Ap7 1stquarter Aralin3 Final

You might also like

You are on page 1of 30

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan –Modyul 3:
Ang Mga Likas na Yaman ng Asya
Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD.,CESO V
Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD.
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Reysielyne S. Espino / Rose Ann S. Pahati
Ma. Imee G. Torres
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Virgilio L. Laggui PhD /
Eva Fe Taclibo PhD / Rizaldy Aglipay
Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD /
Bennedick Viola / Anastacia M. Victorino PhD
Tagasuri sa ADM: Jovannie B. Belmonte
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jovannie B. Belmonte
Tagaguhit: Ma. Imee G. Torres / Maesie T. dela Peña
Tagalapat: Ma. Imee G. Torres / Joyce O. Saraza
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R.Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

ii
7

Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 3:
Ang Mga Likas na Yaman ng Asya

iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mga Likas na Yaman ng Asya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mga Likas na Yaman ng Asya.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

iv
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

v
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay


upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 7.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

 Nailalarawan ang mga Yamang Likas ng Asya

Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa:


 Ang Mga Likas na Yaman ng Asya

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. natutukoy ang mga uri ng yamang likas ng kontinente ng Asya;
2. natatalakay ang mga pangunahing likas na yaman na matatagpuan dito; at
3. nasusuri ang kaugnayan ng pisikal na katangian ng bawat rehiyon ng Asya
sa mga uri ng likas na yamang matatagpuan dito.

Mga Tala para sa Guro


Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang
maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang
konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing
pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.
1. Ano ang pinakamalaking kontinente sa daigdig?
A. Australia C. Africa
B. Asya D. Antartica

2. Sagana sa yamang pangisdaan ang rehiyong ito ng Asya, pangunahin itong


tagapagluwas ng malalaking itlog o caviar mula sa isdang sturgeon.
A. Timog Asya C. Timog Silangang Asya
B. Hilagang Asya D. Silangang Asya

3. Ang pagkakaroon ng _________ na klima ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya


ang dahilan upang maging masagana ang rehiyon sa mga likas na yaman.
A. nagyeyelo C. tropical
B. humid continental D. monsoon climate

4. Sa rehiyong ito ng Asya nagmumula ang pinakamalaking produksyon ng petrolyo


sa mundo.
A. Kanlurang Asya C. Timog Asya
B. Silangang Asya D. Hilagang Asya

5. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang kagubatang taiga o coniferous kung


saan kadalasang tumutubo ang mga puno ng pino o pine trees at fir na ginagamit
na kahoy sa paggawa ng bahay?
A. Timog Asya C. Hilagang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya

6. Ang rehiyon na ito ng Asya ay katatagpuan ng malawak na lambak at kapatagan


dahilan upang pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga tao dito.
A. Hilagang Asya C. Timog-Silangang Asya
B. Silangang Asya D. Timog Asya

7. Ito ay bansa sa Kanlurang Asya na sagana sa mina ng langis, kaugnay nito naging
pinakamalaking tagapagluwas ito ng petrolyo sa buong daigdig.
A. Saudi Arabia C. Malaysia
B. India D. Oman

8. Ang Hilagang Asya ay katatagpuan ng malawak na damuhan na nagsisilbing


pastulan ng mga alagang hayop. Sa kabila ng matinding lamig may isang bahagi
nito na pangunahing pinagmumulan ng yamang gubat partikular ng troso ng
nasabing rehiyon. Saan ito matatagpuan?
A. Armenia C. Siberia
B. Kyrgyzstan D. Tajikistan

2
9. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya na sagana sa yamang
likas. Sa katunayan ang bansang ito ang nangunguna sa pagluluwas ng mga
produktong __________ at _________ sa buong mundo.
A. barley at oats C. langis ng niyog at kopra
B. ginto at uling D. rubber at jute

10. Ang Silangang Asya ay ang nangunguna sa pagluluwas ng telang sutla (silk) sa
daigidig dahil sa nagagawa nilang mag-alaga ng napakaraming silkworm sa
pamamagitan ng pagtatanim ng maraming puno ng mulberry. Saang bansa
makikita ang pagpaparami ng mulberry tree?
A. China C. South Korea
B. Japan D. Taiwan

