pagkain at palakasin ang ating
resistensiya sa pamamagitan ng healthy lifestyle at pagtulog nang mahaba.

Suriin

Gawain1.2 Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa


pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon at isulat ito sa
patlang bago ang bilang.
A. malawakang pagkalat ng sakit B. nagpapanic C. sakit
D. bago E. sanhi ng infection/sakit F. malubhang sakit

_____1. Ang mga tao ay natatakot dahil sa paglaganap ng panibagong sakit.


_____2. Maraming namamatay dahil sa pandemic/pandemya.
_____3. Tinatawag na novel corona virus ang COVID-19.
_____4. Magpatingin agad sa doktor kung ikaw ay may karamdaman.
_____5. Ang virus ang dahilan kung bakit minsan tayo ay nagkakasakit.

4
Gawain 1.3
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba batay sa Health Advisory na iyong
narinig/nabasa. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Tungkol saan ang Health Advisory?


________________________________________________________________________________
2. Anong ahensiya ang nangasiwa nito?
________________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga dapat gawin kung mayroong bagong sakit na natuklasan?
________________________________________________________________________________
4. Paano ka makatutulong sa inyong komunidad para mapanatiling ligtas sa COVID
– 19?
________________________________________________________________________________

Pahalagahan Natin

Alam mo ba na sa araw - araw nating pamumuhay ay marami tayong


naririnig na mga balita, kuwento, usapan at mga isyu? Lahat ng ito ay dapat
nating pahalagahan dahil maaari nating kapupulutan ng aral at maiuugnay sa
sariling karanasan.

Pagyamanin

Gawain 1.4
Panuto: Mula sa Health Advisory na narinig/ nabasa at batay sa iyong karanasan
isulat sa Venn Diagram ang mga dapat gawin upang mapanatiling ligtas
sa COVID -19. Gawin ito sa loob ng limang (5) minuto.

Ayon sa Batay sa
Health Magkatulad sariling
.

Advisory na ginawa karanasan

5
Gawain 1.5
Panuto: Batay sa iyong naging karanasan sa COVID-19, gumawa ng isang
pangungusap na humihimok sa iyong kapwa kabataan na maging alerto
sa panahon ng pandemya.
__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

Isaisip

Dahil naisagawa mo nang maayos ang mga gawain, susubukan muli natin
ang iyong kakayahan sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa ating napag-aralan.
Ano ang natutuhan mo sa ating aralin ngayong araw? Isulat sa patlang iyong sagot.

Gawain 1.6
Panuto: Punan ng wastong salita ang patlang upang mabuo ang kaisipan.

Ang mga napakinggang teksto ay maaaring ______________natin sa ating


sariling __________________.

Isagawa

Gawain 1.7
Panuto: Gumawa ng isang islogan tungkol sa ipinatutupad ng pamahalaan na
dapat gawin upang makaiwas sa pandemya na COVID 19. Gawin ito
sa loob ng sampung (10) minuto. Iguhit ito sa isang pirasong bond
paper. Gawing gabay ang rubriks sa pagsasagawa nito.

6
Tayahin

Gawain 1.8
Panuto: Sagutin ang mga katanungang hango sa tekstong napakinggan. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang dapat gawin kung may bagong sakit na natuklasan?
A. magpanic C. huwag pansinin
B. manatiling kalmado D. magsaya
2. Ano ang ibig sabihin ng salitang pandemic?
A. malawakang pagkalat ng sakit C. nakatatakot na sakit
B. malubhang sakit D. nakahahawang sakit
3. Ano ang dapat gawin kung ikaw ay umuubo?
A. magtakip ng ilong at bibig C. takpan ang tainga
B. ipikit ang mata D. hawakan ang leeg
4. Ano ang ibig sabihin ng NCOV?
A. Novel Corona Virus C. Need Corona Virus
B. No Crown Virus D. Not Corona Virus
5.Sa palagay mo, paano ka makatutulong upang maiwasan
ang paglaganap ng NCOV?
A. sundin ang mga payo ng Department of
Health B. gawin ang gusto mo
C. huwag makinig sa mga balita
D. mamasyal palagi

Karagdagang Gawain

Gawain 1.9
Panuto: Buuin ang talata batay sa iyong karanasan. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.

