You are on page 1of 1

SUIZO, JOHN LLOYD D.

SEPTEMBER 18, 2021


MINDANAO STATE UNIVERSITY – MARAWI CAMPUS

REPLEKSYON: LECTURE SERIES

Sa ika-14 hanggang 17 ng Setyembre 2021, kami ay pinahihintulutan na manood ng lecture series na


makikita sa Youtube Channel ng mismong unibersidad. Natapos ang kaganapang ito sa loob ng apat na
araw na kung saan, sa bawat araw ay magkakaroon kami ng dalawa o higit pa na mga talakayan
patungkol sa paaralan at pati na rin sa aming pag-aaral na tiyak na makakatulong sa aming mga
estudyante.

Nagsimula ang pagbibigay ng mga lecture series pagkatapos ng unang araw ng Introductory Academic
Program. Habang ipinapatuloy pa ang pagbibigay ng mga leksyon, parami nang parami ang aking mga
natutunan hindi lang sa unibersidad mismo kundi pati na rin sa mga importanteng kaalaman na hindi na
gaanong pamilyar sa amin o mas higit pa rito, ito’y aming nakalimutan na. Isa na rito ang grammar
review na itinalakay sa ikaapat na araw ng programa. Ito ang pangalawang leksyon na kung saan kami ay
tinuruan sa kung ano ang mga wastong pamamaraan sa paggamit ng lengguwaheng Ingles. Ito ma’y
itinuro sa amin noon ng paulit-ulit, kinakailangan pa rin namin itong balikan sa kadahilanang marami pa
rin sa aming mga estudyante ang di gaanong magaling sa paraan ng paggamit ng ganitong lengguwahe.

Ilan lang ito sa mga natutunan ko sa ibinahaging mga leksyon na aming natunghayan sa plataporma.
Ako’y nagagalak nang dahil sa mga natutuhan kong kaalaman at hindi ko inasahan na sa ganitong paraan,
marami akong nakalap na impormasyon kahit hindi pa kami nagsimulang magkaroon ng regular classes.

You might also like