You are on page 1of 16

GABAY NA KATANUNGAN

• Bakit hindi alam ng ibang bata ang salitang Pilipino


para sa bagay na makikita naman sa bansa?

• Saang sitwasyong pangkomunikasyon mo natutuhan noon ang mga


pangalan o katawagan ng mga bagay na nasa paligid lang?

MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG PILIPINO

` Hitik umano sa pahiwatig at ligoy ang pakikipag-usap ng mga


Filipino, dahil nagmumula sila sa kulturang may mataas na uri ng
pagbabahaginan ng kahulugan, kompara sa mga taga-Kanluran na
itinuturing na may mababang konteksto ng kulturang mababa rin ang
antas ng pagbabahaginan ng kahulugan. Melba Padilla Maggay (2002) Ano
ang paraan ng komunikasyon ng mga Pilipino?

Dinagdag ni Maggay na mahilig umano ang mga Filipino sa


malapitang pag-uugnayan, na humihipo at dumadama sa mga tao at bagay-
bagay. Kung pagbabatayan naman ang tahas at magagaspang na banat ng
mga komentarista sa radyo,diyaryo, at telebisyon sa ilang personalidad o
politiko, ang gayong paraan ng komunikasyon ay maaaring pagbubukod
mismo ng mga taong nanunuligsa sa mga taong tinutuligsa.

• Ang komunikasyon ang nagbibigay ng buhay at nagpapadaloy sa


ugnayan ng mga tao habang hinuhulma nila ang kanilang lipunan at
habang hinuhulma rin sila nito

• Sa pag-iral ng komunikasyon, nililikha ang kulturang tumatagos sa


lahat ng aspeto ng isang lipunan, politika, ekonomiya at iba pa.

• Kailangan ng tao ang wika bilang behikulo ng komunikasyon para sa


panlipunang pagkakaintindihan at pagkilos.

• Ang wika ang daluyan tagapagpahayag ay impokan-kuhanan ng isang


kultura na umiiral at nagkakahugis sa proseso ng komunikasyon ng
mga taong patuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa isa’t-
isa.

• Ang ating kulturang panloob ay may pantayong pananaw at


nagtataglay ng mga kagawian sa pagpapahayag na di tuwiran,
paligoy-ligoy o puspos ng pahiwatig.

MGA IBA`T IBANG GAWAING PANGKOMUNIKASYONG


PILIPINO

1. TSISMISAN

2. UMPUKAN

3. TALAKAYAN

4. PAGBABAHAY-BAHAY

5. PULONG-BAYAN

6. KOMUNIKASYONG ‘DI-BERBAL (KUMPAS ATBP.)

7. MGA EKSPRESYONG LOKAL

TSISMISAN
 Ang salitang tsismis ay mula sa salitang Kastila na “chismes.”
Karaniwan, kapag sinabing tsismis ay mga kuwento o pangyayari na
maaaring totoo at may basehan ngunit ang mga bahagi ng kuwento o
pangyayari ay maaaring sadyang binawasan o dinagdagan upang ito
ay maging usap-usapan hanggang tuluyan nang magkaroon ng iba’t
ibang bersyon.
 Ang tsismisan ay isang pagbabahaginan ng impormasyong ang
katotohanan ay di-tiyak. Ito ay isang uri ng pag-uusap sa pagitan ng
dalawa o higit pang magkakakilala o magkapalagayang loob. Subalit
ang tsismis na siyang laman ng tsismisan ay nanggaling din minsan
sa hindi kakilala lalo na kung ito ay naulinigan lamang sa
nagtsitsismisan.

 Ang tsismis ay maaring totoo, bahagyang totoo, binaliktad na


katotohanan, dinagdagan o binawasang katotohanan, sariling
interpretasyon sa nakita o narinig, pawang haka-haka sadyang di-
totoo o naimbentong kwento.

 Ang mga tsismis ay kadalasang ginagamit para makasakit at


makapanira ng reputasyon ng ibang tao, o kaya naman ay husgahan
ang kanilang katauhan, kamalian, at kasalanan. Ang madalas na
pinaguusapan na tsismis sa komunidad ay mga sensitibong bagay
tulad ng sex, paagbubuntis ng mga hindi kasal o ‘disgrasyada’,
pagiging homoseksuwal, at pambababae, ngunit pinagtsitsismisan din
ang iba’t-ibang bagay tulad ng estado sa buhay o kaya naman ay pag-
aaral.

