You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL
M.L. TAGARAO STREET, IBABANG IYAM, LUCENA CITY
Kalaghatiang Pagsusulit
Filipino 9
Pangalan :_______________________________ Petsa :___________________

Baitang 9 / Seksyon :_______________________ Marka: 40

Panuto: Basahin ng may pang-unawa ang mga sumusunod. Itiman ang bilog na katumbas ng iyong sagot sa bawat bilang.
Gamitin ang sagutang papel sa huling bahagi ng ikaapat pahina.

1. Ang ____________ng mga pangyayari ay isa sa mahahalagang hakbang sa pagiging matalino at mapanuring tao.

A. panonood B. pagsusulat C. pagsusuri D. pagtatanong

2. Ang pagiging ______________ay isang mahalagang dapat nating taglayin upang tayo ay makapagbigay ng tamang impormasyon at
detalye tungkol sa isang paksa, isyu o aralin.

A. mapanuri B. masipag C. matalino D. matanong

Paigtingin ang pagbabakuna, hindi lamang sa mga bata kundi sa lahat na. Sabi naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. may
sapat nang suplay na bakuna at marami pang paparating. Itodo na ang pagbabakuna lalo sa Metro Manila para magkaroon ng
proteksiyon ang mamamayan. Marami na ang gustong magpabakuna para maproteksiyunan ang sarili. Ayon sa report, nasa 53
bahagdan ang nagnanais mabakunahan. Hindi na sila nag-uurong-sulong sa pagpapabakuna. Napatunayan na ang mga bakunado ay
hindi nagkakaroon nang malubhang COVID at hindi rin naoospital.

(Halaw sa Editorya – Kaligtasan ng mga Bata – Pilipino Star Ngayon September 15,2021)

3. Kaugnay ng talata, paano ang dapat na maging reaksyon ng isang mamamayan bilang tugon sa hamon ng pandemya?

A. Hindi magpapabakuna sapagkat natatakot.

B. Ipagwawalang bahala na lamang ang lahat dahil hindi naman ako nagkakaroon ng sakit.

C. Magpapabakuna ngunit hindi na kakailanganin ang pagsunod sa mga health protocols.

D. Sumunod sa ipinatutupad na health protocols ng pamahalan at makiisa sa mga gawain na naglalayong malabanan ang
pandemya tulad ng pagpapabakuna.

4. Si Aling Marites ay 70 taong gulang na at may karamdaman sa diabetes. Mahigpit siyang pinagbabawalan ng kanyang mga kaanak
na lumabas ng bahay upang makaiwas sa banta ng Covid-19. Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan, susundin mo ba ang payo ng
iyong mga kaanak?

A. Hindi dahil kaya ko namang lumabas at malakas ako.

B. Oo sapagkat ipinagbabawal ng pamahalang lumabas ang mga tulad kong senior na at may sakit upang makaiwas sa Covid-
19

C. Oo susundin ko kung sila ay nakabantay sa akin.

D. Sa tingin ko po ay hindi dahil nais kong makalabas kapag gusto ko.

5. Sa iyong palagay, makatutulong nga ba ang pagsasakatuparan ng kuwarantina upang masugpo ang pandemya?

A. Hindi, dahil hinahadlangan nito ang paghahanapbuhay ng ilang mamamayan.

B. Marahil po ay makakatulong ito.

C. Opo , dahil napipigil nito ang pagpapasa ng virus sa ibang mamamayan.

D.Quezon National
Siguro po High
dahil ito angSchool
ipinatutupad ng pamahalaan.
Address: M.L. Tagarao Street, Ibabang Iyam, Lucena City
Contact No.: (042) 373-7369 (Principal’s Office); (042) 373-7662 (Department Head’s Office)
Email Address: quezonhigh@yahoo.com
Sa ilalim ng MECQ, bawal ang pagpasada ng mga pampasaherong bus, dyipni at maski ang Metro Rail Transit (MRT) at
Light Rail Transit (LRT) at iba pang public utility vehicle. Pinag-aaralan kung papayagang bumiyahe ang mga traysikel. 50 bahagdan
lamang ng mga pagawaan o establisimiento ang papayagang magbukas. Bawal din ang dine-in sa restaurants, barber shops, salons,
gyms at internet cafes.

(Halaw sa Editoryal – Panibagong Paghihigpit Editoryal ng Pilipino Star Ngayon August 4,2020 – 12:00am)

6 .Bilang mag-aaral, paano masosolusyunan ang kahirapan at kagipitan ng maraming Pilipinong nawalan ng trabaho dulot ng
pandemya?