Itinaas na ang signal number 2 dahil sa _____________. Nanatili kami sa aming


_____________. Patuloy na nakikinig ng weather reports sa _____________at
__________________. Inihanda rin namin ang aming mga ______________, malinis na
inuming ______________ at mga first aid kits.

Binabati kita dahil matagumpay mong natapos ang mga Gawain sa aralin.

7
Aralin

2 BAYANIHAN
Magandang araw! Isang panibagong araw na naman para sa panibagong
kaalaman.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naiuugnay ang sariling karansan sa tekstong napakinggan
tungkol sa Bayanihan;
2. Nasasagot ang mga tanong sa tekstong napakinggan; at
3. Napahahalagahan ang mga tekstong napakinggan.

Balikan

Mga bata naalaala pa ba ninyo ang ating nakaraang aralin?


Tungkol saan ito?

Tuklasin

Sa araw na ito pag-aralan naman natin ang pag-uugnay ng sariling


karanasan sa pangunahing ideya ng narinig/nabasang talata.
Paglinang ng Talasalitaan
Gawain 2.1
Panuto: Ibigay ang salitang tinutukoy sa bawat bilang. Hanapin ang sagot sa
salitang BAYANIHAN.
1. Ang tawag sa salitang nayon o bansa _________________________________
2. Ang lugar kung saan nakatira ang isang pamilya______________________
3. Ang tawag sa isang taong nakagawa ng kabayanihan__________________
4. Ang sukat sa pagitan ng magkabilang dulo____________________________
5. Ginagawa kapag puwede nang kunin ang pananim____________________

8
Dahil alam mo na ang kahulugan ng mga salita, ngayon aalamin naman
natin ang pag-uugnay ng sariling karanasan sa pangunahing ideya sa
napakinggang talata. Pakinggan /basahin ang talata sa ibaba na kinuha sa aklat
na Alab Filipino 5 Manual ng Guro p.112.
Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ang pagiging matulungin sa kapwa.
Hangga’t maaari ay hahanap ng paraan tayong mga Pilipino upang makatutulong
sa abot ng ating makakaya. Ang pagiging matulungin ay kakambal ng ating
kultura at makikita noon pa man sa pamamagitan ng bayanihan.

Suriin
Gawain 2.2
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba batay sa talatang iyong narinig /nabasa.
Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ano ang pangunahing ideya ng talatang iyong narinig?


________________________________________________________________________________

2. Sa panahon ngayon na may pandemya, bilang isang bata paano mo


ipapakita ang pagkamatulungin sa kapwa lalong lalo na sa mga frontliners?
_________________________________________________________________________________
3. Sa pagiging matulungin natin, anong kultura ang ating ipinagmamalaki na
hindi natin malilimutan mula noon hanggang ngayon?
________________________________________________________________________________
4. Ano ang nararamdaman mo kung ikaw ay nakatutulong sa iyong kapwa?
________________________________________________________________________________

Pahalagahan Natin
Ang pagtulong sa kapwa ay likas na gawain ng mga Pilipino. Madalas ang
kapakanan ng iba ang inuuna natin imbes ang ating sarili. Makatutulong tayo sa
ating kapwa sa pamamagitan ng pagdarasal sa kanila at pagbibigay ng tulong sa
panahon ng trahedya.

Ngayon, lalo mo pang linangin ang iyong kakayan sa araling pinag-aaralan.

9
Pagyamanin

Gawain 2.3
Panuto: Sa loob ng bubble map isulat ang iyong ginagawa na nagpapakita
ng kabayanihan sa panahon na pandemya na COVID 19

Mga Kabayanihang
Ginagawa Ko sa
Panahon ng
Pandemya

Isaisip

Gawain 2.4
Panuto: Punan ng wastong salita ang patlang upang mabuo ang kaisipan.
Piliin ang sagot sa kahon.
pinakinggan , pag-uugnay, pangunahing ideya
Ang teksto ay may pinahahayag na pangunahing ideya. Nakatutulong ang
pagbibigay ng _________________________upang maintindihan ang nilalaman ng
narinig o binasang teksto.
Nakatutulong din sa pag-unawa ng _________________________ ang
___________________ nang narinig sa sariling karanasan.

