You are on page 1of 14

FILIPINO VI

Magandang
Umaga!!!
Tuklasin
Sa ating mga pahayag o pagsasabi ng ating
nadarama o naiisip, may mga ginagamit tayong
kataga na nagbibigay ng iba’t ibang kahulugan
sa ating mga pahayag.
Ang mga katagang ito ay tinatawag na
ingklitik. Kapag nag-iisa, walang kahulugan ang
mga ingklitik. Nagkakaroon lamang ito ng
kahulugan kapag ginamit sa pangungusap. Ang
mga ito ay nagbibigay ng iba’t ibang
pakahulugan sa pangungusap.
Aalis pala siya.
Aalis na siya.
Aalis ba siya?
Aalis na nga siya.
Aalis yata siya.
Aalis kasi siya.
Aalis sana siya.

Anu-ano ang mga kahulugang ibinigay ng mga


ingklitik sa mga pangungusap?
Tandaan

Ang mga ingklitik ay maikling kataga na


walang kahulugan sa kanilang sarili subalit
nakapagpapabago ng kahulugan ng
pangungusap.
Halimbawa ng mga ingklitik ay ba, nga,
yata, pala, daw/raw, kaya, kasi, man, muna,
lang, pa, na, at iba pa.
Gawin:

A. Ibigay ang angkop na ingklitik na bubuo sa bawat


pangungusap. Gawin ito sa hiwalay na sagutang
papel.
1. Ikaw ___________
ba ang dumating?
2. Umalis na ________
muna siya at may gagawin pa ako.
3. Darating __________
na mamaya ang bisita.
4. Nagmamadali siya __________
kasi nalimutan niyang
kumain.
5. Dumating naman __________siya?
ba
6. Umalis __________
yata siya dahil naiinip sa paghihintay
sa iyo.
muna sila bago umalis.
7. Kumain __________
pa___
8. Naglalaba __________
din siya hanggang ngayon.
9. Hindi ka ___________
muna tumawag bago pumarito.
10.Pupunta ___________
na_ raw siya ngayon.
_
B. Pahabain ang bawat pangungusap sa pamamagitan ng ingklitik. Gawin ito sa
kuwaderno.

1. Dumating ang tatay?


2. Nasa pulong ang mga tao.
3. Kumain ang mga bisita.
4. Narito ang ate mo.
5. Masaya si Linda.
6. Umaawit kami.
7. Nag-aaral ang bata.
8. Sasama ka?
9. Bumili siya ng sapatos
10. Hindi siya nagpaalam.
Paunlarin:

A. Sabihin ang kahulugan na ipinahahayag ng


bawat ingklitik sa pangungusap.

1. Hindi man lamang siya tumawag para


magpaalam.
2. Umalis na kaya siya?
3. Babalik daw naman siya.
4. Bumalik sana siya agad.
5. Hinihintay mo pala siya.
B. Magbigay ng mga pahayag na ginagamit ang sumusunod na
mga ingklitik. Sundan ang halimbawa.

1. kasi – Nahuli ako kasi trapik.


2. pala
3. nga
4. sana
5. muna
6. naman
7. lang
8. tuloy
9. pa
10. raw
C. Lagyan ng wastong ingklitik ang patlang
upang mabuo ang talata. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Tiyaga ang daan sa tagumpay upang makamit


(1)__________ ang hinahangad ng bawat isa sa
atin. May kasabihang daig (2) __________ ng
taong matiyaga ang isang taong marunong
lalo (3) __________ at tamad ito. Kung
Magkakasama naman ang dunong at tiyaga
Ano (4)_________ pa kaya ang magiging
suliranin upang hindi magtagumpay ang isang
tao? Mayroon pa (5) _________?
D. Buuin ang tula. Ilagay ang wastong ingklitik sa
nawawala sa bawat saknong ng tula. Isulat ang
sagot sa hiwalay na sagutang papel.

1. Sa isang punungkahoy, di-maayo sa sapa


May isang munting ibong dumapo sa sanga;
Galing sa paglalakbay at tila pagod ________
na
Kaya nagduya’t nagpahinga _________.
muna
2. Nagkataon namang
________ may daraang batang
Maghahatid ng baon sa amang magsasaka;
Takot datapwat sa paglakad na nag-iisa
Kaya nasabing bata’y may tirador ________.
pa
3. Bata palibhasa’y sa itaas ang tingin
Namamahingang ibo’y nakita mandin;
Kinuha ang tirador sinipat ng tingin
At patatamaan ________
na ibong nahihimbing.

namang langgam na di-nalalayo;


4. Mayroon _________
muna
Nagmamasid _________ sa batang nakatayo;
Nang mapagtanto nitong pakay ay di-mabuti
Bata’y nilapitan at kinagat ng matindi.

5. Sa masidhing sakit bata’y napasigaw


Sa pagkakabigla ibo’y napabalikwas;
At lumipad _________
nang palayo, paitaas
Sa tirador ng bata siya;y nakaiwas.
E. Basahin ang talata. Itala ang mga ingklitik na
ginamit sa kuwaderno. Gamitin ang mga ito sa
pangungusap.

Ang paghahalaman ay isang


magandang libangan sapagkat bukod sa
nakaaaliw na ay mapagkakakitaan pa.
Ang tanging puhunan lamang dito ay
sipag at tiyaga. Maiiwasan pa ang
pagsama sa maling mga barkada. Sa
halip, kikita pa kasi maipagbibili ang
mga bunga at bulaklak ng mga itinanim
na halaman.
Salamat po!!!

You might also like