A. Magkaroon sila ng taniman ng gulay upang merong silang tiyak na makakain.

B. Magnegosyo na maaaring gawin sa ilalim ng MECQ tulad ng pagbebenta ng pagkain na idinidiliber sa mga bumibili nito.

C. Manalig sa Panginoon at sundin ang mga ipinatutupad na health protocols ng pamahalaan.

D. Titik A, B at C ang mga tamang sagot.

7. Sa kasalukuyan, maraming pamilyang Pilipino ang naaapektuhan ng pandemya.Isa na roon ang iyong ama na nagmamaneho ng
dyipni na inyong ikinabubuhay. Sa iyong palagay, maaari bang isisi sa mga taong nasa likod ng pagbabawal ng pagpasada ang
kahirapan ninyo ngayon?

A. Hindi po, dahil ito po ay panandalian lamang na pagbabawal upang mapigil ang pagdami ng kaso ng COVID 19 at upang
maprotektahan na rin kami.

B. Hindi po, dahil magmamaneho pa rin ang aking ama kahit ipinagbabawal.

C. Opo, dahil ipinagbawal nila ang pagpasada ng dyipni.

D. Siguro dahil isa sila sa dahilan kaya nawalan ng hanapbuhay ang ama.

8. Sa iyong palagay, anong mga aspeto ng kuwarantina ang marapat na higpitan ng pamahalaan upang masugpo ang paglaganap ng
pandemya?

A. Ang malimit na paglabas ng mga mamamayan sa kanilang tahanan kahit hindi kinakailangan.

B. Ang pagnenegosyo o pangangalakal ng mga mamamayan.

C. Paghuhugas ng madalas ng mga kamay ganoon din ang pagsusuot ng mga face mask at face shield.

D. Titik A at C ang mga tamang sagot.

9. Bilang kabataang Pilipino, sumasang-ayon ka ba sa paraan ng pagpapatuloy ng edukasyon sa ating bansa?

A. Hindi po ako sumasang-ayon.

B. Hindi po dahil mas nais kong nakakapunta sa paaralan.

C. Opo dahil hindi na kailangan pumunta sa paaralan

D. Opo dahil ito po ang pinakaligtas na paraan upang maipagpatuloy ang aming pag-aaral kahit may pandemya.

10. Bilang mamamayang Pilipino, sumusuporta ka ba sa mga health protocols at hakbang na ipinatutupad ng ating pamahalaan
upang masugpo ang pandemya?

A. Hindi dahil patuloy pa rin po hanggang ngayon ang pandemya.

B. Hindi po dahil patuloy na kumakalat ang virus.

C. Opo dahil bago nila ito ipatupad ay kanila muna itong pinag-aralan at sinuri para sa kapakanan ng lahat.

D. Opo dahil ginagawa po nila ang mga ito para sa kaligtasan ng mga mamamayan.

11. Tumutukoy sa ekstrakturang taglay ng isang salita depende sa intensyon o motibo ng taong gumagamit nito.
A. denotatibo B. kayarian ng salita C. konotatibo D. salita

12. Ito ay nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhetibong kahulugan ng mga termino.

A. denotatibo B. diksyunaryo C. konotatibo D. salita

(Para sa bilang 13- 20, tukuyin ang mga kahulugan ng mga salitang may salungguhit.)

13. Ayon sa kanyang Ina, ang gilingang bato ay minana niya sa kanilang Impo.

A. ama B. kaibigan C. lola D. tiyahin

14. Umuwi siyang ngumangalngal dahil sa pakikipag-away sa ibang mga bata.

A. nagagalit B. papilay-pilay C. tumatawa D. umiiyak

15. Pagtitinda ng mga kakanin ang kanilang hanapbuhay.

A. nais na mabuhay B. naghahanap ng buhay C. naglalaro ng taguan D. trabaho

16. Nahinto ang pag-aaral ng kanyang kapatid dahil sinasabing mapurol ang kanyang isip.

A. hindi mapilit B. mahina sa pag-aaral C. masipag D. matalino

17. Matanda na ang kanyang ina dahil pilak na ang mga buhok nito.

A. itim B. pinaglipasan na ng C. puti D. yaman


panahon

18. Nangungutang siya ng perang pang-abot sa kanyang ina upang mapalabas niyang siya’y nakaluluwag.

A. mayaman B. may maayos na pamumuhay C. maunlad D. nagyayabang

19. Ayon kay Ditse, mula ng mamahinga ang kanilang ina ay naging masasakitin na ito.

A. huminto sa paghahanapbuhay C. tumigil sandali sa gawain

B. napagod D. yumao

20. Pinili niyang kunin bilang pamana ang larawang nakakuwadro ng kanilang mga magulang dahil ______________.

A. maganda ang larawan ng kanilang magulang. C. pahiwatig ito ng pagmamahal sa magulang.

B. nais ng bunsong anak na ibenta ang larawan. D. pahiwatig ito ng pagpapasalamat sa kabutihan ng magulang.

21-22. Ang dalawang kaisipang angkop sa akdang Ang Gilingang Bato ay________ at ________. (dalawa ang kasagutan)

