You are on page 1of 16

5

Physical Education
Unang Markahan – Modyul 1:
Physical Activity Pyramid
Physical Education – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Physical Activity Pyramid
Unang Edisyon, 2020

Nakasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang- aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Myra B. Cezar


Editor: Ryan E. Depalco, Rhea Jane D. Palita
Tagasuri: Gilda C. Baleña, Allan M. Rosello EdD
Tagaguhit: Patmar D. Abracia
Tagalapat: Arielyn Mae A. Gudisan
Tagapamahala:
Ramir B. Uytico
Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino
Joy B. Bihag
Ryan R. Tiu
Nova O. Gorge
Carmelino P. Bernadas
Rey F. Bulawan
Nicolas G. Baylan
Neil G. Alas
Imelda E. Gayda
Abelardo G. Campani
Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region VIII

Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte


Telefax: 053 – 323-3156
E-mail Address: region8@deped.gov.ph
5

Physical Education
Unang Markahan – Modyul 1:
Physical Activity Pyramid
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Physical Education 5 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Physical Activity Pyramid!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idisenyo, nilinang at sinuri ng mga


guro mula sa pambubliko at pribadong institusyon upang gabayan ka, at
tulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinagtatagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makapag-uugnay sa mga mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mga mag-aaral upang makamit
ang mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagang materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang mabibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung papaano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang
kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Physical Education 5 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Physical Activity Pyramid!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawain para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pagpupuno sa patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagan
g Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
nakapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Pansinin ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay nahihirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang tanungin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang wastong kaangkupang pisikal ay dapat laging panatilihin. Ito ay mangyayari lamang
kung maisasagawa sa lahat ng pagkakataon ang mga angkop na gawain. Bukod dito,
kailangan ding matutunan ang mga gawain sa Physical Acitivity Pyramid Guide.

Layunin ng modyul na ito ang mga sumusunod:


1. Nailalarawan ang Philippine Physical Activity Pyramid;
2. Naisasagawa ang mga gawaing pisikal na mas nakabubuti sa kalusugan ayon sa
Physical Activity Pyramid Guide; at
3. Naipapakita ang kasiyahan sa pagsasagawa ng mga gawain.

Subukin

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang puwang kung ang pangungusap ay tama at ekis (x) kung
ito ay mali. Isulat ang inyong sagot sa kwaderno.

1. Ang kaangkupang pisikal ay ang kakayahan ng katawan na gawin ang pang


araw-araw na gawain ng walang kapaguran.
2. Magsuot ng tamang kasuotan sa pagsasagawa ng mga gawain sa kaangkupang
pisikal.
3. Ang mga gawain sa kaangkupang pisikal ay dapat isagawa nang tatlo hanggang apat
na beses sa isang linggo.
4. Ang pagsali sa mga gawain sa kaangkupang pisikal ay nakatutulong sa pagpapalakas
ng katawan.
5. Ang taong mahina ang pangangatawan ay makapagsasagawa ng skill-related
fitness components.
6. Ang pag-eehersisyo ay nakatutulong upang mapaunlad ang kaangkupang pisikal.
7. Ang mga gawaing pampalakas ng katawan ay dapat isagawa nang madalian.
8. Kailangan ng tamang iskedyul ang mga gawaing pampalakas ng katawan.
9. Ang warm-up ay hindi na kailangan sa mga gawaing pampalakas ng katawan.
10. Ang paglalaro ng video games ay maaaring gawin araw-araw.

1
Aralin Physical Activity Pyramid
1
Malakas ba ang pangangatawan mo? Ang malakas na pangangatawan ay mahalaga upang
maisagawa ang pang araw-araw na gawain ng walang pagod.
Sa araling ito ay matututunan ang iba’t ibang pisikal na gawain na maaaring isagawa ayon
sa mga antas (level) na makikita sa Physical Activity Pyramid.
Sa pamamagitan ng pagsunod nito ay mapapaunlad ang kakayahang pisikal ng bawat isa.

Balikan

Panuto: Isagawa ang mga pampasiglang gawain na natutunan sa ikaapat na baitang.

- Pag-jogging sa sariling lugar


- Pagpapaikot ng braso
- Pagpapaikot ng tuhod
- Pag-unat ng braso

Tuklasin

Ano ano ang ginagawa ninyo araw-araw? Sa mga gawaing inyong nabanggit, alin ang
ginagawa ninyo ng isang beses sa isang linggo, dalawa hanggang tatlong beses sa loob ng
isang linggo, at tatlo hanggang limang beses sa loob ng isang linggo? Alin sa mga gawaing
nabanggit ninyo ang kawili-wiling gawin? Bakit?
Suriin

Physical Activity Pyramid Guide

Ang Physical Activity Pyramid na makikita sa itaas ay binubuo ng mga gawaing pisikal
(physical activity) na hinati sa apat na antas(levels) kung saan ang bawat antas ay tumutukoy
sa rekomendadong dalas ng paggawa (frequency) ng iba’t ibang mga gawaing pisikal. Ang
gawaing pisikal ay tumutukoy sa anumang pagkilos ng katawan na nangangailangan ng
enerhiya. Ito ay maaaring madali o may kahirapan na gawain. Ang dalas ng paggawa ay
tumutukoy sa dami ng bilang ng paggawa ng isang gawain.

Ang pinakamababang antas ay mga gawain na inirerekomendang araw-araw gawin.