PINANGGALINGAN O PINAGMULAN NG TSISMIS

1. Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig sa


itsinitsismis.

2. Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang-puri sa


kapwa

3. Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo


o sa madla.

 Ang mali sa pagiging tsimosa ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis


hango sa inggit, na maaaring nagmumula sa kakitiran ng isip natin.
Ang pangtsitsismis ay naging pasimpleng paraan na upang
makapanakit sa kapwa at mga kaaway.
 Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismosa, pero marami
rin ang mahilig makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na
maintriga ang mga tao sa mga sikreto at baho ng iba.

Mahalaga ba ang tsismisan?

• Tinutulungan tayo nito sa pamamagitan ng pagpapaalam sa atin ng


matututunan ang mahahalagang impormasyon nang hindi na
kailangang makipag-usap sa bawat miyembro ng grupo.

• Ang tsismis ay tinukoy bilang pinag-uusapan at sinusuri ang isang


tao kapag hindi sila naroroon. Ngunit maaari naming gamitin ang
tsismis upang malaman ang tungkol sa mga alituntunin ng pag-
uugali sa mga grupo ng panlipunan at maging mas malapit sa bawat
isa.

Tsismis vs Katotohanan

Malungkot man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino ang mga
tsismis kaysa sa katotohanan. Kahit na may mga mangilan ngilan na hindi
naniniwala sa mga tsismis na naririnig nila, marami pa rin ang naniniwala
sa mga ‘alternative facts’. Kakaonti lamang ang mga tao na nagtatanong ng
totoong nangyari sa taong pinag-uusapan, at mas kakaonti pa ang mga tao
na sumusubok na tingnan kung tama ang impormasyon na kanilang
nasasagap.

Hindi na nakagugulat na ang madalas na paggamit ng social media ay


nagdulot ng malawakang pagkalat ng mga pekeng balita at tsismis sa
bansa. Ang mga Pinoy ay mabilis maniwala sa mga nababasa nila online, at
pinagbabasehan laman ang mga likes at shares para sa kredibilidad. Bihira
lamang ang mga taong inaalam ang katotohanan.

Legal na aksyon

Mukha mang simpleng bagay ang pangtsitsismis, ito ay maaaring


makasama kung sumobra. Maaari itong makasira ng reputasyon ng isang
tao at lubhang makaapekto sa kalagayan ng pinag-uusapan. Ang mga
tsismis na naglalayong makasakit ng tao at nakahahahamak ng dignidad ay
itinuturing na paninirang- puri, at may mga legal na aksyon na maaaring
gawin upang labanan ito at ipagtanggol ang sarili gaya ng pagsampa ng
kasong libel o slander.

Kumonekta sa iyong tagapakinig. Ang mabisang tsismis ay hindi


lamang tungkol sa iyong sinasabi, o tungkol sa kanino. Ito ay tungkol sa
kung paano mo ito sinasabi. Siyempre, maaari mong gawing malinaw ang
mga benepisyo ng tsismis sa iyong tagapakinig sa pamamagitan ng malinaw
na pagpapaliwanag kung bakit mo ibinahagi ang impormasyon. Ngunit ang
pagbabahagi ng partikular na emosyonal na mga reaksyon sa impormasyon
ay maaaring makatulong sa iyo na kumonekta sa iyong tagapakinig at
maiwasan ang mga negatibong reaksiyon.

Ang pagbabahagi ng nararamdaman mo ay maaaring hikayatin ang


tagapakinig na magreresulta nang higit pa sa iyong pag-uugali sa pag-uuri.

UMPUKAN
 Ang ibig sabihin ng "umpukan" ay ang paggawa ng tao ng isang maliit
na grupo o pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o
pangyayari o sa anong kadahilanan.

 Ang umpukan ay impormal na paglalapit ng tatlo o higit pang mga


kakilala para makausap ng magkakaharap. Ito ay hindi planado o
nagaganap na lamang sa bugso ng pagkakataon.

 Ang mga nagiging kalahok sa umpukan ay mga kusang lumalapit


para makiumpok, mga di sadyang nagkakalapit lapit o mga niyayang
lumapit. Sa pagkakataong hindi kakilala ang lumalapit siya ay
masasabihang isang usisero.

