You are on page 1of 9

KAHULUGAN AT KATUTURAN NG TALUMPATI

UNANG GRUPO (4 MEMBERS)


PANIMULA
Malaki ang papel na ginampanan ng kahusayan ng isang tao sa pagsasalita sa
pagbabagong bihis ng mundo. Pinalalambot nito ang batong puso at idinidikta sa isip
kung ano ang nararapat na gawin para sa isang kritikal na pagpapasya. Kung ating
pakalilimiin, hindi lahat ng tao na biniyayaan ng Panginoon ng magandang itsura ay
naiibigan ng lahat samantalang may mangilan-ngilang indibidwal na bagamat hindi
naman kagandahan ay napapanalunan ang pagtanggap ng iba dahil sa matamis nitong
dila. Walang pamilyang mag-aaway-away kung may isang tagapamagitan. Ang lahat ng
gusot at hindi pagkakaunawan ay agad na masusolusyunan kung may isa na
magsasabi at magpapaalala sa kanya-kanyang kahinaan. Walang gulo sa pamahalaan
kung ang tinig ng bawat isa ay napakinggan. Hindi madugo ang EDSA at Mendiola sa
mga demonstrasyon sapagkat marunong manghikayat ang pamahalaan sa mga
mamamayan. Isang mahalagang kabanata sa buhay ng tao ang buhay Kolehiyo. Dito
inihahanda ang bawat isa upang higit na maging matatag at maging kapaki-pakinabang
na mamamayan. Dahil dito, hindi maiiwasan ang kabi-kabilang mga paanyaya para
magbahagi ng karanasan o dili kaya ay karunungan sa larangang tinapos. Dito na
pumapasok ang pangangailangan ng tao sa husay sa pagtatalumpati.
(Dr. Mario H. Malanan, LLB.,Masining na Pagpapahayag para sa antas
tersyarya., pp 205-212)
Ano ang Pagtatalumpati?
Itinuturing na sining ng pagsasalita ang pagtatalumpati. Layunin nito na
makapanghikayat ng iba na maniwala sa nais mangyari ng nagtatalumpati. Hindi ito
isang madaling gawain sapagkat nangangailangan ito ng mahabang panahon ng pag-
aaral at pagsasanay. Hindi lahat ng magaling sa klase ay mahusay na magtalumpati.
Ang pagtatalumpati ay sining ng pagpapahayag na humuhubog sa kadalubhasaan at
lumilinang sa kaisipan. Mahalagang sangkap sa pag- aaral ng alinmang wikaang sining
na ito sapagkat nangangailangan nang lubos na kakayahan sa pagpapahayag upang
mapaniwala at mapakilos ang kapwa nang naaayon sa paniniwalang iyon. Layunin nito
ang humikayat, tumugon, mangatwiran, o maglahad ng paniniwala.
(Dr. Mario H. Malanan, LLB.,Masining na Pagpapahayag para sa antas
tersyarya., pp 205-212)

Uri Ng Talumpati:
Ayon sa Paraan at Layunin
(Ikalawang Grupo)

Dalawang Uri ng Pagbigkas ng Talumpati


1. Yaong binibigkas ng walang ganap na paghahanda o ang tinatawag na impromptu
speech sa Ingles. Ang pagsasalita sa harap ng maraming tao ay isang bagay mahirap
na gawin. Nangangailangan itong matatag na personalidad upang matakasan ang
tinatawag na "stage fright." Mahirap malampasan ang takot na makapagsalita sa harap
ng maraming tao lalo na kung ang pagsasalita ay walang gaanong paghahanda.
Nakablablangko minsan itong utak. Nangangailangan ito ng kasanayan.
2. Yaong binibigkas na may paghahanda o ang tinatawag na "prepared speech." Ito ang
talumpating karaniwang binibigkas ng mga pulitiko sa kani-kanilang pangangampanya.
Masasabing higit itong madaling gawin kaysa sa talumpating walang paghahanda sa
kadahilanang mahaba ang panahon mo upang makapag-isip-isip kung anu-ano ang
mga bagay na dapat mong bigyan ng higit na puntos o diin.
(Dr. Mario H. Malanan, LLB.,Masining na Pagpapahayag para sa antas tersyarya., pp
205-212)
Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Pamamaraan
1. Biglaang Talumpati (Impromptu)
Ang talumpating ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda. Kaagad na
ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita. Ang susi ng katagumpayan nito ay
nakasalalay sa mahalagang impormasyong kailangang maibahagi sa tagapakinig
2. Maluwag (Extemporaneous)
Sa talumpating ito, nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na
kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag. Kaya madalas na outline lamang
ang isinusulat ng mananalumpating gumagamit nito.
3. Manuskrito
Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensyon, seminar, o programa sa
pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat. Ang nagsasalita
ay nakadarama ng pagtitiwala sa sarili sapagkat naisasaayos niya nang mabuti ang
kanyang sasabihin.