Isagawa

Gawain 2.5
Panuto: Batay sa pangunahing ideya sa talatang narinig/nabasa at sa iyong
sariling karanasan, isulat sa graphic organizer ang iyong karanasan sa
pagtulong sa kapwa.

Karanasan sa Pagtulong sa Kapwa

10
Tayahin

Gawain 2.6
Panuto: Sagutin ang mga katanungang hango sa talatang napakinggan. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.
1. Kung nakagawa ka ng kabayanihan, ano ang tawag sa iyo?
A. kababata C. kababayan
B. bayani D. kaibigan
2. Ang mga Pilipino ay likas na ____________________.
A. madaldal C. matakutin
B. matulungin D. masakitin
3. Maaari din nating maiuugnay ang ating mga karanasan sa mga
pangunahing ___________ng talatang narinig/nabasa.
A. ideya C. wakas
B. salita D. parirala
4. Ang pagkamatulungin ay nagpapakita ng _______________.
A. kadakilaan C. katapatan
B. kabayanihan D. katanyagan
5. Kailan mo maipapakita ang kabayanihan?
A. pagtulong sa isang batang nadapa C. pagtulog nang mahimbing
B. pagkain nang marami D. paglaro palagi

Karagdagang Gawain

Gawain 2.7
Panuto: Gumupit ng isang larawan na nagpapakita ng pagtulong sa kapwa.
Sumulat ng isang pangungusap sa larawan at idikit sa kopita.

11
Aralin

3 Si Laling Handa

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang


1.Naiuugnay ang sariling karansan sa tekstong napakinggan
tungkol sa Si Laling Handa;
2.Nasasagot ang mga tanong sa tekstong napakinggan; at
3. Napahahalagahan ang mga tekstong napakinggan.

Balikan

Sa ating nakaraang aralin, napag-aralan natin ang isa


sa mga katangian ng mga Pilipino at ito ay ang pagiging
matulungin. Sa anong paraan mo ito maipapakita? Ano ang
maari mong gawin upang upang matulungan ang iyong
kapwa sa panahon ng mga sakuna o kalamidad?

Gawain 3.1
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang mga larawang nagpapakita ng kabayanihan at
ekis ( X )naman ang hindi.

12
Tuklasin

Isa sa mga hindi makalilimutang pangyayari sa Mindanao sa taong 2019 ay ang


sunod-sunod na pagyayanig ng lupa o lindol na nagpinsala ng maraming buhay at
pag-aari ng mga mamamayan dito. Ngayong araw ay matutunan natin ang mga
dapat gawin bilang paghahanda sa lindol sa pamamagitan ng pakikinig sa isang
kwento. Maari din itong mapanood sa
SI LALING HANDA

Si Lali ay isang matalinong bata. Sa isang munting


baryo naninirahan ang kanyang pamilya.Isang araw
pumasok si Lali sa kanyang eskwela.

Sa isang asignatura pinag-aralan nila ang paghahanda sa mga sakuna


Mga mag -aaral alam niyo ba na ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang
napapaloob sa tinatawag nating Pacific Ring of Fire? Sa mga rehiyong ito,
natural na nagkakaroon ng mga sakunang tulad ng lindol.”

Itinuro ng kanilang guro ang ibat-ibang paraan ng


paghahanda sa mga sakuna.Nagmamadaling umuwi sa Lali
upang ibahagi sa kanyang pamilya ang mga natutunan niya.

“Inay, Itay, Kuya hali kayo!”sabi ni Lali “Oh! Bakit Lali anong ba ang nangyari?
Tanong ng kanyang inay.” Pinag aaralan po naming ang paghahanda sa mga
sakuna tulad ng lindol dapat po nating paghandaan ito bilang isang pamilya.”
paliwanang ni Lali.Nagsilapit ang kanyang mga pamilya at nakinig ng mabuti sa
mga sinasabi ni Lali. “Dapat po lagi tayong handa.Ano mang oras ay pwede itong
magyari sa ating baryo at dapat maging handa po tayo dito.” Sabi ni Lali.Lahat ng
miyembro ng kaniyang pamilya ay sabay-sabay na tumango sinyales na sang
ayon sila dito. “Tama ka Lali” tanong ng kanyang kuya.” Pero papaano ang
paghanhanda na gagawin natin dugtong pa niya.