A. igalang ang iyong mga magulang. C. mahalaga ang tamang pagpapasiya sa buhay ng tao.

B. huwag lilihis sa kagustuhan ng magulang D. walang magulang ang naghangad ng kasamaan sa anak.

“May kahulugan sa buhay ang gilingang bato ng kanyang ina.

Walang nakaaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Ito'y nagisnan na naming magkakapatid. Ayon kay Ina,
ito'y minana niya kay Impo, na minana rin naman daw ni Impo sa sariling ina nito. Sa likod niyan ay wala nang makapaglahad sa
kasaysayan ng gilingang bato, maliban sa sabi-sabi na ang kalahian daw ni Ina ay kalahian ng magpuputo. “
(Halaw sa Maikling Kuwentong Ang Gilingang Bato ni Edgardo M. Reyes)
23. Anong bahagi ng maikling kuwento ang iyong binasa?
A. kakalasan B. kasukdulan C. panimula D. saglit na kasiglahan

24. Ang pangunahing tauhan sa maikling kuwentong Ang Gilingang Bato ay si __________.

A. Ina. B. bunso na nagsasalaysay sa kuwento C. Diko. D. Ditse.

(Para sa bilang 25 hanggang 29, iayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa Ang Gilingang Bato ni Edgardo M. Reyes.
Titik A ang pinakaumpisa at titik E ang huli.)

25. Nakapagtapos ng pag-aaral ang magkakapatid liban kay Ditse na mas malaki ang naitulong sa kanilang ina sa paghahanapbuhay.

26. Ang kalahian ng kanilang ina ay kalahian ng magpuputo.

27. Hanggang sa pagyao , kakikitaan pa rin ng pagiging masinop at masipag ang kanilang ina dahil sa paghahanda ng kakailanganin
para sa libing.

28. Yumao ng biglaan ang kanilang ama sanhi ng pagsabog ng apendisitis kung kaya’t naiwan silang mag-iina na piniling magtulungan
sa pagtitinda at pagluluto ng mga kakanin upang makapagpatuloy sa pamumuhay.

29. Pinili ng bunso na iuwi ang nakakuwadrong larawan ng kanyang mga magulang noong sila ay ikinasal bilang pinakamahalagang
alaala ng mga ito.

30. Ano ang istilo ng manunulat sa maikling kuwentong Ang Gilingang Bato?

A. akademik na pagsulat B. malikhaing pagsulat C. referensyal na pagsulat D. propesyonal na pagsulat

31. Sa nobelang Gapo ni Lualhati Bautista, ang tunggalian ay masasabing tunggali laban sa sarili dahil________________.

A. sa pag aalinlangan ay gumawa ng mali si Michael, naging tunggaliang tao vs. sarili ito sapagkat hindi siya nagtiwala sa
kanyang sarili at naniwala na may mabuti pa sa mga amerikanong sundalo.

B. malaki ang galit niya sa sarili niyang ama na amerikano at dahilan upang gawing katatawanan siya ng ibang tao.

C. pinipigil niya na labanan ang mga amerikanong umaapi at lumalapastangan sa mga kaibigan at kanyang ina.

D. Titk A at C ang mga tamang kasagutan

32. Ang pagkaputol ng isa sa mga kuwerdas ng gitara habang tinutugtog ni Mike ang kanyang ikatlong kanta ay nagbibigay senyales
na _________________________.

A. makakahanap siya ng taong tutulong at magsasalba sa kanya mula sa kahirapan

B. mapipigtas na rin ang kanyang pasensiya, pananalig at pag-asa na may mabubuti ring Kano. 

C. mapuputol na ang masamang pagtratato ng mga kano sa mga pilipino

D. may kalumaan na ang gitara.

33. Inilagay ni Magda sa lalagyanan ang kanyang bagong biling imported na produkto gaya ng tsokolateng Baby Ruth, Corned Beef at
Hersey at iba pa.  Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap?