 Ang paksa sa usapan sa umpukan ay hindi rin planado o pinag


iisipang mabuti– maaring tungkol sa buhay-buhay ng mga tao sa
komunidad, pagkakaparehong interes ng mga nag-uumpukan o mga
bagong mukha at pangyayari sa paligid. Dito makikita natin ang mga
tao ay may kanya- kanyang katwiran batay sakanilang mga opinyon.

SAAN MADALAS NAGAGANAP ANG UMPUKAN?

 PAARALAN

 OPISINA

 KORTE SUPREMA

 TAMBAYAN SA KANTO

 TABING DAAN

ANYO NG UMPUKAN

1. SALAMYAAN- isang uri ng umpukan sa Marikina kung saan tampok


ang kainan, kantahan, paglalaro ng bingo kasama na din ang
tsismisan, talakayan, balitaktakan,biruan at iba pa na nagaganap sa
silungan o tambayan.

2. UB- UFON- mula sa Barlig Mountain Province. Ito ay itinakdang


pagsasama sama ng magkababayan para magpakilala, mag-usap
hinggil sa iba’t-ibang isyu, magbigayan ng payo, magresolba ng mga
alitan, magturo ng tugtukon (custom and tradition) sa mga
nakababata, mag-imbita sa mga okasyon at magtulungan sa mga
problema kagaya ng pinansyal na pangangailangan.

TALAKAYAN
 Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit
pang kalahok na nagkakaroon nang tukoy na paksa. Ito ay maaring
pormal o impormal at pwedeng harapan o mediated o gumagamit
ng anumang midya.

 Ito ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng


pagtatalakayan, nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatwiran.

 Ang karaniwang layon ng talakayan ay pagbusisi sa isyu o mga


isyung kinakaharap ng isang tao, isang grupo, buong pamayanan o
buong bansa para makahalaw ng aral, magkaroon ng linaw at
pagkakaunawaan, maresolba ang isa o nakakawing na problema at
makagawa o makapagmungkahi ng desisyon o aksyon

Uri ng Pagtatalakayan

1. Impormal na Talakayan - Ito ay malayang pagpapalitan ng kuru-


kuro hinggil sa isang paksa at walang pormal na mga hakbang na
sinusunod. Ito ay binubuo ng lima hanggang sampung katao.
2. Pormal na Talakayan - Nakabatay sa tiyak na mga hakbang, may
tiyak na mga taong mamamahala at mamumuno ng talakay.
Nakahanda ang mga sa kanilang paglalahad, pagmamatuwid o
pagbibigay ng kuru-kuro.

Mga Uri ng Pormal na Talakayan

1. Panel Discussion - Binubuo ng tatlo o apat na kasapi at isang


pinuno na umuupo sa harapan ng mga tagapakinig.
2. Simposyum - kahawig ng panel discussion pero it ay meroong tiyak
na paksang tatalakayin ng bawat kasapi sa panel.
3. Lecture-Forum o Panayam - ito ay isang malaking pagtitipon sa
ilalim ng mga pinunong maglalahad ng mahalagang suliranin.
maaaring maglahad at magtalakay ng maraming paksa at pagkatapos
ay malayang pagtatanong upang linawin ang paksang tinalakay.
Ang talakayan o debate dayalogo ay isasagawa kung kailan
magkaroon ng bagay na hindi mapag- kaunawaan at nanga-ngailangan ng
paglilinaw ng magkatunggali sa layunin upang mangingibabaw ang
katotohanan, kaya nararapat na ayusin ang mga salita, linawin ang mga
katibayan, iwasan ang mga agam-agam sa salita o pananaw at paniniwala.

Bakit kailangan ng tao ang Talakayan? Ang hindi pagkaunawaan ng


mga tao sa kanilang pananampalataya, teyoriya, salita at gawa ay sadyang
dina maiwasan sa buhay ng tao simula pa sa unang panahon hanggang sa
katapusan ng mundo, kaya kinakailangan ang patnubay at gabay upang
maiwasan ang di pagka-kaunawaan kadalasan ay naging sanhi ng
pagkakaroon ng hidwaan sa isat-isa.

Samakatuwid ang talakayan ay isang paraan upang ang katotohanan


ay mapatunayan at mapanatili sa pamamagitan ng mga katanggap- tanggap
na basehan at katibayan kung saan ito ay nararapat na ibabahagi ng buong
katapatan at katapangan ng bawat panig at katunggali.