11. Sagana sa likas na yaman ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya dahil na rin sa
tropikal na klimang nararanasan dito, maliban sa isang bansa nito na maliit
lamang ang lupang agrikultural ngunit nagsisilbing sentro ng kalakalan at
komersyo ng rehiyon?
A. Cambodia C. Thailand
B. B.Vietnam D. Singapore

12. Ang bansang ito sa Timog-Silangang Asya ay may malaking deposito ng langis
at natural gas, gayundin ang 35% ng liquefied gas sa buong daigdig.
A. Malaysia C. Indonesia
B. Singapore D. Brunei

13. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa at
mga ilog na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Anong mga ilog ang
matatagpuan sa India na gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng
Timog Asya?
A. Ilog Huang Ho at Yangtze C. Ilog Tigris at Euphrates
B. Ilog Indus at Ganges D. Ilog Panuco at Santiago

14. Ito ang pinakamahalagang pananim na agrikultural ng Timog Asya.


A. palay C. opyo
B. gulay D. tubo

15. Ang Hilagang Asya ay binubuo ng malawak na damuhan na nagsisilbing


pastulan ng mga alagang hayop tulad ng baka at tupa. Ang baka ay
pinagmumulan ng gatas at karne samantalang ang tupa naman ay
pinagmumulan ng__________________.
A. telang sutla C. bulak
B. telang lana D. sugar beets

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay


madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan
pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

3
Aralin
Ang Mga Likas na Yaman
1 ng Asya

Ang Asya ang pinakamalaki sa pitong kontinente sa


diagdig. Katatagpuan ng malalawak na lupain at napapaligiran
ng malalaking anyong tubig Ang pisikal na katangian ito ang
dahilan kung bakit ang Asya ang may pinakamasagang
kapaligiran. Halina’t ating tuklasin ang yamang likas sa Asya!

Balikan

Napag-aralan mo sa nagdaang aralin ang tungkol sa katangiang pisikal ng


Asya at ang kung paano nito naimpluwensiyahan ang buhay ng mga taong
naninirahan dito. Bago ka magsimula sa bagong aralin, magbalik-aral ka sa iyong
mga natutuhan sa pamamagitan ng pagsagot sa talahanayan sa ibaba.

KATANGIANG PISIKAL NG ASYA


Rehiyon Hugis Klima Vegetation Anyong Anyong
Cover Lupa Tubig
Hilagang Asya

Silangang Asya

Timog Asya

Timog-Silangang
Asya
Kanlurang Asya

Sagutin ang mga tanong:


1. Batay sa iyong sagot sa talahanayan, ano kaya ang posibleng pangunahing
hanapbuhay sa bawat rehiyon ng Asya?
2. Paano naaapektuhan ng klima at vegetation cover ang pamumuhay ng mga
Asyano sa bawat rehiyon?

4
Tuklasin

TIC TAC TOE

Panuto: Buoin ang Tic Tac Toe sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga


hinihinging kasagutan sa mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1
2
3 K
4 A
5
6 Y
7 A
8
9
10 N

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang pangunahing produktong iniluluwas ng mga bansa sa Kanlurang Asya


partikular na ang bansang Saudi Arabia, UAE, Kuwait, at iba pa?
2. Ano ang pinakamalaking bansa sa Timog Asya?
5. Anong rehiyon sa Asya ang kinabibilangan ng mga bansang China, South at North
Korea, Japan, Taiwan at Mongolia?
8. Ito ay tumutukoy sa puno na pinamamahayan at nagsisilbing pagkain ng mga
silkworm.
9. Ito ang pinakamalaking kontinente sa mundo.

Ngayon, bilugan mo ang mga unang hanay ng letra pababa. Anong salita ang
iyong nabuo?

Iyan ang ating bibigyang diin sa araling ito. Alam mo ba na ang ating bansa
ay biniyayaan ng mga likas na yaman? Sa likas na yaman nanggagaling ang mga
pangunahing kailangan ng mga tao at ng bansa. Kaugnay nito, naisip mo ba kung
ano-ano ang mga ipinagmamalaking yamang-likas ng Asya?

