You are on page 1of 7

Buwis

A Historical-Biographical Approach (A Literary Analysis) by: Brix Aguason

Ang “Buwis” ay sinulat ni Charlson Ong na isang tsinoy kaya ang iilang parte
ng buhay niya ay naging inspirasyon sa kultura ng mga tsino na kanyang
kinalakihan. Kahit na ito ay sinulat noong 2017 ay meron paring mga
kagawian sapagkat ang mga tauhan nito ay puro mga may edad na. Pero ano
nga ba ang ibig sabihin ng “Historical” at “Biographical”.

Ang “Historical Approach” ay Ang “Biographical Approach”


ang mga koneksyon nito sa naman ay ang koneksyon
piraso ng panitikan noong kaugnay sa buhay ng nagsulat
panahon na ito ay sinulat. sa mga naisulat nito.

Kalye ng Manila noong 2017.

Charlson Ong (May akda ng Buwis)


Historical Approach
Taong 2017 noong ito ay sinulat. Ang teknolohiya ay madali ng makuha at ito
na ang tumutulong sa pangkabuhayan natin. Naging koneksyon ng taon noong
ito ay naisulat ay ang pag gamit ng telepono at kompyuter. Maging ang mga
trahedya na nangyari na bumigla sa buong mundo.

TELEPONO
Kagaya ng pagamit noong 2017 pati na
rin ngayon ay madali na ang pagtawag
sa pamamagitan ng telepono. Ginamit ni
Anita, Jackson Peña, at ni Belinda ang
telepono upang tumawag at maging
kwentahin ang buwis ni Anita.
Malaysia Airlines Flight 370

Ang MH370 ay nawala noong Marso 8 2014. Ito ang isa sa


pinaka misteryosong pagkawala ng eroplano sa buong
kasaysayan dahil ito ay hindi natagpuan at hindi ito
maipaliwanag dahil sa kakulangan ng impormasyon. Posible
itong maging inspirasyon sa naging tadhana ni Jayson na anak
ni Alita na nawala kasama ang kanyang asawa sa kanilang
honeymoon na papuntang Taiwan. Kagaya ng MH370, hindi rin
nakita ang mga katawan ng mga nakasakay nito at hinayag na
patay na ang mga pasahero ng eroplano.
Biographical Approach
Si Charlson Ong ay isang Tsinoy (Kalhating Pinoy at Tsino). Kaya madaming
kaugnay ang kultura at paniniwala na nasa kwento sa kaniyang buhay bilang
isang tsinoy. Maging sa pagkain, pananalita at paniniwala sa relihiyon ay may
kaugnayan din sa kanyang sariling buhay. Sa kadahilanan na wala masyadong
impormasyon sa kanyang buhay, masasabi natin na ang kultura at kagawian
ng Pilipino at Tsino ay kaugnay sa kanyang buhay dahil siya ay isang Tsinoy.

Xiaolongbao

Xiaolongbao ay isa sa mga pagkain ng


mga Tsino. Ito ang bersyon ng mga
Tsino sa Pancit Molo ng mga Pilipino.
Ito ay nasabi sa kwento na binigay ni
Anita kay Max na nasabing paborito
ni Jayson.
Paraan ng mga Tsino
sa pananalita ng
Tagalog

Ang ibang mga Tsino na tumira na sa Pilipinas ay nahihirapan


magsalita ng diretsong tagalog at ito ay putol putol. Hindi na bago
satin ang putol putol na pananalita ng ibang mga Tsino sa
pagsasalita ng ibang lenggwahe. Nakita natin sa kwento na si Aling
Anita ay putol putol magsalita at hindi tuwid ang pananalita.
Insenso

Ang pag insenso ng Joss Stick at Spirit Money o Joss Paper ay ginagawa ng mga
Pilipino at Tsino. Ginagamit ang Joss Stick sa pagtataboy ng masasamang
espiritu at pati na rin ang pakikipagusap sa espiritu kagaya ng paghihingi ng
tulong sa pagtaboy ni Aling Anita kay Jackson dahil sa paghingi ng tulong sa
pakikipagusap sa kanyang yumaong na asawa kahit na ito ay naniningil ng
malaking buwis. Ginamit din ang Joss Paper sa kwento ni Aling Anita. Ang
pagiinsenso ng Joss Paper o Spirit Money nag sinunog ni Aling Anita para
magamit ang yumao niyang asawa na si Tony sa kabilang buhay na pera. Ang
Pagiinsenso ay tradisyon na ng mga Tsino kahit hanggang ngayon.
Katapusan
Madaming naging koneksyon ang kwentong “Buwis” sa panahon na ito at
maging sa buhay ni Charlson Ong. Napapanahon ang kaugnay ng panahon sa
kwento, pati sa pag gamit ng teknolohiya at maging sa trahedya na nangyari.
Malaking ang ugnay ng kwento sa buhay niya sapagkat madami ang sinabing
kultura at maging sa pamamaraan ng mga tsino na kaniyang kinalakihan.
Hindi man detalyado ang buhay ni Charlson Ong pero madali nating masasabi
na alam niya ang kultura ng mga Tsino sa pagiging Tsinoy at pag laki sa
kultura nila at kagawian.

You might also like