Tumalikod si Lali at may dinampot na pulang bag.

“Dito, dito magsisimula ang paghahanda natin. Gagawa po tayo ng tig- iisang
survivor kit at tatawagin natin itong “go bag”. At sa bag na ito ilalagay ang
mga mahahalagang gamit para makatulong sa kaligtasan natin.

13
Anong mahahalagang gamit ang kailangan nating ilagay?” tanong ni inay.
Inisa-isa ni Lali ang mga bagay na kailangang ilagay. Kailangan
po natin ng flashlight, pito, radyo, baterya mga pamamamalit na
damit mga personal na bagay tulad ng sipilyo, kailangan din
natin ng tubig at pagkain tulad ng de lata at biskwit pati First aid
Kit, listahan ng mga emergency numbers, pera at personal na
impormasyon ng bawat isa sa atin.

“Tama” sabay-sabay
na sagot nila

“Lali habang lumilindol mayroon ba “Opo itay habang lumilindol dapat


tayong dapat gawin?” Tanong ni itay. mag Drop cover and hold po tayo.”

Umikot sa sala si Lali at naghanap ng matibay na mesa at nagsimulang


magpaliwanag. Dock, cover and hold tay. Dock o yumuko sa sahig cover naman o
takpan ang ulo gamit ang isang kamay at magtago sa ilalim ng matibay na mesa at
hold o humawak ng mahigpit sa paa mesa upang manatili ito sa pwesto at
maprotektahan ka. At pagkatapos ng pagyanig saka pa lamang lumabas ng bahay
nang mahinahon.

“Woooh! Ang galing mo naman


Lali.” sabi nila.

Tumayo si Lali at masusing nagmasid sa paligid ng silid. Sa ibabaw ng cabinet


nakita niyang may mabibigat na mga gamit.
“Tay, sabi ng titser ko isang dahilan ng pinsala sa lindol ay ang
nagbabagsakang mga gamit at cabinet.”

Agad na ibinababa at itinali ng mabuti ng kanyang tatay ang cabinet.

Dapat mapag usapan din nating kung saan tayo magtatagpo-


tagpo pagkatapos ng isang lindol.

Lali paano kung nasa eskwela ako kapag lumindol?


Saka saan tayo magkikita-kita pagkatapos ng isang
lindol” usisa ni kuya.

“Doon sa may kanto may bakanteng lote doon tayo magtatagpo-


tagpo tiyak na ligtas tayo doon ano man ang mangyari.”

14
“Salamat Lali”
Nabalita sa buong
kumunidad ang paghahanda na
ginawa ng pamilya ni Lali at tinularan ito ng kanilang
mga kababaryo. naging huwaran si Lali at ang kanyang
pamilya sa paghahanda laban sa mga sakuna at mula
noon binansagan siyang Laling Handa.

Suriin

Gawain 3.2. Paglinang ng Talasalitaan


Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin sa kahon ang
tamang sagot at isulat ito sa patlang.

first aid kit huwaran lindol Pacific Ring of Fire sakuna

___________________1. Ito ay isang natural na penomena kung saan ang lupa ay


yumayanig.
___________________2. Isang lugar na malakihang dami ng mga kaganapang bulkan
at lindol na nangaganap sa Karagatang Pasipiko.
___________________3. Koleksyon ng mga kagamitang ginagamit para sa pangunang
lunas.
___________________4. Isang malaking kapinsalaan o kalamidad.
___________________5. modelo o iniidolo

Gawain 3.3
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba batay sa kwentong napakinggan/nabasa.

