You are on page 1of 8

Talaan ng Nilalaman

Pahina

PAGSULAT 3

Artikulo tungkol sa Pagsulat 3

Layunin ng Pagsulat 3

Maikling Paglalarawan 4

Proseso ng Pagsulat 4

PAGBASA 5

Artikulo tungkol sa Pagbasa 5

Layunin ng Pagbasa 6

Maikling Paglalarawan 6

Proseso ng Pagbasa 6

PAGSASALITA 7

Artikulo tungkol sa Pagsasalita 7

Layunin ng Pagsasalita 8

Maikling Paglalarawan 8

Proseso ng Pagsasalita 8

MGA KASANGKAPAN 8

SANGGUNIAN 9

2
PAGSULAT

Artikulo Tungkol sa Pagsulat

Ayon kina Villafuerte et.al. (2005), ang pagsulat ay lundayan ng lahat ng iniisip,

nadarama, nilalayon at pinapangarap ng tao dahil sa nakapaloob dito ang aspetong

kognitibo, sosyolohikal, sikolohikal, linggwistikal atb.Ang pagsulat ay isang prosesong

sosyal o panlipunan at bunga ng interaksyon ng taong tumatanggap ng mensahe mula sa

ipinadalang tekstong isinulat.

Ang pagsusulat ay isa sa limang kasanayan na taglay ng tao. Ang bawat nilalang

ay maaaring magkaroon ng kaalaman sa pagsusulat ngunit hindi lahat ng tao sa mundo ay

may kakayahan at kasanayan sa epektibong pagsusulat.

Ang pagsusulat ay naisasagawa sa pamamagitan ng aktibong pagiisip at masining

na paraan ng pagpapahayang ng damdamin at kaisipan ng isang indibidwal sa

pamamagitan ng mga sagisag o simbulo. Ang isang epetibong pagsusulat ay nagtataglay

ng katangiang may kaisahan, kakipilan, diin, at komprehensib.

Ayon kay Hugney, et al (1983), “nakatutulong ang pagsusulat sa paglinang ng

kakayahan ng mga estyudantesa lohikal ng pag-iisip at paglutas ng suliranin.” Napaunlad

din ng pagsusulat ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbasa, pagtatala,

pagtutukoy ng detalye, pagsusuri at pagbibigay pakahulugan ng mga datos. Dahil dito

napatutunayang malaki ang naitutulong ng pagsusulat sa paghubog ngdamdamin at isipan

ng isang tao.

Layunin sa Pagsulat

Ang layunin ng pagsulat ay maglahad, magbigay impormasyon at magbigay linaw

o paliwanag sa paksa sa isang teksto.

3
Maikling Paglalarawan

Ito ay ang paraan ng pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring

magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, ilustrasyon ng isang tao o

mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang isipan.

Proseso Ng Pagsulat

 Pre-writing- pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o

impormasyong kailangan sa pagsulat.

 Actual writing – Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang

pagsulat ng burador o draft.

 Rewriting – Dito nagaganap ang pageedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong

gramar, bokabulari at pagkakasunud-sunod ng mga ideya o lohika.

4
PAGBASA

Artikulo Tungkol sa Pagbasa

Kahalagahan ng Pagbabasa:

Ang pagbasa ay isang magandang gawain kung kaya’t maraming naidudulot na

magandang bagay sa isang tao. Hinggil sa hilig at interes nito, maraming bentahe na

makukuha rito. Ito ayang tuwid na instrumento upang makuha at makilala ng lubusan ang

mga ideya, kaisipan at damdamin ng isang tao sa mga sagisag o titik na nakalimbag sa

mga pahina upang maibigkas itosa pamamagitan ng pasalita. Mahalaga ang pagbasa sa

buhay nga bawat tao sapagkat ito angnagsisilbing pangunahing kasangkapan sa pagtuklas

ng karunungan, kung baga ito ang gintongsusi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng

karunungan at kasiyahan. (Tyrone Van Kirk C. Regal)

Sa apat na kasanayan ng pagpapahayag-pakikinig, pagsasalita, pagsusulat at

pagbabasa-itong huli, ang pagbabasa ang tila damdam yatang bumaba ang antas ng

ipinatatamong kalinangan sa kasalukuyan. Mangyari nasasapawan na ang gawaing ito ng

radio, telibisyon at iba pang kagamitang elektroniko. Sa kolehiyo na lamang

naoobserbahan sa mga kabataang estudyante ngayon na pag pinapabasa ng nobela,

halimbawa na ay ang Bata…Bata….Paano ka Ginawa? Ni Lualhati Bautista, sa halip na

basahin ang aklat mas gugustuhin pa nilang panoorin ito sa pelikula sa sine o sa

Beta/VHS.mas nakalilibang ang gawang panonood sa loon ng isa’t halahating oras kaysa

sa magbasa na aabutin pa sila ng antok at kung ilang tulog bago ito matapos. Ang hindi

nila alam “ Haste Makes Waste.” sa pagkabagot nila’t pagmamadali, maraming detalye sa

aklat na hindi naisalarawan sa pelikula ang kanilang nalaktawan, kaya mas higit ang

napulot na kaalaman ng matiyagang nagbasa ng aklat nito na orihinal. Magkagayunman,