5
Suriin

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig, na bumubuo sa


humigit-kumulang 30 porsiyento ng lupa ng buong mundo. Ito rin ang kontinenteng
itinuturing na may pinakamaraming tao sa mundo na may halos 60 porsiyento ng
kabuuang populasyon. Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon: Hilagang Asya,
Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, at Kanlurang Asya. Bawat
rehiyon ay nagtataglay ng iba’t ibang uri ng klima dahilan upang magkaroon ito ng
iba’t ibang likas na yaman.

Legend:

HILAGANG ASYA TIMOG-SILANGANG ASYA

SILANGANG ASYA KANLURANG ASYA

TIMOG ASYA

Ang posisyon ng Asya sa mga merkado o pamilihan sa buong mundo ay


tumaas nang malaki sa huling kalahating siglo. Ngayon, ang mga bansang Asyano
ay nagranggo bilang ilan sa mga nangungunang tagagawa ng maraming mga
produktong agrikultural, kagubatan, pangingisda, pagmimina, at pang-industriya.
Mula sa yamang lupa, yamang tubig, yamang mineral, at yamang kagubatan. Gaano
nga ba kayaman ang mga rehiyon ng Asya? Halina’t ating tuklasin!

6
Yamang Lupa

Ang HILAGANG ASYA ay nakakaranas ng Yamang Tubig


nagyeyelong klima dahilan upang hindi tumubo ang
mga puno at halaman. Sa kabila nito ay may mga Sa yamang
yamang likas pa rin na pinagmumulan ng kanilang pangisdaan, pangu-
kita at kabuhayan. Binubuo ito ng malawak na nahing tagapagluwas
damuhan na nagsisilbing pastulan ng mga alagang ang rehiyon ng
hayop tulad ng baka at tupa na pangunahing caviar. Ito ang itlog
pinagmumulan ng karne, gatas at telang lana. ng mga malalaking
Kabilang din dito ang mga pananim tulad ng trigo, isdang sturgeon na
palay, barley, bulak, sugar beets, sibuyas, likas sa rehiyong ito.
mansanas at tabako.

Yamang Mineral

Yamang Kagubatan Ang deposito ng ginto mula sa Kyrgyzstan


ang tinatayang pinakamalaki sa buong mundo,
Sa bahagi lamang ng sa kabila nito itinuturing pa rin na may
Siberia umaasa sa yamang pinakamalaking produksyon ng ginto ay ang
gubat ang rehiyon. Dito Uzbekistan. Ipinagmamalaki naman ng
matatagpuan ang malawak Tajikistan ang tatlong uri ng yamang mineral na
na kagubatang coniferous nagmumula sa kanilang bansa. Ang metalikong
kung saan kadalasang mineral tulad ng ginto, panggatong tulad ng
tumutubo ang mga puno ng natural gas na pangunahing industriya sa
Turkmenistan, at industriyal na metal tulad ng
pino o pine trees at fir.
phosphate.

7
Yamang Lupa Yamang Tubig

Ang SILANGANG ASYA ay Dito matatagpuan ang mga


kakikitaan ng iba’t ibang yamang lupa, yamang tubig tulad ng Ilog Huang
maliban lamang sa mabuhangin na Ho at Ilog Yangtze, ang
lupa sa Mongolia. Subalit, dito rin pinakamahabang ilog sa Asya na
matatagpuan ang Gobi Desert na umaabot sa 6,300 kilometro. Ang
siyang pinakamalaking disyerto sa mga ilog na ito ay hindi lamang
Asya. nagsilbing mapagkukunan ng
Matatagpuan sa Katimugang kabuhayan para sa mga
bahagi ng China ang 7% ng lupa ng mamamayan, ito rin ay naging
buong mundo na nagsisilbing taniman lundayan ng sibilisasyon.
ng rehiyon kung saan inaani ang
Sa pagkakataong umaapaw
palay. Gayundin ang mga pananim na
ang tubig mula sa ilog Huang Ho
gulay, tubo, bulak, kamote, tsaa,
malaking tulong ito upang maging
maging ang repolyo na mahalagang
gulay para sa mga Chinese. Ang mga mataba ang lupang taniman ng mga
alagang hayop ay kadalasang naninirahan malapit dito. Nag-
katuwang ng tao sa iiwan ito ng kulay dilaw na banlik
paghahanapbuhay. na kung tawagin ay loess.