A. Ipinahihiwatig na nagliligpit si Magda ng kanyang mga pinamili.

B. Ipinahihiwatig na si Magda ay isang amerikana.

C. Ipinahihiwatig nito ang pagtangkilik ni Magda sa mga imported na produkto sa halip na sariling atin.

D. Maraming pambili si Magda ng mga produktong kanluranin

34. Ang paggagap ni Mike sa kamay ni Magda ng mahigpit sa dulong bahagi ng nobela nang tanungin ni Magda na kung maaari ay
pagtulungan nilang palakihin ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay nagpapahiwatig ng ________________.

A. kanyang pagsang-ayon sa hamon ng pagiging isang ama sa kabila ng kahirapan. Sila’y magtutulungan ni Magda at
magsusumikap na maging isang masayang pamilya.

B. pagbibigay ng pag-asa na muli siyang makakalaya.

C. paghingi ng paumanhin at kalungkutan.

D. pagmamahal kay Magda ng higit sa pagiging kaibigan.

35. Ang pamagat na Gapo ay nangangahulugang ang mga pangyayari sa nobelang ito ay naganap sa ___________

A. Cavite B. Maynila C. Olonggapo D. Tondo

36. Si Marites ay nangangailangan ng salapi upang maipambili ng pagkain para sa kanyang limang anak na kagabi pa hindi
kumakain.Walang maibigay ang kanyang asawa na si Gardo dahil nawalan ito ng trabaho dulot ng pandemya. Nakita niya ang kalupi
ng kanyang amo na naiwan sa salas ng bahay na kanyang pinagsisilbihan. Nag-aalangan siya kung ano ang marapat na gawin. Hindi
niya malubos-maisip kung uunahin ang pangangailangan ng mga anak o kung isasaalang-alang ang pagtitiwala ng kanyang amo.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tunggalian sa sarili?

A. Nababagabag ang kalooban ni Marites dahil ninakaw niya ang kalupi ng kanyang amo.

B. Nag-aalangan si Marites kung kukuhain ang kalupi ng kanyang amo upang may makain ang kanyang mga anak.

C. Tinanggihan ni Marites ang pagkakataong umaayon sa kanyang sitwasyon.

D. Ang sagot ay A at B.

37. Sa iyong palagay, ang mga pangyayari sa buhay ng isa pang tauhan ng Gapo na si Modesto ay kakikitaan din ng tunggalian laban
sa sarili?

A. Hindi po, ito ay maituturing na tao laban sa tao dahil nakipagpambuno siya sa mga amerikanong nang-aapi sa kanya
hanggang sa siya’y mapaslang.

B. Opo dahil may mga pagkakataon na pinipigil niya ang kanyang sariling damdamin na lumaban sa mga nang-aalipustang
amerikano.

C. Ewan

D. Siguro po dahil natatakot siyang lumaban sa mga sundalong kano noong una.

38. Ang sobrang pagtangkilik ni Magda sa mga produkto ng mga kanluranin ay sumasalamin sa _________________.

A. karamihan ng mga Pilipino na tumatangkilik din sa mga produktong kanluranin kaysa sa sariling atin.

B. pagigi niyang amerikana

C. pagiging angat niya sa buhay.

D. pagkakaroon ng higit na kalidad ng produkto ng mga amerikano kaysa sa mga lokal na produkto.

39. __________________, marapat na unahin nating tangkilikin ang sarili nating mga produkto. Ano ang angkop na pahayag upang
makumpleto ang pangungusap na nagbibigay-opinyon?

A. Hindi B. Kung C. Sa palagay ko D. Siguro

40. Isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.

A. Dula B. Maikling Kuwento C. Nobela D. Tula

Pangalan: _________________________Marka:_____/40
Baitang 9 - ________________________
SAGUTANG PAPEL SA KALAGHATIANG PAGSUSULIT
A B C D A B C D E
1. O O O O 21. O O O O
2. O O O O 22. O O O O
3. O O O O 23. O O O O
4. O O O O 24. O O O O
5. O O O O 25. O O O O O
6. O O O O 26. O O O O O
7. O O O O 27. O O O O O
8. O O O O 28. O O O O O
9. O O O O 29. O O O O O
10. O O O O 30. O O O O
11. O O O O 31. O O O O
12. O O O O 32. O O O O
13. O O O O 33. O O O O
14. O O O O 34. O O O O
15. O O O O 35. O O O O
16. O O O O 36. O O O O
17. O O O O 37. O O O O
18. O O O O 38. O O O O
19. O O O O 39. O O O O
20. O O O O 40. O O O O

1 11 21 31

2 12 22 32

3 13 23 33

4 14 24 34

5 15 25 35

6 16 26 36

7 17 27 37

8 18 28 38

9 19 29 39

10 20 30 40

You might also like