You are on page 1of 7

SURING PELIKULA/TELESERYE

I. Mga Batayang Impormasyon

a. Pamagat: Ilustrado

b. Direktor: King Mark Baco

c. Prodyuser: Jason Bernard Santos

d. Mga Pangunahing Artista

 Alden Richards
 Kylie Padilla
 Max Collins
 Solenn Heusaff
 Polo Ravales
 Lito Legaspi
 Jaclyn Jose

e. Rating mula sa MTRCB: Parental Guidance

II. Buod

Isinilang sa Calamba, Laguna, si Jose Rizal ay anak nina Don Francisco at Donya Lolay. Simula
pa ng pagkabata, kinakitaan ng katalinuhan at kahusayan sa sining at pagsalita sa harap ng madla si Rizal.
Nakilala niya si Leonor Rivera, ang kanyang pinakaiibig at sila ay naging magkasintahan. Siya ay nag-
aral at nagtapos sa Unibersidad de Santo Tomas bago pumunta sa Espanya. Sa Espanya, nagtapos siya ng
kursong medisina at naglathala ng kanyang unang nobela, ang Noli Me Tangere. Siya ay sumama sa
kapwa niyang ilustrado at sila ang mga matatalino at mahuhusay na estudyanteng may adhikaing
magkaroon ng reporma sa pamahalaan. Siya ay umuwi ng Pilipinas upang gamutin ang kanyang ina na
may problema sa mata at upang mapakasalan si Leonor Rivera ngunit hindi sila pinayagang magkita pang
muli. Naputol ang kanilang komunikasyon at sa halip, napakasal si Leonor kay Charles Kipping, isang
inhinyerong Ingles. Pagkarinig ng balita ni Rizal, na nasa Espanya muli pagkatapos maging mainit siya sa
mga mata ng prayle sa Pilipinas, siya ay nanlumo at pinaghinaan ng loob. Ngunit sa tulong ng kapwa
niyang ilustrado ay nagawa niya ang El Filibusterismo, na sa tulong ni Don Valentin ay nailimbag itong
nobela. Bago umuwi si Rizal ay pumunta siya sa Hong Kong, kung saan nakipagkita siya sa kanyang
pamilya, at sa huli napagdesisyunan niyang umuwi na sa Pilipinas. Pagkarating niya sa Pilipinas, siya ay
ipinakulong at ipinabaril sa Luneta.

III. Banghay ng Kuwento

1. May pagbabalik-tanaw ba ang pelikula? Naging madali ba o mahirap ang daloy ng kuwento?

- Ang palabas ay naglagay ng mga pagbabalik-tanaw na nagpaliwanag ng emosyon ng tauhang tinutukoy


nito. Naging mahirap ang daly ng kuwento dahil sa kada susunod na eksena ay mas kapana-panabik ang
mga pangyayari.

2. Anu-anong tunggalian ang nakita sa serye/pelikula?

- Nagkaroon ng mga tunggalian sa pagitang ng mga Pilipino at ni Padre Amado, ang mga pagmamalupit
ng mga guwardiya sibil sa mga Pilipino, ang kahirapan at kakulangan sa pera ng mga ilustrado, ang
pagpataw ng mataas na buwis at ang mga magsasakang mahihirap; at ang pagsiklab ng rebolusyon laban
sa mga Kastila.

3. Naging malabo, mabagal, o mabilis ba ang takbo o daloy ng pelikula/serye?

- Sa una ay tama lang at naging malinaw ang mga pangyayari, ngunit sa dulo ay binilisan nila ang takbo
at maraming eksena ang nawala tulad na lamang ng buhay ni Rizal sa Dapitan.

4. May pangyayari bang nabago mula sa simula hanggang huli ang pelikula/teleserye?

- Ang pagiging tahimik at walang-imik ng mga Pilipino sa mga pang-aalipusta ng mga kastila ay
napalitan sa huli ng pag-aalsa at sa hangarin ng mga itong lumaya.

