You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 7
Unang Markahan
Quarter : 1 Week : 5 Day : 1 Activity No. : 1

Competency: : Nasusuri ang yamang likas at mga implikasyon ng kapaligirang pisikal


sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon
Objective : Naitatala ang mga yamang likas na makikita sa ating probinsiya at ang
mga pakinabang nito.
Topic : Mga Likas na Yaman ng Asya

Materials :

Reference : Panahon, Kasaysayan at Lipunan II pp.17

Copyrights : For classroom use only

Konsepto:

Ang likas na yaman ay ang lahat ng bagay sa likas na kapaligiran tulad ng lupa, tubig,
natural na enerhiya, kagubatan, mineral, isda at iba pang yaman dagat, hayop at tao.
Sagana sa likas na yaman ang mga rehiyon ng Asya lalong lalo na ang ating bansa na
sakop sa Timog-silangang Asya. Malawak ang lupang sakahan at nagagandahan ang mga
anyong lupa at anyong tubig na siyang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga tao.

Pagsasanay: Gumawa ng talahanayan ng mga yamang likas(likas na kagandahan) na


matatagpuan sa ating probinsiya/ lugar.
Halimbawa:

Yamang likas Lugar Uri Kapakinabangan Pangangalaga

Tingkawob Calinginan Yamang dahil sa turismo Huwag magtapon ng


River Norte, Sevilla, tubig nabigyan ng mga basura sa ilog para
Bohol hanapbuhay ang manatili ang likas na
mga taong kalinisan at kagandahan
naninirahan malapit ni to.
sa ilog
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 7
Unang Markahan

Quarter : 1 Week : 5 Day : 2 Activity No. : 2

Competency: : Nasusuri ang yamang likas at mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng
mga Asyano noon at ngayon
Objective : Naiisa-isa ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano

Topic : Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano

Materials :

Reference : K 12 Learning Modules - p. 34, ASYA: Pag-usbong ng Kabihasnan, pp. 38-40


ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pp. 40-42
https://www.youtube.com/watch?v=uKwcnOT3BEg
Copyrights : For classroom use only

Konsepto:
Implikasyon ng Likas na yaman sa pamumuhay ng mga tao.
 Agrikultura-
o Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong panluwas ay nagmumula sa
pagsasaka
o Kung malawak at mataba ang lupain mas matutugunan nito ang pangangailangan ng bansa at
makapagluluwas ng mas maraming produkto
o Sa pagpapalaki ng produksyon, ang ilan ay gumagamit ng mga makabagong makinarya
o May ilang mamamayan na may malliit na sakahan at nagbubukid para sa pansariling ikabubuhay
lamang.
 Ekonomiya
o marami sa mga bansa sa Asya ay papaunlad bunsod ng kasaganaan nito sa likas na yaman
o ang mga likas na yaman na ito ay pinagkukunan ng materyales na panustos sa kanilang mga
pagawaan
o maging ang mga maunlad na bansa ay ditoo kumukuha ng mga hilaw na materyales kung kaya’t
halos nauubos ang likas na yaman ng huli at hindi sila nakikinabang ditto
o likas di ang kanilang iniluluwas kasabay na paggamit ng mga tradisyunal at makabagong
teknolohiya upang mapataas ang antas ng pambansang kita nang sa gayon ay mapabuti ang
pamumuhay ng mga mamamayan

Pagsasanay:
Ilarawan sa apat (4) na mga pangungusap ang implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay ng tao sa
larangan ng agrikultura at ekonomiya.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 7
Unang Markahan
Quarter : 1 Week : 5 Day : 3 Activity No. : 3

Competency: : Nasusuri ang yamang likas at mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay
ng mga Asyano noon at ngayon
Objective : Nasusuri ang implikasyon ng likas na yaman sa uri ng bahay/panahanan ng tao

Topic : Implikasyon ng Likas na Yaman sa Uri ng Bahay/Panahanan ng mga Asyano

Materials :

Reference : K 12 Learning Modules - p. 34, ASYA: Pag-usbong ng Kabihasnan, pp. 38-40


ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pp. 40-42
https://www.youtube.com/watch?v=uKwcnOT3BEg
Copyrights : For classroom use only

Konsepto:
Implikasyon ng likas na yaman sa Panahanan
Timog Asya
o Ang panahanan ng mga bansa sa Timog Asya ay nauugnay sa uri ng topograpiya ng rehiyon.
o Topograpiya ay ang pag-aaral at paglalarawan sa pisikal na anyo ng isang lugar tulad
ng hugis, posisyon, at taas ng mga kalupaan sa lugar na iyon.
o Sa pulo ng Sri Lanka at Maldives ang mga panahanang ang loob ay makapagbibigay ng mas
malamig na pakiramdam.
o Sa Bhutan, kailangan ang mga tirahan na makatatagal sa mahaba at napakalamig na klima.
o Sa Bangladesh, rural pa rin ang uri ng buhay. Ang mga panahanan ay karaniwang parihaba
na gawa sa luwad, kawayan o pulang ladrilyo. Ang mga panahanang ito ay kinakailangang
nakataas sa lupa bilang pag-iwas sa baha.
Kanlurang Asya
o Itim na tolda ang mga taong nomad ay karaniwang makikita sa mga lugar na malapit sa oasis.
o May mga panirahang gawa sa malaking tipak na bato at semento sa mabubundok na bansa
ng Lebanon, Syria, Turkey, Iran, at Iraq.
o Karaniwang kawani ng pagawaan ay naninirahan sa townhouse na gawa sa luwad at semento.
Hilagang Asya
o Karamihan sa mga pamayanan ay nasa matatabang ilog at kakaunti lamang ang nakatira sa
tuyong interior ng rehiyon.
Timog-Silangang Asya at Silangang Asya
o Sa mga baybaying-dagat umusbong ang mga daungang bayan na naging tuntungan sa
pagpapalaganap ng produkto
o Sa mga kapatagan malapit sa ilog nalinang ang pagsasaka.

Pagsasanay:
Bakit kailangang iayon ng mga tao ang kanilang tirahan sa kanilang kapaligiran? Magbigay ng
apat (4) na rason.

You might also like