1. Tungkol saan ang kwentong napakingggan/binasa?


_________________________________________________________________________________

2. Bakit nagmamadaling umuwi si Lali sa kanilang bahay?


__________________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga dapat na gawin bilang paghahanda sa lindol ayon kay Lali?
__________________________________________________________________________________

4. Ano-ano ang mga dapat gawin habang lumilindol?


__________________________________________________________________________________

5.Saan sila pupunta pagkatapos ng lindol?

15
Pahalagahan Natin

Ang mga sakuna o kalamidad ay mga pangyayaring kadalasan ay hindi


natin inaasam-asam.Kadalasan ang mga ito ay nararanasan natin sa mga
panahong hindi tayo handa ngunit ito ay naging bahagi na ng ating pang araw-
araw na pamumuhay.Upang tayo ay magiging ligtas sa lahat ng oras, dapat nating
pahalagahan ang pakikinig sa mga kwentong may aral tungkol sa mga paghahanda
sa mga sakuna,balita at mga paalaala sa telebisyon at radio.Ito ang magiging daan
at kapupulutan natin ng aral upang magkaroon ng sapat na kaalaman.Lagi nating
Tandaan, “Sa panahon ng sakuna, Ligtas ang May Alam”

Pagyamanin

Gawain 3.4
Panuto: Mula sa kwentong napakinggan/nabasa at batay sa iyong karanasan
isulat sa kahon ang mga paghahandang ginagawa bago, habang at
pagkatapos ng lindol. Gawin ito sa loob ng sampung (10) minuto.

Mga Paghahanda ni Lali at ng Kanyang Pamilya

Bago ang lindol

Habang lumilindol

Pagkatapos ng lindol

Mga Paghahanda na Ginagawa ng Iyong Pamilya

Bago ang lindol

Habang lumilindol

Pagkatapos ng lindol

16
Isaisip

Isang magandang pagbati dahil matagumpay mong naisagawa ang mga


gawain sa ating aralin. Ngayon susubukin nating muli ang iyong kakayahan sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan. Handa ka na ba?
Gawain 3.5
Panuto: Punan ng wastong salita ang patlang upang mabuo ang kaisipan. Piliin
lamang ang mga sagot sa loob ng ulap.
Ang mga pangyayari sa mga kwentong napakinggan ay maaaring maiugnay
sa ating ______________________.Dapat ito ay ating _____________________sapagkat
ito ay kapupulutan natin ng _________________ upang maging _______________ natin
sa ating araw-araw na pamumuhay.

aral gabay pahalagahan


sariling karanasan

Isagawa

Gawain 3.6
Panuto: Gumawa ng isang poster tungkol sa mga dapat gawin bilang paghahanda
bago, habang at pagkatapos ng lindol. Gawin ito sa loob ng sampung (10)
minuto. Iguhit ito sa isang pirasong bond paper. Gawing gabay ang
rubriks sa pagsasagawa nito.

Tayahin

Gawain 3.7
Panuto: Sagutin ang mga katanungang hango sa kwentong napakinggan.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang gagawin kung may nararamdamang pagyayanig ng lupa?

A. magpanic C. huwag pansinin


B. manatiling kalmado D. magsaya
2. Ano ang dapat ihanda bago ang lindol?

A. survival kit C. refrigerator na puno ng pagkain


B. mga gamit sa paghahalaman D. mga magandang muwebles

17
3. Ano ang dapat mong gawin kapag lumilindol?

A. tatakbo ng mabilis palabras C. Dock, cover at hold


B. sisigaw ng malakas D. itutulak ang mga kaklase
4. Bakit nagkakaroon ng lindol sa Pilipinas?
A. dahil ito ay napapaloob sa Pacific Ring of Fire
B. dahil ang mundo ay nahulog sa balikat ng higante
C. dahil sa mga malalaking sasakyan
D. dahil mabibigat ang mga taong nakatira dito
5. Paano mo paghandaan ang mga sakuna tulad ng lindol?
A. Maging mapanuri at makinig sa mga kwento at balitang
kapupulutan ng aral.
B. Maglaro ng ML hanggang magdamag
C. Huwag makinig sa mga balita
D. Isawalang bahala ang mga palaala ng mga magulang

Karagdagang Gawain

Gawain 1.9
Panuto: Buuin ang talata batay sa iyong karanasan. Isulat ang iyong sagot
sa patlang.
Ang mga _______________ ay bahagi na ng ating mga buhay.Dapat tayo ay
laging ______________ sa lahat ng oras.Bago paman ang lindol maghanda ng
____________________.Huwag_______________kung may pagyayanig na nangyayari.
Mag __________, ____________ at _______________. Pumunta sa pinakamalapit
na_____________.

