You are on page 1of 1

Lesson: THE POWER OF THE NAME OF JESUS June 25, 2014

Ang pangalan ng Panginoon: Greek name ay Jesus, at Hebrew name ay Yeshua. Ang pangalang Yeshua ay may
kahulugang “The Lord Saves”. Sa tagalog, ang Panginoon ay nagliligtas. “Sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa
kanilang kasalanan.” (Mt 1:21)
Ang Mabuting Balita tungkol sa Panginoong Jesus ay dapat na ipangaral. “Sinabi niya sa kanila, “Ganito ang
nasusulat: kinakailangang maghirap at mamatay ang Cristo; at pagkatapos, siya'y muling mabubuhay sa ikatlong araw. Sa
kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa
Jerusalem. Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito." (Lucas 24:46-48 RTPV05)
Ang lahat ng mananalig sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas. “At mangyayari na ang sinomang tumawag sa
pangalan ng Panginoon, ay maliligtas” (Mga Gawa 2:21 TLAB). May dalawang kaloob ang Diyos sa mananalig, magsisisi o
tatalikod sa kasalanan at magbabalik-loob sa Diyos: kapatawaran sa kasalanan at ang Banal na Espiritu para sangkapan
ng kapangyarihan ng Diyos ang bagong nananalig sa Panginoon. “At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at
mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at
tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo” (Mga Gawa 2:38 TLAB).
Ang bawat mananalig ay pinagkatiwalaan ng autoridad at kapangyarihan..At lalakip ang mga tandang ito sa
magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa aking pangalan; mangagsasalita sila ng mga bagong wika;
Sila'y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi
makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit, at sila'y magsisigaling. (Marcos 16:17,
18 TLAB).
Ang Panginoon ay may itinatag na pangako para tugunan ang lahat ng ating kailangan bilang lingkod ng Diyos. “At
anumang hilingin ninyo sa aking pangalan ay gagawin ko upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Kung
hihiling kayo ng anuman sa aking pangalan, ito ay aking gagawin.” (Juan 14:13, 14 RTPV05)

A. Ang Kapangyarihan ng Pangalan ng Panginoon (Filipos 2:8-11)


1. Tal 8 Ano ang hakbang ng pagpapatunay ng pagpapakumbaba ng Panginoon? _________________________________
Ayon sa halimbawa ng Panginoong Jesus, paano natin patutunayan sa Lord ang ating humility? _____________________
2. Tal 9-10 Ano ang pagpapala na ipinagkaloob ng Diyos kay Jesus sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Ama? _________
Basahin ang Mateo 28:18, kaninong pangalan ang may autoridad at kapangyarihan dito sa lupa at sa kalangitan? ______
Sakop ba nito ang kingdom of darkness at lahat ng may pangalan o title dito sa lupa? _____________________________
3. Fil 2:11 Paano natin mapaparangalan ang Ama sa bawat atake ng kaaway o pagharap sa anumang pangyayari sa ating
buhay? ________________________________________

B. Taglay natin ang Pangalan ni Jesus


1. Nakipagisa na tayo sa Panginoon (2 Cor 5:17)
2. Ipinagkatiwala sa atin ang pagdadala ng Pangalan ni Jesus sa mga tao para sila ay mailigtas – both physically at
spiritually (Mt 28:19-20, Mk 16:15, Lk 24:45-48)
3. Gamitin natin ang Pangalan ni Jesus. “At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng
Panginoong Jesus at sa pamamagi -tan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.” (Mga Taga-Colosas 3:17 RTPV05)

C. Application
1. Taglay natin ang makapangyarihang Pangalan ng Panginoon. Itatag natin ang ating pananampalataya sa Kanya. Ito ang
sinabi ni Pedro, “By faith in the name of Jesus, this man whom you see and know was made strong. It is Jesus’ name and
the faith that comes through him that has completely healed him, as you can all see.” (Acts 3:16 NIV)
2. Palakihin natin ang ating faith through prayer with fasting (Mt 17:19-21)

You might also like