You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


STO TOMAS, BATANGAS BRANCH

Pangalan: Plaza, Marife M.


Seksyon: BSEDEN 1-1

Aralin 4
Pagsasalin at Pambansang Kaunlaran

Pangkalahatang Panuto: I-pdf na lamang ang kabuuang awtput. Maaari ring hindi na gumamit
ng guhit sa bawat bilang.

I. Paglinang ng Kasanayan-Wikang Katutubo


Panuto: Maglista ng tatlumpong (30) salita na nasa Wikang Filipino at isalin ito gamit ang iyong
Katutubong Wika.

(Wikang Filipino – Batangueno)

1.Marumi – Damusak
2.Basang basa – Latite
3.Kabinet – Eskaparate
4.Karga – Suong
5.Dito – Dine
6.Kulang – Kapus
7.Burara – Samlang
8.Lukso – Damba
9.Silaw – Sulo
10. Patak – Lagpak
11. Maikli – Mautdo
12. Sampal – Sampiga
13. Suntok – Sumbi
14. Binato – Balibang
15. Abot – Dukwang
16. Hakbang – Lakdaw
17. Iyak – Atungal
18. Inis – Adwa
19. Gulat – Gitla
20. Langgam – Guyam
21. Nagmamadali – Dagasdas
22. Sundo – Kaon
23. Kagulo – Karibok
24. Asar - Kantyaw
25. Gutom – Pasal
26. Pulot – Dampot
27. Apaw - Sanaw
28. Bulok – Pagulpol
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH

29. Hilik – Harok


30. Banyo – Kasilyas

II. Kaalamang Bayan


A. Panuto: Sagutin nang buong husay ang mga bugtong na nakalahad sa ibaba.

Bugtong
1. Sa bahay ni Tiya Ines
Pinapalibutan ng Butones
Sagot: Atis
2.Sa una’y malambot
Pangalawa’y matigas
Pangatlo’y maputi
Pang-apat ay alak
Sagot: Buko
3.Isang butil ng palay
Sakop lahat ang buong bahay
Sagot; Ilaw
4.Maliit pa lang si kumpare
Nakaaakyat na sa tore
Sagot: Langgam
5.Matibay na kahoy
Bali sa gitna.
Sagot: Gunting
6.Matanda na ang nuno
Hindi pa naliligo
Sagot: Pusa
7.Pagbukas ko sa kurtina
Kinain ko ang reyna
Sagot: Saging
8.Hawakan mo ang buntot ko
Atatalon ako
Sagot: Tabo
9.Nagbigay nay sinakal pa
Sagot: Bote
10.Kung umaga ay nag-aaway,
kung gabi ay magkaibigan
Sagot: Banig
11. ” Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.” *Bayong
12. “Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.” *Kandila
13.“Sapagkat lahat na ay nakahihipo; walang kasindumi’t walang kasimbaho; bakit mahal
nati’t ipinakatatago.” *Salapi
14. “Tinuktok ko ang bangka, naglapitan ang mga isda.” *Kampana
15. “Dala niya ako, dala ko siya.” *Tsinelas

2
PAGSASALING-WIKA
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
STO TOMAS, BATANGAS BRANCH

16. “Ang sariwa’y tatlo na, ang maitim ay maputi na, ang bakod ay lagas na.” *Matanda
17. “Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan.” *Kulog
18. “May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang
hagdanan.” *Kumpisalan
19. “Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.” *Balimbing
20. “Nagtanim ako ng isip sa gitna ng tubig, dahon ay makitid, bunga ay matulis.” *Palay

B. Panuto: Sagutin ang palaisipang nakalahad sa ibaba. (5 puntos)

May tatlong pinto na kailangan mong daanan para makalabas. Kaya lang, sa likod
nito ay may mga panganib. Sa isang pinto, may napakalaking apoy sa dadaanan
palabas. Sa ikalawa naman ay mayroong babaril sa iyong dalawang lalaki. Habang sa
huli naman ay may isang leon na tatlong taon nang di kumakain. Saan ka dadaan? at
Bakit?

Para sa akin sa huling pinto ako dadaan kung saan mayroong Leon na tatlong taon ng
hindi nakakain. Bakit? Dahil kung tatlong taon ng hindi nakakain ang nasabing Leon malamang
sa malamang kung hindi ito nanghihina na ay maaring matagal na itong patay at sa labasan
lamang na iyon nahimlay dagdag pa rito kung buhay pa nga ito tiyak na buto’t balat na ito at
hirap ng kumilos. Mas madali para sa akin ang makalabas ng ligtas sa ikahuling pintuan dahil
nga mismo sa kalagayan ng Leon nakakasiguro akong kung buhay ito ay madali ko lamang na
itio ay malusutan dahil sa istado o lagay ng kanyang kalusugan.

III. Industriya
Panuto: Pumili ng isang industriya sa mga tinalakay at ibigay ang kahalagahan ng pagsasalin
sa industriyang ito.

Edukasyon…sektor ng industriya kung saan ito ang nangangasiwa sa paglinang ng


kaisipan, kakayahan at abilidad ng bawat mamayan ng lipunan. Mahalaga sa industriyang ito ang
pagsasalin, una ay dahil sa tulong ng pagsasalin ng mga kagamitan pangedukasyon tulad ng mga
aklat at iba pang mahahalagang dukomentong pangpaaralan mas lumalawak ang antas ng
karunungan ng hindi lamang mga estudyante bagkus pati na rin ng lahat ng mga mamayan. Bakit?
Kasi dahil sa tulong ng pagsasalin ang mga salitang mahirap intidihin para sa isang individwal lalo
na at nakalimbag ito sa ibang lengwahe na hindi malinaw para sa kanya nakakatulong ito upang
maunawan nyang lubos ang kontekstong nais na ipahiwatig ng isang akda, kung maisasalin ito ay
magiging madali na para sa kanyang maproseso kung ano nga ba at kung tungkol saan ito.
Pangalawa, mahalaga ang pagsasaliin dito sapagkat ito ang pinakamahalaga at mas dapat
pagtuunang pansin sa lahat ng sector ng industriya. Bagaman natatamasa natin ang kaunlaran
dito sa bansa marapat lamang na hindi mawaglit sa ating isipan na bukod sa lakas paggawa,
edukasyon ang syang puno’t dulo ng lahat ng kasaganan dito. Kung kaya naman sa tulong ng
pagsasalin nagagawa nitong mapalawak ang bawat kaisipang dulot ng edukasyon sa tulong nito
nagagawang magkaroon ng iisang ideya at kaalaman ang bawat individwal nasaan mang panig ng
daigdig ano mang lengwahe at lahi.

3
PAGSASALING-WIKA

You might also like