Binabati kita dahil matagumpay mong natapos ang mga gawain sa aralin.

18
Aralin

4 Dock, Cover at Hold


Kumusta! Handa ka na ba para sa ating aralin sa araw na ito?

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1.Naiuugnay ang sariling karansan sa tekstong napakinggan tungkol
sa Dock, Cover at Hold
2.Nasasagot ang mga tanong sa tekstong napakinggan; at
3.Napahahalagahan ang mga tekstong napakinggan.

Balikan

Ano ang paksa ng kuwentong ating binasa noong


nakaraang araw? Natatandaan mo pa ba ang mga
pangyayari sa kuwentong iyong binasa o narinig?

Tuklasin

Sa araw na ito muli naman nating pakikinggan/babasahin ang kuwentong


ating tinalakay noong nakaraang araw na ang pamagat ay Si Laling Handa na
kinuha sa

Gawain 4.1
Panuto: Tukuyin kung saang bahagi ng kuwento matatagpuan ang sumusunod na
pangyayari. Isulat sa patlang kung nasa unahan, gitna o hulihang bahagi.
________1. Nagmamadaling umuwi si Lali upang ibahagi ang kanyang natutunan
sa pamilya.
_________2. Pumasok si Lali sa paaralan.
_________3. Ipinaliliwanag ni Lali sa pamilya kung ano-ano ang dapat gawin
habang lumilindol
_________4. Nababalitaan ng buong kumunidad ang paghahandang ginawa ng
pamilya ni Lali at tinularan nila ito.
_________5. Tinuruan ng guro ang mga bata ng paghahanda sa mga sakuna o
kalamidad.

19
Dahil alam mo na kung saan makikita o matatagpuan ang mga
pangyayari sa kuwentong napakinggan o nabasa, ngayon tingnan naman natin
kung paano kayo naghahanda tuwing may mga sakuna o kalamidad.

Suriin

Gawain 4.2
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang larawan ay nagpapakita ng
paghahanda sa panahon ng sakuna o kalamidad at ekis (X) kung hindi.

1. 3. 5.

2. 4.

Pahalagahan Natin

Napakahalaga o importante na maging alerto palagi dahil may mga bagay o


pangyayari na hindi natin inaasahang dumating na sa ating buhay. Katulad ng
mga lindol, bagyo, baha, pandemya at marami pang iba.

Pagyamanin

Ngayon, lalo nating sanayin ang iyong kakayahan sa pag-unawa ng ating aralin.

Gawain 4.3
Panuto: Sa loob ng Go Bag iguhit ang apat na bagay na maaari mong ihanda sa
panahon ng sakuna o kalamidad.

Magaling! Ngayon tingnan nga natin kung may natutunan kayo.

20
Isaisip

Gawain 4.4
Panuto: Kompletohin ang pangungusap sa ibaba.

Ang kuwento ay may ___________, ____________, at __________ bahagi na kung


saan ang mga pangyayari dito ay pwede nating maiuugnay sa sarili
nating karanasan.

Pinahanga mo ako sa ipinakita mong kagalingan. Ngayon gawin mo ang


pagsasanay sa ibaba.

Isagawa

Gawain 4.5
Panuto: Batay sa kuwentong iyong napakinggan o nabasa, ilarawan ang
katangiang taglay ni Lali. Isulat sa isang pangungusap.