 Kailangan ang matagal na panahon sa paghahanda ng ganitong uri ng talumpati


sapagkat ito ay itinatala.
 Limitado rin ang oportunidad ng tagapagsalitang maiangkop ang kanyang sarili
sa okasyon.
 Karaniwan din ay nawawala ang pakikipag-ugnayan ng tagapagsalita sa
kanyang tagapakinig dahil sa paghabasa ng manuskritong ginawa.

4. Isinaulong Talumpati
Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi
nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. May oportunidad na
magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tagapakinig sapagkat hindi binabasa ang
ginawang manuskrito kundi sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita. Ang isang
kahinaan ng ganitong talumpati ay pagkalimot sa nilalaman ng manuskritong ginawa.

Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin

1. Talumpating nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran

Ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa,
isyu, o pangyayari. Dapat na maging malinaw at makatotohanan ang paglalahad ng
datos kaya mahalagang sa pagsulat nito ay gumamit ng mga dokumentong
mapagkakatiwalaan.
2. Talumpating Panlibang
Layunin ng talumpating ito na magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig. Kaya naman
sa pagsulat nito, kailangang lahukan ito ng mga birong nakatatawa na may kaugnayan
sa paksang tinatalakay. Madalas ginagawa ang ganitong talumpati sa mga salusalo,
pagtitipong sosyal, at mga pulong ng samahan.
3. Talumpating Pampasigla
Layunin ng talumpating ito na magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig. Sa pagsulat
nito, tiyaking ang nilalaman nito ay makapupukaw at makapagpapasigla sa damdamin
at isipan ng mga tao.
Higit na makakamit ang layunin nito kung ang magsasalita ay handang -handa sa
pagsasagawa ng talumpati

 Makatutulong ito upang maging pokus at interesado ang mga nakikinig


 Karaniwang isinasagawa ang ganitong talumpati sa araw ng pagtatapos sa mga
paaralan at pammntasan, pagdiriwang ng anibersaryo ng mga samahan o
organisasyon, kumbensyon, at iba pang pagdiriwang na kagaya ng ibang
nabanggit.

4. Talumpating panghihikayat
Pangunahing layunin ng talumpating ito na hikayatin ang mga tagapakinig na
tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran
at mga patunay.

 llan sa mga halimbawa nito ay ang sermong naririnig sa mga simbahan,


kampanya ng mga politiko sa panahon ng halalan, talumpati sa kongreso at
maging ang talumpati ng abogado sa panahon ng paglilitis sa hukuman.

5. Talumpati ng pagbibigay-galang
Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o
organisayon. Ginagawa rin ito bilang pagtanggap sa isang bagong opisyal na natalaga
sa isang tungkulin.
6. Talumpati ng Papuri
Layunin ng talumpating ito na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o
samahan.

 Kabilang sa mga ito ang talumpati ng pagtatalaga sa bagong hirang na opisyal,


talumpati ng pagkilala sa isang taong namatay na tinatawag na eulogy, talumpati sa
paggagayad ng medalya o sertipiko ng pagkilala sa isang tao o samahang nakapag-
ambag nang malaki sa isang samahan o sa lipunan, at iba pang kagaya ng mga ito.

Pangkalahatang Dapat Taglayin ng Isang Mananalumpati


Ang mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mananalumpati

1. May interes sa kapaligiran


Natural niyang kinalulugdan ang lahat-lahat sa kanyang kapaligiran. Ito
ang nagbibigay sa kanya ng likas na sigla sa anumang paksang tatalakayin niya.

2. May angking kasanayan


Nakukuha ito sa pagbabasa at pakikinig ng iba't ibang talumpati.

3. May pulso sa publiko


Naaangkin ito sa pagkakaroon ng karanasan sa pagsasalita sa harap ng
madla, sa gayon, mapipigil na ang nerbiyos o takot sa entablado.