Pangkatang Talakayan

1. Impormal na Debate o Pagtatalo - Karaniwang isinagawa sa loob ng


klase kapag may napapanahong isyung pinag-uusapan. Wala itong
mga tuntuning sinusunod at malayang makapagsasalita ang lahat
tungkol sa panig na gusto nilang pangatwiraan.
2. Formal na Debate - Kontrolado ng mga mahigpit na tuntunin at
alintuntunin ang debating ito. May dalawa itong pangkat ng mga
magtatalo para sa panig afirmatibo o negatibo. Magpapalitan sila ng
talino batay sa ilalahad na matitibay na katwiran at katibayan.
PAGBABAHAY- BAHAY

 Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o


isang grupo sa isang bahay sa isang pamayanan para maghatid o
kumuha ng mahalagang impormasyon, magturo ng isang teknolohiya,
komunsulta sa mga miyembro ng pamilya, hinggil sa isyu o programa,
mangumbinsi sa pagsali sa isang paligsahan o samahan o maghimok
na tumangkilik sa isang produkto, kaisipan, gawain o adbokasiya.
Mainam din itong pamamaraan upang pag-usapan ang mga
sensitibong isyu sa isang pamayanan.
 Ang pagbabahay-bahay ay hindi nalalayo sa kaugalian na
pangangapitbahay na matagal nang ginagawa ng mga Pilipino lalo na
sa mga lugar na rural.

Iba`t ibang layon ng pagbabahay - bahay

1. Mga politiko para mangampanya tuwing eleksyon.


2. Mga nahalal na kinatawan o lider nila mula sa local na pamahalaan
3. Mga kinatawan ng ahensya ng gobyerno para magbahagi ng mga
kaalaman sa bagong teknolohiya pangkabuhayan o pangkalusugan,
manghimok sa mga tao na makiisa sa proyekto ng local na
pamahalaan o magtasa sa kinalbasan ng mga proyekto.
4. Mga organisadong grupo sa loob at labas ng pamayanan para mag-
organisa ng mga grupong pansibiko, maghimok sa mga tao na
lumahok sa mga proyektong pangkaunlaran, magsulong ng iba’t-
ibang isyung panlipunan at makatulong sa mga tao na maunawaan
ang mahihirap o mapanghamong sitwasyon na kinalalagyan nila.
5. Mga grupong pangrelihiyon na nagsasagawa ng mga ketesismo o
nangangaral ng salita ng Diyos
6. Mga pribadong institusyon para magsulong ng mga proyektong bahagi
ang kanilang corporate social responsibility at mag-alok ng mga
produkto.
7. Mga mananaliksik na nagpapasagot ng mga talatanungan, nakikipag-
ugnayan o nakikipagkwentuhan.
PULONG-BAYAN

 Ang pulong-bayan ay ang pagtitipon ng isang grupo ng mamamayan


sa itinakdang oras at lulan upang pag-usapan nang masinsinang at
pagdesisyunan kung maaari ang mga isyu, kabahalaan, problema,
programa at iba pang usaping pampamayanan.

 Kasama sa maaring layon ng pulong-bayan ang pagkonsulta sa mga


mamamayan,paghimok sa kanila na sumuporta o
sumama,pagpaplano kasama sila, paggawa ng isang desisyon na
binabalangkas nila p pagmomobilisa sa kanila hinggil sa isang isyu,
problema, gawaino programang panlipunan.

 Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang mapagusapan nang


maayos ang mga bagay-bagay.

 Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang


pagusapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga
inaasahang pagbabago.

 Ito ay pangkomunikasyon na pamamaraan ng mga Pilipino. Dito


maaaring sabihin ng mga kalahok ang kanilang saloobin. Lahat ay
binibigyan ng pagkakataon makapagsalita.
KOMUNIKASYONG DI-BERBAL

 Ang komunikasyong Di-berbal ay paraan ng pagbabatid ng kahulugan


o mensahe sa pamamagitan ng samo’t-saring bagay maliban sa mga
salita.

 Ito ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit


upang ipahayag ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita.

 93% ng mensaheng ipinahahatid ng tao sa kanyang kapwa ay di –


verbal na komunikasyon.

  Ang di – verbal na komunikasyon ay isang detalyado at lihim na


kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.