Yamang Mineral Yamang Kagubatan

Nagmumula sa China ang Nagpaparami ng mulberry


pinakamalaking deposito ng tree sa Japan dahil nagsisilbi itong
antimony (mineral na ginagamit sa pagkain ng mga silkworm na
paggawa ng bakal), tungsten, kinakailangan upang matustusan
(mineral na ginagamit sa paggawa ng ang pangangailangan ng mga
bombilya) magnesium at carbon. industriya sa telang sutla o silk.

8
Yamang Lupa

Ang TIMOG ASYA ay nakakaranas ng klimang humid-continental at


binubuo ng mga lambak-ilog, kapatagan, at talampas dahilan upang
pagsasaka ang maging pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga tao
dito. Inaani mula sa rehiyon ang palay na pinakamahalagang pananim na
agrikultural, gayundin ang trigo, tubo, at mga gulay. Ang India rin ang
pangunahing prodyuser ng jute, matigas na hiblang ginagawang sako sa buong
daigdig. Sa bahagi naman ng Afghanistan tanyag ang pagtatanim ng opyo
ngunit ipinagbabawal ito ng pamahalaan dahil ang hindi tamang paggamit nito
ay makasasama sa kalusugan. Sa bahagi naman ng Afghanistan at Bangladesh
pag-aalaga ng hayop ang pangunahing kabuhayan.

Yamang Tubig

Matatagpuan sa
Indian Ocean ang iba’t
ibang yamang tubig ng
rehiyon. Ang makapal na
puno ng bakawan na
nagsisilbing tahanan ng
mga isda ay matatagpuan
naman sa bahagi ng Yamang Kagubatan
baybayin ng Pakistan. Ang yamang gubat ng
rehiyon ay matatagpuan sa
gulod ng Himalayan Mountain
Range sa Nepal. Mga puno ng
mahogany at iba’t ibang uri ng
Yamang Mineral palm tree sa timog-kanlurang
bahagi ng Sri Lanka, gayundin
Limestone, natural gas, langis, ang kagubatan ng evergreen sa
tanso, asin, at gypsum ang mga mineral na dakong gitna, at mga puno ng
matatagpuan sa rehiyon. Sa India naman ebony at satinwood sa bahaging
makikita ang maraming reserba ng bakal silangan at hilaga ng nasabing
at karbon. bansa.

9
Yamang Tubig Yamang Lupa

Malawak ang katubigang Ang TIMOG SILANGANG ASYA ay


bahagi ng rehiyon kung saan may tropikal na klima dahilan upang
matatagpuan ang iba’t ibang uri maging sagana ang rehiyon sa mga likas na
ng isda, shellfish, at halamang yaman. Ito ay katatagpuan ng malawak na
dagat. Isa pa sa lambak tulad sa Myanmar na matatagpuan
ipinagmamalaki ng rehiyon ay sa Ilog Irrawaddy at Ilog Sitang dahilan
ang mga perlas sa katubigan ng upang maging mataba ang lupa sa nasabing
Pilipinas. Ang mga ilog ay lugar. Gayundin sa Cambodia sa paligid ng
pinagtatayuan ng mga dam na Mekong River at Tonle Sap. Ang Pilipinas
maaaring pagkuhanan ng ang siyang nangunguna sa pagluluwas ng
kuryente na tinatawag na langis ng niyog at kopra samantalang ang
hydroelectricity. Thailand naman ang pinakamalaking
prodyuser ng rubber sa buong daigdig.
Inaalagaan din sa rehiyon ang mga hayop
tulad ng kalabaw, kambing, baboy at manok
na pinagmumulan ng mga karne. Sa
agrikultura nakadepende ang kabuhayan ng
mga mamamayan.

