You are on page 1of 9

ANG TEORYA NG MONITOR 1

ISANG PASULAT NA ULAT

INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA

FILIPINO 1001

ANG TEORYA NG MONITOR

NINA:

PRINCESS KYLA T. COLLADO

LAURIZZ D. PASCUA

DICKSON V. SALVADOR

CRISTINA I. ANGELES

GURO
ANG TEORYA NG MONITOR 2

I. INTRODUKSYON

Sa bawat bansa sa mundo ay meroong kanya-kanyang wika na ginagamit,


nguinit hindi lamang ito nakabase sa iisang lenggwahe dahil maykakayahang
matuto ang isang tao ng pangalawang wika o Second Language. Kaugnay
dito, may iminungkahing teorya si Krashen hinggil sa pagtatamo ng
pangalawang wika na nagging batayan ng isang balangkas para sa pag-
unawa ng mga proseso kung paano natutuhan ang pangalawang wika. Ang
tawag sa teoryang ito ay Teoryang Monitor.

Si Stephen Krashen ay isang guro at linggwistiko na nagtaguyod ng


Monitor Model bilang kaniyang teorya sa Second Language Acquisition sa
maimpluwensya niyang teksto ang Principles and Practice in Second
Language Acquisition noong taong 1982.

Gayunpaman, sa kabila ng pagiging popular at impluwensya ng monitor


model ay umani ito ng sari-saring pagpuna. Ang mga sumusunod na talata ay
naglalayong ipaliwanag ang mga pagtuligsa sa monitor model.

Ang Monitor Model ni Krashen ay base sa First Language Acquisition


Research. Ayon kina Lightbown at Spada (2006:37), ang konsepto ng monitor
model ay sinasabing impluwensya ng gawa ni Chomsky na First Language
Acquisition. (Kaczmark, 12059128). Bilang kasunod, kontra hinggil sa ideya ni
Krashen na ang acquisition o pagtamo ng unang wika ng bata at wala silang
kamalayan dito habang natutunan ang wika, tinutulan ito ni Schmidt na sa
pamamagitan ng ‘subconcious’ o ‘hindi malay’ maaaring maunawaan ng isang
tao ng walang kamalayan. Kumontra rin si Gregg sa pagtamo at pagkatuto ni
Krashen sa pamamagitan ng pagsasabing sa ilang pagkakataon ang pag
aaral o learning ay maaaring maging tunay na pagtamo. Ito ay ayon kay
Gregg, na nagpapatunay na sa ilang mga kaso ang pag-aaral ay maaaring
maging acquisition o pagtamo; halimbawa kapag ginamit ng drills nang
walang makabuluhang input. Sinasabi rin ni Mclaughin 1987 na nagkulang si
Krashen sa pagpapaliwanag niya sa mga terminolohiyang conscious o malay
(learning) at subconscious o hindi malay (acquisition). Dagdag pa niya tinukoy
lamang ni Krashen na ang pagtamo ay kaugnay sa nararamdaman ng
ANG TEORYA NG MONITOR 3

learners, datapuwa’t ang pagkatuto ay maaaring ibase sa kaalaman ng


patakaran. (https://parentingpatch.com/)

II. TAGAPAGTAGUYOD

Si Stephen Krashen ay isang professor emeritus sa University of Southern


California na dalubhasa sa larangan ng linggwistiko, siya ang nagtaguyod ng
Monitor Model bilang teorya sa kanyang Second Language Acquisition sa
maimpluwensya niyang teksto ang Principles and Practice in Second
Language Acquisition. (https://www.sk.com.)