5. Naging maayos ba ang kinalabasan ng pelikula/teleserye?

- Oo, naipakita ng teleserye kung paanong nagamit ni Rizal ang kanyang katalinuhan upang mabago ang
sistema sa mapayapang paraan.

6. Ano ang mensahe nito? Ano ang namutawi sa iyong isipan matapos mapanood ito?

- Ang mensahe nito ay ang kaalaman ay makakatulong upang maintindihan natin ang ating buhay at ito
ang maaring magpaangat sa ating buhay.

IV. Tauhan

1. Sino-sino ang mga tauhan? Ilarawan.

a. Jose Rizal: isang manunulat na nagbukas ng isipan ng mga Pilipino sa kanyang mga akda.

b. Leonor Rivera: ang unang pag-ibig ni Jose Rizal

c. Nellie Boustead: ang nag-akit kay Jose Rizal sa ibang bansa pagkatapos masawi sa pag-ibig ni Rizal.

d. Donya Lolay: ina ni Jose Rizal

e. Padre Amado: ang prayleng may galit sa pamilyang Mercado

f. Conchita Monteverde: ang umaangkin sa lupain ng pamilyang Mercado.

2. Makatotohanan ba ang pagganap ng tauhan?

- Ang iba ay oo at iba ay hindi.

3. Paano pinalutang ang karakter ng pangunahing tauhan?

- Sa pagbibigay pokus sa kanyang naitulong at mga ginawa para sa kanyang pamilya at sa bayan.

4. Sinong artista ang mahusay ang pagkakaganap? Ipaliwanag.

- Si Lito Legaspi bilang Padre Amado ay nagpakita ng kahusayan dahil kanyang naipakita ang pagiging
sakim at makasarili ng mga Kastila.

V. Kaligiran at Eksena

1. Sa anong panahon o lugar nangyari ang kwento sa pelikula/teleserye?

- Panahon ng Kastila, sa Pilipinas


2. Makatotohanan ba ang mga eksena at hindi halatang ginanap sa iisang lugar o studio lamang?

- Oo

3. Naging makatotohanan ba ang mga bagay na ginamit tulad ng bahay, mga pagkain, damit, sapatos, at
iba pa ayon sa takbo ng kuwento?

- Oo

4. Anu-ano ang iyong napunang mga bagay na maganda o maayos at di maganda o di maayos ang
pagkakagawa? Ipaliwanag.

- Ang mga bagay na maganda ay ang mga eksena sa ibang bansa at ang mga di-maganda ay ang mga
eksenang inedit lamang sa kompyuter dahil ang mga eksenang ito ay hindi makatotohanan at mapapansin
kaagad na hindi totoo.

VI. Audio-Visual Effects

Bigyang reaskyon ang mga sumusunod:

1. Tunog: ang tunog ay malinaw at ang bawat salita ay malinaw ang pagkakabigkas.

2. Sinematograpiya: nasa katamtaman lamang at ang ibang eksena ay hindi maayos.

3. Visual effects o camera tricks: malinaw ngunit may mga parting magulo.

VII. Konklusyon at Rekomendasyon:

1. Maganda ba ang pelikula/teleserye? Oo o Hindi, at bakit?

Oo, dahil ito ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa ating nakaraan at pinag-iibayo nito ang ating
damdaming makabayan.

2. Napanatili ba nito ang mga interes ng mga manonood?

Hindi masyado, dahil hindi lahat ng manonood ay may interes sa mga gantong paksa.

3. Mairerekomenda mo ba ito sa ibang estudyanteng tulad mo? Bakit?

Oo, dahil ito ay nakapagdaragdag ng kaalaman tungkol sa ating bayani at pwede itong magsilbing modelo
upang ating gayahin.