5
ang gawang pagbasaay patuloy pa ring humahanap at nakikipagsabayan sa hamon at

takbo ng nagmamadaling panahon. (Jose Arrogante)

Layunin ng Pagbasa

Tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito sa kaisipan

Maikling Paglalarawan

Ayon kay Badayos:

Ang pagbabasa ay isang proseso ng pag-iisip.

Utak ang ginagamoit sa pagbabasa at hindi ang mga mata na naghahatid lamang

ng mga imahe o mensahe sa utak.

Para sa mga bulag, pandama ang pumapalit sa mga mata na ang mga imaheng

mula sa braille na kanilang binabasa ay makarating sa utak upang maiproseso.

Proseso ng Pagbasa

William S. Gray (Ama ng Pagbasa), ang mga sumusunod ang proseso ng pagbasa:

 Persepsyon- pagbasa sa akda o pagkilala.

 Komprehensyon- ang pag- unawa sa binasa.

 Asimilasyon- ang pagsasamasama at pag-uugnay ng mga kaalaman mula sa binasa at

sa mga dating kaalaman.

 Reaksyon- ang hinuha sa binasa ay paraang intelektwal na ang bumabasa ay

nagpapasya sa kawastuhan at lohika ng binabasa at emosyonal na ang bumabasa ay

humahanga sa estilo at nilalaman ng nabasang akda.

6
PAGSASALITA

Artikulo Tungkol sa Pagsasalita

“Hindi mo naman kailangang maging napakahusay o perpekto upang

magtagumpay,” ang sabi ni Dr. Morton C. Orman, isang eksperto hinggil sa kaigtingan at

isang propesyonal na tagapagsalita sa madla. “Ang pinakatunguhin ng pagsasalita sa

madla ay ito: ibahagi mo sa iyong mga tagapakinig ang isang mahalagang bagay.” Sa

ibang salita, magtuon ng pansin sa iyong mensahe, hindi sa iyong sarili o sa iyong mga

kabalisahan. Inakala ng ilang tao noong sinaunang siglo na si apostol Pablo ay hindi

siyang pinakamahusay na tagapagsalita, ngunit dahil palagi siyang may mahalagang

sasabihin, mabisa pa rin siya. (2 Corinto 11:6) Sa katulad na paraan, kung may ihaharap

kang mahalagang bagay na talagang pinaniniwalaan mo, mas madaling maglalaho ang

iyong kaba.

Si Ron Sathoff, isa pang kilaláng tagapagsalita at tagapagsanay, ay nagbigay ng

ganitong mungkahi: Huwag mong isiping isang palabas ang iyong pahayag. Ituring mo

ito na isang pakikipag-usap. Oo, sikaping makipag-usap sa iyong mga tagapakinig, hindi

bilang isang malaking grupo, kundi bilang isa o dalawang indibiduwal sa isang

pagkakataon, kagaya ng ginagawa mo sa pangkaraniwang pag-uusap. Magpakita ng

tunay at personal na interes sa iyong mga tagapakinig, at magsalita sa kanila sa

karaniwang paraan ng iyong pagsasalita. (Filipos 2:3, 4) Kapag ang iyong paraan ng

pagsasalita ay parang nakikipag-usap lamang, magiging mas relaks ka.

7
Layunin ng Pagsasalita

Pagpapaliwanag ng sarili

Pagpapahayag ng sariling pananaw at pagpapakahulugan sa sarili bilang bahagi

ng lipunan.

Maikling Paglalarawan

Kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala

at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.

Proseso ng Pagsasalita

 Pag-iyak kapanganakan

 Cooling 6 na lingo

 Babling 6 na buwan

 Intonasyon 8 na buwan

 Isang salita  1 taon

 Dalawang salita 18 buwan

 Salita (word inflection) 2 ½ taon (3 taon -3 buwan)

 Tanong negatibo 5 taon

 Matyur na salita 10 taon

Mga kasangkapan:

 Cellphone

 Laptop

 Internet

8
SANGGUNIAN

You might also like