4. May ganap na kaalaman sa paksa.


Palabasa, palakausap, mapagmasid, palaranas, sa maikling salita,
mapanaliksik dapat siya para master siya sa kanyang mga sasabihin.
5. Mapakiramdam at may pandamang palapatawa.
Mapagmasid dapat siya sa reaksyon ng madla sa kanyang mga sinasabi,
sa gayon, alam niya ang pagkakataong kailangan niyang maging mapamaraan
sa pagsasalita.

6. Kumbersasyunal sa pagsasalita.
Ang mananalumpati ay hindi paring nagsesermono makatang tumutula o
aktor na nagsaulo ng iskrip. Kailangang nakikipag-usap siya para agad
mapalagay ang loob ng tagapakinig.
7. Mapamaraan
Hindi lahat ng paksa ay kawili-wili. May mga paksang napakaseryoso na
kinababagutan o kinaaantukan ng mga tagapakinig. Ang kaalaman sa mga
mapamukaw-isip na pamamaraan sa pagsasalita ay mahalaga.

8. Mabikas ang tindig, malinis ang pananamit at maginoo ang kilos.


Ang mga katangiang ito ang lumilikha ng unang impresyon sa mga
tagapakinig kung kawiwilihan o hindi ang mananalumpati.

9. May diretsong tingin, may kontroladong boses, may makulay na tono at may
makahulugang kumpas.
Tulad ng isang taong nakikipag-usap, ang tingin ay iniuukol sa mata ng
kausap hindi sa kung saang direksyon nakatuon. Ang lakas ng boses ay iniaayos
sa sukat ng pinagsasalitaang lugar at dami ng tagapakinig. Ang mahinang boses
ay kinababgutan, ang malakas na boses ay kinatutuligan. Ang tono dapat ay
pabagu-bago ayon sa hinihingi ng diin ng salita o kahulugang emosyon nito. Ang
kumpas ay akma sa kahulugan ng salitang binibigyang-diin. Hangga't maaari'y
nauuna hindi nahuhuli sa salita. Iwasan ang pasulput-sulpot at mga di-
kinakailangang kumpas.

10. May malinaw na bigkas ng salita.


Palatunugan at diin ang hinihingi ritong kaalaman para maunawaan ng
tagapakinig ang kahulugan ng sinasabi. Isaalang-alang din dito ang gamit ng
bantas.
Mga Dapat na Isaalang-alang ng Nagtatalumpati
1. May matinding interes o kagustuhang magsalita at makibahagi ng kanyang
opinyon sa mga nakikinig.
2. May sapat na paghahanda at kaalaman sa paksa.
3. Gumagamit ng kawili-wiling mga salita.
4. May malinaw at madaling maunawaang estilo.
5. May mayamang talasalitaan
6. May nakahahalinang tinig
7. May voice variation o pag-iiba ng tono o lakas ng boses ayon sa nilalaman ng
talumpati.
8. Tumitingin sa nakikinig upang ipadama na sila ay mahalaga at bahagi ng
talumpati
9. Umiiwas na mapako ang tingin sa itaas o sa isang bahagi lamang.
10. Maingat sa pagsasalita at wasto ang balarila ng pangungusap upang epektibong
maiparating ang mensahe ng talumpati.
11. Minamasdan sandali ang tagapakinig pagkatapos ng pangwakas na papanalita
bago bumalik sa upuan.
Mga Dapat Tandaan ng Isang Magtatalumpati
1. Gawing kaakit-akit ang Talumpati
Nararapat lamang nagawing kaakit-akitang talumpati sana tungkulin ng
tagapagsalita na himukin ang mga na makinig sa kanyang pagtalakay. Ang paghihikab,
pagte-text, pakikipagdaldalan ng mga tagapakinig sa kanilang mga katabi ay isang
malaking kabiguan para sa tagapagsalita o magtatalumpati. Tungkulin ng tagapagsalita
o magtatalumpati na hawiin ang sagabal ng komunikasyon sa pagitan niya at ng
kanyang mga tagapakinig.
2. Bumigkas nang Tama, Malinaw, at May Sapat na Lakas ng Tinig
Walang saysay ang lahat ng pagsusumikap ng tagapagsalita o mananalumpati
na mapaganda ang kanyang pagtalakay kung hindi niya ito maayos na maipararating sa
kanyang mga tagapakinig. Bilang tagapagsalita o mananalumpati, tungkulin niya na
gawing tama, malinaw, at may sapat na lakas ng kanyang tinig. Dapat ding paghandaan
ang mga di-inaasahang teknikal na suliranin sa pagsasalita kung kayat nararapat
lamang na matutuhang mag- adjust sa mga pagkakataon. Gumamit ng mikropono kung
kinakailangan. Matutuhang palakasin ang boses nang may kalinawan at hindi anyong
sumisigaw lamang.
3. Magkaroon ng Tiwala sa sarili
Pinakamalaking suliranin ng isang tagapagsalita o mananalumpati ang kawalan
ng sapat na tiwala sa kanyang sarili. Dahil dito, hindi niya maayos na natatalakay ang
dapat na talakayin bagamat nagsagawa siya ng mahabang paghahanda hinggil dito
Dapat itong malampasan ng isang tagapagsalita Kung nais mo na pagtiwalaan ka ng
iba, matuto ka munang magtiwala sa iyong sarili.
4. Magkaroon ng sapat na Kahandaan
Walang gamot sa pagkalimot at kaba kundi ang kahandaan. Anumang gawain
lalo pa at may kaakibat na malaking responsibilidad sa komunidad ay kinakailangan ng
paghahanda.