Yamang Kagubatan
Nagsisilbing tahanan ng iba’t ibang uri
Yamang Mineral
ng unggoy, ibon, at reptilya ang malawak na
kagubatan ng Myanmar at Brunei. Sa Mahigit 80% ng langis at
Myanmar din makikita ang pinakamaraming 35% ng liquefied gas ng
punong teak habang ang punong palm at rehiyon ay nagmumula sa
matitigas na kahoy tulad ng apitong, yakal, Indonesia. Ang Malaysia ay isa
lauan, narra, kamagong, ipil, mayapis, at pa sa mga bansa na
mga halamang dapo ay matatagpuan sa napagkukuhanan ng liquefied
Pilipinas na ginagamit sa paggawa ng mga gas. Tanso naman ang
bahay at furniture. nagmumula sa Pilipinas.

10
Yamang Lupa Yamang Mineral

Ang KANLURANG ASYA ay Sagana sa yamang mineral


nakakaranas ng sobrang init at ang rehiyon tulad ng langis at
walang masyadong pag-ulan dahilan petrolyo. Binubuo ito ng mga
upang matuyo ang mga ilog at lawa bansang Arabo na kinabibilangan ng
dito. Sa kabila nito, nagtatanim ang Saudi Arabia, na nangunguna sa
mga naninirahan dito partikular na produksiyon ng petrolyo sa buong
sa Iran ng trigo, barley, palay, bulak, mundo. Malaki rin ang produksiyon
mais, tabako at mga prutas sa mga ng langis sa United Arab Emirates
oasis. Pangunahing produkto naman (UAE), Kuwait, Iran, Iraq, at Oman.
sa Iraq ang dates at dalandan Mayaman din ang rehiyon sa
naman ang sa Israel. Sa mga bauxite, (isa sa pinakagamiting
bulubundukin at disyertong bahagi metal na ginagamit sa produksiyon
ng rehiyon tulad ng Saudi Arabia, ng eroplano, riles, at sasakayang de
Turkey, Syria, Iran, at Iraq ang pag– motor) tanso, potash, zinc,
aalaga ng hayop ang isa pa sa magnesium, phospate at marami
kanilang ikinabubuhay. pang ibang mineral.

Ang pisikal na kapaligiran at klima na nararanasan ng bawat


rehiyon ang pangunahing dahilan kung bakit magkakaiba ang mga klase
o uri ng mga likas na yaman na maaaring matagpuan dito. Nakabatay dito
ang uri ng kabuhayan ng mga mamamayang naninirahan sa rehiyon.

11
Pagyamanin

A. Thumbs Up or Thumbs Down: Tama o Mali


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. IKAHON ang THUMBS
UP Emoji kung TAMA ang pangungusap at THUMBS DOWN Emoji kung
MALI. Isulat ang sagot sa nakalaang sagutang papel.

1. Ang mga ilog na Huang Ho at Yangtze na nagsilbing lundayan


ng sibilisasyon ay matatagpuan sa bansang India.

2. Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang-mineral na bauxite.

3. Mahigit 80% ng langis sa Timog-Silangang Asya at 35% ng


liquefied gas sa buong mundo ay nagmumula sa Indonesia.

4. Ang Turkmenistan ay kilala sa pagkakaroon ng tatlong uri ng


yamang mineral - metaliko, panggatong, at industriyal.

5. Nakabatay sa pisikal na kapaligiran ang uri ng kabuhayan ng


mga taong naninirahan dito.

B. Fill in the Box! Ready…Set…Go!


Panuto: Punan ng nawawalang letra ang bawat kahon upang mabuo ang salita na
tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa nakalaang activity sheet.

S A 1. Ito ang tela na mula sa mga silkworm na inaalagaan sa bansang


Hapon sa pamamagitan ng pagpaparami ng puno ng mulberry.
L E 2. Ang kulay dilaw na banlik na iniiwan ng pag-apaw ng tubig mula
sa ilog Huang Ho dahilan upang maging mataba ang lupang
taniman ng mga naninirahan malapit dito.

O Y 3. Isang uri ng halamang tanyag na itinatanim sa Afghanistan


ngunit ipinagbabawal ng pamahalaan dahil maaaring
makasama sa kalusugan.
L Y 4. Ito ang pinakamahalagang pananim na agrikultural sa rehiyon
ng Timog Asya.