Halimbawa, paglalakad papuntang paaralan, pagpapakain ng alagang hayop, pamumulot ng
basura. Ang pangalawang antas mula sa ibaba ay mga gawaing 3-5 beses na rekomendadong
gawin. Halimbawa, paglalaro ng Volleyball, pagbibisikleta. Ang ikatlong antas ay mga
gawaing 2-3 beses na rekomendadong gawin. Halimbawa, push-up, pull-up, pagsayaw ng
ballroom. Ang nasa tuktok naman ay mga gawaing isang beses lamang na rekomendadong
gawin. Halimbawa, panonood ng telebisyon, paghiga nga matagal.
Pagyamanin

Panuto: Pangkatin ang mga sumusunod na gawaing pisikal ayon sa Philippine


Physical Activity Pyramid. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

paglakad papunta sa tindahan basketbol


maghapong panonood ng telebisyon Golf
pagsasayaw Skateboarding
Volleyball pagpapakain sa mga alaga
pagtulong sa mga gawaing bahay paglalaro ng online
game Martial arts

Araw-araw 3-5 beses sa isang 2-3 beses sa isang Isang beses


linggo linggo

Isaisip

 Ang Physical Activity Pyramid Guide ay gabay kung papaano mapauunlad ang
gawaing pisikal hanggang ito ay maging bahagi ng pang araw-araw na gawain.
Isagawa

A. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bawat gawain ayon sa inyong pagsasagawa.

Araw- 3-5 2-3 1 beses/


Gawain araw beses/ beses/ linggo
linggo linggo
Paglalakad
(papunta ng paaralan, palengke)
Pag-jojogging
Paglalaro
(habulan,taguan
Piko,at iba pang laro)
Pagsasayaw
(hiphop,zumba)
Paglalaro ng computer, panonood ng TV

B. Panuto: Isulat kung ilang beses mo ginagawa ang mga sumusunod na gawain.

Gawain Bilang ng beses


Pagluluto
Pagguhit
Pamumulot ng basura (sa paligid ng
bahay, paralan)
Pagtugtog ng instrumento
Pagtulong sa mga gawaing bahay

Aling mga gawain ang sa tingin mo ay dapat mong dalasan pa ang paggawa? Bakit? Ano
ano ang mga kaugaliang nalilinang sa mga gawaing ito? Paano mo ito mapapahalagahan?
Tayahin

A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

1. Alin ang hindi nakatutulong sa pagpapaunlad ng kaangkupang pisikal?


A. Paglalaro ng computer games
B. Luksong lubid
C. Pag-eehersisyo
D. Paglalakad

2. Ito ay kahalagahan ng pisikal na gawain.


A. Nagpapalakas ng katawan
B. Nagpapalakas ng pulso
C. Hindi nagiging aktibo ang katawan
D. Nagpapatigas ng kalamnan

3. Aling gawain ang ginagawa araw-araw?


A. Paglalaro ng Volleyball
B. Pag-akyat sa hagdan
C. Pagbebesikleta
D. Pag-upo ng matagal

4. Ang gawaing pisikal sa bawat linggo ng isang tao ay kailangang .


A. Dalangan
B. Iwasan
C. Dagdagan
D. Bawasan

5. Ang pagsasayaw ng modern dance o ballroom ay dapat gawin ng .


A. 2-3 beses sa isang linggo
B. 3-5 beses sa isang linggo
C. 6-7 beses sa isang linggo
D. Araw-araw

6. Ang pagbebesikleta, skateboarding at paglalaro ng basketbol ay kailangang gawin


nang .
A. 2-3 beses sa isang linggo
B. 3-5 beses sa isang linggo
C. Isang beses sa isang linggo
D. Araw-araw

7. Alin ang kailangang gawin ng madalang ayon sa Philippine physical activity pyramid?
A. Paggamit ng hagdan sa pag-akyat
B. Paglalaro ng volleyball
C. Pagdidilig ng halaman
D. Paglalaro ng computer game
8. Ang mga gawaing pampalakas (strength) at kahutukan (flexibility) ay kailangang gawin
nang .
A. Madalang
B. 2-3 beses sa isang linggo
C. 3-5 beses sa isang linggo
D. Araw-araw

9. Ang ay binubuo ng mga gawaing pisikal na hinati sa apat na antas


(levels).
A. Philippine Physical Activity Pyramid
B. Philippine Physical Examination Guide
C. Philippine Physical Activity Test
D. Philippine Physical Admission Test

10. Aling antas lebel sa physical activity pyramid nabibilang ang pagpapakain ng mga
alagang hayop, paglalakad papunta sa paaralan at pamumulot ng mga kalat?
A. Isang beses sa isang linggo
B. 2-3 beses sa isang linggo
C. 3-5 beses sa isang lingo
D. Araw-araw

Karagdagang Gawain

Panuto: Magbigay ng tigdalawang pisikal na gawain maliban sa nabanggit sa pagyamanin at


isagawa.
Gawain sa:
A. Araw-araw
B. 3-5 beses sa isang linggo
C. 2-3 beses sa isang linggo
D. 1 beses sa isang linggo
Sanggunian
Bernardino T. Montes, 1995, Magpalakas at Umunlad 5, Unang Yunit Pagpapaunlad ng
Kaangkupang Pisikal, 3

Department of Education, 2016, K to 12 Curriculum Guide in Physical Education, 30

DepEd R8, 2016, Learner’s Material 5, Yunit 1, 1-3

DepEd R8, 2016, Teacher’s Manual 5, Yunit 1, 3-8

"Physical Activity Pyramid Infographic Vector Image On Vectorstock". 2020. Vectorstock.


https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/physical-activity-pyramid-infographic-vector-2973643.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-

1054; 8631-4985
Email Address: *

You might also like