You are on page 1of 4

Filipino 11 MODULE 2

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

ARALIN 3: Mga Uri at Halimbawa ng Pananaliksik

Mga Inaasahang Bunga:

1. Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik.


2. Nakapagsasagawa ng munting kolokyum upang idepensa ang nais na paksang
saliksikin.

Paksa/ Talakayan

Pagpili ng Paksa

Maraming mag-aaral ang nahihirapan sa pagpili ng paksang kanilang sasaliksikin.


Karaniwang ang kanilang napiling paksa ay nagawan na ng pananaliksik nang maraming
ulit. Katulad na halimbawa ng pagkakulong sa mga laro sa kompyuter ng kabataan, pagiging
masayahin ng mga Pilipino, katapangan ng kababaihan, pagiging talentado ng mga Pilipino.
Kaya ito ang pangunahing pumapasok sa kanilang mga isipan.

Huwag nating kalilimutan na ang paksa ang pangunahing ideya na nagbibigay-daan sa


takbo ng isinasagawang pananaliksik. Kaya napakahalaga ang pumili ng paksa.

Maraming maaaring panggalingan ang paksa. Tulad na lamang ng sarili. Maaaring


pagkunan ang mga karanasan gayundin ang iyong mga nabasa, napakinggan o napag-aralan
at mula rito ay makapili ng paksa.

Maaari ding makatulong ang mga babasahing tulad ng diyaryo, magasin, at journal.
Matatagpuan dito ang mga balita, lathalain, kolum, at iba pa na maaaring magpaningas sa
iyong kaisipan kaugnay sa ilang makabuluhang paksa.

Dagdag pa rito ang ibang mga tao tulad ng iyong mga kaibigan, kamag-anak, at
kakilala na maaaring mapagkunan din ng iba pang paksa.

Mga Mahahalagang Puntos sa Pagpili ng Paksa

1. Kahalagahan at kabuluhan ng paksa


Maaaring may paksa kang iniisip, ngunit tingnan din ang kahalagahan nito.
Dahil ikaw ang gugugol ng panahon upang magsaliksik tungkol sa paksa,
kailangang malinaw ang iyong layunin. Sa ganitong paraan, walang
masasayang na oras at magiging kapaki-pakinabang ang naturang
pananaliksik.
2. Interes sa paksa
Mainam kung ang paksang pipiliin ay iyong interes. Mas magiging kasiya-siya
ang iyong pananaliksik dahil ito ang paksang nais mo pang matutuhan at
matuklasan. Maaaring mayroon kang adbokasiya na nais isulong. Ang
pananaliksik tungkol ditto ay magiging isang hakbang tungkol sa pagsulong
nito.

FILIPINO 11|Aralin 3 Page 1|4


Filipino 11 MODULE 2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

3. May sapat na impormasyon


Ang pananaliksik ay pangangalap ng impormasyon. Bagama’t may mga
paksang nagawan na ng maraming pag-aaral, ang mga ito ay bukas pa rin sa
masusing pananaliksik. Alamin din kung saan makakuha ang mga
impormasyong kailangan.

4. Haba ng nakalaang panahon para isagawa ang pananaliksik


Depende sa paksang pipiliin ang kakailanganing panahon para sa iyong
pananaliksik. Kung kailangan mong magsarbey, makipagpanayam sa mga
eksperto, o magtungo sa isang malayong lugar, mahabang panahon ang
kakailanganin. Kung karamihan naman ng impormasyon ay matatagpuan sa
mga aklat, mas mabilis matatapos ang iyong pananaliksik.

5. Kinakailangang gastusin

Sa simula pa lang ng pagpili ng paksa, isipin din ang mga praktikal na aspekto
gaya ng iyong gagastusin. Ilan ditto ay ang halaga ng photocopy ng mga
material, renta ng kompiyuter kung ika’y walang sariling unit, tranportasyon
sa mga lugar na kailanagang puntahan, at iba pa. Ito ang iyong magiging
gabay sa feasibility o probability na makakayang tapusin ang pananaliksik.

Upang maiwang maging masaklaw ang pag-aaral, bigyang-pansin ang paglilimita sa


sumusunod:

1. Panahong saklaw ng pag-aaral


2. Gulang ng mga kasangkot
3. Kasarian ng mga kasama
4. Lugar na kasangkot
5. Pangkat ng taong kinabibilangan
6. Kombinasyon ng iba pang batayan

Ayon kay Bernales (2009), ang pamagat nga pananaliksik ay kailangan maging
malinaw at hindi matalinghaga, tuwiran hindi maligoy at tiyak, hindi masaklaw.

Iminumungkahi rin niya na ang mga salitang gagamitin sa pamagat ay hindi


kukulangin sa sampu at hindi hihigit sa dalawampu.

PAKSA

FILIPINO 11|Aralin 3 Page 2|4

Maaaring Panggalingan
Filipino 11 MODULE 2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Pagpili ng Paksa

 Kahalagahan
 Kabuluhan
 Nakawiwili
 Sapat na impormasyon
 Nakalaang panahon
 gastuin

Pagsasanay

A. Magtala ng mga paksang maaaring saliksikin mula sa iba’t ibang material. Itala sa
ibaba.

Materyal Mga Posibleng Paksa


Diyaryo at Magasin

FILIPINO 11|Aralin 3 Page 3|4


Filipino 11 MODULE 2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Radyo at Telebisyon

Aklat at Journal

Blog at Social Networking Site

FILIPINO 11|Aralin 3 Page 4|4

You might also like