P T L 5. Ito ang pangunahing produktong iniluluwas ng


Kanlurang Asya tulad ng Saudi Arabia.

12
C. Dahilan Mo…Ilalahad Ko!

Panuto: Isulat sa loob ng cloud callout ang mga dahilan o salik na


nakakaapekto sa pagkakaiba-iba ng mga likas na yaman ng bawat

Mga Salik na
Nakakaapekto sa
Pagkakaiba-iba
ng mga Likas na
Yaman

D. Treasure Hunting: Yaman…Nasaan Ka?


Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag na makikita sa bawat layag ng
bangka. Piliin ang sagot mula sa treasure island. Isulat ang sagot sa nakalaang
activity sheet.

13
E. Tayo nang mag – Sort It Out!

Panuto: Suriin ang mga likas na yaman at bansa na makikita sa loob ng


kahon. Pangkatin ang mga ito sa kolum na kanilang kinabibilangan at
isulat ang uri ng likas na yaman (Yamang Lupa, Yamang Tubig, Yamang
Gubat o Yamang Mineral). Isulat din kung saang rehiyon sa Asya ito
matatagpuan. Sundan ang halimbawa na makikita sa talahanayan bilang
pasimula sa gawain. Isulat ang sagot sa nakalaang activity sheet.

1. Saudi Arabia – Petrolyo 6. China – Palay 11. Tajikistan – Natural gas


2. Afghanistan – Opyo 7. Iraq – Dates 12. India – Palay
3. Japan – Silkworm 8. Sri Lanka–Mahogany 13. Kyrgyzstan - Ginto
4. Pilipinas – Kopra 9. Pakistan–Bakawan 14. Siberia–Coniferous Tree
5. Israel – Dalandan 10. Indonesia–Liquified Gas 15. Myanmar – Teak

Likas na Yaman Uri ng Likas na Bansa Rehiyon sa Asya


Yaman
Hal. Langis ng Niyog Yamang Lupa Pilipinas Timog-Silangang Asya
1.
2.
3.
5.Israel – Dalandan
4. 10. Indonesia – Liquified Gas 15. Myanmar – Teak
Tree
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.

14
F. Crossword Puzzle: Halina’t Buuin!
Panuto: Sa pamamagitan ng crossword puzzle, hanapin ang mga salitang tinutukoy
ng mga pahayag sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

PAHALANG PABABA

4. Ito ang pinakamalaking 1. Hayop na pangunahing


kontinente sa daigdig. pinagkukunan ng telang lana
6. Bansa sa Timog Asya na 2. Ano ang pinakamalaking
disyerto sa Asya na makikita
pangunahing prodyuser ng
sa bansang Mongolia?
jute sa buong mundo. 3. Ano ang pangunahing
8. Klima sa Hilagang Asya na ikinabubuhay ng mga tao sa
sanhi kung bakit hindi bansang matatagpuan sa
madalas na tumutubo ang Timog Asya?
mga puno at halaman. 5. Ano ang pinakamalaking
10. Saang bansa matatagpuan produktong ipinoprodyus ng
bansang Thailand?
ang pinakamaraming puno ng
7. Saang rehiyon sa Asya
teak sa buong mundo? nasasakop ang mga bansang
Muslim ng Afghanistan at
Pakistan.
9. Ano ang pangunahing
yamang mineral na
matatagpuan sa Pilipinas?

15
Isaisip

Mga Pamprosesong Tanong

Panuto: Suriin at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang ibig sabihin ng likas na yaman? Isa-isahin mo nga ang mga
pangunahing likas na yaman ng bawat rehiyon ng Asya.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang mga likas na yaman?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

3. Iugnay ang mga uri ng likas na yaman sa klase ng pamumuhay ng mga tao sa
bawat rehiyon ng Asya.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Sa lumalaking dami ng populasyon ng bansa, ano ang mabuting solusyon upang


matugunan ang pangangailangan ng mga tao sa likas na yaman tulad ng pagkain
kung patuloy naman ang pagliit ng lupang pinanggagalingan nito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Paano mo maipapakita ang wasto at maingat na paggamit ng likas na yaman lalo


ngayong ang buong mundo ay dumaranas ng krisis sanhi ng Covid-19 Pandemic?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

16
Isagawa

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya kung saan


tayo naninirahan. Ano-anong yamang likas ang ipinagmamalaki sa
inyong lugar o bayan? Paano ito nakatutulong sa pag-unlad ng inyong
pamumuhay at paano nito hinubog ang inyong kultura?

