You are on page 1of 4

Ang Mabuting balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

24“Walang aliping makapaglilingkod nang sabay sa dalawang Panginoon sapagkat


kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at
hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod nang sabay sa Diyos at sa
kayamanan.

25“Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at


sa inyong iinumin upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong
katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan
kaysa damit? 26Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o
kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit.
Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? 27 Sino sa inyo ang
makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng
kanyang pagkabalisa?

28“At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo Kung paano
tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit.
29Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon na napakayaman ay hindi
nakapagdamit ng singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. 30Kung dinaramtan ng
Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan,
kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!

31“Kaya't huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit.
32Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na
ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. 33Ngunit higit sa
lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa
kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.

34“Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas
ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”
Homily

Mapagpalang umaga sa lahat.

Sa aking pagbabahagi may dalawang bagay akong nais pagtuunan ng pansin, una ang
sinabi ng Panginoon sa kanyang mga alagad “Walang aliping makapaglilingkod ng
sabay sa dalawang panginoon,” ikalawa naman ay, ang mga salitang “higit kayong
mahalaga kaysa sa mga ibon”

“Walang aliping makapaglilingkod ng sabay sa dalawang panginoon,” ang mga


salitang ito na mula sa Ebanghelyo ni Mateo ay masasabi nating isa sa mabibigat na
pahayag na maaring magdulot sa atin na mag-isip at magtanong. Ilang Panginoon nga
ba ang ating pinaglilingkuran? Ano nga ba ang ating pinaglilingkuran? Maaring hindi
lamang tao ang itinuturing nating panginoon, maari itong kahit ano o kahit sino.

Sa panahon ngayon tayo ay namumuhay sa mundo na punong-puno ng


magagarang teknohohiya at mapapansin natin lalo na sa mga kabataan ngayon na
kahit saan makarating mula umaga hanggang hapon hindi man lang nawalay sa kanila
ang kanilang mga cellphone, tila baga nawawala sila kapag wala silang mga hawak na
cellphone, they might even feel lost. Nakapunta na ba kayo sa mga pasyalan gaya ng
Luneta park, Quezon City Circle, Sa tren o kahit saan pa mang lugar na may
nagtitipon na tao? kapansin-pansin na karamihan o halos lahat sa mga tao ay
nakatutok sa kani-kanilang cellphone o nakapasak ang kanilang mga earphone sa
tainga na para bang wala na silang pakiaalam sa nangyayari sa paligid nila. Sa
panahon ngayon na ang kagustuhan natin ay maging in or makasabay sa mga uso at
maging connected almost seems obsessive. Magsimula tayong magtanong sa ating
sarili, do I feel lost or naked kapag walang cellphone?

In this generastion masasabi kong ang teknohohiya ay nagiging sentro ng


buhay ng mga tao, sa bawat kilos at gawa naririyan ang teknohohiya, sabagay hindi
nga naman natin maipagkakaila ang tulong na naidudulot ng teknohohiya sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay. Tanong nga ng isang madre na mula sa Order of
Saint Benedict (OSB) at marahil isa ring malaking tanong sa ating lahat: is technology
ruling are lives be that personal, professional or spiritual? Has technology become our
God? Or have we lost sense of the “sacred” in our lives?

Sa mundong ito na punong-puno ng mga “easy access” dahil sa teknolohiya, nasaan


ang Dyos sa buhay mo? Naiisip mo pa ba siya sa kabila ng lahat ng mga bagay na
mayroon ka? Nawa’y wag nating kalimutan na kahit na mayroon tayong “easy
access” sa lahat ng bagay dito sa mundo ang Panginoon pa rin ang pinagmumulan ng
biyayang ito, kung naramdaman mo na kulang ka kapag wala kang cellphone o ano pa
mang bagay na ninanais mo, sana ay maisip mo na wala kang buhay kung wala ang
Diyos na nagbibigay buhay. A spiritual writter Alexander Bassile once said and I
quote “life without God is like un sharpened pencil, there is no point” end of quote.