MAHAHALAGANG ELEMENTO NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA


PAGTATALUMPATI
1. Maging Handa – ang pagiging handa ay ang pinakamahalagang element.
Makailang beses mong sinasanay ang iyong talumpati? Sa pagkalahatang
tuntunin, kailangan mong gumugol ng 30 oras ng paghahanda at pagsasanay sa
bawat oras na ikaw ay magsasalita. Gumamit ng tape recorder at video tape
upang masuri mo ang iyong sarili.
2. Ibigay ang iyong sarili – gumamit ng personal na mga halimbawa at kuwento
kung kinakailangan. Tiyakin na ang kwento ay makatutulong upang bigyang tuon
at suportahan ang pangunahing kaisipan o punto. Ang kwento ay kailangang
nauugnay sa mensahe ng talumpati. Gumamit ng mga halimbawa ng iyong
personal at propesyunal na buhay upang maipahayag ang iyong punto. Sa
ganitong kalagayan, ibinibigay mo ang iyong buhay sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng iyong sarili sa iyong mga awdyens.
3. Manatiling Relaks – upang manatiling relaks ay kailangang maging handa.
Gayundin, mag-fokus sa iyong mensahe at hindi sa iyong awdyens. Gumamit ng
mga pagkilos, gaya ng paglalakad. Sanayin ang iyong pambungad na talumpati
at ihanda kung papaano mo ito ipapahayag. Hinuhusgahan ka ng iyong awdyens
sa unang 30 segundo, pagkakita sa iyo.
4. Gumamit ng natural na pagpapatawa – huwag subukin maging komedyante.
Gumamit ng natural na pagpapatawa sa pamamagitan ng iyong sarili gaya ng
mga nabanggit mo o ng iyong ikinikilos. Tiyakin na hindi ang awdyens ang iyong
ginagamit o pinatutungkulan. Pagkaminsan, natatawa ang mga awdyens kapag
pinagtatawanan mo ang iyong sarili subalit limitahan lamang ito.
5. Paghandaan ang posisyon ng iyong katawan at kamay – sa oras ng iyong
pagsasanay, tukuyin kung saang bahagi ng iyong talumpati ang gagamitin ng
pagkilos. Maglagay ng tatlong posisyon kung saan ka tatayo at sanayin din kung
kailan at saang bahagi ka ng iyong talumpati maglilipat ng posisyon. Kunin ang
tatlong posisyon, isa sa gitna ng entablado, isa sa iyong kanan, at isa sa iyong
kaliwa. Huwag magtago sa likuran. Habang naglilipat ng posisyon, huwag alisin
ang kontak sa mga awdyens.
6. Bigyan pansin ang lahat ng mga detalye – tiyakin na may tamang lokasyon
(paaralan, silid at oras). Tiyakin din na dala-dala ang lahat ng mga pantulong na
biswal at kopya ng talumpati. Dumating nang maaga upang matiyak kung saan
ka magtatalumpati upang makagawa ng ilang pag-aangkop.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA IBABAW NG ENTABLADO


(Sanaysay at Talumpati)
II. Mga Dapat Isaalang-alang sa Ibabaw ng Entablado
1. Tindig
Malaking salik na nakakaapekto sa pagpukaw ng atensyon ng mga tagapakinig ang
maayos na tindi ng tagapagsalita. Kailangan na sa tindig pa lamang ay maitanim na ng
tagapagsalita sa mga tagapakinig ang “authority” o ang paniniwalang siya ang
pinakamahusay sa larangan ng tatalakayin.
Kasama sa tindig ang maayos nitong postura, paglalakad at maging ang magandang
pagdadala ng kasuotan.
Imimungkahi na ang mananalumpati ay:

 Tumayo nang maluwag at maginhawa.