III. PAGLALAHAD NG MGA IDEYA

Ang Teorya ng Monitor (Monitor Theory) ay binubuo ng limang


haypoteses. Ito ay ang mga sumusunod:

 Acquisition Learning Hypothesis


 Natural Order Hypothesis
 Monitor Hypothesis
 Input Hypothesis
 Affective Learning Hypothesis

1. Acquisition Learning Hypothesis

Ang acquisition learning hypothesis ay nagsasaad ng dalawang


magkahiwalay na proseso sa pagiging dalubhasa sa wika. Ang Acquisition
(Pagtatamo) ay isang pamamaran na natututong gumamit ng wika ng hindi
namamalayan o awtomatik na nangyayari dahil sa pakikipag-ugnayan sa
ibang tao. Naipapakita ito sa natural na pakikipag-usap, na nagmula sa
panggagaya sa mga salita base sa pagkakaintindi at kung paano ito
binibigkas. Mas pinapahalagahan nito ang pakikipagkomunikasyon kaysa sa
tamang paggamit ng wika. Ang Learning (Pagkatuto) naman ay resulta ng
ANG TEORYA NG MONITOR 4

wastong pag-aaral ng wika na karaniwang nangyayari sa silid-aralan.


Naipapakita rito ang tamang paggamit ng mga salita, gramatika at iba pa.

2. Natural Order Hypothesis

Ang lengguwahe ay kusang natutunan sa natural na proseso. Kusang


nalalaman ang pagsasaayos ng balangkas at grammatika, dahil sa natural na
pakikipagkomunikasyon. Isinasaad ni Krashen na ang mga nag-aaral ng
pangalawang wika (L2) at nag-aaral ng unang wika (L1) ay iba ang paraan ng
pagkatuto sa wika. At ang mga matatanda at batang nag-aaral ng
pangalawang wika (L2) ay meroong pagkakapareho sa antas ng pagkatuto.

3. Monitor Hypothesis

Ayon kay Krashen ang monitor hypothesis ay nangyayari sa tuwing


ang isang tao ay nagsalita at nagsulat base sa kanilang ikalawang wika ang
mga masasambit at masusulat lamang nila ay ang mga salitang kanilang
natamo (acquired) at hindi ang mga salita na kanilang natutunan. Ang
“Monitor” ay instrument na ginagamit ng mga tao upang isaayos ang kanilang
pagsasalita at pagsusulat ng wika. GInagamit ang mga natutunang kaalaman
(learnt knowledge) upang bawasan o baguhin ang pagbigkas sa mga salitang
nabuo mula sa mga natamong kaalaman (acquired knowledge). Nagbigay ng
tatlong kondisyon si Krashen sa paggamit ng Monitor. (1) Una dapat may
sapat na oras. (2) Pangalaw ay dapat nakatuon ang atensyon sa
pamamaraan at hindi sa kahulugan. (3) Ikatlo at panghuli, dapat alam ng
gumagamit ang mga patakaran.

4. Input Hypothesis

Ang pinaka-importanteng haypoteses, dahil pinapaliwanag nito kung


paano nagaganap o nangyari ang ikalawang lengguwahe sa pagtatamo
(second language acquisition). Sinasabi rin ni Krashen na nakakakuha ng
mga kaalaman kapag nauunawaan kung ano nga ba ang naririnig at
nababasa na tinatawag na “Comprehensible Input”. Isang halimbawa nito ay
ang (i + 1 = level). Sumisimbolo ang letrang “i” o “input” sa mga salitang alam
mona na ang ibig. Samantala ang “1” ay ang mga salitang idinaragdag na
ANG TEORYA NG MONITOR 5

naka-ugnay sa “input”. Ang input hypothesis ay nakatuon lamang sa


pagtatamo (acquisition) at hindi kabilang ang pagkatuto (learning).

5. Affective Filter Hypothesis

Base sa pahayag ni Krashen sa affective filter hypothesis; ang mga taong


meroong mataas ang motibasyon, malaking tiwala sa sarili, nagtataglay ng
maayos na pagpapahalaga sa sarili, at hindi kadalasang nababalisa ay ang
mga taong malaking posibilidad na magtagumpay sa pagtatamo ng
pangalawang wika (second language acquisition). Samantala ang mga taong
meroong mababang tiwala sa sarili, walang motibasyon at nangangambang
magsalita ng ibang lengguwahe ay nagiging sanhi ng malaking posibilidad na
makalimot ng malaking saklaw na maaring at naiiwasang magamit ang
“Comprehensible input na maaring magamit sa pagtatamo ng wika
(acquisition).

