You are on page 1of 3

Kalakip Blg.

INTERBENSIYONG PROGRAMA/GAWAIN PARA MATUGUNAN ANG MGA DI-GAANO


AT HINDI NAMASTER NA MGA KASANAYAN SA FILIPINO
Taong Panuruan: 2020 – 2021

Paaralan: Maguikay High School


Interbensiyong Programa/Gawain: Mga Gawaing Interbensiyon: Kagalingang Panlahat

I. MAIKLING DESKRIPSIYON NG PROGRAMA

Ang Maguikay High School ay nagbibigay ng mga opsiyon sa isang nagpapatuloy na


gawain sa mga estudyante na nalamang karapat-dapat para sa espesyal na pag-aaral ng
aralin. Dapat munang isaalang-alang ng mga pangkat ng mag-aaral ang silid-aralan para sa
pangkalahatang edukasyon sa pagsisiyasat ng pinakamabuting kapaligiran para sa
paghahatid ng mga serbisyo sa espesyal na pag-aaral ng kanilang mga aralin. Ang mga
gawain sa espesyal na pag-aaral ng aralin ay ibinibigay sa sari-saring paraan na naaayon sa
kakayahan ng mga mag-aaral sa pagkatuto.
Ang pagbibigay ng interbensiyon ay isang patuloy na gawain. Ito ay magpapatuloy
hangga’t may mga gawain sa pagtuturo na hindi pinagkadalubhasaan. Kapag may
pangangailangan, nagsisimula itong muli hanggang matamo ang layunin ng aralin.

II. LAYUNIN NG PROGRAMA/GAWAIN

Ang pinakalayunin namin ay makutulong sa mga estudyante upang mas mapabuti at


matuto sila ng iba’t ibang aralin. Maganda ang naging proyekto ng aming guro na tumulong
kami sa pagreremedyal dahil hindi sapat kung kami ay lagi lamang nakaupo. Dapat bawat isa
sa amin ay may pagkilos at ‘yun ay ang makatulong nang nakangiti at walang hinihinging
kapalit.
III. TALAAN NG MGA DI-GAANO AT HINDI NAMASTER NA KASANAYAN SA FILIPINO

BAITANG DI-GAANONG NAMASTER NA MGA HINDI NAMASTER NA MGA


KASANAYAN KASANAYAN
7  Naiisa-isa ang mga hakbang na  Wala
ginawa sa pananaliksik mula sa
napakinggang mga pahayag

8  Naibabahagi ang sariling opinyon  Wala


o pananaw batay sa
napakinggang pag-uulat

9  Naisusulat ang isang maikling  Napaghahambing ang


dula tungkol sa karaniwang mga napanood na dula
buhay ng isang pangkat ng tao sa batay sa mga katangian
ilang bansa sa Asya at elemento ng bawat isa

10  Natatalakay ang mga bahagi ng  Wala


pinanood na nagpapakita ng mga
isyung pandaigdig

IV. PROSESO NG PROGRAMA/GAWAIN

Karamihan nating makikita ang Remedyal sa isang eskwelahan. Ginagawa ito ng isang
guro sa mga estudyanteng hindi nakasusunod sa itinuturo. Itinuturing din itong Remedyal
na tulay upang lubos na matuto ang mga mag-aaral sa ibinahaging aralin. Ang mga
estudyanteng nahuhuli sa klase o sa asignatura ay kinakailangang mag-remedyal. Bawat
isang asignatura ay kailangang magremedyal. Kadalasan ng mga asignatura na mahihirap
nagkakaroon ng remedial. Halimbawa dito ay ang pagbabasa at wastong paggamit ng wika.
Ang pagreremedyal ay nakatutulong sa pagpapataas ng marka ng isang mag-aaral. Marami
sa mga mag-aaral na nagreremedyal ay ang mga madalas lumiban sa klase, at hindi
makapagpokus sa asignatura.
V. PARAAN NG PAGSUSUBAYBAY NG PROGRAMA/GAWAIN

Ang bawat aralin na itinuturo ay dapat masuri upang matukoy kung ito ay
pinagkadalubhasaan o hindi. Ang mga resulta ay nagpapahiwatig kung kinakailangan bang
muling ituro o hindi na ituro ang nasabing aralin. Maingat na pag-aralan ang mga resulta ng
pagsusulit. Ang gawain ng mga mag-aaral ay dapat makita at ang dalas ng mga
pagkakamaling nabanggit upang makita ang karaniwang bagay na hindi nakuha ng
karamihan ng mga mag-aaral.

VI. KINALALABASAN NG PROGRAMA/GAWAIN

Ang mga natuklasan ay gagawing batayan at gagawing gabay sa pagtaguyod ng


kasanayan at kaalaman na bibigyang remedyal.Kapag ang lahat ng mga mag-aaral o ang
pagganap sa klase ay mababa sa markang 75% sa ilalim ng kasanayang pagkatuto, ang guro
ay dapat na gumawa ng karagdagang pagsisikap upang matuklasan kung saan siya nabigo sa
kaniyang pagtuturo. Dapat suriin niyang muli ang mga estratehiya at mga aktibidad ng aralin
na ipinakilala, tungkol sa kanilang pagiging angkop at pagiging akma sa mga kakayahang
pangkaisipan ng mga mag-aaral.

Kapag ipinakita ng resulta ng pagsusuri na ang ilang mag-aaral ay hindi nakakuha ng


nais na antas ng pagganap, marapat lamang na bumuo ng kumpol na makatatanggap ng
espesyal na pokus o pansin sa panahong remedyal. Ang mga mag-aaral na nakapasa ay
bigyan sila ng pagpapaunlad na pagsasanay habang ang guro ay nagbibigay ng espesyal na
aralin sa mga mahihinang mag-aaral. Pagkatapos ng bawat aralin, dapat na sukatin ng guro
ang antas ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng mga pagsubok.

Ang mga resulta ay dapat na maayos na naitala upang masubaybayan at matiyak ang
dami ng natamo sa nakuhang proseso. Matutulungan din nito ang guro na tukuyin kung saan
magtatapos ang remedyal sa isang partikular na aralin na pinagtitibay ng kasanayan sa oras
at pagsisikap.

Inihanda ni:

_________________
Filipino Koordineytor

______________
Paaralan

_____________
Petsa

You might also like