Gng, Ma. Lirio S. Cruz

(Guro sa Filipino 2014)

Episode 1

Makikita sa una na may grupo ng preso na nagbabalak tumakas. Sa Calamba naman, nagbibigay
ng sermon si Padre Amado at inaatake ng sermon ang mga “indio”. Isang araw ay nanganak si Donya
Lolay at ito ay si Jose Rizal. Isang araw, ginarote ang mga paring GomBurZa. Ikinuwento ni Paciano sa
kanyang mga magulang ang kalupitan ng mga prayle. Binalaan ng kanyang magulang na ang ganitong
pag-iisip ni Paciano ay maaring magdulot ng problema sa kanilang pamilya. Isang araw, nakuwento ni
Donya Lolay kay Rizal ang mga higante sa bundok, at sa kagustuhan Makita ang mga ito ay pumunta si
Rizal sa bundok.

Episode 2

Gabi na ngunit si Rizal ay hindi pa rin nakikita. Huminging paumanhin si Donya Lolay sa
pagtataas ng boses kay Lina dahil sa kakulangan sa pag-aalaga sa kanyang anak. Dumating si Rizal
kasama ang kanyang kapatid na si Paciano na nakakita sa kanya sa gubat. Sa panahon ng Pasko
nagpasyang pumunta ang pamilya Mercado sa bahay ni Don Jose. Pinilit naman ni Paciano na kumanta si
Rizal para sa isang presentasyon ngunit ayaw nito pumayag. Sa pagsasaya sa bahay ni don Jose ay
sinimulan na ang presentasyon ng pagkanta. Naunang kumanta si Venchito, ang anak ni Conchita na
sinundan ni Rizal ung san siya ay pinagtawanan dahil wala sa tono ang kanyang pagkanta. Tinanong
naman ni Lina kung nagging maayos ba ang pagkanta ni Rizal at inalo ang bata sa pagbigay nito sa kanya
ng laruan, Kalaunan ay nag-aral sa Biñan si Rizal.

Episode 3

Nakipag-away si Venchito kay Rizal. Buti na lamang at nasaway sila ng kanilang guro. Bilang
bata, si Rizal ay may angking kagalingan sa sining. Pagkauwi niya, tinanong siya ng kanyang nanay sa
kanyang nagging unang araw sa paaralan at nakita na may sugat siya at inalo niya ito. Dumating naman si
Don Jose at tinuruang sumuntok si Rizal. Sa bahay nina Don Jose ay nag-away na naman sila ng kanyang
asawa na si Donya Teodora. Bumalik na si Rizal para sa kanyang susunod na klase. Hinuli naman ng mga
guwardiya sibil si Lolay dahil pinaratangan ito ni Teodora na lalasunin siya ni Lolay.

Episode 4

Binisita ng pamilyang Mercado si Lolay sa kulungan. Iniharap naman sa hukuman si Lolay.


Sinabi ni Paciano na pinatatagal nila ang kaso sa hukuman upang mapatagal ang pagkakakulong ni Lolay.
Hinatulan din ng hukuman sa dulo ng 2 taong pagkakabilanggo si Lolay sa Sta. Cruz. Pinaglakad si Lolay
mula sa Calamba hanggang Sta. Cruz. Sa kanyang pag-aaral sa Ateneo ay nagpakita siya ng katalinuhan
at kahusayan sa sining. Nagpresenta naman ng sayaw si Josefa sa harap ng Gobernador-heneral, at dahil
natuwa ang gobernador heneral sa kanyang pagsayaw ay pinalaya nito si Donya Lolay.

Episode 5

Isang araw, ang binatang si Rizal ay lumalangoy sa lawa. Kumain sila, at pagkatapos ay kinausap
sila ng kanilang magulang. Sinabi ni Lolay na hindi maganda ang kaalaman dahil ito ay nagdudulot ng
kapahamakan. Sa Intramuros naman ay nakitang saglit ni Rizal si Leonor ngunit sila ay hindi pa
magkakilala. Binigyan ng kanyang kuya Paciano si Rizal ng pera upang mabuhay sa Maynila at hinatid
ito sa bahay na kanyang titirhan. Lumaon nakilala ni Rizal si Leonor Rivera.