______________________________________________________________________

Tayahin

Gawain 4.6
Panuto: Basahin ang mga tanong sa ibaba at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ayon sa kuwento, sino ang nagturo sa mga bata ng iba’t ibang paraan ng
paghahanda sa mga sakuna?
A. nars C. pulis
B. guro D. bomber
2. Bakit nagmamadaling umuwi si Lali?
A. upang maglaro sa kaibigan
B. upang ibahagi sa pamilya ang natutunan niya
C. upang pakainin ang alagang hayop
D. upang mamasyal sa parke kasama ang kaibigan

21
3. Alin dito ang nagpapakita ng paghahanda sa panahon ng
sakuna? A. paghahanda ng survivor kit/Go bag
B. pag-aalaga ng mga hayop
C. pagtitipon ng mga bulaklak
D. paghahalaman
4. Paano ka maging ligtas sa sakuna?
A. dapat maging mabuting bata
B. maging mapagmahal
C. maging laging handa
D. dapat may maraming laruan
5. Ano ang dapat gawin habang
lumilindol? A. tumakbo sa labas
B. dock, cover at hold C.
sumigaw nang malakas
D. mananatili sa kinauupuan

Karagdagang Gawain

Gawain 4.7
Panuto: Batay sa sariling karanasan gumawa ng isang pangungusap sa loob ng
ulap kung bakit dapat maging handa sa sakuna o kalamidad.

Dahil buong husay mong naisagawa ang lahat na gawain, ngayon handa ka
na sa maikling pagsubok.

Panapos na Pagtataya
Panuto: Basahin ang mga tanong sa ibaba at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ayon sa kuwento, sino ang nagturo sa mga bata ng iba’t ibang paraan ng
paghahanda sa mga sakuna?
A. nars C. pulis
B. guro D. bombero
2. Bakit nagmamadaling umuwi si Lali?
A. upang maglaro sa kaibigan
B. upang ibahagi sa pamilya ang natutunan niya
C. upang pakainin ang alagang hayop
D. upang mamasyal sa parke kasama ang kaibigan
3. Alin dito ang nagpapakita ng paghahanda sa panahon ng sakuna?
A.paghahanda ng survivor kit/Go bag
B.pag-aalaga ng mga hayop
C.pagtitipon ng mga bulaklak
D.paghahalaman

22
4. Paano ka maging ligtas sa sakuna?
A. dapat maging mabuting bata
B. maging mapagmahal
C. maging laging handa
D. dapat may maraming laruan

5.Ano ang dapat gawin habang lumilindol?


A. tumakbo sa labas
B. dock, cover at hold
C. sumigaw nang malakas
D. mananatili sa kinauupuan

6. Bakit nagkakaroon ng lindol sa Pilipinas?


A. dahil ito ay napapaloob sa Pacific Ring of Fire
B. dahil ang mundo ay nahulog sa balikat ng
higante C. dahil sa mga malalaking sasakyan
D. dahil mabibigat ang mga taong nakatira dito

7. Paano mo paghandaan ang mga sakuna tulad ng lindol?


A. Maging mapanuri at makinig sa mga kwento at balitang
kapupulutan ng aral.
B. Maglaro ng Mobile Legend (ML) hanggang
magdamag C. Huwag makinig sa mga balita
D. Isawalang bahala ang mga palaala ng mga magulang

8.Ito ay isang natural na penomena kung saan ang lupang yumayanig.

A. bagyo
B. lindol
C. tsunami
D. pandemya

9. Isang lugar na malakihang dami ng mga kaganapang bulkan at lindol na


nangaganap sa Karagatang Pasipiko.

A. Pacific Ring of Fire


B. Pacific Ocean
C. Philippine Sea
D. Atlantic Ocean

10.Koleksyon ng mga kagamitang ginagamit para sapangunang lunas.

A. sewing kit
B. first aid kit
C. tool kit
D. jewelry kit

Binabati kita halos natapos mo nang buong husay ang aralin sa araw na ito.