_____________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
__________________

_____________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
_________________________________________

17
Tayahin

A. Panuto: Basahin at unawain ang isinasaad sa bawat bilang. Piliin at


isulat sa kwaderno ang letra ng iyong sagot. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Ang India ay katatagpuan ng malawak na taniman dahilan upang ito ay maging


isang agrikultural na bansa. Ano ang pinakamahalagang likas na yaman sa
nasabing bansa?
A. yamang lupa
B. yamang tubig
C. yamang gubat
D. yamang mineral

2. Ang mga ilog sa Timog-Silangang Asya ay pinagtatayuan ng mga dam na


maaaring pagkunan ng kuryente na tinatawag na__________________________.
A. solar electricity
B. hydroelectricity
C. static electricity
D. current electricity

3. Ang pagkakaroon ng _________ na klima ng mga bansa sa Timog-Silagang Asya


ang dahilan upang maging masagana ang rehiyon sa mga likas na yaman.
A. tropikal
B. humid continental
C. monsoon climate
D. nagyeyelo

4. Ang bansang Afghanistan ay kilala sa pagtatanim ng __________ ngunit ang hindi


tamang paggamit nito ay makasasama sa kalusugan ng tao.
A. sugar beets
B. tabako
C. jute
D. opyo

5. Pangunahing tagapagluwas ng mga produktong petrolyo ang Kanlurang Asya.


Anong uri ng likas na yaman sagana sa rehiyon?
A. yamang lupa
B. yamang tubig
C. yamang gubat
D. yamang mineral

18
6. Ang Timog-Silangang Asya ay mayroong malawak na katubigan kung saan
matatagpuan ang iba’t ibang uri ng isda at shellfish. Bukod sa pagsasaka, ano
pa ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Asyano na naninirahan dito?
A. pagmimina
B. pag-aalaga ng Hayop
C. pangingisda
D. pagtotroso

7. Alin sa mga sumusunod na karagatan ang napagkukunan ng iba’t ibang yamang


tubig sa Timog Asya?
A. Indian Ocean
B. Pacific Ocean
C. Arctic Ocean
D. Atlantic Ocean

8. Ang rehiyong ito sa Asya ay kakikitaan ng malalawak na taniman ng mga


pananim na agrikultural. Ano ang pinakamahalagang pananim na agrikultural
ng Timog Asya?
A. palay
B. gulay
C. opyo
D. tubo

9. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa at
mga ilog na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Anong mga ilog ang
matatagpuan sa India na gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng
Timog Asya.
A. Ilog Huang Ho at Yangtze
B. Ilog Indus at Ganges
C. Ilog Tigris at Euphrates
D. Ilog Panuco at Santiago

10. Mahalagang produkto ang dagta ng rubber tree. Anong bansa sa Timog-
Silangang Asya pangunahing prodyuser ng rubber sa buong daigdig?
A. Indonesia
B. Pilipinas
C. Thailand
D. Myanmar

B. Analohiya

Panuto: Batay sa ugnayan ng unang pares sa bawat bilang, pumili ng wastong sagot
para sa ikalawang pares. Pillin at isulat ang titik ng tamang sagot.
11. Myanmar: Ilog Irrawady at Ilog Sitang;
_______________: Mekong River at Tonle Sap
A. Pilipinas B. Brunei C. Cambodia D. Malaysia

12. Saudi Arabia: Petrolyo; Kyrgyzstan: _______________


A. Tanso B. Karbon C. Bakal D. Ginto

19
13. Coniferous tree: Siberia; Mulberry tree: _______________
A. China B. Japan C. South Korea D. Mongolia

14. Telang lana: Hilagang Asya; Telang sutla: _______________


A. Timog Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya

15. silkworm: silk; sturgeon: _______________


A. caviar B. barley C. sugar beets D. gatas

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo


sinukuan ang unang paksa sa ating modyul. At handa ka ng
harapin ang mga susunod na paksa sa ating modyul. Kung
iyong nanais, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa
karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa
sa aralin. Muli ang aking pagbati!