 Sikaping maging kagalang-galang sa pagtindig.
 Huwag magdudukot sa bulsa dahil ito’y nagbibigay impresyon ng pagiging
hambog.
 Lumakad nang tuwid ang katawan.
2. Asal/Kilos
Ang asal at kilos ay suporta ng tagapagsalita o magtatalumpati sa pagbibigay ng diin sa
karunungang namumutawi sa kanyang bibig.
Ang asal at kilos man ng tagapagsalita o mananalumpati sa ibabaw ng entablado ay
may malaki ring papel sa paghikayat sa mga manunuod a tagapakinig ng ibigay ang
kanilang antensyon sa tagapagsalita o magtatalumpati.
3. Tinig
Ang tinig ang pinakamahalaga sa lahat. Anumang reaksyon ng mga tagapakinig o
magtatalumpati ay repleksyon lamang ng tinig ng tagapagsalita.
Ang tinig ang siyang nagbibigay diin sa puntong nais ibigay ng tagapagsalita.
4. Kumpas
Ang kumpas at galaw ng anumang bahagi ng katawan ay ginagawa dahil nais ng
mananalumati higit na maging maliwanag ang kaisipang kanyang ibinigay.
III. Ayon kay Dr. Rufino Alejandro, ay may 2 uri ang kumpas:
A. Kumpas sa Kaugalian
1. Kumpas na parang may itinuturo - ang hintuturo na ginagamit upang ipanturo sa
bagay.
2. Kumpas na ang palad ay nakataob at ayos na patulak - Ito'y nagsasaad ng
pagtanggi o di pangsang-ayon.
3. Kumpas na ang palad ay nakatihiya - nagsasaad ng pagsang-ayon o
pagtanggap.
4. Kumpas na ang kamay ay nakasuntok - nagsasaad ng matinding galit o
damdamin.
5. Kumpas na parang may hinahati - ang kilos ng kamay ay patungo sa kabilang
direksyon.
B. Kumpas na parang may inilalarawan

 Ang uri ng kumpas na ito'y ginagamit upang magpahiwatig ng larawan, laki,


hugis at galaw ng isang bagay. May pagkakataong ang mima ay nakatutulong sa
paglalarawan ng isang bagay. Ito ay ginagawa kapag ang bagay ay may
kahirapang bilangin kaya't nangangailangan ng mabisang panggaya ng aksyon.

IV. Mga Dapat Tandaan sa Pagkumpas


1. Dapat galing sa kalooban ang natural na pagkumpas.
2. Dapat na ibagay sa mga salitang binibigkas ang pagkumpas.
3. Ang pagkumpas ay nagsisimula sa balikat na nagtatapos sa dulo ng daliri.
4. Hindi dapat gumamit ng napakaraming kumpas o kaya wala ni isa man.
6. Ang pagsulpot- sulpot ng napakaraming kumpas ay nakakabawas ng diin.
7. Ang pagkumpas ay dapat na una kaysa pananalita.
8. Kapag nauuna ang kanang paa sa pagtayo, ang kanang kamay ang
gagamitin sa pagkumpas, kapag kaliwang paa, ang kaliwang kamay ang
gagamitin sa pagkumpas at kapag ang dalawang kamay ang gagamitin ay
dapatpantay ang pagkakatayo ng mga paa.

TALUMPATI

Layunin:

Nakabubuo ng isang talumpati para sa Buwan ng Wika.

KATUTURAN

Sining ng pasalitang pagpapahayag na ang layunin ay manghikayat at manga kit


sa mga nakikinig.

URI NG TALUMPATI
1. Pampalibang – ginagamit sa salu-salo, mga pagtitipong sosyal, at mga miting
ng mga organisasyon.