Mayroon pang dinagdag na (5) limang kadahilanan si Krashen. Ito ay ang


mga:

1. Aptitude- natural na abilidad ng tao sa pagsasaayos ng gramatika mula


sa pagkatuto ng ikalawang wika.
2. Role of the First Language- ang second language acquisition ay
walang kinalaman sa first language acquisition ngunit sa kabila nito ay
nakikita ni Krashen ang paggamit ng unang lenggwahe bilang
estratehiya na kadalasang ginagamit kapag may nakalimutang termino
sa ikalawang lenggwahe.
3. Routines and Patterns- hindii sinasang ayunan ni Krashen ito dahil
para sa kanya, nalilimitahan ang kakayahan at pagiging malikhain ng
tagapagsalita.
4. Individual Differences- ang pagtamo ay may natural na pagkakasunid
sunod:
a. Over-user
b. Under-user
c. Optimal user
5. Age - ang edad ay maaaring makaapekto sa dami ng nakakalap o
nakukuhang kaalaman, ayon din kay Krashen ay maaaring mas
ANG TEORYA NG MONITOR 6

maraming natututunan ang mas bata kumpara sa matanda. (Ellis, R.


1983. Understanding Second Language)

IV. PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST NG MGA IDEYA

Dahil mahalaga at konektado sa bawat tao ang pag aaral na ginawa ni


Krashen ay naging malapit ito sa mga negatibo o kumukontrang ideya mula
sa mga dalubhasa.

Una ay ang Monitor Model na hindi sinang ayunan ni McLaughlin sa


kadahilanang hindi ito mapagkakatiwalaan at ayon sa ideya ni Krashen na
mayroong subconcious at concious na paraan ng 'aquisition-learning' na hindi
maaaring gamitan ng inspeksyon o pag aaral. Ikalawa naman ay ang pag
aaral ni Krashen tungkol sa aquisition at learning na ito ay hiwalay o
magkaiba, na ang natamong kaalaman ay hindi maaaring maging napag-
aralan o natutunang kaalaman. Ito ay kinontra nina McLaughlin, Rivers
(1980), Stevick (1980), Sharwood-Smith (1981) at Gregg (1984) na ang
natutunan na kaalaman ay maaaring maging natamong kaalaman sa
pamamagitan ng patuloy na pag eensayo at paggamit nito sa pakikipag-usap
sa araw-araw. At ang ikatlo naman ay ang naobserbahan ni Larsen-Freeman
(1983b) ay hindi ipinaliwanag ni Krashen kung paano ang input ay
nakokonekta sa nag aaral nito, na kung saan ang pagkakaiba ng pagtamo o
pagkatuto ay may epekto, dito ay malalaman kung ano ang dahilan sa
pagkakaiba iba ng kaalaman. At bukod sa pagkakaroon ng kaalaman, ang
Moniyor Model matatawag pa ring 'black box ' theory.
(https://www.researchgate.net/)

V. MGA PAGPAPATUNAY BUHAT SA MGA PAG-AARAL AT


PANANALIKSIK

Mula sa pag-aaral ni Fang Yang noong 2011 na pinamagatang “A Study


on the Application of Input Theory to Reading Instruction in Vocational
College”. Nakasaad sa pag-aaral na ito ang pagkakaroon ng eksperimentong
pagtuturo upang malaman ang pagkaka-iba ng dalawang pangkat sa
ANG TEORYA NG MONITOR 7

paglinang ng kanilang kakayahan sa pagbabasa ng may pang-unawa


(reading comprehension). Ipinakita sa pag-aaral na ang unang pangkat
(experimental class) ay mas natuto kaysa sa ikalawang pangkat (control
class), matapos mabigyan ng karagdagang kagamitan sa pagbabasa bilang
pang-araw-araw na takdang aralin. Matapos lumabas ang resulta ng pag-
aaral; naipakita rito na ang kakayahan ng estudyante sa pagbabasa ng may
pang-unawa ay maaring mas mapabuti sa pagbibigay ng higit pang mga
kagamitan sa pagbabasa. Ang mas madalas na pagbabasa ay talagang
nakakatulong sa paglinang ng kanilang kasanayan sa pagbabasa.
(http://www.academypublication.com/)