Karagdagang Gawain

Gawain 1

Panuto: Itapat ang mga likas na yaman sa tamang bansa o sa Asya kung saan ito
matatagpuan sa pamamagitan ng paglalagay ng linya patungo sa titik ng tamang
sagot.

20
Gawain 2

Panuto: Punan ng sagot ang graphic organizer. Isulat sa loob ng bawat kahon ang
kapakinabangang dulot ng mga likas na yaman na matatagpuan sa bawat rehiyon.

Hilagang Asya

Silangang Asya

Timog Asya

Timog-Silangang Asya

Kanlurang Asya

21
22
THUMBS UP OR FILL IN THE BOX!
SUBUKIN TUKLASIN
THUMBS DOWN
1. B 1. SUTLA
2. B 1. L
2. LOESS
3. C 2. I
3. OPYO
4. A 3. S 1. 4. PALAY
5. C 4. M
5. PETROLYO
6. D 5. A 2.
7. A TREASURE HUNTING
8. C Nabuong 3.
9. C Salita:
1. IRAQ
10. B LIKAS YAMAN 4. 2. HYDROELECTRICITY
11. D 3. INDIA
12. C 5. 4. CHINA
13. B 5. STURGEON
14. A
15. B
SORT IT OUT! CROSSWORD
TAYAHIN
PUZZLE
1. Yamang Mineral Kanlurang Asya
2. Yamang Lupa Timog Asya 1. TUPA 1. A
3. Yamang Gubat Silangang Asya 2. GOBI DESERT 2. B
4. Yamang Lupa Timog Silangang Asya 3. PAGSASAKA 3. A
5. Yamang Lupa Kanlurang Asya 4. ASYA 4. D
6. Yamang Lupa Silangang Asya 5. RUBBER 5. D
7. Yamang Lupa Kanlurang Asya 6. INDIA 6. C
8. Yamang Gubat Timog Asya 7. TIMOG 7. A
9. Yamang Tubig Timog Asya 8. NAGYEYELO 8. A
9. TANSO 9. B
10. Yamang Mineral Timog Silangang Asya
10. MYANMAR 10. C
11. Yamang Mineral Hilaga Asya
11. C
12. Yamang Lupa Timog Asya
12. D
13. Yamang Mineral Hilagang Asya
13. B
14. Yamang Gubat Hilagang Asya
14. C
15. Yamang Gubat Timog Silangang Asya 15. A
KARAGDAGANG GAWAIN
KARAGDAGANG
(GAWAIN 2)
GAWAIN
 HILAGANG ASYA – Caviar, Ginto, Natural gas,
(GAWAIN 1) Phosphate, Coniferous trees
1. B  SILANGANG ASYA – Palay, Antimony, Tungsten,
2. C Magnesium, Karbon, Silkworm
3. E  TIMOG SILANGANG ASYA – Langis ng niyog at kopra,
4. A Apitong, Yakal, Lauan, Narra, Kamagong, Teak, Langis,
5. D Liquefied gas, Tanso
 TIMOG ASYA – Palay, Opyo, Bakawan, Bakal at Karbon
 KANLURANG ASYA – Langis at Petrolyo, Dates,
Dalandan, Bauxite, Tanso, Potash, Zinc, Magnesium,
Phosphate
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa Sa Gitna
Ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education
Bureau of Learning Resources.
"Modyul I: Heograpiya Ng Asya". 2020. Deped LR Portal. https://lrmds.deped.gov.ph
/detail/6012.
"Most Essential Learning Competencies (Melcs)". 2020. Learning Resource
Management and Development System. https://lrmds.deped.gov.ph/
download/18275.
Vivar, Teofista L. et al. 2000. Araling Panlipunan II ASYA: Noon, Ngayon, At Sa
Hinaharap. Quezon City: SD Publications, Inc.

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)

Telephone Number: (045) 598-8580 to 89

E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like