You are on page 1of 3

Name: _______________________ Date:_____________

Grade & Section: ___________ Score: _________

GINTONG ASAL 1

I. Basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot. (2pts each)

Ang Pagong at ang Kuneho

Ang kuneho ay nagyayabang tungkol sa kanyang bilis sa harap ng iba pang mga hayop at hinamon ang
sinuman sa kanila sa isang paligsahan. Tinanggap ng isang pagong ang kanyang hamon. Sa una ay iniisip
ng kuneho na ito ay isang biro, ngunit seryoso ang pagong. Sinimulan ang paligsahan at sa simula ay
buong bilis na tumakbo ang kuneho. Napansin niyang sobrang layo na ng pagong at pinagtawanan niya
ito. Nagpasya siyang umidlip muna sapagkat sa wari niya ay walang pag-asang makahabol ang pagong.
Ang pagong, kahit mabagal ay patuloy na naglakad. Nang magising ang kuneho ay malapit na sa dulo ng
karera ang pagong at hindi na niya ka pang habulin kahit anong bilis niya.

1. Sino ang mga tauhan sa kwento?

a. Pagong at aso c. Pagong at Kuneho

b. Aso at kuneho d. Tipaklong at Langgam

2. Sino ang nagyayabang sa kwento?

a. Pusa c. Langgam

b. Pagong d. Kuneho

3. Sino ang nanalo sa karera?

a. Pagong c. Kuneho

b. Tipaklong d. Langgam

4. Dapat bang tularan si Kuneho? Bakit?

a. Opo, dahil siya ay mabilis tumakbo.

b. Opo, dahil siya ay mayabang.

c. Hindi po, dahil siya ay mayabang.

d. Hindi po, dahil siya ay natalo.

5. Ano ang natutunan sa kwento?


a. Maging masikap gaya ni pagong at huwag maging mayabang gaya ni kuneho.

b. Ipagyabang ang kakayahan.

c. Matulog at matalo.

d. Pagtawanan ang iba.

II. Gumuhit ng masayang mukha (🙂 ) kung wasto ang gawain at malungkot na mukha ( 😔) kung hindi
wasto. (2pts each)

______ 1. Ako ay tumutulong sa mga gawaing bahay.

______ 2. Nagdadabog ako sa tuwing inuutusan.

______ 3. Ako ay gumagawa ng takdang aralin.

______ 4. Inaaway ko ang aking nakababatang kapatid.

______ 5. Ako ay gumagamit ng "po" at "opo" sa pakikipag usap sa mga nakatatanda.

______ 6. Binibigyan ko ng pagkain ang akin kaklaseng walang baon.

______ 7. Sinisigawan ko ang aking mga magulang.

______ 8. Nagpapahiram ako ng laruan sa aking mga kalaro.

______ 9. Iniiwasan kong makipag away sa aking kapwa.

______ 10. Inuuna ko ang aking pag aaral kaysa sa panonood ng TV.

III. Kumpletuhin ang iba't ibang bahagi ng mukha na nagpapakita ng sumusunod na damdamin. (2pts
each)

1. masaya 3. galit 5. gulat

2. malungkot 4. takot
Sagutin ang mga sumusunod.

1. Nadapa ang iyong kaklase sa putikan at pinagtawanan siya ng inyong ibang kamag aral. Ano ang
gagawin mo? (5pts.)

Sagot:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
___________________________

2. Naglalaro kayo ng habol habulan at aksidenteng nasagi ng iyong kalaro ang kinakain mong ice cream.
Ano ang iyong gagawin? (5pts)

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
___________________________

3. Napatid mo ang iyong nakababatang kapatid nang hindi mo sinasadya. Nauntog ito sa upuan at
umiyak, ano ang iyong gagawin? (5pts.)

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
___________________________

4. Araw ng Biyernes, huling araw ng pasukan at nagkataong may pinuntahan ang iyong mga magulang.
Nakalimutan nilang iwan ang iyong allowance para sa araw na iyon ngunit maaari mo namang lakarin
ang iyong paaralan. Ano ang iyong gagawin? (5pts.)

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
___________________________

You might also like