You are on page 1of 4

Unang Markahang Pagsusulit

Edu2112 - Pagsasalin sa Iba’t-ibang Disiplina


Unang Semestre 2022-2023

Pangalan: _________________ Marka: ___________


Kurso/Block:_______________ Permit # __________

I Kaalaman
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng
tamang sagot sa bawat bilang.

1 Ito ay tumutukoy sa pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na


mensahe ng tekstong isinalin sa wika o dayalektong pinagsasalinan.
a Pagbabaybay
b Panghihiram
c Pagsasalin

2 Ang pagsasalin sa Pilipinas ay nagsimulang magkaanyo sa anong panahon


kung saan binigyang-diin ang pagpapalaganap ng kristiyanismo?
a Panahon ng Amerikano
b Panahon ng Kastila
c Panahon ng Hapon

3 Ito ang ikatlong yugto ng kasiglahan n g pagsasalin kung saab nakadiin ang
pagsasalin sa Filipino ng mga kagamitang pampagtuturong nakasulat sa
Ingles.
a Panahon ng Kastila
b Patakarang Bilinggwal
c Panahon ng Amerikano

4 Tumutukoy ito sa ikaapat na yugto kung saan kailangang-kailangan na


maisagawa ang pagsasalin ng mga epiko atbiba pang panitikan kung
talagang hangad nating makabuo ng panitikang matatawag na Pambansa.
a Panahon ng Amerikano
b Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikang Di-Tagalog
c Panahon ng Kastila

5 Ito ang metodo sa pagsasalin na itinuturing na pinakamalayang anyo


ng salin at kadalasang ginagamit sa salin ng awit, tula at dula na halos
tono na lamang o pangkalahatang mensahe ang nailipat sa salin.
a Salita-sa-salita
b Literal
c Adaptasyon
6 Kapag ang salin ay walang control at ipinahihintulot ang pagdaragdag o
pagbabawas ng mga salita upang mas mapalutang ang kahulugan ng
orihinal, anong metodo sa pagsasalin ang ginamit?
a Adaptasyon
b Malaya
c Literal

7 Kapag ginamitan ng idyoma ng TL at naging iba ang porma ng pahayag


ngunit ang mensahe ay naihayag sa paraang kawili-wiling basahin, ang
metodong ginamit sa pagsasalin ay:
a Matapat
b Literal
c Idyomatiko

8 Ang nagsalin ng 2 mahalagang nobela ni Rizal na kauna-unahang salin


sa wikang pambansa na naglayong maipabatid sa sambayanang Pilipino
ang pagmamalabis at pang-aaping ginagawa ng mga Kastila
a Sofronio C. Calderon
b Rufino Alejandro
c Feliciano Aquino

9 Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan


sa pagpapahayag ng sariling kulturang kinabubuhulan nito, nagpapatunay
lamang ito na ang tagapagsalin ay dapat magtaglay ng katangiang:
a Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin
b Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
c Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang
kaugnay sa pagsasalin

10 Kailangang maunawaan ng tagapagsalin ang pagkakaiba sa balangkas ng


pangungusap sa Ingles at sa Filipino, kaya’t ang tagapagsalin ay dapat
mag-angkin ng katangiang:
a Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
b Sapat na kaalaman sa gramatika ng 2 wikang
kasangkot sa pagsasalin
c Sapat na kaalaman sa kultura ng 2 bansang kaugnay sa
pagsasalin

II Analisis
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na terminolohiya
sa ibat-ibang disiplina/larangan at katumbas na kahulugan
nito sa Filipino. Isulat sa patlang ang HN kung hindi naisalin
sa Filipino bagama’t binaybay at nanatili ang orihinal na salita
at N kung naisalin sa Filipino.

11. _______ accent - diin


12. _______ beat - kumpas
13. _______ code - koda
14. _______ exercise - pagsasanay
15. _______ culture - kultura
16. _______ folk music- awiting bayan
17. _______ mark - tanda
18. _______ measure - sukat
19. _______ mood - damdamin
20. _______ note - nota
21. _______ calamity - kalamidad
22. _______ earthquake- lindol
23. _______ landslide - pagguho ng lupa
24. _______ tsunami - tsunami
25. _______ awareness - kamalayan

26. _______ composition - komposisyon


27. _______ asthma - hika
28. _______ fever - lagnat
29. _______ cognitive - kasanayang pangkaisipan
development
30. _______ assessment - pagtataya

III. Sintesis
Panuto: Isalin sa wikang Filipino ang mga sumusunod na terminolohiya
ayon sa tuntunin.

31. phrase
32. structure
33. epicenter
34. computer literacy
35. nosebleed
36. bossom friend
37. questionnaire
38. disaster preparedness
39. government controlled
40. pizza pie
IV Ebalwasyon
Panuto: Talakayin at bigyan ng halimbawang patunay ang mga
41- 50 kahalagahan ng pagsasalin (10 puntos)
Rubriks:
nilalaman (4 pts); malinaw ang pagtalakay
sa mga patunay (3 pts.); maayos ang gramatika
at ang paggamit ng bantas (3 pts.)
kabuuan = 10 pts.
-x-x-x-

Inihanda ni: Sinuri: Pinagtibay:

Josefina O. Aranel Ruth C. Alfonso, Ed.D. Rosalyn B. Bilog, MAN


Guro Dekana, ITE/Gen.Ed. Director for Instruction

You might also like