Episode 6

Nagpakilala na si Rizal at Leonor Rivera sa isa’t isa. Isang araw ay inimbitahan nilang kumanta si
Rizal ngunit dahil sa ala-ala niya mula pagkabata, siya ay nahimatay. Ikinuwento niya sa kanyang
pamilya si Leonor. Isang gabi, kumanta sa harap ng bahay ni Leonor si Rizal ngunit maya-maya ay
tumula na lamang ito. Pinatuloy ni Leonor si Rizal sa kanilang bahay at sila ay nakapag-usap.

Episode 7

Isang gabi, hindi napansin ni Rizal nang guwardiya sibili kung kaya’t siya ay nabugbog. Pumunta
siya sa bahay nila Leonor ngunitr pagkaraan ay umalis na. Pagkabalik niya sa kanilang bahay, siya at ang
kanyang pamilya ay kumakain at napansin ni Rizal na lumalabo na ang paningin ng kanyang ina.
Kanyang napagdesisyunan na mas magsikap pa sa pag-aaral upang magamot ang kanyang ina. Sa pulong
ng mga estudyante ay pinipilit siyang isama ngunit si Rizal ay hindi pumayag. Habang siya ay naglililok
sa isang silid ay binisita siya ni Leonor at nakita ang kanyang guhit na larawan ni Leonor. Nung umalis na
si Leonor, nakita ni Rizal si Eduardo na pinipilit siyang magsumamo sa Gobernador Heneral dahil siya ay
nabugbog ng guwardiya sibil. Ngunit hindi sila pinayagang pumasok at itinaboy sila ng mga guwardiya.
Episode 8

Namasyal sila Rizal at Leonor sa baybaying dagat. Isang araw, nakipagusap si Paciano sa
kanyang mga tiyuhin na nag-aalok sa kanya na mag-aral sa Europa, ngunit sinabi ni Paciano na mas
karapat-dapat na mag-aral si Rizal dahil ito ay magaling sa maraming larangan at matataas ang marka.
Isang araw ay nagkita muli si Rizal at Leonor at sila ay namasyal muli. Isang araw, sinabi ni Paciano na si
Rizal ay mag-aaral sa Europa.

Episode 9

Pinuntahan ni Rizal si Leonor sa simbahan at nagpaalam bago siya umuwi sa Calamba. Umuwi
siya sa Calmba at nagpaalam bago magpatuloy upang kunin ang kanyang pasaporte papuntang Europa.
Nagpabigay siya ng liham kay Paciano para sa kanyang magulang at isa pang liham para kay Leonor.
Umiyak si Leonor sa pagkakabasa ng liham mula kay Rizal. Sumakay si Rizal sa barkong Salvadora at
dumaong ang barko sa Marseilles, France.

Episode 10

Dumating na si Rizal sa Espanya at pagkatapos pumunta sa kanyang kuwaro ay gumawa ito ng


liham para sa kanyang pamilya at kay Leonor. Ikinukuwento niya ang hirap ng mga kursong kanyang
pinag-aaralan sa Europa. Isang araw ay tinamaan si Tiya Lina ng cholera atr namatay, ngunit tumanggi si
Padre Amado na bendisyunan ito sapagkat siya ay Indio. Napag-alaman ito ni Rizal sa Espanya. Kalaunan
si Rizal ay pinakilala din sa iba pang ilustrado sa Espanya.

Episode 11

Sa kanyang buhay sa Espanya ay nakita niya si Benchito, ang kanyang kaaway mula pagkabata.
Habang nakikinig sa isang demonstrasyon, pumasok ang mga pulis at pinaghuhuli ang mga estudyanteng
nakikinig roon. Nakilala niya si Consuelo, anak ng dating alkalde sa Maynilla. Nakakuha siya ng
padalang pera mula sa kanyang kuya Paciano at nakatanggap rin siya ng liham at minatamis na santol.
Sa sakahan naman nila Paciano ay dumating si Padre Amado at ginawang 30 porsyento ang buwis at dahil
ditto ay nagalit si Paciano. Sa isang pagsasama ay pinakita ni Rizal ang kanyang talento sa pagtutula.
Pagkatapos nito ay nakausap niyang muli si Consuelo.

