You are on page 1of 2

De Guzman, Jomel M.

| BS in Applied Mathematics Setyembre 19, 2021


Wika 1 – 4 | Modyul 1 Gawan 1

Pagninilay

Tunay ngang hindi lamang sa mga dayuhan natin maoobserbahan ang


paghalinlin sa wikang Filipino bilang Tagalog. Sa resulta ng aking sarbey, dalawa ang
sumagot na Tagalog ang wikang pambansa ng Pilipinas, na taliwas sa isinasaad ng
konstitusyon ng Pilipinas na naghahayag na Filipino ang ating wikang pambansa.
Ngunit hindi mabibilang sa daliri ang mga nag-aakalang Tagalog ang wikang
pambansa, napakaraming beses ko nang narinig kung saan Tagalog ang binabangit
kapag tinutukoy ang Filipino. Marahil ito ay dala ng pagtawag ng mga kanilang
nakasalamuha sa Filipino bilang Tagalog na kanilang nadadala hanggang paglaki.
Hindi ko itatanggi, na ginagawa ko rin ito kapag nakikipag-usap sa aking mga kaibigan
dahil nakasanayan na naming banggitin ang Tagalog kapag tinutukoy ang Filipino.
Dagdag pa rito, kinikilala ng pamahalaan na, dahil sa mga salik kagaya ng migrasyon

Sa ikalawang tanong, lahat ay sumagot na Filipino ang wikang ginagamit sa


tanggapan ng kani-kanilang pamahalaan. Ayon sa Memorandum Sirkular Blg. 384, s.
1970, hanggat maari ay wikang Filipino ang gagamitin sa anumang komunikasyon at
transaksiyon na gagawin ng pamahalaan. Higit pa rito, kinikilala ng pamahalaan na,
dahil sa mga salik kagaya ng migrasyon, hindi lahat ay maasahang may kakayahan
na gamitin o intindihin ang wikang dominante sa isang rehiyon.

Filipino, Ingles at Panrehyong wika naman ang mga wikang ginagamit sa


pagtuturo mula elementarya hanggang kolehiyo, base sa resulta ng sarbey. Ayon sa
Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987, Artikulo XIV, Seksyon 7, sa
komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at,
hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehyon ay
pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehyon at wikang panturo roon.

Ang Filipino ang pangunahing ginagamit ng aking sampung dating kamag-aral


upang makipag-usap sa iba na hindi nila katulad ang unang wika. Sa dami ng wika sa
Pilipinas, susi ang Filipino, ang wikang pambansa, upang magkaroon ng
pagkakaintindihan ang kapwa Filipino, saanmang lupalop ng Pilipinas sila mapunta.
De Guzman, Jomel M. | BS in Applied Mathematics Setyembre 19, 2021
Wika 1 – 4 | Modyul 1 Gawan 1
Sa palagay ng aking mga kaklase, Filipino at Ingles ang pinakamainam na
gamitin sa pamahalaan. Muli, hinihikayat ng Memorandum Sirkular Blg. 384, s. 1970,
na gamitin ang Filipino sa mga pampamahalaang komunikasyon at transaksyon. Base
sa hiling English Proficiency Index (EPI), mataas ang kasanayan ng mga Filipino sa
paggamit ng Ingles. Hindi rin maitatanggi na maraming mag-aaral ang mas matatas
sa paggamit at pagintindi sa Ingles kumpara sa Filipino. Filipino at Ingles naman ang
nangibabaw na sagot sa pinakamainam na wikang gamitin sa paaralan, ngunit may
isang natanggap na boto ang panrehyong wika. Muli, nakapaloob sa Konstitusyon ng
Pilipinas na sa pagtuturo at komunikasyon, Filipino at Ingles ang wikang opisyal
samantalang ang panrehyong wika ay gagamitin bilang wikang panturo. Sa
proporsyong 6:3:1, naniniwala ang mga tumugon na pinakamainam na gamitin ang
Filipino, Filipino at panrehyong wika, at Filipino at Ingles ang pinakamainam na gamitin
sa pakikipag-ugnayan sa kapwa Filipino.

You might also like