VI. PAGLALAPAT SA REYALIDAD AT SA KASALUKUYANG


SITWASYON

Ang monitor model ay maihahalintulad ko sa aking naging karanasan, na


ayon nga kay Krashen ay maaari itong makamit sa pamamagitan ng
pagkatuto at pagtamo. Ang naging karanasan ko sa pagtamo ay nang
natutunan ko ang aking ikalawang lenggwahe na Ilocano. Ito ay natamo ko sa
pamamagitan ng pakikinig lamang sa mga nag-uusap dahil sa amin ito ay
kadalasang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa pang araw-araw ng
aking ama. Ang isa naman ay ang inaaral namin ngayon na lenggwahe na
French, ipagpalagay na lamang na ito ay ang aking magiging ikalawang
lenggwahe, ang ginagamit dito ay pagkatuto sapagkat dumadalo kami sa mga
pormal na klase at tinuturuan kami ng mga tamang gramatika, pagbigkas at
maging ang mga maliliit na detalye upang tuluyang matutunan ang
lenggwaheng ito.
ANG TEORYA NG MONITOR 8

VII. KONKLUSYON

Napakahalagang pag-aralan ang mga teorya at haypotesis ng Second


Language Acquisition. Nakasama rito ang mga pagpapaliwanag sa mga
paraan kung paano natuto ang isang tao ng ikalawang wika. Makikita rito
kung ano ngaba ang pagkakaiba ng pagkatuto sa pagtatamo na kung
malalaman kung ano ang mas epektibo sa pagkatuto sa pangalawang wika.
Hindi lamang ito nakatuon sa pagkatuto o pagtatama dahil ipinakita rin dito
ang malaking parte ng pagkikinig at pagbabasa na nakakatulong sa
pagdebelop ng kakayahan ng tao sa pagtatama at pagkatuto ng ikalawang
lengguwahe. Dahil meroong malaking papel ang pagkatuto ng wika sa
teoryang monitor ay hindi rin mawawala ang implikasyon nito sa pagtuturo ng
wika. Dahil sa mga teorya at haypoteses na nabanggit maaring magamit o
maging gabay ito sa mga guro o taong nagtuturo ng ikalawang wika.
Mapapalawak nila ang kanilang kaalaman at makikita ang mga pagkukulang
ng mga taong tinuturuan nila. Makikita nila kung epektibo nga ba ang mga
teorya sa realidad na buhay ng mga taong nag-aaral ng ikalawang wika. Kung
mapatunayan man na mabisa ang mga teoryang ito ay makakatulong na mas
mapabilis at maging mas mabisa ang pagtuturo ng ikalawang wika sa mga
mag-aaral.
ANG TEORYA NG MONITOR 9

MGA SANGGUNIAN

Ellis, R. (1983). Understanding Second Language

https://parentingpatch.com/monitor-hypothesis-definition-
criticism/https://www.sk.com.br/sk-krash-english.html

http://www.academypublication.com/issues/past/tpls/vol01/07/25.pdf&ved=2a
hUKEwix8a3fmv3kAhXVBIgKHUB_CwoQFjANegQICBAB&usg=AOvVaw2Uhr
FmpqWpmubdz4gtMSIT

https://www.researchgate.net/publication/267449444_Critically_evaluate_Kras
hen
%27s_monitor_Model&ved=2ahUKEwi7mMjN7P3kAhWaeN4KHQqPCb4QFj
AKegQIAhAB&usg=AOvVaw3bC0WKatLgiObKyO0k1hW6

You might also like