23
Susi sa Pagwawasto

Ayon sa Health Advisory


.10 B Base sa sariling karanasan
.9 B na ginawa
.8 C Magkatulad
.7 A
Lutuin nang mabuti anf pagkain .5 mask
.6 B Pagtulog sa tamang oras .5
.B Magtakip ng ilong at bibig .4 • Pagsuot ng face .4 Madalas na paghugas ng kamay
Sakuna .5 taong may sintomas ng sakit • Social distancing Kumain ng masustansiyang pagkain .3
Lindol .4 Iwasan ang malapitang kontak sa .3 kamay Pagsuot ng face mask .2
Sakit .3 Madalas na paghugas ng kamay .2 napaghugas ng Social distancing .1
Bayani .2 Manatiling kalmado .1 • Madalas
Pandemya .1
.A

Gawain 14.
Subukin
Pagyamanin

(Paggawa ngislogan tingnan ang rubrik) .5 ani .4 X /.3


Gawain 17. .4 haba
.3 bayani
.2 / .1 X
(Maiuugnay, karanasan)
Gawain 16. .2 bahay
/.4 x.2
Magkaroon ng iba’t ibang sagot bayan.1
Gawain 15. Aralin 21. x.5 /.3 /.1
.4 Sundin ang payo ng DOH pagkain,tubig)
kalmado (Bagyo,bahay,radio at telebisyon, Gawain 1.3
.3 Hwag magpapanic/ manatiling Gawain 19. B.3
.2 DOH DOH(.5Department of Health) A.2
.1 COVID 19 .4 A A.3 B.1
Gawain 13.
.2 A B.1 Gawain 6.2
.5 E
.4 C A .2 Gawain 18. (Inaasahan ang iba-ibang sagot)
.3 D B .1 rubrik) Gawain 5.2
Gawain 12. ng islogan tingnan ang (Paggawa pag-uugnay
May iba - ibang sagot Gawain 17. pinakinggan
Gawain 11. (Maiuugnay, karanasan) pangunahing ideya
Aralin 1 Gawain 16. Gawain 4.2
sagot
Magkaroon ng iba’t ibang Iba –ibang sagot ng mga bata
Gawain 3.2
.5 Magpunta sa bakanteng lote Gawain 1 5.
Masaya.4
.4 Dock, cover and hold
Bayanihan.3
gamit bakanteng lote)
flashlight, radio, at mga personal na Inaasahan.2 ang iba-ibang sagot
magpapanic, dock, cover and hold,
.3 Gagawa ng survival kit /magdala ng (sakuna, handa, survival kit,
Kabayanihan
sakuna sa pamilya Gawain 38. Pagkamatulungin.1 ng mgaPilipino/
.2 Upang ibahagi ang kaalaman sa A.5 2.Gawain2
Tungkol.1 sa lindol A.4
Gawain 33. C.3
Huwaran.5 A.2 B.10
Sakuna.4 B.1 A .9
Survival Kit Gawain 37. B .8
First.3 Aid Kit/ (Iba’t ibang sagot ang inaasahan)
Pacific.2 Ring of Fire A .7
Gawain 36.
lindol.1 A .6
gabay)
Gawain 32. B .5
(sariling karanasan, pahalagahan, aral,
Gawain 35. C .4
(Iba’t ibang sagot ang inaasahan) A .3
Gawain 34. B .2
(unang, gitnang, at hulihang) B .1
Gawain 44.
Post Test
(iba’t ibang sagot ang inaasahan dito)
Gawain 43. A .10 inaasahan dito)
X.5 B .9 B Gawain 46. (iba’t ibang sagot ang
.4 / B .8 C .4
/.3 A .7 A .3
X.2 A .6 B .2
/.1 B .5 B .1
Gawain 42. C .4
unang.5 bahagi A .3 Gawain 46.
hulihang.4 bahagi B .2
gitnang.3 bahagi B .1 (iba’t ibang sagot ang inaasahan dito)
unang.2 bahagi
gitnang.1 bahagi
Post Test Gawain .4 5
Gawain 41.

24
Sanggunian
A. Aklat:

Agarrado, P., Francia, M., Guerero III, P. and Gojo Cruz, G., 2016. Alab Filipino 5.
16th ed. Quezon: FEP Printing Corporation, pp.7, 112,122.

B. Website:

2020. [online] Available at: <https://www.youtube.com/watch?


v=b_Lh2tjwuJQ> [Accessed 16 June 2020].

2020. [online] Available at: <https://www.youtube.com/watch?


v=j6q3outRITo.> [Accessed 16 June 2020].

25
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893 Email

Address: region12@deped.gov.ph

You might also like