Episode 12

Nakita ni Benchito sina Consuelo at Rizal na magkausap at sinabi niya it kay Eduardo na
nagpagalit dito. Pinagalitan naman ng ina ni Leonor si Leonor dahil naniniwala pa itong babalik si Rizal
para sa kanya. Umiyak si Leonor dahil sa tindi ng kalungkutang nararamdaman niya. Sa sobrang galit ni
Eduardo ay sinuntok niya si Rizal, ngunit sinabi ni Rizal na lalayuan niya si Consuelo. Samantala’y
nagalit si Rizal sa kanyang kapwa ilustrado dahil sila ay nagpapakasaya lamang. Dumating naman sina
Padre Amado at Conchitasa bahay nila at nnagpapabayad na ng buwis. Buti na lamang at nabayaran ito
ng sapat ni Paciano at umalis na sila. Sumulat ng liham si Rizal para sa kanyang ina nagsasaad ng
kanyang kondisyon. Sumulat pabalik ang kanyang ina na sinusuportahan ang kanyang anak. Ang pamilya
naman ni Rizal ay patuloy na naghahanap ng iba pang mapagkukunan ng pera upang mabuhay ang
kanilang mga sarili. Sinabi naman ni Rizal na kailangan niya ng layuan si Consuelo upang hindi masira
ang kanyang pakikipagkaibigan kay Eduardo, at naipangako niya na ang kanyang pag-ibig sa ibang tao.
Nagpaalam na si Rizal kay Consuelo. Inanyahan naman siya sa piging nina Juan Luna at Felix Hidalgo
dahil sa kanilang pagkakapanalo sa isang kompetisyon sa sining.

Episode 13

Sinabi naman ni Paterno na si Rizal na lamang ang magbibigay ng talumpati. Nagbigay si Rizal
ng talumpati at pinalakpakan siya ng mga tao. Inanyahan naman siyang ibahagi ang kalagayan tungkol sa
Pilipinasw na kanya naming ikinatuwa. Lumabas ang pangalan ni Rizal sa diyaryo at nakita ni Leonor, na
siyang nagpasabik at nagpaasa rito. Nagalit ang kanyang ama dahil sa kanyang pagbabatikos.
Nagmungkahi naman si Rizal na gumawa ng nobela na magsasaad ng kalagayan ng Pilipinas. Si Rizal
naman ay tinanggap na bilang doktor sa mata. Isinaad niya na nais niyang magpatayo ng klinika sa
Pilipinas upang makatulong sa kanyang mga kababayan. Sinimulan na niyang gawin ang kanyang
nobelang Noli Me Tangere. Nagsimula ng magkasakit si Rizal dahil na rin sa kakulangan niya ng pera.
Ipinalimbag naman ni Maximo Viola ang nobela ni Rizal.

Episode 14

Dumating sa Pilipinas ang nobela ni Rizal. Nabasa ito ng kanyang pamilya at iba pang
magsasaka. Ipinabasa ng galit na Conchita kay Padre Amado ang Noli Me Tangere at sinabing
pinapatamaan ng libro ay si Padre Amado. Napag-alaman naman ni Rizal na tuluyan ng nabulag ang
kanyang ina at kanyang napagpasyahang umuwi sa Pilipinas. Nakita na ni Rizal ang kanyang ina at sinabi
niyang gagamutin niya ang kanyang ina. Inoperahan niya ang kanyang ina. Napag-alaman naman ni
Leonor na nasa Pilipinas na si Rizal. Nakakita na ang kanyang ina at tinulungan niya ang iba pa niyang
kababayan. Nagkita na rin si Leonor at Rizal at binigyan ni Rizal si Leonor ng singsing. Ngunit siya ay
nanaginip lamang. Pinagbawalan naman ng kanyang magulang si Leonor na makipagkita kay Rizal.
Umiyak sa sobrang kalungkutan si Leonor. Kinausap naman ng gobernador heneral si Rizal ast sinabing
babasahin niya ang nobela at sasabihin kung ito ba ay masama o hindi.

