You are on page 1of 2

Ang Kwento ng Gamugamo

Tinuruan si Jose ni Donya Teodora na bumasa sa wikang


Kastila. Isang gabi binigyan niya si Jose ng isang aklat, EL
AMIGO DE LOS NINOS. Sa Tagalog ang ibig sabihin nito
ay "ANG KAIBIGAN NG MGA BATA". 

Heto ang isang aklat, Jose ang sabi ng Nanay niya. Tignan
mo kung mababasa mo ito. Tinignan ni Jose Kung
mababasa niya ang aklat sa kastila, ngunit hindi niya ito
mabasa. Kinuha ng Nanay niya ang aklat at ito ang sinabi
niya. " Ah, hindi ka pa makababasa sa wikang Kastila.
Makinig ka at babasahin ko ito para sa iyo." Nang buksan
niya ang aklat, nakita niyang maraming drowing ang mga
pahina nito. 

"Sino ang may gawa ng mga nakakatawang mga larawan


ito? Ang tanong niya. :Ako po, Nanay". "Ah ! pilyo kang
bata. Mula ngayon huwag mong guguhitan ng kung anu-
anong mga larawan ang mga pahina ng alinmang aklat?". 

Matapos mapagalitan si Jose nagsimula na siyang


magbasa sa liwanag ng ilaw ang langis. Sa simula,
nakikinig si Jose sa kanyang pagbabasa. Hindi naglaon
nawalan na siya ng kawilihan. Hindi niya maunawaan ang
binabasa ng Nanay niya. Natawag ang pansin niya sa
ningas ng ilawang langis. 

Napansin ni Donya Teodora na hindi nakikinig si Jose sa


kanyang binasa. Isinara niya ang aklat. "Makinig ka sa
akin, Jose," ang sabi niya. "May ikukuwento ako sa iyo."
"Nakikinig po ako, Nanay." Sinimulan basahin ng Nanay
ang kuwento ng "Batang Gamugamo". Binasa niya ang
kuwento sa wikang kastila. Pagkatapos, ikinuwento niya
ito kay Jose sa Tagalog para maunawaan ito ng bata. 

Pagkatapos ng kuwento ni Donya Teodor, tinanong niya si


Jose. " Alam mo ba ang nangyari sa munting
gamugamong hindi sumunod sa kanyang ina? Ang mga
batang hindi sumusunod sa kanilang mga magulang ay
makakatulad din ng batang gamugamo. Hindi naniwala si
Jose sa paalaala ng Nanay niya, para sa kanya , maganda
ang ningas ng ilaw. Ang ningas na iyon ay kumakatawan
sa isang mithiin sa buhay. Isang karangalan para kanino
mang tao ang mamatay para sa kanyang mithiin katulad
ng munting gamugamo. At gaya ng batang gamugamo
siya ay nakatakdang mamatay na martir para sa isang
dakilang mithiin.

You might also like