You are on page 1of 38

Nakapagbibigay ng Sariling opinyon at halimbawa na may kinalaman sa

paksang tatalakayin

Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng wika at komunikasyon

Naihahambing ang wikang pambansa sa wikang panturo at wikang opisyal

Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong


pang komunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam

Nakapagsasagawa ng isang panayam na kinapapalooban ng reaksiyon


patungkol sa pag alis ng asignaturang Filipino sa Kolehiyon

Naigugrupo ang mga salita batay sa antas ng wika nito.


Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Ang wika ay isang Sistema ng
komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa
pamamagitan ng mga pasulat o
pasalitang simbolo.
“Ang wika ay masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa
iisang kultura.”
“Ang wika ay may mahalagang papel
na ginagampanan sa
pakikipagtalastasan.
Wika ang bukod-tanging pagtanaw at
pagsasaayos ng realidad upang ang isang
kultura ay umiral at magkaroon ng
kakayahang gumawa at lumikha.
Ang salitang Ingles na
language ay mula sa salitang
Latin na lingua na ang ibig
sabihin ay dila.
Gamit sa Talastasan Lalagyan o imbakan

Lumilinang sa Pagkatu to
Gamit sa Imahinatibong Pagsulat

Saksi sa Panlipunang Pagkilos Tagapagsiwalat ng damdamin


Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang
pangkat ng mga Pilipinong gumagamit ng iba’t ibang wika
at dayalekto.

150 wika at diyalekto ang umiiral sa ating bansa.

Ito ang magbubuklod sa atin bilang mamamayan ng


bansang Pilipinas at tatawaging wikang pambansa.
1935
Naghahanap pa lang
ang mga kongreso
kung ano ba dapat
ang tawag sa Wikang
Pambansa.
Manuel l. Quezon
Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang
Batas ng 1935 “Ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika. Hangga’t hindi itinakda ng
batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang
mananatiling Opisyal na wika.”
1945
Nailimbag na ang
diksyonaryong
tagalog
1946
Tinawag ang wikang
pambansa na tagalog
dahil sa diksyonaryong
tagalog.
1959
Kautusang
Pangkagawaran blg. 7
tinawag na Pilipino
ang wikang
pambansa.
1987
Art. 14 Sek 6-9
tinawag na Filipino
ang wikang
Pambansa .
Ang wikang pambansa ng Pilipinas
ay Filipino. Samantalang nililinang,
ito ay dapat payabungin ng
pagyamanin pa salig sa umiiral na
mga wika sa Pilipinas at ibang mga
wika.
Ito ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na
edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa
pagtuturo at pag-aaral sa mga eskwelahan at ang
wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang
panturo sa mga silid-aralan.
(MTB-MLE)

I to ay tumu tukoy sa unang wika ng mga mag-aaral na


naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten-
Grade-3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man.
Ayon kay Virgilio Almario
(2014:12) ang wikang opisyal ay
ang itinadhana ng batas na
maging wika sa opisyal na
talastasan ng pamahalaan.
Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 7.
ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang
mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino, at hangga’t walang
itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang antas ng wika na madalas na ginagamit ng isang
tao ay isang mabisang palatandaan kung anong uri ng
tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya
kabilang.
Antas ng Wika

panlalawigan
kolokyal
Pambansa Pampanitikan
Balbal
Pambansa - Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit
ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.

Pampanitikan - Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa


kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang
matatayog, malalalim, makulay, talinghaga at masining.

Pambansa Pampanitikan

Ina Ilaw ng tahanan


Baliw Nasiraan ng Bait
Magnanakaw Malikot ang kamay
Lalawiganin - Ito ang mga bokabularyong pandayalekto. Gamitin ang
mga ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang, Makikilala rin
ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami
na punto.

Pambansa Lalawigan

Upo Tabayag
Kalamansi Kalamunding
Maganda Napintas
Talukbong Pandong
Gabi Gabi-i
Kolokyal - Ito’y mga pang-araw- araw na mga salita ngunit may
kagaspangan at pagkabulgar, bagamat may anyong repinado at
malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.

Pambansa Kolokyal

Saan naroon Sanaron


Nasaan Nasan
Kani-Kaniya Kanya-kanya
Aywan Ewan
Tayo na Tana
Balbal - May katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na
pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan. Ang
mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng mga magulang at may
pinag-aralan dahil masagwa raw pakinggan. Sa mga grupu-grupo nagsisimula
ang pagkalat nito.
Pambansa Balbal
Matanda Gurang
Kotse Tsikot
Kapatid Utol
Inom Tagay/Toma
Pulis Lispu
Bata Atab
Amerikana Kana
Sigarilyo Yosi
Isang proseso ng pagbibigay at pagtanggap,
nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga
impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon at
damdamin. Nagbubunga ito ng palitan ng
pagkakaunawaan at kaunlaran ng lipunan.
(Cruz, 1988)
Antas ng Komunikasyon

Intrapersonal Organisasyonal

Interpersonal
Tugon/Puna/
Reaksyon

Tagapagpadala Mensahe Tagatanggap


(Tsanel)

INGAY
-Komunikasyong Pabigkas
-Komunikasyong Pasulat
-Pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng Kompyuter
Bilang isang mag-aaral, Ang pag alis
ba ng asignaturang Filipino sa kolehiyo
ay nagpapakita ng pagpapahalaga at
pagmamahal sa sariling wika?
PETA #1 Video Presentation
Magsagawa ng panayam sa
iba’t ibang klase ng tao
hinggil sa reaksyon o
pananaw sa pagtanggal ng
Filipino bilang asignatura sa
kolehiyo at ibigay ang inyong
sariling konlusyon na
nakabatay sa mga kasagutan
ng mga nakapanayam.
PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman 10puntos
Pagkamalikhain 5puntos
Malinaw at may wastong
pagkakaayos/pagkakasunod sunod ng 10puntos
mga impormasyon
Pagiging maagap sa itinakdang araw
ng pasahan 5puntos
KABUUAN: 30puntos

You might also like