2. Nagbibigay-kabatiran – layunin ng talumpating ito na maipabatid na mga


nakikinig ang isang bagay. Ganitong uri ng talumpati ang ginagamit sa
pagbibigay ng ulat, mga panuto o kaya’y panayam.

3. Pampasigla – ginagamit ang talumpating ito na anibersaryo ng mga bantayog


na pang-alala, sa pagtatalaga ng mga gusali, sa mga pagtatapos sa mga
paaralan, sa mga rali o kombensyon.

4. Panghihikayat – talumpating nagmamatuwid. Angkop ito na sermon sa


simbahan, sa pagkampanya sa panahon ng halalan, sa pakikipagtalo, sa
talumpati sa kongreso o ng talumpati ng abogado sa hukuman.

5. Nagbibigay-galang – ginagamit ang talumpating ito sa pagsalubong sa mga


bagong dating na dalaw, talumpati ng paghahandog at ang talumpati ng
pagmumungkahi.

6. Papuri – ginagamit sa pagbibigay ng parangal, pagtatalaga, pamamaalam,


paghahandog at pagmumungkahi.

a) Parangal – talumpating papuri sa isang namatay na karaniwa’y kilala ng


mga nakikinig. May mga pagkakataong ang ganitong talumpati ay
binibigkas kahit na malaon ng namatay ang pinatutungkulan. Ganito ang
talumpating binibigkas sa araw ng mga bayani.
b) Pagtatalaga – naririnig kung may isang bantyog o gusaling bubuksan
bilang parangal sa alaala ng isang yumaong bayani, pilantropo o dakilang
tao. Binabanggit ditto ang mga mabubuting katangian ng taong pinag-
uukulan.
c) Pamamaalam – talumpati sa paghihiwalay. Kapag malilipat sa ibang
opisina ang isang pinunong matagal na nakasama o kaya’y
namamahinga na sa tungkulin, siya ay tinatalumpatian ng pamamaalam
ng mga naging kasama niya.
d) Pagmumungkahi – kung nagkakaroon ng halalan sa isang kapisanan o
sa isang kombensyon, naging kaugaliang magpasok ng pangalan yaong
ikakandidato. Ang lider na nagpasok ng pangalan ay bumibigkas ng
isang talumpati ng papuri sa kanyang kandidato.

PAGSULAT AT PAGBIGKAS NG TALUMPATI

Sa paghanda ng talumpati, unang tiyakin kung anong klaseng tagapakinig


mayroon ka, halimbawa’y grupong intelektuwal, mga kabataan o kagawad ng ibang
grupong relihiyoso. Iakma sa tagapakinig na ito ang paksa at pag-aaralan kung sa
anong paraan dapat bigkasin ang gagawing talumpati. Sa ganito, maisusunod ang
tempo ng pagsulat sa tempo ng pagbigkas niyon.

Kapag nakakuha nang paksa, gumawa muna na balangkas. Ito’y mahalaga sa


pagkat matitiyak mo kung ganong materyales ang iyong kailangan. Gayundin
maisusulat ang talumpati sapagkat may balangkas ka nang susundin.
BALANGKAS NG TALUMPATI

A. Panimula

Isang paraan ng pagpapasok ng paksa ang paggamit ng (pamukaw o pagsulat


ng pananalita upang agad matawag ang pansin ng tagapakinig, kaya lamang,
iwasang maging bombastiko dahil baka kainisan ng tagapakinig.

B. Paglalahad

Isunod ang paglalahad sa paksa pagkaraang miakondisyon ang isip at


damdamin ng tagapakinig. Kailangan ditto ang sistematiko at malinaw na
paghahalayhay ng mga kabatiran, pagpapaliwanag at paghihikayat.

C. Pagbibigay-diin o Emfasis

Pagkaraang mailahad na ang kabuuan ng ideya o paninindigan bigyan agad iyon


ng diin upang bisa niyon ay malalim na tumalab sa isip at kalooban ng tagapakinig.
Dito nakikilala kung forceful o malakas ang panghihikayat ng isang tagapagsalita.

D. Impresyon

Wakasan ang pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng pagbibigay ng


impresyong ang inilalahad ng ideya o paninindigan ay katotohanan o kalaagayan na
hindi nababago. Sa gayon, buong-buo ang paniwala at simpatiya ang tagapakinig sa
iyong talumpati kapag nagwakas ka na.

You might also like