Episode 15

Sinunog ng mga magsasaka ang mga kopya ng nobela dahil sinabing ang sinumang mahuhulihan
na may pagmamay-ari sa nobela ay siyang huhulihin at kakamkaman ng ari-arian. Binalak ni Rizal na
pakasalan si Leonor ngunit pinigilan siya ng kanyang nanay. Dumating naman ang kanyang tatay na
naghihikahos bagkus ay napigilan si Rizal na pumunta kay Leonor. Lingid sa kaalaman ni Rizal,
ipinagkakasundo ng kasal si Leonor kay Charles Kipping, isang inhinyerong Ingles. Habang nakaratay
ang kanyang ama, pinilit nito si Rizal na huwag pakasalan si Leonor. Silay ay nagsusulatan, ngunit lihim
na nakita ng ina ni Leonor na tumatanggap si Leonor ng sulat mula kay Rizal. Nag-usap sina Padre
Amado at Conchita na mapupunta ang mga lupain ng pamilya ni Rizal kay Conchita kapag sila ay
napaalis na ni Padre Amado. Kinausap naman ng ina ni Leonor ang mensahero upang ibigay sa kanya ang
mga sulat ni Leonor at Rizal sa isa’t isa. Nagpaalam naman si Rizal sa kanyang pamilya dahil sa panganib
na dala ng kanyang presensya sa Calamba. Sa kanyang pagbabalik sa Espanya ay binalak niyang gumawa
ng panibagong nobela na may paksang rebolusyon. Nagtaka naman sina Leonor at Rizal kung bakit wala
pa silang natatanggap na liham mula sa isa’t isa. Nakatanggap naman ng rosas si Leonor mula kay
Charles Kipping. Nakipaglaban na may siya ng fencing kay Antonio Luna at kalaunan ay kay Nellie.

Episode 16

Nagkakilala sila Rizal at Nellie. Si Leonor naman ay wala pa rin siyang gusto kay Charles
Kipping. Pinipilit man ng kapwa niyang ilustrado si Rizal kay Nellie, sinabi nitong may nagmamay-ari ng
kanyang puso. Nag-usap ulit sina Conchita at Padre Amado at napag-usapan nila ang pagpupulong ng
magsasaka. Bumalik naman si Benchito sa Pilipinas. Pinag-usapan nila kung paano nila mapapalayas ang
mga Mercado sa kanilang lupain. Ipinagtapat ni Kipping ang kanyang nararamdaman para kay Leonor.
Pumayag si Leonor na ikasal kay Charles Kipping. Ang balitang ito ay umabot kay Rizal sa Espanya na
nagdulot ng matinding kasawian para dito. Isang gabi ay nakita ni Leonor ang mga sulat ni Rizal para sa
kanya na itinago ng kanyang nanay. Bago ikasal si Leonor ay nagbigay ito ng 3 kondisyon sa kanyang
nanay. Samantala ay sobrang sawi si Rizal sa Espanya at halos mabaliw na sa kanyang kondisyon.