Ang ikalawa ay ang mga salitang namutawi sa mga labi ni Hesus na


nagsasabing “Higit kayong mas mahalaga kesa sa mga ibon sa himpapawid” Jesus
warns his disciples to keep their priorities in order. Ayaw ni Hesus na mag-alala sila
sa mga maliliit na bagay. Ikaw bilang isang kabataan ano pa ang ikinababagabag ng
isip at puso mo ngayon? Ano ba ng ipinag aalala mo? Nag aalala ka ba kasi, 20 years
old ka na NBSB or NGSB ka pa din (no boyfriend or no Girlfriend since birth) o kaya
naman nagka jowa ka nga sablay naman nababagabag ka kasi iniisip mo na mo kailan
kaya ako makakahanap ng seseryoso sakin. Or nag aalala ka sa jowa mo kasi dahil sa
lock down matagal nang di kayo nagkikita, baka lock down nadin ang relationship
nyo? Iniisip mo ba Kung paano ka makakabili ng hero or skin sa ML, oh diba ang
dami natin ipinag aalala sa buhay. Bilang isang tao normal sa atin na mag-alala sa
kung papaano tayo makakaraos sa pang-araw-araw na buhay. Ang magulang natin
nag-aalala sila Kung ano ang ipapakain nila sa atin sa araw-araw, ang mga walang
tahanan at palaboy nag-aalala sila para sa kanilang masisilungan. lalo na sa panahon
ngayon na tayo ay dumaranas ng isang malaking crisis dahil sa pandemyang Covid 19.
At dahil sa kumakalat na sakit na ito na, hindi manlamang natin nakikita, lubos tayong
natatakot at nag aalala na baka mahawa tayo, at dahil sa crisi na ito marami ang
nawalan ng trabaho, marami ang nagugutom, marami ang nag aalala kung saan
makakakuha ng pang araw araw na ikabubuhay sapagkat walang trabaho libo libo ang
nawalan ng trabaho. Marami tayong ipinag-aalala at marami tayong ninanais at
ginugusto sa ating buhay ngunit kapag iyo nang natamo ang iyong mga kagustuhan,
natitiyak mo bang mapunuan nito ang mga pangangailangan mo? Sapat na ba ito? Life
is more that food and shelter or anything else uulitin ko Life is more than food and
shelter or anything else. Ang buhay na kaloob ng Panginoon ay higit pa sa lahat ng
ating mga pangangailangan, higit pa sa love life na meron ka, higit pa sa Victory na
makakamit mo sa ML. Kahit pa makamit natin ang lahat ng karangyaan sa mundong
ito kung wala naman si Kristo sa buhay natin. I tell you, you will never be satisfied,
tunay nga na ang Panginoon lamang ang makapagbibigay sa atin ng kapanatagan at
magpupuno sa buhay natin. Yes! There are many gifts in our wonderful world, but
without God it is nothing!

Huwag tayong masyadong mag-alala sa mga bagay-bagay sa buhay, hindi ko


sinasabing huwag na tayong kumilos o maging tamad na tayo, ang gusto ko lamang
sabihin ay “No more worries, God is in Control, just keep the faith, and trust in
Gods process.” Hindi kailanman tayo pababayaan ng Panginoon sapagkat sinasabi
nga niyang “Higit kayong mas mahalaga kaysa sa mga ibon sa himpapawid” kung ang
mga ibon nga ay pinapakain niya, tayo pa kayang mga minamahal niyang anak.
Gayun pa man madalas pa rin nating hanapin ang pagmamahal sa mga maling lugar,
tao o ano pa mang bagay sa mundo. Kaya ang hamon ko sa inyong lahat ngayon,
simulan nating hanapin sa Panginoon ang kapayapaan, biyaya at kaligayahan!
Spagkat siya lamang ang nag iisang makapag bibigay nito sa atin wala ng iba pa.
Amen

You might also like