You are on page 1of 2

Mga Takdang Gawain sa Kabanata 2:

Pangalan: _________________________________ Puntos: ____________________

Antas/Kurso/Seksyon: _______________________ Petsa: _____________________

Panuto: Tugunan nang maayos ang sumusunod na mga kahilingan. Ipasa ito sa Setyembre 20, 2021.

1. Gamit ang Timeline Graphic Organizer sa ibaba, gawan ng balangkas (outline) ang bawat Yugto
ng Kasiglahan ng pagsasaling-wika sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga
mahahalagang punto lamang. Isaad ang pinakamahalagang pokus sa pagsasaling-wika ng bawat
yugto. Isulat sa mga patlang ang iyong ginawang balangkas.

Unang Yugto ng
Kasiglahan Mga Yugto ng Kasiglahan sa
Pagsasaling-wika

Ikalawang Yugto ng
Kasiglahan

Ikatlong Yugto ng
Kasiglahan

Ikaapat na Yugto ng
Kasiglahan
Ikalimang Yugto ng
Kasiglahan

2. Ipaliwanag kung paano naging kasangkapan ang pagsasaling-wika sa pagpapairal ng mga Kastila
ng kanilang dalawang magkakawing layunin - Kristiyanisasyon at Hispanisasyon?

3. Ilahad nang maayos ang mga pangunahing kahalagahan sa pagsasalin ng mga sumusunod:

a. mga materyales pampaaralang nasusulat sa Ingles

b. mga katutubong panitikang di-Tagalog

c. mga panitikang banyaga tulad ng Afro-Asian Literature

FIL 117 – INTRODUKSYON SA PAGSASALING-WIKA


Tagapaglinang ng Kurso: Anazel Vergara-Estilo, LPT, MAT
4. Sinasabing "Tayo ay mga 'nawawalang kaluluwa' sa ating sariling bayan". Ipaliwanag ang mahalagang
papel na dapat gampanan ng pagsasaling-wika upang matagpuan natin ang ating sarili.

5. Ipaliwanag: "Ang pagsasaling-wika bilang isang sining o propesyon ay hindi pa gaanong nakakalayo sa
kanyang kuna".

6. Sumulat ng isang maikling sanaysay (essay) na ang paksa ay ang mahalagang papel na ginagampanan
o maaaring gampanan ng pagsasaling-wika tungo sa pag-unlad ng bansang Pilipinas.

"Ang matalino ay nagdaragdag ng kaalaman, ang may


unawa y' namumulot pa ng karunungan.”
Mga Kawikaan 18:15 RTPV05

FIL 117 – INTRODUKSYON SA PAGSASALING-WIKA


Tagapaglinang ng Kurso: Anazel Vergara-Estilo, LPT, MAT

You might also like