1. Kinesika (Kinesics) - Pag – aaral ng kilos at galaw ng katawan.


May kahulugan ang paggalaw na iba’t ibang bahagi ng ating
katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa pamamagitan ng
ating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto
nating iparating sa iba.
Halimbawa:
a. Panlalaki ng mata ( galit, gulat, hindik, pagtataka)
b. Pagtaas ng isang kilay(pang-iisnab, pagtutol,
panlalait,pagmamataas)
c. Pagkunot ng noo (naguluhan, yamot, nag-iisip nang malalim)
d. Pagnguso ( pagtatampo, may itinuturo)
e. Pagkagat ng labi ( pagsisisi, pagdadalamhati, nasasaktan)
f. Pagngisi (may masamang balak)
g. Pagkibit ng balikat ( pagwawalang bahala)
h. Pagkuyakoy ng mga hita o binti habang nakaupo
(ninenerbyos o sobrang sigla)
i. Pagkuyakoy ng mga hita o binti habang nakaupo
(ninenerbyos o sobrang sigla)
2. Proksemika (Proxemics) - “Pag – aaral ng komunikatibong gamit
ng espasyo” Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang
katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antropologo.
Maaaring ang mga kalahok sa komunikasyon ay nasa
pampublikong lugar tulad ng isang nagtatalumpati sa harap ng
kanyang mga estudyante o maaari ring isang karaniwang pag-
uusap sa pagitan ng dalawang magkaibigan.

3. Pandama o Paghawak (Haptics) - Ito ay isa sa pinaka-


primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay nagpapahiwatig
ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong malapit sa
isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-loob.
Halimbawa: - Pagyakap - Paghaplos

4. Paralanguage - Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan


sa pagsasalita - Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at
pagbaba), pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita. Kasama
rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at
paghinto. - Ang anumang sinasabi natin o mensaheng nais nating
ipahatid ay kailangang angkop sa pagbigkas ng mga salita o
pangungusap.

5. Katahimikan/Hindi Pag-imik - Ang pagtahimik o hindi pag-imik


ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na
makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasabihin. Sa
pagtahimik o di pag- imik, inihahanda ng tagatanggap ang
mahalagang mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita. May mga
taong ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan ang
kalooban ng iba. Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala
sa kakaibang damdamin ng isang tao sa ibang tao.

6. Kasuotan - Burloloy sa katawan at iba pang simbolismo gaya ng


kulay ang mga ito ay nagsisimbulo din ng pangkomunikasyong di-
berbal. Halimbawa na lang sa isang burol na pag nagsuot ka ng
itim o puti ay nangangahulugang ikaw ay nakikiramay sa pamilya
o hindi kaya sa kasal pag ikaw ay naka pula or itim sa iyong
pagdalo nangagnahulugang ikaw ay hindi masaya or may
hinanakit sa ikakasal
MGA EKSPRESYONG LOKAL

 Ito ay tumutukoy sa ordinaryong likas na wika, na naiiba mula sa


mga espesyal na anyo na ginamit sa lohika o iba pang mga lugar ng
pilosopiya.

 Ang mga ekspresyong lokal ay mga salita o parirala nasasambit ng


mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot,
gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya, tuwa o galak.

 Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa


pagpapahayag ng damdamin o pakikipag- usap na ang kahulugan ay
hindi ang literal na kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan
ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe.

 May mga ekspresyon din ng pagbati, pagpapasalamat o pagpapaalam


sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.

 Sa talastasang Pilipino, ang mga local na ekspresyon ang


nagpapaigting at nagbibigay kulay sa mga kwento ng buhay at
sumasalamin sa kamalayan at damdamin ng mga Pilipino.

Halimbawa:

Manigas ka! Bahala na si Batman. (Bahala


na.)

Malay mo. Sayang. (Sayang naman.)

Hay naku. Susmaryosep!

Anak ng _____! Hugot

busilak ang puso bumangga sa pader

butas ang bulsa basa ang papel

isang kahig, isang tuka lumuha man ng bato


Reference:

https://www.scribd.com/presentation/428824953/Mga-Gawaing-
Pangkomunikasyon-Ng-Mga-Pilipino-Autosaved

https://www.slideshare.net/JosephCemena/mga-gawaing-
pangkomunikasyon-ng-mga-pilipino

https://www.scribd.com/presentation/431761018/Chapter-3-Mga-
Gawaing-Pangkomunikasyon-Ng-Mga-Pilipino

You might also like