Episode 17

Naging malala ang kondisyon ni Rizal at siya ay binisita ng kapwa niyang ilustrado at siya ay
tinutulungan nilang iayos ang kondisyon ni Rizal. Isang tanghalian, dinakip ng mga guwardiya sibil si
Paciano at inakusahan ito ng pagiging filibustero at ipinatapon ito sa Mindoro. Sinunog ng mga Kastila
ang mga bahay sa lupain ng mga Dominikano. Dumating ang balita kay Rizal sa Espanya. Nagdiwang
sina Benchito at Conchita dahil makukuha na nila ang mga lupain. Nagkita muli sina Rizal at Nellie sa
Espanya. Habang si Rizal ay nasa Espanya ay nakipagrelasyon ito kay Nellie. Ang mag-iina naman ay
hiningan ng sedula at hinuli sila dahil nalamang gumagamit ng alias ang ina. Nag-away si Antonio at
Rizal dahil kay Nellie at buti na lamang ay napigilan. Kalaunan, napagdesisyunan ni Rizal na pakasalan si
Nellie.
Episode 18

Sa kanilang daan papuntang hukuman kasama ang guwardiya sibil ay pagod na pagod na sa
kakalakad si Donya Lolay. Samantala, hindi pumayag ang nanay ni Nellie na pakasalan nito ay si Rizal.
Sinabi ni Nellie na marahil ito sa relihiyon ni Rizal, at sinabi niyang magpalit ng relihiyon si Rizal ngunit
hindi pumayag si Rizal. Nagalit si Nellie at umalis na si Rizal sa kanilang bahay. Pumunta siya sa
panibagong bahay, at humingi rin ng pera sa kapwa ilustrado para sa kanyang bagong nobela. Pumayag
naman ang naglilimbag na bayaran ni Rizal ng paunti-unti ang para sa kanyang nobela. Sinisingil naman
ng may-ari ng paupahan sina Rizal at Jose dahil hindi pa sila nagbabayad. Nakatanggap naman sila ng
sulat mula kay Valentin na naglalaman ng pera para sa pagpapalimbag ng nobela ni Rizal. Natapos na ang
nobela ni Rizal na may pamagat na “El Filibusterismo”. Samantala, ilang araw na masama ang
pakiramdam ni Leonor at nagsusuka. Natuwa si Kipping sa balita. Sa Hong Kong naman ay nagpagawa
ng bagong klinika sa Rizal. Sa Pasko ay nagkita-kita si Rizal at ang kanyang pamilya.

Episode 19

Nag-usap-usap ang pamilya at sinabi ng ama ni Rizal na susuportahan nila ito sa kanyang
ipinaglalaban. Nagalit si Padre Amado dahil nabalitaan na niya na gumawa ulit ito ng panibagong nobela.
Naging marahas sa kanyang pamamahala si Benchito sa kanilang lupain. Ipinaalam din ni Paciano ang
pagkakaroon ng maraming kilusan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Napagpasyahan ni Rizal na umuwi sa
Pilipinas upang mapatunayan na hindi siya puro salita lamang.Pagdating sa Maynila ay nakita niya ang
kanyang kapatid at kanyang pamangkin. Galit na galit si Padre Amado dahil wala pa rin ginagawa kay
Rizal. Napag-alaman naman ni Leonor na nasa Pilipinas na si Rizal. Binalak naman nina Padre Amado na
ilagay ang mga polyetos ng mga erehe upang magmukhang kasama si Rizal sa kilusan.

Episode 20

Umalis si Isidra upang pagbantaan si Rizal sa mga plano ni Padre Amado. Ngunit nahuli si Isidra
ni Padre Amado at sinabi ito kay Benchito. Pinaglalatigo ni Benchito si Isidra. Nagkita rin si Andres
Bonifacio at Si Jose Rizal. Si Leonor naman ay nanganak na, ngunit ito ay namatay pagkatapos.
Nadiskubre ng awtoridad ang mga polyetos at ipinakulong si Rizal. Nagsisimula na rin ang kilusang
ginawa ni Andres Bonifacio. Nalaman ni Rizal ang pagkamatay ni Leonor sa kulungan. Nagsimula na
ang rebolusyon ni Andres Bonifacio at pinunit na nila ang kanilang mga sedula. Pinatay na rin si Padre
Amado. Sinunod nilang patayin si Benchito. Sinunog nila ng buhay si Conchita sa gitna ng gubat. Sa huli,
pinatay ng mga Kastila si Rizal.

You might also like